Share

CHAPTER SEVEN

last update Last Updated: 2025-11-13 12:21:02
THIRD PERSON:

Pagdating nila sa canteen, agad silang sinalubong ng amoy ng bagong lutong pagkain at ang maingay na tawanan ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa bawat mesa.

Habang naglalakad papasok, ilang estudyante ang napatingin sa kanila.

“Good morning po, Sir Ederson!” bati ng isa.

“Sir, ang pogi niyo na naman today!” sigaw pa ng isa, sabay tawa ng barkada nito.

Ang iba nama’y palihim na nagbubulungan at kinikilig habang sinusundan ng tingin ang kanilang guro.

Napailing lang si Prof. Ederson, pero hindi maitago ang ngiting pilit niyang pinipigil. “Ang kukulit talaga ng mga ‘yon,” mahina niyang sabi.

Tahimik lang si Xyrel sa tabi, bahagyang yumuko at nagkunwaring abala sa paghawak ng notebook na dala niya. Sanay siya sa mga ganitong eksena—pero iba ngayon, dahil kasama siya ni Prof. Ederson.

“O, Rivera,” sabi ni Prof. habang huminto sa tapat ng counter. “Pili ka na ng gusto mong kainin."

Sandaling natigilan si Xyrel. Ilang segundo siyang nakatitig sa mga pagkain, tila di alam kun
Lanny Rodriguez

Magandang araw sa lahat! ❤️ Masaya po akong ibahagi sa inyo ang bago kong kwento, “Academic Affairs.” Isang nobelang puno ng emosyon, tensyon, at mga lihim na unti-unting mabubunyag sa loob ng mundo ng mga iskolar, propesor, at mga pusong natutong magmahal sa maling pagkakataon. Ang kwentong ito ay malapit sa puso ko — dahil ipinapakita nito na kahit gaano pa tayo katalino o kasipag, hindi natin kayang kontrolin ang tibok ng ating puso. 💔📚 Maraming salamat sa walang sawang suporta at pagbasa sa aking mga obra. Ang bawat komento, reaction, at oras ninyo ay malaking inspirasyon para magpatuloy akong magsulat. 💕 Sana ay ma-enjoy ninyo ang bawat eksena, kilig, at pait na dala ng Academic Affairs.

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER EIGHT

    THIRD PERSON:Pagkatapos ng klase, mabilis ang oras, pero para bang ang bawat minuto ay mas pinapatagal ng titig ni Prof. Ederson kay Xyrel. Napansin niya kung gaano ito kabilis sumagot sa mga tanong, at kung paano nito ipaliwanag ang mga solusyon na parang matagal na niyang alam. Hindi lang siya ang humanga — halos buong klase ay napahanga rin.“Grabe, ang galing ni Rivera,” bulong ng isa sa mga kaklase.“Tinalo si Nicolas sa recitation!” singit pa ng isa, sabay tawa.Napansin ni Ederson ang bahagyang pag-igting ng panga ni Nicolas. Sa una’y tahimik lang ito, pero habang lumilipas ang oras, halatang naiirita na. Sa bawat sagot ni Xyrel, tila bumibigat ang titig nito, at unti-unti ay nawawala ang sigla sa kanyang mukha.Nang matapos na ang klase, agad na nagligpit ng gamit si Xyrel. Gusto niyang umuwi nang maaga, pero bago pa man siya makalayo sa classroom, tinawag siya ni Jerelyn.“Girl, sabay tayo mamaya ha? Kaso. pupunta pa ako guidance, mauna ka na lang kung gusto mo.”Ngumiti lan

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER SEVEN

    THIRD PERSON:Pagdating nila sa canteen, agad silang sinalubong ng amoy ng bagong lutong pagkain at ang maingay na tawanan ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa bawat mesa.Habang naglalakad papasok, ilang estudyante ang napatingin sa kanila. “Good morning po, Sir Ederson!” bati ng isa. “Sir, ang pogi niyo na naman today!” sigaw pa ng isa, sabay tawa ng barkada nito.Ang iba nama’y palihim na nagbubulungan at kinikilig habang sinusundan ng tingin ang kanilang guro. Napailing lang si Prof. Ederson, pero hindi maitago ang ngiting pilit niyang pinipigil. “Ang kukulit talaga ng mga ‘yon,” mahina niyang sabi.Tahimik lang si Xyrel sa tabi, bahagyang yumuko at nagkunwaring abala sa paghawak ng notebook na dala niya. Sanay siya sa mga ganitong eksena—pero iba ngayon, dahil kasama siya ni Prof. Ederson.“O, Rivera,” sabi ni Prof. habang huminto sa tapat ng counter. “Pili ka na ng gusto mong kainin."Sandaling natigilan si Xyrel. Ilang segundo siyang nakatitig sa mga pagkain, tila di alam kun

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER SIX

    THIRD PERSON:“Okay, class!” malakas niyang sabi, sabay hampas ng marker sa mesa para makuha ang atensyon ng lahat. “Gaya nga ng sabi ko sa inyo kahapon. Bago tayo magsimula ng bagong lesson, may mini quiz tayo ngayon. Alam niyo na ‘yan — unang makakapagpasa ng tamang sagot, may libreng snacks mamaya sa canteen. Treat ko!”“Yesss!” halos sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante.“Prof, burger ulit ah!” sigaw ng isa.“Sir, dapat milk tea naman ngayon!” biro ng isa pa.Napailing lang si Ederson habang natatawa. “Tingnan muna natin kung may makakakuha ng perfect score bago kayo manghingi ng burger o milk tea, ha.”Pagkatapos ay sinulat niya sa pisara ang mga tanong — puro algebra, pero may twist na pang-matalino.Habang nagsusulat, napansin niya si Xyrel na tahimik lang sa kanyang upuan, seryosong nakatitig sa mga equation, ballpen sa kamay.Hindi ito sumasabay sa ingay ng iba.“Okay, you have ten minutes,” sabi niya. “Time starts… now!”Agad nag-ingay ang buong klase, kanya-kanyang sulat a

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER FIVE

    THIRD PERSON:Paglabas ni Xyrel ng classroom, bitbit niya parin ang lumang bag niya sa dibdib, muntik na siyang mabangga sa isang pares ng malalaking braso.“Ay—sorry po, Sir,” mabilis na sabi ni Xyrel habang agad na yumuko.Ngumiti lang si Ederson at iniabot ang hawak na paper bag.“Okay lang. Buti na lang at naabutan pa kita. Ito oh..." inabot niya ang hawak hawak niyang paper bag kay Syryl. "Para sa’yo ‘to,” sabi niya.Napatingin si Xyrel sa bag, halatang naguguluhan. “Po?”“Uniform mo,” paliwanag ni Ederson. “Libre talaga ‘yan dito sa school, pati ‘yong mga gamit sa loob. May notebook na rin diyan, kaya huwag mo nang isipin. Nanjan na rin yong hiniram kung notebook.”Tahimik lang si Xyrel habang tinatanggap ang bag. “Ah... salamat po, Sir.”Ngumiti si Ederson, bahagyang tumango. “Walang anuman. Basta kung may kulang pa, sabihin mo lang sa akin, ha?”“Opo, Sir.”“Good. Sige, ingat ka pauwi,” sabi ni Ederson bago siya tumalikod at naglakad palayo, habang si Xyrel naman ay maingat na

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER FOUR

    THIRD PERSON:Lumipas ang susunod na mga subject na parang hangin lang kay Xyrel. Tahimik siya sa bawat klase — nakikinig, nagsusulat, pero halos hindi nagsasalita. Sa tuwing tinatawag ng guro ang kanyang apelyido, kung hindi naman siya pinapasagot marahan lang siyang tumatango at muling ibinabaling ang tingin sa kanyang notebook.Tahimik. Palaging tahimik.Pagdating ng recess, nagsimula nang maglabasan ang mga estudyante. Ang ilan ay sabik na pumunta sa canteen, ang iba naman ay nagkukumpulan sa hallway. Si Xyrel, gaya ng dati, mahinahon lang na nagligpit ng gamit at tumingin sa bintana. Plano sana niyang mag-isa lang kumain, pero bago pa siya makatayo, may tumawag sa kanya.“Xyrel! Sama ka sa amin sa canteen!” masiglang tawag ng isang babaeng may maiksi at nakapusod na buhok.Napatingin si Xyrel sa ID nito. Jerelyn Montecarlo, 4th Year Daffodil.Saglit siyang natigilan bago ngumiti ng tipid. “Ah, okay lang po, salamat…” mahina niyang sagot.Pero hindi na hinintay ni Jerelyn ang pagt

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER THREE

    THIRD PERSON:Tahimik na muling bumalot sa klase matapos maupo si Xyrel sa pinakadulong bahagi ng silid. Pagbukas niya ng bag, saka niya napansin ang nakatiklop na uniporme sa loob—doon niya lang naalala na nakalimutan pala niyang magpalit bago pumasok.Samantala, kinuha naman ni Prof. Ederson ang chalk at nagsimulang magsulat sa pisara. Ang mga estudyante ay abala sa pagkopya ng mga notes, habang si Xyrel ay tahimik lang na nakatingin, sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng guro—tila sinisikap unawain hindi lang ang aralin, kundi pati ang misteryosong awra ng taong nasa harap ng klase.“Okay, class,” sabi ni Prof habang patuloy na sumusulat, “balikan natin ang lesson natin kahapon tungkol sa quadratic equations. Sino ang nakakaalala kung paano i-factor ito?”Nagtaas ng kamay ang ilang estudyante, sabay-sabay na nagsigawan ng sagot. “Ako po, Sir!” “Sir, ako rin po!”Napailing si Prof, bahagyang natawa. “Isa-isa lang, mga bata. Hindi ito karera.”Habang tumatawa ang buong klase, nakat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status