KINABUKASAN NG GABI after nilang mag-usap tungkol sa kasal ay binilhan ni Oliver si Alia ng diamond ring upang maging engagement ring nila. Hindi siya papayag na hindi mabilhan noon ang babae. Nangako siya sa kanyang sarili na kapag binigyan siya ni Alia ng bago at isa pang pagkakataon, hindi niya i
SA KABILANG BANDA ay hindi pa rin nag-iimikan sina Zayda at Leo na magkasama sa loob ng kanilang maliit na apartment. Pag-uwi nila doon mula sa Gallery at magkaroon ng insidente ng pagtatalo ay hindi na sila muling nag-usap pa na animoa y parang hindi magkakilala. Pareho silang nag-stay sa apartment
PUNO NG DISGUSTO ang mga mata ni Leo nang muli pa niyang tingnan ang mukha ng nobya. Ilang ulit pa niyang naiiling ang kanyang ulo. Hindi makapaniwalang ganun ang kahahantungan nila. Masyadong nilamon ng pangarap na karangyaan ang isipan ni Zayda gayong kaya naman nilang mamuhay ng simple at normal
SINUNOD NI ZAYDA ang sinabi ni Carolyn. Mabilis niyang pinirmahan ang mga kailangan at ilang minuto lang ay nakuha na niya ang ID. Nag-briefing na rin siya kung ano ang magiging trabaho niya na si Carolyn na rin ang gumawa. Ang trabaho lang na gagawin niya ay ang sumama kay Oliver sa mga lakad niya
KIBIT ANG BALIKAT na walang pakialam na nagpagiya na si Alia kay Oliver matapos na ngumiti nang matamis sa banda nina Carolyn. Sinigurado niyang makikita iyon ng babae. Nginitian siya ng secretary ni Oliver pabalik, habang seryosong nakatingin lang si Zayda sa kanya na tila ba ang tingin sa kanya ay
ANG PAGKAGULAT NA nasa mukha ni Zayda ay biglang napalitan ng nakakalokong ngisi nang makita niyang sobrang bothered ang mukha ni Alia sa presensya niya. Ibig lang sabihin noon ay apektado ang babae sa presensya niya. Matapang at walang imik na humakbang na siya palapit sa gilid ni Alia upang maghug
IPINAGKIBIT NG BALIKAT iyon ni Alia ngunit hindi niya inalis ang isipan sa cellphone ni Oliver hanggang makababa sila ng sasakyan at tuluyang pumasok na sa loob ng villa. Habang mabagal na tinatahak nilaa ang hagdan patungo ng silid nila ay muli niyang binuksan ang usapan na tungkol sa message doon
NAKAGAT NA NI Oliver ang kanyang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan pa rin na magselos ang nobyang nasa harapan niya. Lumambot na ang tingin niya kay Alia habang kumibot-kibot na ang kanyang bibig na kahit hindi niya isatinig ay alam niya na ano ang tunay na nararamdaman ni Alia ng mga sandaling
LUMAKAS PA ANG hagulhol ni Addison habang yakap ang kanyang ina. Sobrang bigat ng dibdib niya na hindi niya alam kung kakayanin niya pa ba. Alam niya sa kanyang sarili na malaki ang ambag niya kung bakit naroon ang asawa at walang malay na nakaratay sa kama ng hospital. In-denial lang ang mga magula
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng
NAMASA NA ANG mga mata ni Addison at hindi na napigilang mamula rin iyon sa narinig na sinabi ng asawa. Mas sumama ang loob niya at naasiwa. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya na kung dati ay agad na niyang titigilan ang pakikipagtalo, tatahimik na lang siya at ipa
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Landon at binasa ang kanyang laway. Mahaba ang kanyang pasensya ngunit sa pinapakita ngayon ng kanyang asawa, parang mapipigtas yata ang pisi ng kanyang pasensya. Napatingala na siya sa langit, nameywang at makailang beses na ipinikit ang mga mata upang doon din ibunton