Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2024-05-30 19:03:05

Ang dapat lang naman sana sa dalaga ay huwag magsalita ng hindi niya kayang mapanindigan. Okay lang sana kung ito lang ang mapapahiya ngunit maging siya, at ang buong shop niya. Ngunit sa halip ay nagmatigas pa ito.

“Tatlong araw lang na tatapusin ko ito at kung sakaling ibenta mo man ito kapag naayos ay baka ilang daang milyon ang mapagbebentahan mo nito.” sabi niya rito.

Pagkatapos nilang magkasundo sa presyo ay agad silang pumirma ng kontrata. Pagkaalis ng lalaki ay agad siyang nagsimula. Mabuti na lamang at noong bata pa siya ay kasama niya ang kanyang lolo na nagre-restore ng sinaunang mga paintings kaya natuto siya at masasabi niya na bihasa na talaga siya sa larangang iyon.

Ang kanyang lolo at lola kasi ay mahilig din mangolekta ng mga antique na mga bagay at mga paintings. Sa dami ng paintings na ni-restore niya noon ay nagawa niya naman ng mabuti at maayos. Inubos niya doon ang kanyang oras at hindi niya namalayan na gabi na pala.

Dahil sa pagiging abala niya ay pansamantala niyang nakalimutan ang tugkol kay Noah at maging ang kalungkutan na dulot nito.

Mabilis na lumipas ang tatlong araw at dumating na nga doon ang customer. Agad niyang kinuha ang painting at ibinaba sa unang palapag nang dumating ito. Nang makita nito ang painting na hawak niya at iniabot niya ito ay nagulat ito at pagkatapos ay tiningnan siya ng hindi makapaniwala.

“Ito ba talaga ang painting na dinala ko? Hindi mo naman siguro ito pinalitan hindi ba?” tanong nito sa kanya.

Samantala ay ang may-ari ng shop at mga iba pang tauhan ay nagsilapit na rin sa kanila at pare-parehong nagulat. Ang painting ay mukha ng bago ng mga oras na iyon. Pare-pareho ang mga nasa isip ng mga ito. Iyon na ba talaga ang painting na mukha ng basahan at hindi na halos hindi na masabing painting?

Tiningnan niya ito at pagkatapos ay napahugot ng isang buntung-hininga, “pwede mong ipa-check kung tunay ba o hindi.” mahinahong sagot niya rito.

Mabuti na lamang at may pang-check sila doon at doon nito napatunayan na tunay nga ito at hindi peke. Masayang-masaya ito at napa thumbs-up pa sa kaniya bago ito umalis at bakas sa mukha nito ang matinding kasiyahan.

Simula nang araw na iyon ay mabilis na kumalat ang balita sa buong lungsod at sa mga karatig pang bayan na may isang magandang batang babae na tagapag-ayos ng mga sirang painting sa shop na iyon at ang kanyang kasanayan sa pagre-restore ay maihahambing sa mga master sa pagre-restore.

Isang hapon ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng tawag mula kay Noah.

“Nasa tapat ako ng shop na pinapasukan mo. lumabas ka.” sabi nito sa kaniya.

Nang marinig niya ang pamilyar na tinig nito ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ni Alexa at pagkatapos ay bigla na namang kumirot ang puso niya. Agad niyang itinaas ang kanyang kamay upang tingnan kung anong oras na. “Hapon na. Sarado na ang Civil Affair Bureau ngayon. Pwede bang bukas na lang tayo ng umaga magpunta?” tanong niya rito dahil alam niya na iyon lang naman ang pakay nito sa kaniya.

Saglit na natahimik ito bago nagsalita. “Si lola ay gustong makita tayong dalawa at ang sabi niya ay may sasabihin daw siyang napakahalagang bagay sa ating dalawa.” sabi nito sa kaniya.

Dahil rito ay wala siyang nagawa kundi ang lumabas. Agad niyang nakita ang kotse na nakaparada sa shop at dali-dali siyang lumapit rito at binuksan ang pinto pagkatapos ay sumakay.

Matapos ang ilang araw na hindi pagkikita ay napansin niya na si Noah ay tila ba pumayat. Habang nakatitig siya rito ay doon niya nalaman na mahal niya pa rin pala ito at hindi niya pa rin ito kayang kalimutan. Ilang sandali pa ay may inabot sa kaniya itong isang dark blue velvet na kahon at sa isang tingin ay alam niya na agad kung ano ang laman nito.

Agad niyang kinuha ito at nakita niya kaagad ang tatak ng box sa labas nito. Ito ang isang pinakasikat na brand ng alahas. Habang hawak niya ang kahon ay nilingon niya ito at pagkatapos ay bahagyang ngumiti. “Bakit mo ako binibigyan ng napakamahal na regalo?” tanong niya rito.

Bahagya rin naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa mga mata niya. “Gusto ko lang na may proteksiyon ka sa mga masasamang espiritu. Halika, at isusuot ko sa iyo.” sabi nito sa kaniya at gusto niyang matawa dahil sa sinabi nito. Sa totoo lang ay hindi naman siya naniniwala sa masamang espiritu.

Hindi siya sumagot ngunit bigla na lamang gumalaw ang mga kamay nito at kinuha ang box mula sa kamay niya at pagkatapos ay isinuot sa leeg niya. Nang hawakan nito ang kanyang buhok gamit ang daliri nito ay hindi sinasadyang dumampi ang daliri nito sa kanyang leeg.

Bigla siyang kinilabutan bigla dahil rito. Sa haplos nito ay palagi siyang sensitibo. Dahil sa pag-iisip ni Alexa sa relasyon nilang dalawa ay bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit ng kanyang puso. “Huwag mo na akong bigyan ng kahit ano sa hinaharap.” sabi niya rito.

“Napakaliit na bagay lang ng ibinigay ko sayo.” sabi nito sa kaniya.

Pinaandar na nito ang sasakyan at makalipas lamang ang kalahating oras ay nakarating na nga sila sa lumang bahay ng pamilya Montemayor.

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila sa pinto ay kaagad nang lumapit sa kanila ang may halos puti ng buhok na lola ni Noah. nang makita siya nito ay kaagad na nagpaskil ito ng masayang ngiti sa labi. “Salamat naman at nandito ka na mahal kong apo. Miss na miss na kita dahil halos ilang araw na tayong hindi nagkikita.” mahinang sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit.

Dahil palagi niya itong nakikita at nakakasama, pakiramdam ni Alexa ay may mali rito ng mga oras na iyon.

Ngumiti siya rito at pagkatapos ay niyakap rin ito ng mahigpit. Pagkatapos ay bumitaw rin siya kaagad at tumitig sa mga mata nito. “Lola anong mahalagang bagay ang gusto mong sabihin sa amin kaya pinapunta niyo kami rito?” kaagad niyang tanong at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

Sa halip naman na sumagot ay hinawakan nito ang kamay niya. “Halika, kumain ka muna at pagkatapos ay tyaka ko sasabihin sayo.” sabi nito at hinila na nga siya sa kusina.

Ang pagkaing nakahanda sa mesa ay pawang mga masasarap. Sabay-sabay silang naupo sa harapan ng hapag. Nag-umpisa itong sumandok ng pagkain at pagkatapos ay nagsalita. “Tatlong taon na ang nakalipas noong pumili ako ng magiging asawa ni Noah. napakaraming babae ang aking pinagpilian sa totoo lang at sa unang tingin ko pa lang sayo noon ay talaga namang alam kong tama ako na ikaw ang pinili ko. Nitong mga nakaraang taon ang lagay ng kompanya ay mas naging mahusay dahil nasa tabi ka lagi ni Noah.” mahabang sabi nito at pagkatapos nitong magsalita ay bigla na lamang itong napaupo at napatakip sa bibig.

Nagmamadali naman siyang pumunta sa likod nito at hinagod ang likod nito at pagkatapos lamang umubo ang matandang babae ay hinawakan nito ang kamay niya. “Kung hindi dahil sayo na nagtiyaga kay Noah noong mga panahong hindi siya makalakad at hindi niya kayang asikasuhin ang sarili niya ay baka namatay na siya, lalo pa at ilang katulong din ang umayaw sa kaniya dahil sa ugali niya.” dagdag nito at pagkatapos sabihin iyon ay bigla na lang tumulo ang luha nito kaya dali-dali niya itong pinunasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 30.3

    NAGING SOBRANG PANGIT ang mukha ni Andrew dahil sa kanyang narinig at sa sobrang hindi siya makapaniwala ay malamig niyang sinulyapan si Lily at pagkatapos ay ibinalik sa manggagawa ang tingin at matalim na nagtanong dito. “Totoo ba ang lahat ng iyon?”Sa punto namang iyon ay hindi nangahas ang manggagawa na itago ang katotohanan at pagkatapos ay marahang tumango. “Totoo po ang sinabi ni Sir Noah. may nakipag-usap po sa akin bago ang insidente at inutusan akong ibagsak ang balde sa ulo mismo ni sir kapag dumaan silang dalawa.” sabi nito at napakuyom ng kamay at napayuko dahil sa sobrang kahihiyan. “Hindi ako nag-isip at basta na lang pumayag kahit na alam ko pong mali.” sabi nito.Mahigpit na napakuyom ang mga kamay ni Andrew dahil sa labis na galit. Ngayon lang siya napahiya ng ganito. Ang mga matatalim na mga titig niya ay biglang napunta kay Lily. “anong klaseng palabas ito ha?!” galit na sigaw niya na hindi na niya napigilan pa ang kanyang galit.Agad naman na tumulo ang mga luha

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 30.2

    KAHIT NA ABALA ang matandang babae sa pakikipagtalo sa kanyang anak ay agad niyang nakita sa sulok ng kanyang mga mata ang dalawa na nakangiti sa isat-isa kaya bigla niyang nilingon ang mga ito at ngumiti ng matamis. “Tingnan mo nga kung gaano sila ka-sweet na mag-asawa. Nakakainggit naman talaga.” sabi nito.Nang marinig ito ni Alexa ay alam niya na kaagad na sinadya iyong sabihin ng matanda para marinig ng ama ni Noah at para na rin kay Lily. dahil dito ay mas lalo pa naman niyang tinamisan ang kanyang ngiti at hinarap ito. “Mas nakakainggit nga po lola ng relasyon ninyo ni lolo na tumagal hanggang sa tumanda kayo.” sabi niya rito.Ngumiti naman kaagad ang matanda sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. “Basta walang gagawing kalokohan si Noah ay tiyak na magtatagal din kayong dalawa. Idagdag pa na ang katulad mong mabait at masipag ay mahirap hanapin bilang isang manugang.” sabi nito sa kaniya.Hindi niya alam pero hindi niya naiwasang mag-init an

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 30.1

    AGAD NAMAN NAMUTLA ang mukha ni Lily nang mga sandaling iyon. Agad niyang ibinaba ang kanyang uo upang yumuko at napakagat labi na lamang siya. Sa gitna ng mga ito ay mukha siyang isang kaawa-awa.Nang sulyapan naman siya ni Andrew ay hindi niya maiwasan ang mapakuyom ang kanyang mga kamay lalo pa at parang wala ang ito sa mga kasama nila sa mesa. Dali-dali niyang kinuha ang mangkok na may lamang sinigang naman na baboy at pagkatapos ay inilagay sa harap nito. “Lily, tikman mo itong espesyal na sabaw na ito na pinakuluang—” ngunit hindi pa man nito natatapos ang sinasabi nito ay agad na nagsalita ang matandang babae na nakasimangot at nakatingin sa kanila.Binalingan nito ang kasambahay. “Kuhanin mo ang sabaw na iyon. Alam mo namang ipinaluto ko iyon para kay Alexa kaya sino ang nagsabi na pwedeng inumin ng babaeng iyan ang sabaw na iyon.” sabi nito kung saan ay agad din namang sumunod ang kasambahay.Awtomatiko namang napangiti si Alexa at bumaling sa direksyon ng matanda pagkatapos

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 29.5

    PAGKAUPO NI LILY AY AGAD nitong kinuha ang lagayan ng pork chop at pagkatapos ay iniunat ang kamay upang maglagay ng isa sa plato ni Noah at nagsalita ng puno ng lambing at pagpapabebe. “Kumain ka ng marami. Alam kong napuyat ka noong gabing inalagaan mo ako sa ospital idagdag pa na napakarami mo pa ring trabaho.” sabi nito.Malamig naman na sinulyapan ni Noah ang inilagay nitong karne sa kanyang plato bago siya sinulyapan. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” walang emosyong tanong nito.Itinaas naman kaagad nito ang kamay upang hilutin ang kanyang sentido at nagsalita na para bang medyo nasasaktan pa. “Medyo masakit pa rin at may mga bagay na hindi ako matandaan.” sabi nito.Nakita niya naman ang pagtaas bigla ng kilay ni Noah nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay inilabas ang cellphone mula sa bulsa nito upang tawagan ang kanyang assistant. “Dalhin mo dito ang manggagawa sa mansyon.” sabi nito sa kabilang linya.Nang marinig naman ito ni Lily ay agad na namutla ang kanyang

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 29.4

    BAHAGYANG NATIGILAN SI ALEXA sa isinagot sa kaniya ni Noah ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi magtanong pa. “E bukas? Aalis ka pa rin?” tanong niya ulit at pagkatapos ay tumingala rito.Nakita niya ang marahang pag-iling nito at pagkatapos ay hinalikan ang talukap ng kanyang mga mata. “Hindi rin ako aalis bukas.” bulong nito sa kaniya hanggang sa dumulas ang mga labi nito papunta sa kanyang pisngi at papunta sa kanyang leeg hanggang sa unti-unti itong gumapang patungo sa kanyang mga punong-tenga. “Mas mahalaga na samahan ko ang asawa ko kaysa sa iba.” bulong nito sa kaniya bago siya nito pangkuin at dalhin patungo sa silid nito.Sa kabila ng kanyang pamumula ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng saya dahil pakiramdam niya ay napakahalaga niya kay Noah. ibig lang sabihin sa kabila ng lahat ay mas pinipili pa rin siya nito kaysa kay Lily. sa kabila ng lahat ng kanyang agam-agam ay nakalimutan niya ang lahat ng iyon nang bigla na lang siya nitong halikan sa kanyang mga labi n

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 29.3

    DAHIL NA NGA RIN sa sinabi ni Dexter sa kaniya ay hindi na siya nag-abala na pumunta sa silid ni Lily. kaagad na rin siyang tumalikod at bumalik sa kanyang sasakyan. Sa kotse ay agad niyang tinawagan ang kanyang assistant.“Gusto kong hanapin mo kung sino ang naghagis ng balde kahapon sa construction site at gusto ko na huwag mong ipaalam sa kahit sino na nag-iimbestiga ka.” sabi niya rito. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumugon. “Okay po sir.” sagot nito.Hindi nagtagal ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag at binalingan ang kanyang driver. “Bumalik na tayo sa kumpanya.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman nitong pinaandar ang sasakyan. Wala pang halos sampung minuto na umaandar ang sasakyan ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya na ang Mommy iyon ni Lily. wala siyang nagawa kundi ang sagutin na lang ito. “Noah, ang sabi ng Daddy mo ay pupunta ka rito sa ospital? Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa?” bun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status