Mag-log inBago tuluyang bumalik sa Villa Real, may isang lugar pa na kailangang puntahan ni Miguel.Hindi pa siya handang harapin ang board, hindi pa siya handang harapin ang malaking mansyon na puno ng alaala ni Doña Lila. May dalawang maliliit na tao pa siyang kailangang puntahan.Ang kambal na anak si Yumi at Sky. Kung may isang bagay ang pinakamahirap na gawin ni Miguel sa loob ng dalawang taon mula nang maghiwalay sila ni Joanne, iyon ay ang mamaalam sa mga Anak. At ngayon, sa muling pagbabalik niya bilang isang CEO ng Villanueva Corp kailangan niyang ipaalam na aalis na siya sa payapang mundo at haharapin ang tunay niyang buhay. “Kuya? Sigurado ka ba sa disisyon mo?” Tanong ni Mariz. “Oo naman Mariz, siguro ito na ang tamang oras para mamuno ulit sa Villanueva Corp. Maraming naghihintay sa akin alam mo yon. Ito ang buhay ko Mariz, hanggat nabubuhay ako. Kailangan kong protektahan ang negosyo na sinimulan ni Lolo para sa atin.” Malungkot na sabi ni Miguel. Hapon na nang dumating si M
Hindi inakala ni Miguel na sa mismong Migs Brew pa niya ulit muling makakaharap si Carmen.Akala niya titigil na ito. Pero hindi pa pala. Inakala niya umalis na ito matapos niyang paalisin sa reception. Napatawa na lamang siya ng maisip na gagawin talaga ng mga taong mukhang pera ang lahat. Makuha lang ang kagustuhan. Alas-otso pa lamang ng umaga at pagka bukas pa lang ng maliit na coffee shop. Tahimik pa ang paligid. Sa loob ng halos dalawang taon, ito ang naging mundo ni Miguel. Mula nang maghiwalay sila ni Joanne, tinalikuran niya ang marangyang buhay sa Villa Real at ang posisyon niya sa Villanueva Corp. Dito sa Migs Brew, hindi siya ang CEO, hindi siya ang tagapagmana. Isa lamang siyang simpleng may-ari ng cafe na payapa ang buhay. Para masubaybayan ang mga anak. Akala niya, sa paglayo niya, matatapos na ang lahat ng gulo ng pamilya Villanueva.Pero nagkamali siya.Bumukas ang salaming pinto ng Migs Brew at pumasok ang isang babaeng naka-pulang blazer at mamahaling high heels, k
Magarbo ang bulwagan ng Smith Grand Ballroom. Ang bawat sulok ay pinuno ng mga kristal na ilaw, ng mabangong puting rosas, at ng mahinang tugtog ng violin. Ito ang gabi na pinakahihintay ni Joanne. Ang gabi kung saan sa wakas ay tatawagin na siyang Mrs Delos Reyes.Suot niya ang simpleng off-shoulder gown na pinili mismo ni Vince. Walang masyadong bato, walang masyadong kinang, pero ng husto sa kanya ang dress na yon. Sa tabi niya ay nandoon si Vince , gwapong-gwapo sa kanyang black tuxedo, at hindi binibitawan ang kanyang kamay. Sa kabilang mesa ay masayang nagkukwentuhan sina Mariz at ng iba pa. Akala ni Joanne, perpekto na ang lahat. Magiging masaya na siya pagkatapos non. Isang malakas na kalabog ang pumuno sa tahimik na musika at lahat ng ulo ay napalingon. Isang babae ang pumasok na naka-pulang gown na hapit na hapit sa katawan, may malaking sunglasses kahit gabi, at may apat na bodyguard sa likod. Si Carmen.Ang kapatid ni Doña Lila. Ang babaeng matagal nang nasa US at hind
Akala ng lahat tapos na ang seremonya pero hindi pa pala. Dahil magpapalitan pa ng vows si Joanne at Vince na pinag handaan talaga nila. "May vows pa ba kayo? Yung sarili niyong sulat? Kasi sabi ni Ma'am Joanne sa akin kahapon, may babasahin daw kayo na hindi kasama sa civil script," sabi ni Judge habang inaayos ang libro niya.Nagkatinginan si Joanne at si Vince. Ito yung parte na pinaghandaan nila ng dalawang gabi , pero hindi nila pinakita sa isa't isa."Joanne, ikaw na mauna?" tanong ni Vince.Umiling si Joanne, "Ikaw muna, Vince. Kasi pag ako nauna, baka hindi ka na makapagsalita sa iyak."Natawa ang maliit na pamilya sa likod ng marinig iyon.Tumayo si Vince, kinuha ang maliit na papel sa bulsa. Tiningnan niya muna si Joanne bago nagsalita. "Wife, hindi ako marunong magsulat ng maganda. Doktor ako, hindi writer. Kaya kung pangit yung vow ko, sorry," simula ni Vince na nanginginig ang boses."Unang beses kitang nakita sa Villa Real , may sugat ka sa kamay kasi nasugatan ka n
Masayang gumising si Joanne, habang may excitement sa mukha. Ang araw na iyon, ay ang araw na pinakahihintay niya. Masaya siyang tinititigan ang sarili sa salamin habang nakaharap sa malaking salamin. Kinakabahan siya sa araw ng kasal nila ni Vince. "Joanne, kinakabahan ka ba?" bulong ni Aiko kay Joanne habang inaayos ang buhok niya. "Kinakabahan ako, Aiko. Pero hindi katulad dati. Noong kinasal ako kay Miguel sa Villa Real, kaba na parang gusto kong tumakbo kasi sapilitan. Ngayon, kaba na parang gusto kong mapaiyak kasi sa wakas, ako na yung pumili," sagot ni Joanne na nanginginig ang kamay.Sa kabilang banda, naghihintay si Vince sa pagdating ni Joanne, abot-abot ang kaba sa dibdib niya. Dahil 1st time niyang ikasal sa babaeng minsan ng sinaktan at ninyo niya. Nakasuot siya ng simpleng polo at pants. Walang tuxedo, walang mamahaling relo. Hawak niya ang kamay ni Yumi na naka-puting dress din na kapares ni Joanne, at may hawak na ring box na maliit."Papa Vince, ready ka na ba
Matapos ang bachelor party nila Vince, nag handa naman si Mariz at AIKO ng bridal shower para kay Joanne. Mas excited pa sila kaysa sa magba-bridal shower. "Ate Joanne, surprise! Bridal shower mo sa mansion bukas, 3PM! Si Tita Margaret na ang mag-aayos," sabi ni Mariz sa group chat."Mariz, bakit sa mansion? Doon na lang sa Migs' Brew, simple lang," sagot ni Joanne."Hindi pwede, Ate! Dapat sa mansion! Gowwwn mo dapat ang suotin para sa pictorial!" sabi ni Aiko.Natawa na lamang si Joanne dahil sa kakulitan ng dalawa. "Okay, okay. Pero wag masyadong bongga, ha? Civil wedding lang naman."Kinabukasan, alas tres ng hapon, dumating si Joanne sa Smith Mansion na may mga balloons na puti. Talagang pinag handaan yon. "Ate Joanne, dito ka muna! Surprise!" sigaw ni Mariz na nagbukas ng gate.Pumasok si Joanne sa loob, at nakita niya ang mga babae — si Aiko, si Margaret, si Mariz,Si tita Elena at pati si Yumi na naka-mini wedding dress.Ganon na lamang ang tuwa niya ng makitang nandoon







