LOGINTHIRD PERSON:
Lumabas si Xyrel ng bahay, bitbit ang lumang bag na may bahagyang punit sa gilid. Sa loob nito, iilang piraso lang ng gamit ang kanyang dala iilang lumang notebook, lapis at ballpen, at piraso ng papel kung saan nakasulat ang pangalan ng kanyang bagong adviser.
Bago pa man siya makatawid, may tumawag mula sa kabilang bakuran.
Lumapit siya, marahang pinipisil ang bag na parang sandigan.
“Oo, ikaw nga, hija,” sagot ng ale, sabay abot ng isang plastic bag.
Ngumiti ang ale, saka itinuro ang plastic.
Napakagat-labi si Xyrel, ramdam ang init ng kabaitan ng ginang.
Ngumiti naman ito sabay tapik sa balikat ng dalaga.
Tumango siya, bahagyang ngumiti.
Habang naglalakad patungo sa gate ng San Rafael High School, napansin niya ang malawak na bakuran at ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa paligid. May ilan na nagtatawanan, may iba namang abala sa pag-aayos ng gamit.
Wala pa siyang school ID, kaya ang dala niya lamang ay ang isang pirasong papel mula sa kanyang ina—ang liham na ipinadala sa magiging adviser niya.
“Opo, Sir,” mahinahon niyang sagot, nakayuko.
“Hmm… Fourth Year, Section Daffodil. Doon ‘yon banda sa first floor, kanan ka lang, tapos kaliwa sa dulo,” paliwanag ng guard habang nakangiti.
“Salamat po,” sagot niya, sabay kunot ng palad sa strap ng bag—tila doon siya kumukuha ng lakas.
Pagpasok niya sa loob ng gate, tila huminto ang oras.
Hindi niya alam, sa mismong paaralang iyon—sa mismong Section Daffodil—ay makikilala niya ang taong magpapabago sa direksyon ng kanyang buhay.
Naglakad siya sa pasilyo, tila lutang. Pinagmasdan ang bawat estudyanteng nagdaraan—may magkaka-grupo, may tawanan, may kanya-kanyang kwento. Nagsimula siyang magtanong sa ilan:
“Excuse me po, saan po ang Daffodil?”
Pagdating niya sa pinto ng silid, narinig niya ang maingay na usapan at tawanan sa loob. Kumatok siya, ngunit hindi siya agad napansin. Para bang may nagaganap na laro o recitation sa pisara. Nilapit niya ang sarili sa kabilang gilid ng pinto kung saan naroon ang guro. Pagtingin niya, nakatingin na ito sa kanya — si Prof. Ederson Nolasco.
“Good morning po,” mahina niyang bati, halos hindi marinig sa ingay.
“Class! Quiet!” sigaw ng guro.
“Uhm, transferee po ako…” sabi ni Xyrel, halos kinakain ang mga salita sa kaba.
Lumapit si Xyrel sa unahan, nanlalamig ang mga kamay, at bahagyang yumuko.
"Transferee pala"
“Ang amo ng mukha niya.”
“Ang hinhin ng boses.”
“Shhh! Tumahimik kayo,” sabi ni Prof. Ederson na napapangiti. “Okay, Rivera, ako pala ang adviser mo — at teacher mo rin sa Algebra. Maupo ka na muna ro’n sa may dulo.”
Tumango siya, saka marahang naglakad papunta sa upuan sa likuran. Ramdam niyang nakasunod ang tingin ng ilan, pati na ng guro. Pag-upo niya, huminga siya nang malalim. Parang may kung anong init sa dibdib niya — hindi tulad ng panaginip kanina, ito ay bago, totoo, at puno ng pag-asa.
“Alright,” sabi ni Prof Ederson, muling humarap sa klase. “Continue tayo sa lesson. At ikaw, Rivera—welcome sa Section Daffodil.”
Napangiti siya nang bahagya
THIRD PERSON:Pagkatapos ng klase, mabilis ang oras, pero para bang ang bawat minuto ay mas pinapatagal ng titig ni Prof. Ederson kay Xyrel. Napansin niya kung gaano ito kabilis sumagot sa mga tanong, at kung paano nito ipaliwanag ang mga solusyon na parang matagal na niyang alam. Hindi lang siya ang humanga — halos buong klase ay napahanga rin.“Grabe, ang galing ni Rivera,” bulong ng isa sa mga kaklase.“Tinalo si Nicolas sa recitation!” singit pa ng isa, sabay tawa.Napansin ni Ederson ang bahagyang pag-igting ng panga ni Nicolas. Sa una’y tahimik lang ito, pero habang lumilipas ang oras, halatang naiirita na. Sa bawat sagot ni Xyrel, tila bumibigat ang titig nito, at unti-unti ay nawawala ang sigla sa kanyang mukha.Nang matapos na ang klase, agad na nagligpit ng gamit si Xyrel. Gusto niyang umuwi nang maaga, pero bago pa man siya makalayo sa classroom, tinawag siya ni Jerelyn.“Girl, sabay tayo mamaya ha? Kaso. pupunta pa ako guidance, mauna ka na lang kung gusto mo.”Ngumiti lan
THIRD PERSON:Pagdating nila sa canteen, agad silang sinalubong ng amoy ng bagong lutong pagkain at ang maingay na tawanan ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa bawat mesa.Habang naglalakad papasok, ilang estudyante ang napatingin sa kanila. “Good morning po, Sir Ederson!” bati ng isa. “Sir, ang pogi niyo na naman today!” sigaw pa ng isa, sabay tawa ng barkada nito.Ang iba nama’y palihim na nagbubulungan at kinikilig habang sinusundan ng tingin ang kanilang guro. Napailing lang si Prof. Ederson, pero hindi maitago ang ngiting pilit niyang pinipigil. “Ang kukulit talaga ng mga ‘yon,” mahina niyang sabi.Tahimik lang si Xyrel sa tabi, bahagyang yumuko at nagkunwaring abala sa paghawak ng notebook na dala niya. Sanay siya sa mga ganitong eksena—pero iba ngayon, dahil kasama siya ni Prof. Ederson.“O, Rivera,” sabi ni Prof. habang huminto sa tapat ng counter. “Pili ka na ng gusto mong kainin."Sandaling natigilan si Xyrel. Ilang segundo siyang nakatitig sa mga pagkain, tila di alam kun
THIRD PERSON:“Okay, class!” malakas niyang sabi, sabay hampas ng marker sa mesa para makuha ang atensyon ng lahat. “Gaya nga ng sabi ko sa inyo kahapon. Bago tayo magsimula ng bagong lesson, may mini quiz tayo ngayon. Alam niyo na ‘yan — unang makakapagpasa ng tamang sagot, may libreng snacks mamaya sa canteen. Treat ko!”“Yesss!” halos sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante.“Prof, burger ulit ah!” sigaw ng isa.“Sir, dapat milk tea naman ngayon!” biro ng isa pa.Napailing lang si Ederson habang natatawa. “Tingnan muna natin kung may makakakuha ng perfect score bago kayo manghingi ng burger o milk tea, ha.”Pagkatapos ay sinulat niya sa pisara ang mga tanong — puro algebra, pero may twist na pang-matalino.Habang nagsusulat, napansin niya si Xyrel na tahimik lang sa kanyang upuan, seryosong nakatitig sa mga equation, ballpen sa kamay.Hindi ito sumasabay sa ingay ng iba.“Okay, you have ten minutes,” sabi niya. “Time starts… now!”Agad nag-ingay ang buong klase, kanya-kanyang sulat a
THIRD PERSON:Paglabas ni Xyrel ng classroom, bitbit niya parin ang lumang bag niya sa dibdib, muntik na siyang mabangga sa isang pares ng malalaking braso.“Ay—sorry po, Sir,” mabilis na sabi ni Xyrel habang agad na yumuko.Ngumiti lang si Ederson at iniabot ang hawak na paper bag.“Okay lang. Buti na lang at naabutan pa kita. Ito oh..." inabot niya ang hawak hawak niyang paper bag kay Syryl. "Para sa’yo ‘to,” sabi niya.Napatingin si Xyrel sa bag, halatang naguguluhan. “Po?”“Uniform mo,” paliwanag ni Ederson. “Libre talaga ‘yan dito sa school, pati ‘yong mga gamit sa loob. May notebook na rin diyan, kaya huwag mo nang isipin. Nanjan na rin yong hiniram kung notebook.”Tahimik lang si Xyrel habang tinatanggap ang bag. “Ah... salamat po, Sir.”Ngumiti si Ederson, bahagyang tumango. “Walang anuman. Basta kung may kulang pa, sabihin mo lang sa akin, ha?”“Opo, Sir.”“Good. Sige, ingat ka pauwi,” sabi ni Ederson bago siya tumalikod at naglakad palayo, habang si Xyrel naman ay maingat na
THIRD PERSON:Lumipas ang susunod na mga subject na parang hangin lang kay Xyrel. Tahimik siya sa bawat klase — nakikinig, nagsusulat, pero halos hindi nagsasalita. Sa tuwing tinatawag ng guro ang kanyang apelyido, kung hindi naman siya pinapasagot marahan lang siyang tumatango at muling ibinabaling ang tingin sa kanyang notebook.Tahimik. Palaging tahimik.Pagdating ng recess, nagsimula nang maglabasan ang mga estudyante. Ang ilan ay sabik na pumunta sa canteen, ang iba naman ay nagkukumpulan sa hallway. Si Xyrel, gaya ng dati, mahinahon lang na nagligpit ng gamit at tumingin sa bintana. Plano sana niyang mag-isa lang kumain, pero bago pa siya makatayo, may tumawag sa kanya.“Xyrel! Sama ka sa amin sa canteen!” masiglang tawag ng isang babaeng may maiksi at nakapusod na buhok.Napatingin si Xyrel sa ID nito. Jerelyn Montecarlo, 4th Year Daffodil.Saglit siyang natigilan bago ngumiti ng tipid. “Ah, okay lang po, salamat…” mahina niyang sagot.Pero hindi na hinintay ni Jerelyn ang pagt
THIRD PERSON:Tahimik na muling bumalot sa klase matapos maupo si Xyrel sa pinakadulong bahagi ng silid. Pagbukas niya ng bag, saka niya napansin ang nakatiklop na uniporme sa loob—doon niya lang naalala na nakalimutan pala niyang magpalit bago pumasok.Samantala, kinuha naman ni Prof. Ederson ang chalk at nagsimulang magsulat sa pisara. Ang mga estudyante ay abala sa pagkopya ng mga notes, habang si Xyrel ay tahimik lang na nakatingin, sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng guro—tila sinisikap unawain hindi lang ang aralin, kundi pati ang misteryosong awra ng taong nasa harap ng klase.“Okay, class,” sabi ni Prof habang patuloy na sumusulat, “balikan natin ang lesson natin kahapon tungkol sa quadratic equations. Sino ang nakakaalala kung paano i-factor ito?”Nagtaas ng kamay ang ilang estudyante, sabay-sabay na nagsigawan ng sagot. “Ako po, Sir!” “Sir, ako rin po!”Napailing si Prof, bahagyang natawa. “Isa-isa lang, mga bata. Hindi ito karera.”Habang tumatawa ang buong klase, nakat







