FAZER LOGINKuyom ang nga kamao ni Vince habang nagtitimpi ng galit na nakatayo sa labas ng glass window ng cafe.Hindi siya dapat nandoon. Dapat ay nasa bahay siya, nag-aalaga sa kambal. Pero hindi siya mapakali matapos ang nangyari sa banyo at sa sala kagabi. Ang positive pregnancy test, ang pag-amin ni Joanne tungkol sa isang gabi nila ni Miguel anim na buwan na ang nakalipas. Kaya sinundan niya si Joanne.At doon niya narinig ang lahat. "Anuman ang totoo, haharapin natin. Hindi kita pababayaan. Kung akin man yan o kay Vince, hindi ko kayo iiwan."Boses ni Miguel iyon. Boses ng lalaking akala niya ay tapos na sa buhay ni Joanne. Boses ng lalaking nangakong hindi na guguluhin ang pamilya nila.Nakakuyom ang kamao ni Vince. Gusto niyang pumasok, gusto niyang suntukin si Miguel, gusto niyang hilahin si Joanne palayo. Pero mas nangibabaw ang sakit.“Anim na buwan. Anim na buwan ko siyang minahal, inalagaan, tinanggap pati ang kambal na hindi ko anak. Tapos malalaman ko lang na sa huling gabi n
Hindi sumuko si Joanne kahit saan mag Punta si Vince sinusundan niya ito para ipaliwanag ang nangyayari. Takot na takot siyang baka pagising niya wala na si Vince sa tabi at buhay niya. Kaya hindi siya sumuko kakasunod dito. "Joanne... ano yon?" bakas sa boses ni Vince ang sakit habang nakayuko. Na Tila ba ay hindi pa rin kayang iprocess ng utak niya ang mga nangyayari. Napatayo si Joanne sa sahig ng sala, nanginginig ang kamay na hawak ang pregnancy test na may dalawang malinaw na guhit. Sa sofa ay naka-upo si Vince, Maga ang mga mata , gusot ang buhok, at ang mata ay nakatutok sa test na hawak ni Joanne."Vince... Vince, hindi ko... hindi ko alam kung paano—" Nauutal nasabi ni Joanne.Lumapit si Vince at kinuha ang pregnancy test sa kamay ni Joanne. Tinitigan niya ito nang matagal. Positive. Matapos sabihin ng doktor na false alarm lang, negative lang, pagod lang, ngayon ay positive.Napatawa siya saglit dahil inakala niyang wala talagang laman ang tiyan ni Joanne, kung mayron m
"Vince, feeling ko... buntis ako."Nanlalamig na sabi ni Joanne. Napatigil si Vince sa paghaplos sa likod ni Joanne. Nasa banyo sila non, alas-sais ng umaga. Maputla si Joanne, pawisan ang noo, at nanginginig ang kamay na nakahawak sa lababo."Buntis?" mahinang ulit ni Vince. Pero imbes na tuwa lang, may bahagyang takot sa boses ni Joanne na hindi niya agad naintindihan."Oo. Dalawang linggo na akong ganito. Nahihilo, nasusuka sa umaga, ayaw ko sa kape. Parang... parang nong same ng pinagbubuntis ko ang kambal," bulong ni Joanne.Walang sinayang na oras si Vince. Kumuha siya ng pregnancy test sa drawer at inibot kay Joanne. "Mag-test ka, Wife. Ngayon na."Sabi ni Vince na bakas sa boses ang excitement Tatlong minuto ang lumipas na parang tatlong oras.Dalawang linya malinaw na malinaw ang nakikita nilang dalawa."Positive, Wife ! Buntis ka nga!" Sigaw ni Vince at binuhat si Joanne sa tuwa. "Magiging Papa na ulit ako! Si Yumi at Sky , magkakaroon na ng kapatid!" Tuwang-tuwa na sabi
Anim na buwan ang lumipas.Anim na buwan mula nang bumalik si Miguel sa Villa Real bilang CEO dahil sa banta ni Carmen. Anim na buwan mula nang mag-honeymoon sa Singapore sina Joanne at Vince. Anim na buwan mula nang bisitahin ng kambal si Miguel ng tatlong araw sa mansyon.Maraming nagbago sa loob ng anim na buwan na iyon.Ang Villanueva Corporation na dati ay halos malugi dahil sa mga palihim na pagbebenta ni Carmen ng shares para sa casino nito sa US ngayon ay muling nakatayo at mas lumakas pa. Sa pamumuno ni Miguel, naibalik ang tiwala ng mga empleyado, naayos ang mga kontrata, at ang Villanueva Jewelry Shop na pamana ni Doña Lila ay muling binuksan at mas lalong dinarayo ng mga tao dahil sa bagong disenyo na si Yumi mismo ang nagbigay ng ideya.Hindi na rin palaging mainit ang ulo ni Miguel na laging nakasigaw. Natuto siyang balansehin ang pagiging boss sa lahat ng empleyado. Hindi na siya laging nakasigaw tulad nitong mga nakaraan araw. Tuwing alas tres ng hapon, humihinto ang la
Dalawang buwan matapos bumalik si Miguel sa Villa Real bilang CEO at matapos ang 3-day surprise visit ng kambal sa mansyon, sa wakas ay dumating na rin ang oras na matagal nang hinihintay nina Joanne at Vince.Ang honeymoon na ilang beses nang na-postpone dahil sa gulo ng Villanueva Corp, sa banta ni Carmen, at sa pag-aalaga sa kambal.Singapore.Hindi ito ang marangya at bonggang honeymoon na naranasan ni Joanne noon kasama si Miguel sa Europe. Walang private jet, walang limang-star na suite na may personal butler. Ito ay simpleng honeymoon, pero para kay Joanne, ito ang pinakamahalagang biyahe sa buong buhay niya. Dahil sa unang pagkakataon, ang kasama niya ay ang lalaking pinili siya at ang kambal nang buo, nang walang kondisyon.Si Vince.Sa Changi Airport pa lang, mag kahawak-kamay sina Joanne at Vince. Nakasuot ng simpleng floral DRESS si Joanne walang mamahaling alahas, ngunit ang ngiti niya ay mas kumikinang pa sa lahat ng ilaw sa airport. Si Vince ay nakangiti rin, bitbit ang
Tatlong linggo nang walang tigil sa trabaho si Miguel.Mula nang bumalik siya bilang CEO ng Villanueva Corp, halos sa opisina na siya nakatira. Ang malaking mansyon sa Villa Real ay malamig pa rin, tahimik pa rin, at walang ingay ng kambal. Ang tanging pahinga niya lamang ay ang alas-tres na tawag nina Yumi at Sky na ngayon ay naging daily routine na niya."Daddy, kumain ka na ba?" palaging tanong ni Sky ."Daddy , ang sungit mo na naman daw sabi ni Mister Hanjun !" laging dagdag ni Yumi.Ngunit kahit araw-araw silang tumatawag, iba pa rin ang yakap at tawanan sa personal na gusto ni Miguel. Kaya nang umagang iyon, hindi inaasahan ni Miguel ang mangyayari.Alas-sais pa lang ng umaga, nasa kusina ng Villa Real si Miguel at nagtitimpla ng kape. Mag-isa. Tahimik. Sanay na siya sa katahimikan na iyon. Suot pa rin niya ang pang-tulog na polo at magulo pa ang buhok dahil kagigising lang at hindi pa naliligo dahil may maaga siyang meeting.Hanggang sa bumukas ang malaking pinto ng mansyon







