Share

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO
Penulis: Purple Moonlight

Kabanata 1

last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-20 15:05:56

"Misis, narinig niyo po ba ang sinabi ko?" untag ng doctor sa kanina pa tulala at wala sa sariling si Alyson. "Kailangan po natin dito ang pirma ng asawa mo upang mai-set na kung kailan natin isasagawa ang pagra-raspa."

Kanina pa tumatakbo sa isipan ni Alyson ang katagang hindi na raw kayang isalba pa ng doctor ang batang nasa sinapupunan niya. Hawak ang medyo nahahalata pa lang ang umbok na puson ay tulala itong nakatingin sa kawalan. Bukod daw sa maraming dugo ang nawala sa kanya ay tanging raspa na lang din ang choice na mayroon sila ngayon.

"Misis?"

Muling kuha ng atensyon ng doctor sa kanya. Nang wala pa 'ring reaction mula kay Alyson ay tinapik na siya nito sa isa niyang balikat, dahilan para mag-angat na siya ng tingin sa doctor.

"Uulitin ko po, kailangan natin ng pirma ng iyong asawa bago natin isagawa sa'yo ang operasyon."

Kanina pa gustong humagulhol ng iyak ni Alyson pero dahil nasa publikong lugar at maraming tao ang makakakita ay hindi niya iyon magawa. Gulong-gulo siya. Ligaw na ligaw ang isipan sa mga nangyari. Hindi niya alam kung saan siya nagkamali para parusahan ng ganito. Pinigilan niya ang sarili na magpakita ng emosyon kahit na sobrang sakit na ngayon ng kalooban niya.

"Doc, pu-pwede bang ako na lang ang pumirma?" naging malikot ang kanyang mga mata. "Ano kasi, hindi ko maabala ngayon ang asawa ko..." may nginig ang boses na patuloy na wika ni Alyson.

Nagbabakasakali lang naman siyang papayag ito. Ayaw niyang makausap ngayon ang kanyang asawa na lingid sa kanyang kaalaman ay kasama lang ang kerida at nagpla-plano na ng pamilya. Masaya ito at walang kamalay-malay sa kung anong masamang nangyayari sa kanya.

"Kung pwede lang naman sana, Doc."

Mula sa papel na masusing binabasa ay napaangat ang tingin ng doctor. Ilang minuto niyang pinag-aralan ang mukha ng kaharap na pasyente. Mababakas dito ang lungkot at takot. Hindi rin maitatago ang labis na pag-aalala na hindi niya alam kung saan galing. Batid niya na maraming kaso ng mga single mom sa bansa pero ayon sa detalye ng pasyente sa papel na sinulatan nito ay mayroon siyang asawa. Walang ibang magawa ang doctor kung hindi ang papirmahan ang papel na hawak-hawak niya.

"Naku, hindi po maaari na pagbigyan ang gusto niyo, Misis. Pirma po talaga ng Mister niyo ang kailangan namin. Hindi pwedeng ikaw lang. Nasa batas iyon ng hospital. Lisensya ng mga doctor at ang reputasyon ng hospital ang nakasalalay dito."

Isang buwan na ang nakakalipas mula nang hamunin si Alyson ng hiwalayan ng asawa sa legal na paraan. Ayaw niyang pumayag. Kaya naman napaka-weird lang na bigla siyang tatawag ngayon para humingi lang ng pirma nito? Anong sasabihin niya? Buntis siya at nakunan? Isang kahibangan iyon para kay Alyson. Paniguradong sisisihin pa siya nito sa nangyari.

"Hindi ba talaga pwede, Doc?"

"Pasensiya na Misis, hindi po talaga pwede. Huwag niyo na pong ipilit at hindi ka rin mapagbibigyan."

Hindi na sumagot para magpumilit sa gusto si Alyson. Umayos siya ng higa at tumagilid paharap sa bintana ng silid. Umaambon noon sa labas. Namasa ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Napakalinaw pa sa isipan niya ang mga pangyayari. Hindi niya ito makakalimutan. Nalugso ang negosyo ng pamilya nila dahil sa hindi mapigilang pagsusugal at bisyo ng kanyang ama. Hindi iyon nakaya ng konsensiya ng padre de pamilya at pinili na lang nitong wakasan ang buhay niya. Sa trauma ng ina ni Alyson sa mga nangyari ay na-depress ito at kinailangan na dalhin din sa hospital upang magamot agad.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Alyson ng araw na iyon kaya minabuti niya na pumunta sa opisina ng asawa upang humingi ng karampot na comfort. Sa sobrang pagkatuliro pa nga ay hindi na niya napansin ang malakas na pagbuhos ng ulan kaya mukha siyang basang sisiw nang makarating. Bago pa makapasok ng lobby ng building ay agad siyang natigilan. Nakita niya lang naman ang asawa niya sa ibaba, may kasamang babae.

‘Ang kapal ng mukha niya!’ sa loob-loob ni Alyson, ngunit hindi magawang isatinig ngayong nauna nang mahilam ng luha ang mga mata.

Kitang-kita ng dalawa niyang mata kung paano haplusin ng asawa ang bahagyang nakaumbok na tiyan ng babaeng iyon. Masuyo, puno ng pag-iingat at pagmamahal. Agad na umahon ang matinding inggit at galit na nakatago lang sa puso ni Alyson.

Tatlong taon na silang kasal ni Geoffrey Carreon, at ni minsan sa tatlong taong iyon ay hindi man lang siya nito nagawang asikasuhin at alagaan. Hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito sa kanya. Ngayong nakita mismo ng dalawang mata niya ang pag-aalaga nito sa ibang babae, parang pinupunit ang kanyang puso hanggang sa tuluyan itong magkapira-piraso.

Ilang minuto pang napako ang mga mata ni Alyson sa mukha ng babae. Maganda ito. Hindi iyon maikakaila. Halatang galing din sa maykayang pamilya na kagaya niya. Makinis at halatang alaga ang kanyang sarili. Iyong tipong kahit na buntis ito ay maganda pa rin ang hitsura. Naisip ni Alyson na marahil dahil sa maayos na pag-aalaga iyon ng kanyang asawa. Sa panahong ito ay nagdadalang-tao na rin siya.

Naikuyom na ni Alyson ang kanyang mga kamao. Tumindi pa ang poot na nararamdaman niya habang nakikita silang masaya. Samantalang siya ay ayon sobra-sobrang nahihirapan. Alam niyang siya ang original na asawa at may karapatan siyang magalit, ngunit wala siyang magawa na para bang wala siyang karapatan.

Makailang beses rin niyang sinubukan na humingi ng tulong sa asawa na baka pwedeng tulungan ang negosyo ng pamilya niyang unti-unti pa lang ang pagkalugi noon. Kahit kasal na sila ay hindi close ang pamilya niya sa asawa. Hindi rin alam ni Geoff ang mga nangyayari sa kanilang negosyo.

Sa loob ng tatlong taong kasal sila, hindi niya mapigilan si Geoff na palaging gamitin ang katawan niya tuwing nasa impluwensya ito ng alak. Inakala niya noon na dahil dala-dala niya ang anak nila ay matutulungan siya nito. Akala lang pala niya ang lahat ng iyon.

Mabigat ang mga paang lumapit na siya. Tumigil siya sa harapan ng dalawa. Hindi na nagulat ang asawa sa presensiya niya, kahit sa hitsura niya. Pigil na pigil na niya ang emosyong sumabog.

"Let's file an annulment!"

Ito ang nakuhang sagot ni Alyson mula sa asawa sa halip na damayan siya at isalba ang kanilang negosyo.

"Simula't sapul ay wala namang patutunguhan ang kasal natin."

Naburo ang mga mata ni Alyson sa kerida ng asawa. Hindi pinansin ang sinabi ni Geoff. Nanuot pa ang galit sa buto niya nang ngumisi na ito.

"Bakit hindi ka makasagot?"

Ilang beses na napalunok ng laway si Alyson. Ngayon ay naging malinaw na ang lahat sa kanya. Kung bakit bigla na lang siyang hinamon ng hiwalayan ng asawa. Kung bakit bigla na lang siyang iniwan. Iyon ay dahil sa kabit nito. Mali. Nang dahil sa first love ni Geoff na hindi makalimutan.

"Pumayag ka na, Alyson. Wala ka rin namang magagawa na para ayusin ang relasyong niyong nasira na." eksena ni Loraine, ang kabit ni Geoff.

Umiigting ang panga at walang imik na tinalikuran ni Alyson ang dalawa. Nang araw 'ding iyon ay umalis ng kanilang bahay si Geoff at hindi na siya ulit ito nakita pa ni Alyson. Hindi na niya nagawa pang banggitin dito na buntis siya. Para saan pa? May iba na itong mahal.

Ayos na sana ang lahat. Handa na siyang harapin ang buhay ng wala ito. Ngunit sa huling araw ng burol ng kanyang ama ay may hindi kilalang mga tao ang sumugod doon at nanggulo. Noong una ay hindi niya alam ang dahilan, pero naisip niya na baka isa sila sa pinagkakautangan ng ama. Sinubukan niya silang awatin at sawayin, pero anong laban niya sa dami nila? Naitulak siya ng mga ito at sumubsob sa sahig. Iyon ang naging dahilan upang duguin siya.

MASUSING tinitigan ni Alyson ang papel na iniwan ng doctor sa kanya upang pirmahan ng asawa. Humugot na siya nang malalim na hininga, saka bumangon. Dinampot na ang cellphone. Wala na siyang choice kung hindi ang tawagan si Geoff at makiusap para lamang matapos na ang lahat ng iyon. Ilang beses lang iyong nag-ring at sinagot nito agad.

"Ano Alyson? Pumapayag ka na ba na pirmahan ang annulment natin?"

Iyon agad ang bungad ni Geoff.

Gusto niyang bulyawan ito at sabihin na nasa bingit na siya ng kamatayan pero ang paghihiwalay pa rin nila ang nasa utak nito. Ngunit hindi niya magawa. Wala siyang lakas ng loob. Ilang beses niyang sinubukang ibuka ang bibig upang magsalita sana, pero wala ni isang salitang lumabas doon nang subukan niya.

"S-Sige, pumapayag na ako."
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (10)
goodnovel comment avatar
Irene Tibe
kainis dpt kung ayaw nyu pabasa wag nyu post back to zero ulit tagal ko binabasa ito ngyun back to lock story nnman Ganda pna man ng story......
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
Almost nasa ending na po ang kwento.
goodnovel comment avatar
abbaabbas461
my ending nba to
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 976

    ANG BUONG AKALA ni Addison ay tulog na ito, mali pala siya. Marahil ay humahanap lang ito ng pagkakataon upang pakawalan ang kanyang mga katanungan na willing naman siyang sagutin ng tapat. Hindi niya kailangang maglihim sa asawa. Baka kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay makabalik na ito.“Model.

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 975

    GULANTANG NA NAPATAYO na si Addison nang marinig ang malakas na boses ni Loraine sa may pintuan. Nilingon na ito gamit ang tila walang pakialam niyang mga mata. Hindi siya sa ibang silid matutulog, ayon iyon sa kanyang asawa kaya iyon ang susundin niya. Hindi siya mapipilit ng biyenan gawin ang gust

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 974

    BIGLANG NAIBABA NA ni Addison ang kanyang kubyertos at hindi na nilingon ang asawa dahil wala rin naman itong maiitulong sa kanya kahit na humingi siya ng tulong dito. Palagi lang itong tahimik na dinaig pa ang pipi na ayaw pa rin magsalita kahit na ano. Wala itong reaction kahit matalas na ang dila

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 973

    PUNO MAN NG galit ang puso ni Addison sa mga pinagsasabi ni Loraine sa kanya ng araw na iyon ay hindi pa rin sumagi sa isipan niya ang umalis sa tabi ni Landon upang iwan ang asawa gaya ng suggestion ng mga magulang niya kapag mabigat na ang lahat sa kanyang balikat. Hindi niya pwedeng hayaan ang ma

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 972

    MASAMANG-MASAMA ANG LOOB ni Addison habang pinagmamasdan mula sa may pintuan ng silid ang mahigpit na yakap ni Landon sa ina nang dumating ito. Hindi niya magawang pumasok doon dahil pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga. Nagalit pa nga sa kanya si Loraine sa ginawa niyang paglipat ng pwesto ng

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 971

    MARIIN NA ITINIKOM na ni Jinky ang kanyang bibig dahil baka mamaya ay kung ano pa ang masabi ng amo niya sa kanya kung igigiit niya pa ang gusto. Nagmamalasakit lang naman siya. Mukhang deserve talaga ng kanyang amo na balewalain at i-trato ng hindi maganda ng kanyang anak dahil ganito ang ugali. Sa

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 970

    UMISMID, IYON ANG naging reaction ni Alyson sa kanyang asawa na hindi niya malaman kung kampi ba sa dati nitong babae o gusto lang nitong matiwasay na kumain ang mag-asawa. Malakas ang pakiramdam ni Alyson na hindi nagkakasundo ang kanilang mga anak. Hindi kasaya gaya ng dati ang mata ng anak niya e

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 969

    PARANG MAY SARILING buhay na tumaas sa ere ang isang kamay ni Landon at marahang humaplos na iyon sa ulo ni Addison. Nang maramdaman naman iyon ng babae ay gumalaw nang bahagya ang mga pilikmata nito. Marahan ang hagod ni Landon dito na parang humahaplos ng ulo ng newborn baby habang nakatunghay pa

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 968

    SA NARINIG AY mas nadurog pa ang puso ni Addison. Paano kung hindi nga niya sukuan tapos napagod siya? Hindi pa rin iyon pwede? Lalo na kung makakasama nila ang biyenan na hindi malabong mangyari. Iniisip pa lang niya na gigising siya araw-araw at makikita ang mukha ni Loraine, sa mga sandaling iyon

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status