Share

Chapter 96: Round Two

NAUUTAS na hindi na magawang tiisin ni Geoff ang nararamdaman. Lalo nang maisip niya na palaging nakangiti si Alyson at masaya kapag si Kevin ang kausap niya. Hinabol na ng lalake si Alyson na nasa huling baitang na ng hagdan sa itaas. Walang pakundangan na inagaw niya mula sa isang kamay nito ang hawak niyang cellphone.

"Akin na 'yan!"

Dahil sa hindi 'yun nakita at hindi napaghandaan ni Alyson ay hindi niya nagawang pigilan si Geoff sa tangka nitong pag-agaw. Akmang ilalagay na 'yun ni Geoff sa tainga para bulyawan si Kevin ay mabilis na itong hinablot ni Alyson. Hindi niya 'yun binitawan. Nakipagmatigasan siya dito. Nagpalitan sila ng nanlilisik na titigan. Parehong nagbabanta na kapag hindi binitawan ng isa sa kanila ang cellphone ay walang makikinabang.

"Bitaw!" walang sound na buka ng bibig ni Alyson, sumenyas pa siya na kapag hindi bumitaw si Geoff ay tiyak na malilintikan ito sa kanya. "Ano?"

Hindi sinunod ni Geoff ang gusto ni Alyson. Lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
parehong makapal mukha ng mga haliparot na to..gising Aly, gs2 mo yatang makunan kpa bago ka umalis jan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status