PASIMPLENG pinalis ni Alyson ang ilang butil ng luhang pumatak nang hindi niya namamalayan. Pagtingin niya kay Geoff ay tapos na itong kumain. Puro tinik na ang isang piraso ng isda na nasa plato niya."Ang sabi ko, salamat."Tumungo si Alyson. Ang babaw ng emosyon niya. Sa simpleng salamat ay para
PINAGPAWISAN na ng malamig ang buong katawan ni Alyson. Kanina pa siya doon nakatayo. Halos isang dipa lang ang layo niya sa kama ni Geoff. Ilang segundo na ang nakakalipas matapos siyang papasukin ni Geoff sa loob. Kanina pagbalik nila, nauna na itong pumasok ng silid at after ng ilang minuto bago
KAAGAD nanlambot ang mga tuhod doon ni Alyson. Kung hindi lang siya humawak sa balikat ni Geoff ay paniguradong parang itinumbang kahoy siyang bumulagta sa sahig. Isinara ni Alyson ang kanyang mga mata nang simulan ni Geoff halikan ang puno ng tainga niya. Dumaloy na ang bolta-boltaheng kuryente sa
HUSTONG labas ni Alyson ng VIP room upang magtungo sa restroom ay siya namang pasok ng grupo nina Xandria. Marami itong kasama na hindi familiar ang mukha kay Alyson. "Alyson?!" hindi makapaniwalang tawag niya sa pangalan ng babae. Gulat na gulat si Xandria nang makita ito dito. Ang buong akala ni
MAKAHULUGANG nagkatinginan si Vito at Xandria sa huling tinuran ni Alyson. Halatang hindi na nila gusto ang naging tabas ng dila ni Alyson. "Hoy Alyson, huwag ka na ngang choosy. Hindi mo yata alam kung gaano kagalante at kayaman niyang si Vito. Baka magbuhay prinsesa ka pa o Donya oras na pagbigya
ILANG sandaling naglaban ng tingin si Xandria at Alyson. Maya-maya ay mapang-amok ng ngumiti si Xandria. "Sa tingin mo tutulungan ka ni Kuya?Sigurado akong kahit makita ka niya ay papanoorin ka lang niya. Alam mo kung bakit? Dahil wala ka namang silbi sa kanya. Mula pa lang sa simula ay si Loraine
NAKAUWI na at lahat si Geoff sa apartment niya pero hindi magawang maging panatag. Patuloy dumadaan sa isipan niya ang tanawin ng paghila kay Alyson. Sa pagkonsulta niya sa isa sa mga kaibigan niya, naging malinaw sa kanya ang mukha ng lalakeng may gawa noon sa asawa. "Kuya? Napatawag ka?" Kilala
DUMILIM pa ang mukha ni Geoff nang makita ang kalagayan ni Alyson. Yakap ang sarili habang tinatakpan ang katawan at gula-gulanit na damit. Hindi na niya napigilan ang sarili. Isang malakas na solidong suntok ang pinakawalan niya na tumama sa gilid ng panga ni Vito na napasubsob dito sa maruming kam
SA NARINIG AY mas nadurog pa ang puso ni Addison. Paano kung hindi nga niya sukuan tapos napagod siya? Hindi pa rin iyon pwede? Lalo na kung makakasama nila ang biyenan na hindi malabong mangyari. Iniisip pa lang niya na gigising siya araw-araw at makikita ang mukha ni Loraine, sa mga sandaling iyon
UMIGTING NA ANG panga ni Landon sa pagsigaw na ginawa ni Addison. Biglang sumeryoso ang kanyang expression na sa pagkakataong iyon ay parang mas hindi na siya kilala ni Addison. Bigla itong naging another version ng kanyang asawa. Naghahamon na ang mga paninitig nito sa kanya. Saktong dumating naman
LUMAKAS PA ANG hagulhol ni Addison habang yakap ang kanyang ina. Sobrang bigat ng dibdib niya na hindi niya alam kung kakayanin niya pa ba. Alam niya sa kanyang sarili na malaki ang ambag niya kung bakit naroon ang asawa at walang malay na nakaratay sa kama ng hospital. In-denial lang ang mga magula
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng