Share

Kabanata 2

last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-20 15:08:08

HINDI makapaniwalang namilog ang mata ni Geoff sa narinig. Bahagya na itinagilid niya ang ulo dahil baka mali ang pagkakaintindi niya sa narinig. Hindi niya inaasahang papayag na si Alyson. Noon, tuwing binabanggit niya ang tungkol sa annulment ay nagmamakaawa itong huwag iyong ituloy, kulang na lang din ay luhuran siya nito sa pakiusap. Kung kaya naman palaisipan sa kanya ano ang nakain ng asawa at pumayag na ito sa kagustuhan niya after a month.

"Aasahan ko iyan, Alyson. Wala ng bawian. Mag-set tayo ng araw para parehong pumirma sa mga papeles. Sa isang araw, pumunta ka ha?"

Ilang minuto ang hinintay ni Geoff para sa sagot ni Alyson pero agad na nakuha ang atensyon niya ng monitor ng ultrasound kung saan malinaw na makikita ang imahe ng magiging anak nila ni Loraine. Kasalukuyan sila ngayong nasa clinic ng OB-Gyne nito upang magpa-ultrasound.

"Geoff, tingnan mo ang hitsura ng magiging anak natin. Kamukha mo di ba?" masiglang boses iyon ni Loraine.

HINDI ito nakaligtas sa pandinig ni Alyson na nasa kabilang linya pa. Sobrang sakit noon para sa kanya na kakatapos lang mawalan ng anak. Hindi na niya iyon kinaya kung kaya pinutol na niya agad dito ang tawag. Naghuhulagpos na pababa ang mga luha niyang hindi na niya napigilan. Mariin niyang hinawakan ang dibdib at tahimik na umiyak sa loob ng silid.

"Hello? Alyson?"

SUMAMA ang hilatsa ng mukha ni Geoff nang makitang wala na pala siyang kausap. Bukod sa nagtataka siya sa biglaang pagpayag nito ay bigla pa siyang binabaan nito ng cellphone.

"Geoff? Narinig mo ba ang sinabi ko?" agaw pa ng atensyon niya ni Loraine.

Hindi siya pinansin ni Geoff na ang utak ay nasa kay Alyson. Lutang siya habang hinahanapan iyon ng dahilan. Nang magtama ang mata nila ay napilitan na siyang tumango.

"Loraine, pumayag na ngayon si Alyson sa annulment namin."

Tumingin siya kay Loraine na agad na nagliwanag ang hilatsa ng mukha.

"Talaga? Mabuti naman."

Tumango si Geoff at saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" hawak niya sa laylayan ng damit ng lalake.

"Aalis ako. Saglit na uuwi. Hahanap ako ng iba pang impormasyon kung bakit bigla na lang pumayag si Alyson. Mamaya ay may iba na pala siyang binabalak at wala tayong kaalam-alam."

"Sige, mag-iingat ka."

Nakapameywang na pinagmasdan ni Geoff ang tatlong palapag ng dati nilang tirahan. Halos isang buwan na ang nakakaraan mula ng piliin niyang iwanan ang lugar upang bumukod. Umingit ang bakal na gate ng buksan niya iyon. Malutong na tumunog din ang mga tuyong dahon ng puno nang maapakan niya. Halatang ilang araw na iyong hindi nawawalis at nalilinis.

"Hindi na ba siya dito nakatira?" tanong niya sa sarili na ang tinutukoy ay si Alyson, dito niya kasi ito iniwan. "Baka umuwi na sa pamilya niya."

Marahas na pinagpag ni Geoff ang dalawang palad nang kumapit doon ang alikabok matapos buksan ang main door. Nabahing pa siya ng ilang beses nang manuot ito sa kanyang ilong.

"Pambihira naman itong si Alyson! Pinabayaan niya ang bahay namin mula umalis ako."

Hindi na siya nag-aksayang pagpagin ang duming kumapit sa suot niyang sapatos. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Kulob ang amoy ng hangin. Sinalubong din siya ng nakakabinging katahimikan. Kung gaano karumi sa labas, siya namang linis ng bahay sa loob.

Iginala niya ang mga mata sa paligid. Nagugunita niya pa sa balintataw ang mga kaganapan sa lugar na iyon dati. Madalas na nasa kitchen ng bahay si Alyson, nagluluto ng kanilang pagkain. Palaging sumasakit ang tiyan niya at sinisikmura, kaya todo luto lang ng malalambot na pagkain si Alyson para mabilis niyang ma-digest iyon. Madalas din siyang magsuka noon kapag napuno ang kanyang tiyan.

"Huwag kang mag-alala, aalagaan kita at pagagalingin sa sakit mo." natatandaan niyang malambing na wika ni Alyson noon.

Pagkatapos ng dalawang taong kasal sila at sa pag-aalaga ni Alyson sa kanya ay parang isang himala na unti-unti na siyang gumaling.

Ginapangan ng lungkot ang sistema ni Geoff nang makitang bakante na ang kanilang dating tirahan noon. Ganunpaman ay pinili niyang humakbang sa loob ng dati nilang silid. Silid na tanging saksi sa alaala ng nakaraan nila. Bumuntong-hininga siya matapos na isilid sa bulsa ang dalawa niyang palad. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nalulungkot ng sandaling iyon. Biglang nagbago ang pakiramdam niya habang binabalikan ang nakaraang nakalipas na.

"Hindi ko siya mahal. Nagustuhan ko lang siya dahil may kamukha siya. Si Loraine. Iyon lang."

Hindi niya namalayan ang pagdating ni Alyson sa bahay at ang pagbukas ng pintuan ng silid.

GULANTANG na naburo ang mata ni Alyson sa malapad na likod ni Geoff. Napakurap pa ang babae dahil baka namamalikmata lang siya. Nang humarap ito at makitang totoo, kumabog na ang puso niya. Nakita niya 'ring suot nito ang pamilyar na damit sa alaala niya. Natatandaan niyang siya pa ang metikulusong namili ng design noon at ng maging ng kulay nito sa branded shop.

Habang tinitingnan niya ang mga damit noon ay nai-imagine na niyang babagay ito sa bulas ng katawan ng asawa. Hindi nga siya rito nagkamali. Naging bagay na bagay ito kay Geoff. Nagsilbi iyong regalo niya sa birthday nito. Agad na nagbago ang emosyon sa mukha ni Alyson nang maalala na si Loraine na ang kasama nito, pero ang kapal pa rin na suotin ang damit na binigay niya.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig ang boses na tanong ni Alyson kay Geoff.

HUMARAP na sa kanya si Geoff. Pinasadahan siya ng tingin ng lalake mula ulo hanggang paa. Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang malaking pagbawas nito ng timbang, nangingitim ang ilalim ng mga mata at maging ang sobrang pamumutla nito.

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ang—"

"Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" pambabara ni Alyson sa kanya.

Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin niya ang pagkaawa na nararamdaman. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila.

"Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" may diing tugon ni Geoff sa napakalamig na tinig.

NANUOT sa buto ni Alyson ang lamig ng boses ni Geoff nang sabihin iyon. Ang buong akala pa naman niya ay concern na ito sa kanya. Nakalimutan niya na wala nga pala itong pakialam. May puso itong kasing-tigas ng bato.

"Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."

Mula nang maikasal sila ay hindi naramdaman ni Alyson na mahalaga siya. Katawan lang naman niya ang habol ni Geoff. Tuwing magniniig lang sila saka lang niya nakikita ang pagmamahal nito sa mata na wala rito sa mga normal na araw.

Para sa kanya ay hindi nga iyon pagmamahal, purong pagnanasa lamang iyon. Pagkatapos nitong makuha ang gusto niya, agad na siyang tatalikuran. Doon lang siya may pakinabang. Doon lang lumalabas ang pangangailangan bilang asawa. Sa loob ng tatlong taong iyon ay hindi niya napigilang umasa siya na baka mahalin din siya ni Geoff, ngunit gumuho agad ang pangarap niya nang malaman niya ang tungkol kay Loraine. At ang mas nakakatawa pa, medyo may hawig siya sa mga mata ni Loraine. Doon niya naisip na kaya marahil siya pinakasalan ni Geoff, dahil nakikita nito sa kanya ang imahe ng ex-girlfriend nito na ngayon ay pinili niyang makasama keysa kanya.

"Mabuti naman kung ganun, Alyson. Mabuti na iyong malinaw ang lahat sa pagitan natin."

Masakit iyon para kay Alyson. Walang katumbas na sakit pero ano naman ang magagawa niya? Nangyari na. At saka wala rin namang may alam na kasal sila. Ni hindi iyon nabalita kahit na promenenteng tao si Geoff. May sinasabi sa mundo ng negosyo. Kung sakali na maghiwalay sila ay wala 'ring makakaalam noon bukod sa kanila, at sa mga kapamilya. Ilang kembot na lang at matatapos na ang lahat sa kanila after niyang pumirma ng annulment papers at magpa-raspa. Pipiliin niya na ang panibagong buhay na sa kanya ay naghihintay. Hindi na nila kailangan pang muling magkita pagkatapos ng hiwalayan.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
selenopile
mukhang mas masakit to kesa sa kwento ni Thanie at Gavin
goodnovel comment avatar
Nans Pano
sad story.next episode
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 1595

    NAMUTLA NA ANG mukha doon ni Sonia. After a long pause, she managed to squeeze out some words.“Please? Kahit ngayon lang Fifth, huwag mo naman akong ipahiya sa mahalagang araw sa buhay ko. Even if you don't see me as your fiancée, for the sake of our childhood friendship, you could at least see me

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 1594

    THE NEXT DAY, August got up early, even changing into a blue striped suit. He looked dashing and spirited in front of the mirror. Umuulan noon, isang bihirang pangyayari dahil summer na summer at napakainit ng panahon. Habang nakikinig sa malakas na buhos ng ulan sa labas ng bintana ay gusto pa sana

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 1593

    NATAWA NA DOON si August. In an instant, he suddenly felt that the fatigue of the past few days was nothing. Perhaps because he was happy, after taking a shower that night, August pressed Naomi down beneath him. Gentle kisses fell softly on her lips, earlobes, neck, almost every part of her body. Th

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 1592

    NANG GABING IYON, mahigpit siyang niyakap ni August hanggang sa tuluyang makatulog kung kaya naman mabilis din siyang nagising nang tanggalin ng lalaki ang mga kamay na nakapulupot sa katawan niya upang maaga rin itong umalis. “Aalis ka na?” naaalimpungatang tanong ni Naomi na bakas ang antok na an

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 1591

    KUMPARA SA KANYANG ina, mas malinaw na kausap ang kanyang ama na kahit mayroong alam ay hindi pinipilit ang gusto niya. Hinahayaan lang siyang magdesisyon sa buhay niya. Iyon ang buong akala niya, ngunit sa sandaling iyon pakiramdam niya ay nahawa ito sa ina.“Dad, matanda na ako—” “Hindi iyon ang

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 1590

    ILANG MINUTO ANG lumipas, nagpasya na tumawag na si Naomi sa lalaki. Nang makita ni August ang pangalang nag-flash sa screen ng kanyang cellphone, medyo hindi pa rin siya makapaniwala na tinatawagan siya ni Naomi ngayon. Sa kanya rin ang ringtone na iyon. Isang buong linggo silang hindi nagkita nito

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status