CHAPTER 1: The Visitor
Malapit na ako sa mismong lugar, at habang tinatahak ang mga magandang daan ay kita ko kung gaano kaganda at kasariwa ang hangin sa parting ito sa Pilipinas, hindi gaya sa US na puro buildings at minsan ka nalang makakita ng mga puno sa paligid. Pero sa lugar na ito, sariwa at mamumuhay ang mga puno ng maayos. “Are we near?” tanong ko sa Driver ng sinasakyan kong tricycle, bawal kasi daanan ng four wheels ang daanan ditto dahil parang nasa gitna talaga ito ng bundok. “Sa Alejandro Residents tayo pupunta diba? Sa mismong mansion nila?” tanong nito. Sinisigurado kong saan ako pupunta. Tumango naman ako “Medyo malapit na po tayo” Nakahinga naman ako ng paluwang, nakakapagod na kasi talagang bumiyahe at talagang ang layo ng napuntahan ko kahit na isang araw pa lang ang biyahe. “Bakit Alejandro Residents po ang tawag?” tanong ko at tumingin sa driver “Ah kasi hija, Malaki ang lupa ng mga alejandro ditto sa Visayaz and sa subrang laki tianawag na na Alejandro Residents, at ang yaman din kasi ng pamilya nila, nagkalat na ang iba’t ibang business nila sa buong bansa” sabi niya at napatango naman ako “Kaano kaano mo ng apala ang mga Alejandro?” Napaisip naman ako kung sasabihin ko sa kaniya kung anong pakay ko. “Ikakasal po kasi ako sa isa sa mga Alejandro, Manong” nanghihinayang kong sagot kahit na alam ko naman na hindi talaga ako ang ikakasal kung hindi si Marga. Narito ako sa Pilipinas upang magpakasal sa lalaking hindi ko kilala para lang pagtakpan at magpanggap na si Marga. Si Marga ng apala ay ang aking stepsister, at dahil kailangan ko ng pera, kailangan kong sundin kong ano man ang gusto niya. Kailangan kong kilalanin at kitain ang magiging fiancée niya at magpanggap na siya. Nakarating na kami sa mismong lugar, at pagkakita ko pa lang sa malaking gate sa harap ko ay gulat na agad ako. Wala talagang makakapasok sa mismong lugar dahil sa laki ng mga pader sa paligid. Hindi ko tuloy Makita ang loob dahil sa harang. Bumaba na ako ng tricycle at nagbayad na “Salamat po” sabi ko. Napansin ko naman ang pagtingin niya sa bayad ko. Wala kasi akong dal ana Philippine money and hindi ko pa napa convert ang dollar ko. Binigyan ko siya ng buong 50 dollar at gulat naman siya. “Sorry manong, but I have any Philippine money here”Sabi ko “Ma’am, 2,500 na rin po ang halaga nito ditto sa Pilipinas, wala po bang mas maliit diyan? 300 pesos lang naman po kasi ang babayaran mo” sabi niya at parang ayaw pa talaga tanggapin ang dollar ko. “Just take the change nalang po” sabi ko at ngumiti “thank you for accompanying me” “Salamat po Mam” sabi niya at ngumiti. Lum apit na ako kung nasaan ang doorbell ng kanilang malaking gate, at nagsimula na akong mag doorbell ng dalawang beses. “Good morning ma’am do you need anything?” Rinig kong boses mula sa may maliit na screen. Tumingin ako sa screen at ngumiti “I just want to meet Mr. and Mrs. Alejandro, by the way I’m Margarette Navarra, Ms. Rosalyn Navarra daughter” sabi ko at nagpatuloy pa rin sa pagngiti. Fist impression is the most important of all. Bigla naming bumukas ang napakalaking gate sa harap ko. By the way, nagsuot ng apala ako ng decent yellow top and a tshirt, ginaya ko lang ang fashion style ni Marga. Pumasok na ako sa gate at nagulat naman ako sa nakita. Nakaline ng maayos ang kanilang mga maid, upang mag welcome sa akin? I mean kay Marga?! May lumapit sa akin na babae, siguro siya ang pinaka leader ng mga maid. May kumuha naman ng maleta ko “This way mam” sabi niya kaya naman sinundan ko siya. Gusto kong mamangha sa elegante nilang pa welcome pero nanatili akog kalmado, baka makahalata sila. Ang ganda ng buong lugar, at kita ko na agad ang fountain malapit sa malaking pinto ng entrance, at hindi lang fountain, pati ang pamilyang Alejandro na nag aantay sa akin. Nakangiti sila sa mula sa malayo. What an amazing place! Nang nasa harap na nila ako ay yumuko ang maid at nagpaalam na “Thank you” sabi ko at ngumiti. Hmurap naman ako sa kanilang pamilya, sinalubong naman ako ng yakap at halik sa pisnge ng future mother-in-law ni Marga “Welcome here Margarette! What a beautiful bride!” sabi niya “Thank you for this wonderful welcome Tita, can’t wait to be part of your family” sabi ko at ngumiti. Napansin ko ang mga tingin ng nasa paligid pero nanatili akong kalmado kahit sa totoo ay kinakabahan na talaga ako. “You can call me ‘mama’ you’ll be part of the family anyway” sabi niya at ngumiti. Ang matandang babaeng ito ay halatang lumaki sa mayamang pamilya, dahil ang kaniyang mga suot ay pang mamahalin at ang dami niyang palamuti sa katawan. “Alright mama, if you insisted” sabi ko at ngumiti. Nagpakilala rin sa akin ang kanilang padre de pamilia. “I’m your future father-in-law hija. Calling me ‘papa’ are honor to me” sabi niya at ngumiti. “And this is my two boys, wait? Where’s Ziven?” “In his room, still asleep HAHA” sabi nung isang lalaki Ngumiti ang lalaki sa akin, siya siguro ang panganay. “Zave Michael Alejandro, you can call me Zave, ZM, Michael, it’s up to you what you gonna call to me” sabi niya at inilahad aang kamay Kinamayan ko ito, “Margarette Navarra, you can call me Marga” sabi ko at ngumiti. Hindi pa kami tapos mag shake hands ay may umagaw na ng kamay ko. “I’m Zalvie Melo Alejandro, I’m 1 year older than you. And if ayaw sayo ni Ziven, you can marry me instead HAHAHA” sabi niya at tumawa Natawa naman ako sa kaniya. 24 years old na si Marga habang ako ay 21 pa lang. Kung mas maatandasa kaniya ang bunsong kapatid ng mapapangawa niya niya, ibig sabihin malaki ang gap nila ni Marga. “Your husband is here” sabi ni Zave kaya napatingin naman ako sa lalaking papababa ng hagdanan at naglalakad palapit sa amin. Kakaiba siya sa dalawa dahil seryoso ang mukha nito hindi tulad ng dalawa. May nakikita akong lungkot sa kaniyang mata. Nagulat ako sa bigla niyang pagtanggal sa kamay ni Zalvie na hawak ko at hinila ako papalapit sa kaniya. Gulat na gulat ako sa nangyayari, bigla naman siyang may binulong “I don’t like you Margarette”Chapter 52: Morning Peace, Morning PlansZiven POVPagkapasok na pagkapasok ni Marga sa banyo, agad akong nag-inat. Aray ko! Napa-igik ako sa biglaang tusok ng pamamanhid sa kaliwa kong braso. Buong gabi kasi siyang nakaunan sa akin. Ramdam ko pa ang bigat ng ulo niya hanggang sa litid ko. Pero kahit ganun, hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip ang maamong mukha niya na mahimbing na natutulog sa tabi ko.Tumayo ako mula sa kama, sinulyapan ang pinto ng banyo. May tunog ng tubig, hudyat na nagsisimula na siyang maligo. Hay salamat, okay na kami. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag. Parang tinanggalan ako ng mga 10 toneladang pressure sa dibdib.Hindi na ako nag-abalang magbihis ng maayos. Naka-sando lang ako at boxer shorts. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para kumuha ng almusal naming dalawa. Balak kong ibalik yung simple pero sweet moments namin — kahit itlog at sinangag lang, basta may usap at lambing, sapat na ‘yon.Pero pagda
Chapter 51: The View I’d Wake Up ToLileanne a.k.a. Marga POVNagising ako sa pakiramdam ng mainit na bisig sa paligid ko. Medyo masakit ang leeg ko pero hindi ko na naalintana ‘yon dahil nakaunan pala ako sa braso ni Ziven. Ay Diyos ko! Ang unang sumigaw sa isip ko.Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha niya. Tulog na tulog siya, halatang pagod, pero ang maamong mukha niya ang bumungad sa akin sa unang segundo ng paggising ko—parang ayoko nang gumalaw. Parang gusto ko siyang gisingin sa halik sa noo, pero… nakaunan ako sa braso niya! Ang awkward, pero ang kilig ko? Sukdulan!Gwapo talaga siya, grabe. Sabi nga sa romcoms, ang gwapo daw ng isang lalaki kapag tulog—eh paano kung kahit gising eh gwapo na, tapos pag tulog parang angel pa? Walang kahirap-hirap.Hinimas-himas ko ang ilong niya—ang tangos, grabe. Para akong bata na nakakita ng laruan na sobrang interesado. Pinaglaruan ko pa ng dulo ng daliri ko ang kilay niya,
Chapter 50: The Warmest ApologyLileanne a.k.a. Marga POVTahimik lang kami habang nakahiga. Ilang minuto na rin mula nang humiga siya sa tabi ko—walang imikan pero damang-dama ko ang bigat ng emosyon sa pagitan naming dalawa.Ilang ulit akong huminga nang malalim. Ang lamig ng hangin mula sa aircon ay kabaligtaran ng init na nararamdaman ko sa dibdib ko ngayon. Para akong pinipiga sa kaba, sa kilig, sa dami ng tanong, pero sa gitna ng lahat ng ‘yon—isa lang ang malinaw…Gusto kong manatili siya sa tabi ko.“Can I cuddle with you?” mahina niyang tanong, habang nakatagilid na paharap sa akin.Tumigil ang mundo ko ng ilang segundo.Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko. Cuddle? Sa ganitong posisyon? Sa ganitong katahimikan?Nagkatinginan kami. Tila may pagtitimpi sa mga mata niya. Parang takot siyang ma-reject, pero may pag-asang nagbabakasakali.“Sure,” mahina kong sagot. At kung pwede lang sigawan ang sar
Chapter 49: “Can I Sleep Beside You?”Lileanne a.k.a. Marga POVPagkatapos ng lahat ng mga nangyari… sa wakas, nakapagusap din kami ni Ziven. Hindi ko alam kung paano pa maipapaliwanag ‘yung nararamdaman ko ngayon—relief, comfort, pero may halong takot.Hindi ko pa rin alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa akin sa katauhan ni “Margarette.” Pero ngayon, ang alam ko lang, masarap pala sa pakiramdam na piliin… at ipaglaban.Nasa kama na ako, nakapantulog na. Nakahiga ako pero hindi pa ako tulog. Nakaharap ako sa may lampshade habang iniisip ang mga sinabi niya kanina.“Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang.”Napangiti ako, sabay pikit. Pero nagulat ako nang marinig ko ang mahina’t mabagal na katok sa pinto.Tok. Tok.Umangat ako mula sa pagkakahiga. “Who is it?” mahina kong tanong.“It’s me…”Boses ni Ziven.Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakatayo siya doon, naka-white shirt at gray na
Chapter 48: Break the IceZiven POVAlas-singko ng hapon. Ang dami ko nang ginawa sa opisina — dalawang meeting, isang conference call sa Singapore, at anim na pirma sa kontrata — pero kahit anong gawin ko, kahit ilang ulit kong balikan ang proposal sa harap ko, isa lang ang laman ng utak ko: si Marga.Kamusta na kaya siya? Kumain na kaya siya?Mula kahapon, wala pa rin kaming usap. Ni isang mensahe, wala. At oo, ako ang may kasalanan. Alam kong kahit anong paliwanag ang gawin ko, ang nakita niya ay isang halik mula sa ex ko. At sa paningin niya, hindi iyon biro.Napapikit ako habang nakasandal sa swivel chair ko. God, ang gulo.Tumunog ang phone ko. Tumayo ako agad, kinuha ito mula sa table, pero hindi siya ‘yon. Isa lang sa mga staff. Nagpa-follow up ng approval.“Pabukas na lang ‘yan,” sagot ko.Hindi ko na talaga kaya. Lumabas ako ng office at pumunta sa balcony sa 15th floor ng gusali. Ang taas. Ang hangin. Pero
Chapter 47: A Conversation in the GardenLileanne A.K.A. Marga POVAng tagal kong nakatulala sa kisame ng kwarto. Sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Alam kong hindi ako dapat masyadong apektado, pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko—hindi ko na lang kasi siya mahal, kundi nasasaktan na rin ako.Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon mula sa kama. Kinuha ko ang cardigan na nakasabit sa gilid ng pintuan, tsaka lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Wala ang dating sigla, wala rin si Ziven.Naglakad ako papunta sa garden, sa paborito kong spot—isang deck chair sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Ang ganda ng tanawin, ang hangin malamig at presko, pero sa kabila noon, parang kulang.Kulanging-kulangi.Kulanging-kulangi kasi wala siya.Umupo ako sa deck chair. Sandaling nagsara ang mga mata ko. Sa dami ng inisip ko buong gabi, ngayon pa lang yata ako nakaramdam ng konting katahimikan.At naka