LOGINTHIRD PERSON:
“Okay, class!” malakas niyang sabi, sabay hampas ng marker sa mesa para makuha ang atensyon ng lahat. “Gaya nga ng sabi ko sa inyo kahapon. Bago tayo magsimula ng bagong lesson, may mini quiz tayo ngayon. Alam niyo na ‘yan — unang makakapagpasa ng tamang sagot, may libreng snacks mamaya sa canteen. Treat ko!”
“Yesss!” halos sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante.
Napailing lang si Ederson habang natatawa. “Tingnan muna natin kung may makakakuha ng perfect score bago kayo manghingi ng burger o milk tea, ha.”
Pagkatapos ay sinulat niya sa pisara ang mga tanong — puro algebra, pero may twist na pang-matalino.
“Okay, you have ten minutes,” sabi niya. “Time starts… now!”
Agad nag-ingay ang buong klase, kanya-kanyang sulat at bulungan.
Makalipas ang ilang minuto, may kumalansing na notebook sa mesa ni Ederson.
“Tapos ka na agad?” tanong ni Ederson, bahagyang nagulat nang makita si Xyrel na nakatayo sa harapan, inaabot ang papel.
“Sigurado ka ba?” tanong niyang may ngiting mapang-asar. “Baka mamaya puro drawing ‘yan.”
Tahimik lang si Xyrel, saka marahang ngumiti. “Tingnan niyo na lang po.”
Tila nagkatinginan ang mga kaklase niya, ang iba napa-“Wow, ang bilis!” habang ang ilan ay natigilan sa pagsagot.
Perfect.
Bahagyang napangiti si Ederson, sabay tiningnan si Xyrel mula ulo hanggang paa.
Ngumiti siya nang tipid, saka bumalik sa kanyang upuan.
Nag-tilian ang ilan, ang iba naman ay napatingin kay Xyrel na tila hindi makapaniwala.
Samantalang si Ederson, habang bumabalik sa kanyang desk, ay hindi na napigilang mapangisi.
“Hindi lang matalino, mabilis pa,” bulong niya sa sarili. “Parang may dapat pa akong tuklasin sa batang ‘to.”
******
Pagkatapos ng klase, abala na sa pag-aayos ng mga gamit ang mga estudyante nang marinig nila si Prof. Ederson na tumikhim.
Bahagyang nagulat si Xyrel, napatingin sa kanya habang nakahawak pa sa bag.
Tumango lang si Prof. Ederson, pero hindi rin naiwasang mapansin ang maamong mukha ng dalaga—ang simpleng ekspresyon na parang may halong kaba at inosenteng pagtataka.
Tahimik namang lumabas ng silid si Xyrel, bitbit ang bag at notebook. Habang naglalakad sa pasilyo, hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam.
Hindi niya alam kung dahil lang ba sa papremyo, o dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Prof. Ederson ng pangalan niya—malumanay, tila may lambing na hindi niya inaasahan marinig mula sa isang guro.
Samantala, sa kabilang section kung saan nagtuturo na si Prof. Ederson, napapansin ng mga estudyante niyang tila madalas siyang mapangiti.
Habang nagdi-discuss siya sa harap ng klase, ilang beses niyang nahuli ang sarili na napapaisip.
At doon niya lang naisip, sa unang pagkakataon, na may kakaiba talaga sa dalagang iyon.
Ngunit kahit pa sinubukan niyang itago, may ngiti pa rin sa kanyang labi habang nagtuturo, dala ng isang pangalang ayaw niyang amining patuloy na umiikot sa kanyang isipan.
“Xyrel Rivera.”
****
Recess na, at sabay na lumabas ng silid sina Jerelyn at Xyrel.
Ngumiti lang si Xyrel. “Siguro po biro lang ‘yon. Hindi naman siguro niya seseryosohin.”
Napangiti si Xyrel, pero halata pa rin ang hiya sa mukha niya.
Naroon si Prof Ederson — nakasandal sa gilid ng pinto, hawak ang kanyang folder, at tila inaabangan talaga sila.
“Ay!” napahinto rin si Jerelyn. “Oo nga pala, di nga pala ako kasali sa treat niyo, Prof. Mauna na ako sa—”
Napangiti si Jerelyn, sabay tawa ng mahina.
Napailing si Prof Ederson, hindi maitago ang ngiti.
“Ay, aba! Sige na nga, sir! Baka sabihin niyo unfair kayo sa students niyo!” sagot ni Jerelyn, nakangisi habang pinapagitnaan si Prof at si Xyrel.
Habang naglalakad silang tatlo papunta sa canteen, tuloy pa rin sa daldal si Jerelyn kay Prof Ederson, habang tahimik lang si Xyrel na sumusunod sa tabi nila.
THIRD PERSON:Natahimik si Ederson nang ilang segundo matapos marinig ang sinabi ni Syrel tungkol sa bangka.Parang may kung anong kumurot sa dibdib niya, takot, pag-aalinlangan, at ‘yung pag-asang ayaw na niyang amining nararamdaman niya.Dahan-dahang hinaplos ni Ederson ang kamay ni Syrel.“Syrel…”mahina pero mabigat.Bahagya nitong kinagat ang ilalim ng labi, pilit na pinipigil ang sariling emosyon.“Hindi ko alam… hanggang kailan mo ako kakailanganin.”Tumawa siya nang mahina, pero halatang pilit lang.“Hindi ko rin alam kung… hanggang kailan kita puwedeng hawakan nang ganito.”Napayuko si Syrel.Parang gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam kung saan magsisimula.Kaya itinuloy ni Ederson, mas malumanay, mas totoo:“Pero hangga’t nandito ka… hangga’t nagpapakita ka sa’kin…”Lumapit pa siya, halos magdikit na ang kanilang noo.“…hinding-hindi kita bibitawan.”Napasinghap si Syrel, ramdam ang mainit na hininga ng binata.Hindi sila gumalaw, pero parang umiikot ang mundo sa pagi
THIRD PERSON:Pagpasok nilang tatlo sa bookstore, agad namang naaliw si Jerelyn sa shelves ng school supplies.“Dito muna ako sa pens section, guys!” masiglang sabi ni Jerelyn.Malinaw na binibigyan niya ng space ang dalawa.Naiwan sa aisle ng mga libro sina Ederson at Syrel.Habang pumipili si Syrel ng reference books, napapansin niya ang kakaibang katahimikan ni Ederson sa tabi niya na hindi tahimik na normal, kundi tahimik na may binabalak.“Sir, ito po bang—”Hindi niya natapos.Biglang hinawakan ni Ederson ang pulso niya, mabilis pero maingat, at hinila siya papunta sa pagitan ng dalawang matataas na shelf, iyong parte ng bookstore na bihira ang tao.Bago pa siya makapag-react…Smack.Isang mabilis, mainit, pero sobrang nakaw na halik ang dumapo sa labi niya.Nanlaki ang mata ni Syrel, literal na parang napako sa kinatatayuan niya.“E-Ederson!” mahina pero tarantang bulong niya.“Pasaway ka talaga… baka may makakita sa atin!”Hinampas niya ito sa balikat, marahan pero may halong
THIRD PERSON:“Di ka pa rin umaamin sa kanya?” tanong ni Jerelyn, hindi man lang tumitingin dahil abala sa pagsusulat ng notes. Pero ramdam niya ang bigat sa hangin, iyong bigat na nanggagaling sa kaibigang ilang linggo nang tahimik.Narinig ni Syrel ang buntong-hininga ni Jerelyn. At alam niyang malapit na itong sumabog sa inis sa katigasan ng ulo niya.“Paano, Syrel?” tuloy ni Jerelyn. “Talagang pipigilan mo na lang ba ang puso mo sa nararamdaman mo kay Prof?”Napatigil si Syrel sa pagsulat. Dahan-dahan niyang ibinaba ang ballpen bago tumingin sa mesa. May pilit na ngiti sa labi niya, iyong ngiting may tapang pero may lungkot.“Siguro… ito lang ang tama.” Mahina pero malinaw.Napatingin si Jerelyn, at doon niya nakita ang mata ng kaibigan, pagod, puno ng sikreto, at puno ng pakikipaglaban sa sarili.Isa pa siyang buntong-hininga. Wala na siyang masabi. Tumahimik na lang siya.Habang nakayuko, bigla na lang nagsalita si Syrel, mas malalim, parang matagal nang nakaipit sa dibdib
THIRD PERSON:Pero kahit halata kay Ederson ang selos, nanatiling kalmado si Syrel. Sanay na siya. Magaling siyang magtago ng nararamdaman, lalo na pagdating sa propesor niya. Tahimik lang siyang ngumiti at ibinalik ang tingin sa mga papel, pilit na pinapakalma rin ang tibok ng puso niya.Alam ni Syrel ang hangganan. Hindi dapat. Hindi puwede. May linya sa pagitan nila na bawal tawirin, isang linya na araw-araw niyang pinipiling igalang. Hindi siya nagtatanong tungkol sa personal na buhay nito, kung may babae ba, kung may karelasyon ba o wala. Dahil ayaw niyang makialam. Ayaw niyang makasira. At higit sa lahat, ayaw niyang ipakita na unti-unti na siyang nahuhulog sa binatang ilang beses na niyang nagamit sa sariling kagipitan.Para kay Syrel, sapat na ang tulong ni Ederson. Hindi dapat lumampas doon. Alam niyang kasalanan na ang nangyari sa kanila, ang pakikipag-ugnayan sa sariling propesor. At mas lalo niyang ayaw na madamay pa ito sa mga problema niya. Kaya pinili niyang manahimik…
THIRD PERSON:Tahimik ang buong classroom.Si Syrel, seryoso, nakayuko, kinokopya ang lecture sa pisara.Walang kaarte-arte.Walang kamalay-malay sa epekto niya sa propesor.At si Ederson?Nakatayo sa harap… kunyari nag-aayos ng marker…Pero ang totoo, nakamasid sa likod ng klase.Doon niya nakita ang maliit na galaw, ang pagtayo ni Nicolas…ang paglapit nito kay Syrel… at ang pag-upo nito sa tabi ng dalaga na parang walang takot sa mundo.Parang may biglang kumurot ng madiin sa sikmura niya."Aba't ang pasaway!!! Umupo ka pa talaga diyan, Nicolas? At bakit kailangan katabi? Ano ‘yon, kailangan dikit na dikit?"Kinakalma niya ang sarili, pero sa loob-loob niya, nag-iinit na ang tenga niya sa inis.“Hi, Syrel,” bulong ni Nicolas, na para bang sinadyang hinaan ang boses para hindi marinig ng iba, pero narinig ni Ederson.Narinig.At kinuyom niya ang panyo sa bulsa.“Uhmm… tapos mo na ba ‘yong sa Chemistry natin?”“Hindi pa,” sagot ng dalaga, hindi man lang tumingin. “Nahihirapan ako. Wa
THIRD PERSON:Maaga pa lang ay gising na si Ederson. Mabilis siyang napabalikwas mula sa kama dahil sa gulat-baka wala na naman si Syrel sa tabi niya, tulad ng ilang beses nang nangyari. Pero nang lumingon siya at makita ang dalaga, nakatalukbong ng kumot at mahimbing na humihinga… para siyang nakahinga nang malalim.Nandito siya. Hindi siya umalis.At dahil doon, hindi na siya muling nakatulog.Imbes, bumangon siya, inayos ang sarili, at nagluto ng almusal. Unang beses nilang sabay na kakain ng totoong breakfast. Noong mga nakaraan, palagi na lang siyang nauunang magising nang wala ang dalaga. Kaya ngayon, gusto niya maging espesyal-even in the simplest way.Habang nililipat niya sa kawali ang fried rice, narinig niya ang mahinang paglakad. Paglingon niya, halos mabitawan niya ang sandok.Si Syrel… suot ulit ang oversized niyang T-shirt. At naka panty lang. Magulo ang buhok, bagong gising ang mata na lalong nagpasingkit sa kanya, pero sapat para umakyat ang init sa katawan niya.Pini







