Mag-log inTHIRD PERSON:
“Mabango na naman ang pandesal…”
“‘Nak, gising na. Lalamig na ang pandesal,” anito habang marahang idinidikit sa pisngi niya ang mainit-init pang tinapay—ugali nitong ginagawa tuwing umaga para siya’y gisingin.
Napasinghap si Xyrel, napakapit sa kumot habang ramdam ang init na dumadampi sa kanyang balat, na para bang totoo.
Narinig niya ang tawa ng kanyang ama—malambing, pamilyar, at puno ng saya.
Ngunit bago pa siya tuluyang bumangon, unti-unting naglaho ang lahat.
Doon niya naramdaman ang pagpatak ng kanyang luha.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, tinatanggap na naman ang katotohanang—
Tahimik ang paligid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tik-tak ng orasan at ang hampas ng hangin sa bintana.
Ang lalamunan niya’y naninikip, parang may tinik na hindi mailuwa.
Napayuko siya, mahigpit na niyakap ang unan na parang iyon na lang ang tanging paraan para maramdaman muli ang yakap ng kanyang ama.
Ilang sandali siyang nanatiling nakapikit, sinusubukang ipunin ang sarili. Ngunit ang alaala ng bawat umagang ginising siya ng amoy ng pandesal, ng boses nitong puno ng saya—ay parang pelikulang paulit-ulit na bumabalik tuwing ipipikit niya ang mga mata.
At gaya ng dati, siya’y nagising hindi dahil sa alarm clock, kundi sa pangungulila.
“Panaginip na naman,” mahina niyang sabi, pilit na ngumingiti kahit ramdam niya ang bigat ng dibdib.
Saka siya bumalik sa pagkakahiga ng makita niya ang oras na may oras pa siya para umidlip. Ngunit di pa siya nakakahiga ng maayos ng may padabog na binuksan ang pinto.
“Hoy! Señorita!” sigaw ng baritonong boses na agad nagpagising kay Xyrel. “Ano, sarap-sarap pa ng tulog mo diyan?! Kumilos ka na at magluto ro’n bago pa ako magalit!”
Napabalikwas siya ng bangon, mabilis na pinunasan ang natitirang luha sa kanyang pisngi.
Ang kinakasama ng kanyang ina—si Mang Rodel—ay hindi kailanman marunong magsalita nang mahinahon. Sa bahay na ito, hindi siya itinuturing na anak, kundi parang katulong.
Tumayo siya, nanginginig pa ang kamay habang nag-aayos ng higaan.
“Sandali-sandali ka pa riyan!” singhal nito. “Huwag mo kong subukang inisin ngayong umaga, Xyrel!”
Napahigpit siya ng kapit sa laylayan ng kumot, pinipigilang manginig.
Madalas, kapag nagkamali siya—kahit simpleng bagay lang tulad ng nasunog na ulam o may basong nabasag—sigaw at insulto ang kasunod.
Ngayon, kahit hindi pa tuluyang naglalaho ang sakit ng panaginip niya, kailangan niyang itago ang lahat sa ilalim ng mga ngiti.
“Pa…” mahina niyang bulong, habang inaayos ang buhok sa harap ng sirang salamin.
Saglit siyang tumigil, pinisil ang sarili para pigilan ang pagpatak muli ng luha.
“‘Wag kang tatamad-tamadin diyan. Kung gusto mong kumain mamaya, ayusin mo ‘yang almusal namin. Naiintindihan mo?”
Habang pinipisil ang sariling palad, marahan siyang lumapit sa kusina.
At habang umuusok ang kawali, napatingin siya sa bintana kung saan dumaraan ang liwanag ng umaga.
Ngunit para sa ngayon, isa lang ang kaya niyang gawin: manahimik at magtiis.
THIRD PERSON:Pagkatapos ng klase, mabilis ang oras, pero para bang ang bawat minuto ay mas pinapatagal ng titig ni Prof. Ederson kay Xyrel. Napansin niya kung gaano ito kabilis sumagot sa mga tanong, at kung paano nito ipaliwanag ang mga solusyon na parang matagal na niyang alam. Hindi lang siya ang humanga — halos buong klase ay napahanga rin.“Grabe, ang galing ni Rivera,” bulong ng isa sa mga kaklase.“Tinalo si Nicolas sa recitation!” singit pa ng isa, sabay tawa.Napansin ni Ederson ang bahagyang pag-igting ng panga ni Nicolas. Sa una’y tahimik lang ito, pero habang lumilipas ang oras, halatang naiirita na. Sa bawat sagot ni Xyrel, tila bumibigat ang titig nito, at unti-unti ay nawawala ang sigla sa kanyang mukha.Nang matapos na ang klase, agad na nagligpit ng gamit si Xyrel. Gusto niyang umuwi nang maaga, pero bago pa man siya makalayo sa classroom, tinawag siya ni Jerelyn.“Girl, sabay tayo mamaya ha? Kaso. pupunta pa ako guidance, mauna ka na lang kung gusto mo.”Ngumiti lan
THIRD PERSON:Pagdating nila sa canteen, agad silang sinalubong ng amoy ng bagong lutong pagkain at ang maingay na tawanan ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa bawat mesa.Habang naglalakad papasok, ilang estudyante ang napatingin sa kanila. “Good morning po, Sir Ederson!” bati ng isa. “Sir, ang pogi niyo na naman today!” sigaw pa ng isa, sabay tawa ng barkada nito.Ang iba nama’y palihim na nagbubulungan at kinikilig habang sinusundan ng tingin ang kanilang guro. Napailing lang si Prof. Ederson, pero hindi maitago ang ngiting pilit niyang pinipigil. “Ang kukulit talaga ng mga ‘yon,” mahina niyang sabi.Tahimik lang si Xyrel sa tabi, bahagyang yumuko at nagkunwaring abala sa paghawak ng notebook na dala niya. Sanay siya sa mga ganitong eksena—pero iba ngayon, dahil kasama siya ni Prof. Ederson.“O, Rivera,” sabi ni Prof. habang huminto sa tapat ng counter. “Pili ka na ng gusto mong kainin."Sandaling natigilan si Xyrel. Ilang segundo siyang nakatitig sa mga pagkain, tila di alam kun
THIRD PERSON:“Okay, class!” malakas niyang sabi, sabay hampas ng marker sa mesa para makuha ang atensyon ng lahat. “Gaya nga ng sabi ko sa inyo kahapon. Bago tayo magsimula ng bagong lesson, may mini quiz tayo ngayon. Alam niyo na ‘yan — unang makakapagpasa ng tamang sagot, may libreng snacks mamaya sa canteen. Treat ko!”“Yesss!” halos sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante.“Prof, burger ulit ah!” sigaw ng isa.“Sir, dapat milk tea naman ngayon!” biro ng isa pa.Napailing lang si Ederson habang natatawa. “Tingnan muna natin kung may makakakuha ng perfect score bago kayo manghingi ng burger o milk tea, ha.”Pagkatapos ay sinulat niya sa pisara ang mga tanong — puro algebra, pero may twist na pang-matalino.Habang nagsusulat, napansin niya si Xyrel na tahimik lang sa kanyang upuan, seryosong nakatitig sa mga equation, ballpen sa kamay.Hindi ito sumasabay sa ingay ng iba.“Okay, you have ten minutes,” sabi niya. “Time starts… now!”Agad nag-ingay ang buong klase, kanya-kanyang sulat a
THIRD PERSON:Paglabas ni Xyrel ng classroom, bitbit niya parin ang lumang bag niya sa dibdib, muntik na siyang mabangga sa isang pares ng malalaking braso.“Ay—sorry po, Sir,” mabilis na sabi ni Xyrel habang agad na yumuko.Ngumiti lang si Ederson at iniabot ang hawak na paper bag.“Okay lang. Buti na lang at naabutan pa kita. Ito oh..." inabot niya ang hawak hawak niyang paper bag kay Syryl. "Para sa’yo ‘to,” sabi niya.Napatingin si Xyrel sa bag, halatang naguguluhan. “Po?”“Uniform mo,” paliwanag ni Ederson. “Libre talaga ‘yan dito sa school, pati ‘yong mga gamit sa loob. May notebook na rin diyan, kaya huwag mo nang isipin. Nanjan na rin yong hiniram kung notebook.”Tahimik lang si Xyrel habang tinatanggap ang bag. “Ah... salamat po, Sir.”Ngumiti si Ederson, bahagyang tumango. “Walang anuman. Basta kung may kulang pa, sabihin mo lang sa akin, ha?”“Opo, Sir.”“Good. Sige, ingat ka pauwi,” sabi ni Ederson bago siya tumalikod at naglakad palayo, habang si Xyrel naman ay maingat na
THIRD PERSON:Lumipas ang susunod na mga subject na parang hangin lang kay Xyrel. Tahimik siya sa bawat klase — nakikinig, nagsusulat, pero halos hindi nagsasalita. Sa tuwing tinatawag ng guro ang kanyang apelyido, kung hindi naman siya pinapasagot marahan lang siyang tumatango at muling ibinabaling ang tingin sa kanyang notebook.Tahimik. Palaging tahimik.Pagdating ng recess, nagsimula nang maglabasan ang mga estudyante. Ang ilan ay sabik na pumunta sa canteen, ang iba naman ay nagkukumpulan sa hallway. Si Xyrel, gaya ng dati, mahinahon lang na nagligpit ng gamit at tumingin sa bintana. Plano sana niyang mag-isa lang kumain, pero bago pa siya makatayo, may tumawag sa kanya.“Xyrel! Sama ka sa amin sa canteen!” masiglang tawag ng isang babaeng may maiksi at nakapusod na buhok.Napatingin si Xyrel sa ID nito. Jerelyn Montecarlo, 4th Year Daffodil.Saglit siyang natigilan bago ngumiti ng tipid. “Ah, okay lang po, salamat…” mahina niyang sagot.Pero hindi na hinintay ni Jerelyn ang pagt
THIRD PERSON:Tahimik na muling bumalot sa klase matapos maupo si Xyrel sa pinakadulong bahagi ng silid. Pagbukas niya ng bag, saka niya napansin ang nakatiklop na uniporme sa loob—doon niya lang naalala na nakalimutan pala niyang magpalit bago pumasok.Samantala, kinuha naman ni Prof. Ederson ang chalk at nagsimulang magsulat sa pisara. Ang mga estudyante ay abala sa pagkopya ng mga notes, habang si Xyrel ay tahimik lang na nakatingin, sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng guro—tila sinisikap unawain hindi lang ang aralin, kundi pati ang misteryosong awra ng taong nasa harap ng klase.“Okay, class,” sabi ni Prof habang patuloy na sumusulat, “balikan natin ang lesson natin kahapon tungkol sa quadratic equations. Sino ang nakakaalala kung paano i-factor ito?”Nagtaas ng kamay ang ilang estudyante, sabay-sabay na nagsigawan ng sagot. “Ako po, Sir!” “Sir, ako rin po!”Napailing si Prof, bahagyang natawa. “Isa-isa lang, mga bata. Hindi ito karera.”Habang tumatawa ang buong klase, nakat







