Share

261

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2024-11-23 15:18:49

Sa katahimikan nilang dalawa, sa wakas ay nakarating na ang sasakyan sa lumang mansyon.

Hindi na pinansin ni Harold si Karylle at agad na bumaba ng sasakyan.

Napaayos ng upo si Karylle, bahagyang nakasimangot. Hindi siya nagsalita at bumukas ng pinto sa may front seat, ngunit hindi niya namalayan na namula at namaga na pala ang kanyang labi.

At si Harold naman...

May bakas din ng pamumula sa gilid ng kanyang mukha. Hindi ito masyadong halata, pero kapag tinitigan, kita pa rin ito.

Ganito ang itsura nilang dalawa nang pumasok sila sa lumang mansyon ng pamilya Sabuelgo, magkasunod.

Nang makita sila ng butler sa ganoong ayos, bigla itong napahinto at nag-isip...

Ang batang master, pinilit halikan si Miss Granle, at ang resulta... binugbog!

Nang maisip niya iyon, parang mali. Sa tatlong taon nilang kasal, walang naramdaman si Mr. Sabuelgo para kay Karylle, kaya paano siya magkakaroon ng damdamin pagkatapos ng kanilang hiwalayan?

Nagkamali lang kaya siya? Coincidence lang ba ito?

Malumanay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   581

    Samantala, sa lumang bahay ng Sabuelgo family…Sa loob ng den, kitang-kita sa mukha ng matandang si Lady Jessa ang matinding pagkadismaya at pagkagulat.“Hindi ako naniniwala!” mariin niyang sambit. “Hindi kayang gawin ni Karylle ang ganung klaseng bagay! Hindi siya puwedeng maging ‘Black-Hearted Chrysanthemum’! Imposibleng siya ang gumawa ng kalokohang ‘yon sa Sanbuelgo Group!”Biglang napangisi si Joseph, at may halong panunumbat ang tingin niya kay Lady Jessa.“‘Yan ang paborito mong apo? Tingnan mo nga ang pinaggagawa niya. Nilamon ng sistema. Traydor! Hindi marunong tumanaw ng utang na loob!” aniya sa masamang tono. “Pinakain mo ng maayos, minahal mo, pero anong isinukli sa'yo? Tignan mo sa Weibo! Basahin mo mga sinasabi ng tao!”Lalong dumilim ang mukha ni Lady Jessa. Halos pasigaw niyang sagot, “Kalokohan ‘yan!”Tumindig ang balikat niya sa galit. “Mabuti ako kay Karylle, at mabuti rin siya sa akin! Kung hindi dahil sa kaniya, baka hanggang ngayon, gapos pa rin ako ng nakaraan

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   580

    Akala ni Adeliya ay kilalang-kilala na niya si Karylle—na hawak niya ito sa palad, kaya hindi niya inasahan na ganito pala ito kalakas at katalino.Isang simpleng pekeng katauhan lang, pero nagawa nitong lituhin at paikutin sila. Sa simpleng galaw lang ni Karylle, nalinlang silang lahat. Talagang mahusay ang babaeng ito.“Karylle Ann!!” galit na sigaw ni Lucio habang nakatitig sa sahig, nagngangalit ang panga sa galit.Tahimik lang si Andrea sa gilid. Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalita ng seryoso, “Kung si Karylle talaga ang may gawa nito… hahayaan na lang ba natin ‘to? Wala tayong gagawin?”“Hindi!” mariing sagot ni Adeliya habang nakadiin ang mga ngipin. “Bakit natin siya palalampasin?! Niloko niya tayong lahat—pinaglalaruan niya tayo! Pero natutunan ko na rin ngayon… Hindi puwedeng padalos-dalos. Kapag nagmadali tayo, siya pa ang panalo.”Napatingin siya sa kanilang dalawa, sabay sabing, “Mas mabuting sundan muna natin ang plano ng taong tumutulong sa atin. Sa ngayon, ep

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   579

    May biglang nagsalita mula sa mga tao, “Tingnan n’yo ‘yung reaksyon ni Miss Granle. Ibig sabihin ba niyan marunong mag-code si Miss Karylle? At mukhang magaling pa!”Agad na nagsalita si Adeliya, halatang nainis, “Hindi ko alam kung ano’ng pinagsasabi n’yo. Marunong lang gumamit ng computer ang kapatid ko, pero simple lang, ‘yung basic lang talaga. Wala siyang alam sa mga code-code na ‘yan. Wala akong idea kung anong pinaparatang n’yo, pero pakiusap, huwag n’yong dungisan ang pangalan ni Karylle.”Maayos at kalmado ang paninindigan ni Adeliya bilang isang kapatid. Buong puso niyang ipinagtatanggol si Karylle at hindi nagbigay ng kahit anong impormasyon sa media.Pero sa likod ng pagtatanggol na iyon, parang lalong pinagtibay ang hinala ng marami—na si Karylle nga ay may malalim na kaalaman sa computer, at posibleng isa ring top-level hacker.Dahil dito, hindi na nagpilit pa ang media. Kitang-kita kasi sa mukha ni Adeliya ang mga emosyon na hindi niya kayang itago. At minsan, ang mga g

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   578

    Ang pagdating nina Harold at Karylle sa loob ng restaurant ay agad na nakatawag ng pansin. Lahat ng mata ay napatingin sa kanila, at ilang mga customer ang dali-daling kinuha ang kanilang cellphone upang kumuha ng litrato. Makikita sa mga mukha nila ang pagkabigla at excitement.“Grabe, andito si Harold at Karylle!” bulong ng isang babae sa kasama niya. “Ang swerte natin! Hindi araw-araw ‘to!”Hindi na bago sa publiko ang magkasamang paglabas ng dalawa. Dati-rati pa, madalas silang mapanood sa mga interviews at business features, at palagi silang magkasama—at sweet pa. Marami sa mga tao ang tinatawag silang “power couple” o “fairy couple.” Kahit na hiwalay na sila, umaasa pa rin ang ilan na balang-araw ay magkakabalikan sila.Kahit ang waiter na nakakita sa kanila ay hindi maitago ang pagkagulat. Agad itong lumapit upang maglingkod.Pumasok lang sina Harold at Karylle nang simple, at pumili ng table sa open area. Hindi sila nagtungo sa private room.Naupo sila sa magkatapat na upuan.

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   577

    Napansin ng technician ang malamig at matalim na tingin ni Harold. Napalunok siya at biglang namutla. Ano ibig sabihin ng tingin ni Mr. Sanbuelgo? Pinaghihinalaan ba ako?Pakiramdam niya ay inosente siya, pero para bang wala siyang lakas para ipagtanggol ang sarili. Mali ang iniisip nila! Hindi ako 'yun!Ngunit bago pa siya makapagsalita para magpaliwanag, lumapit na si Bobbie at sinabi sa kanya, "Ibigay mo kay Miss Granle ang pwesto mo."Parang mas mabilis pa ang katawan niya kaysa sa isip. Agad siyang tumayo at lumayo, pero hindi niya pa rin maintindihan—Bakit kailangan paupuin si Karylle?Ano naman ang magagawa ni Karylle sa harap ng computer?Habang ganito ang iniisip niya, napatingin na rin ang lahat ng tech personnel kay Karylle. Sumunod agad ang mga mata nila sa bawat galaw niya, lalo na nang magsimula na itong mag-type.Tumipa si Karylle sa keyboard nang tuloy-tuloy, at bawat pindot ay may kasamang tunog na parang musika sa tenga ng isang programmer.Napakunot ang noo ng mga n

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   576

    Walang kaemosyon-emosyong tingin si Lady Jessa at ni hindi man lang niya nilingon si Harold.Gayunpaman, sabay na tumingin sina Karylle at Harold kay Lady Jessa. Hindi na nagpaligoy-ligoy si Karylle at diretsong nagtanong."Ano pong nangyari?"Hinawakan ni Karylle ang pulso ni Lady Jessa—tila ba parang wala lang, pero malinaw na sinuri niya ang tibok ng pulso nito gamit ang dulo ng mga daliri.Sa halip na magalit, marahang tinapik ni Lady Jessa ang kamay ni Karylle gamit ang kabila niyang kamay. Nagbago ang ekspresyon ng matanda—mula sa galit ay naging puno ng lambing ang tingin niya sa apo."Ayos lang si lola, huwag mo na akong alalahanin," malambing na sabi ni Lady Jessa.Tumango si Karylle at bahagyang niluwagan ang pagkakahawak, pero hindi niya pa rin binitiwan ang kamay ni Lady Jessa. May ngiti sa kanyang labi nang sabihin niya, "Okay po."Si Harold naman ay seryosong nakatingin kay Lady Jessa habang nagtanong, "Bakit parang hindi maganda pakiramdam mo, Ma? Hindi ka ba masyado na

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   575

    Habang kumakain, napansin ni Lady Jessa na puro karne lang ang nilalagay ni Karylle sa kanyang pinggan. Inabot nito ang platito ng gulay at inilapit sa kanya.“Ay, Karylle, bakit ayaw mong kumain ng gulay? Kumuha ka pa, masyado ka nang payat,” sabi ni Lady Jessa, halatang nag-aalala.Ngumiti si Karylle at mahinahong sumagot, “Kumakain po ako, Lola.”Napabuntong-hininga si Lady Jessa, at may halong pagkadismaya ang mukha. “Ikaw talaga. Kumain ka nang maayos, ha? Huwag kang nagdi-diet para lang sa katawan mo. Tignan mo ang payat-payat mo na ngayon. Kailangan mong magpalakas.”Napangiti si Karylle sa lambing ng matanda at tumango. “Sige po, Lola. Kakain po ako ng marami.”Sa totoo lang, hindi naman payat si Karylle. Sakto lang ang hubog ng katawan niya—standard at balansyado. Pero sa paningin ng kanyang lola, para na siyang sobrang payat na nakakaawang tignan.Hindi nagtagal at natapos din ang hapunan. Tahimik lang si Don Joseph habang kumakain, ngunit bago sila tumayo sa hapag, bigla it

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   574

    “Karylle! Ikaw—!”Bago pa man matapos ng babae ang galit na sasabihin niya, bigla na lang siyang natigilan. Napatigil din ang lahat ng empleyado sa likuran niya, mistulang napako sa kinatatayuan.Ang nakita nila... hindi nila maipaliwanag.Nakita nila si Karylle na nakaupo sa gilid ng mesa, bahagyang nakatalikod. Nakapatong ang kamay ni Harold sa makinis na likod niya. Bukas na ang zipper ng suot niyang blouse, at ang malaking bahagi ng kanyang balat ay lantad—maputi, makinis, at halos perpekto.Pagkarinig ng boses, agad na napaatras si Karylle at nagtago sa likod ng mesa. Humarap siya sa mga tao, pero dahil maluwag na ang kanyang suot, kinailangan niyang hawakan ito sa harap upang hindi tuluyang bumaba.Gayunman, lantad pa rin ang kanyang balikat, at aninag na rin ang puting strap ng suot niyang bra.Nagkatinginan ang mga empleyado sa pintuan. Lahat sila ay naguluhan, nagulat, at hindi makapaniwala sa eksenang bumungad sa kanila.Napakunot ang noo ni Karylle. Sinipat niya ng malamig

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   573

    Pinagdikit ni Karylle ang kanyang mga labi at hindi na nagsalita pa.Ngumiti si Alexander. “Ayos naman pala.”Muling nanumbalik ang katahimikan sa loob ng silid. Lahat ay mukhang maayos sa paningin, ngunit...Dahil sa biglaang pagdating ni Alexander, may kakaibang tensyon pa rin sa hangin. Medyo hindi komportable ang atmosphere.Pero si Alexander, waring wala namang napapansin. Paminsan-minsan ay nagsasalita siya ng ilang bagay, at sina Nicole at Roxanne, hindi maitangging naaaliw at kusang napapasabay sa kwentuhan.Tahimik lang si Karylle habang pinapakinggan ang kanilang mga usapan. Hindi man siya aktibong nakikilahok, hindi rin niya maiwasang makinig paminsan-minsan.Kailangang aminin—kahit papaano, nakakaaliw si Alexander. Marunong siyang makipagkuwentuhan, at kahit simpleng usapang negosyo, nagagawa niyang gawing interesante. Hindi boring pakinggan.Ngunit kahit ganon, hindi pa rin nagbago ang isip ni Karylle. Kalma niyang sinabi, “Magkwentuhan lang kayo, medyo pagod na ako. Magp

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status