Mag-log inUmiiyak na umakyat si Tamara nang makasalubong niya si Yaya Leng—ito ang Yaya ng kaniyang gwapong supling, na nag-aalaga 24/7. Ang paglabas nito ng silid ay tanda na tulog na kaniyang anak.
Nang makapasok sa silid ay agad na baupo si Tamara sa gilid ng king size bed ng kwartong inuokopa. Tinakpan niya ang kaniyang bibig upang pigilan na makagawa ng anumang ingay upang hindi magising ang kaniyang gwapong supling na mahimbing na natutulog sa crib.
Gavin Taylor Lorenzo.
Tamara and Galvin's four months’ son...
Sinapo ni Tamara ang kaniyang dibdib, matinding sakit na kaniyang nadarama. Nadudurog ang puso niya, hindi niya akalain na sa mismong anniversary nila malalaman niya ang napakasakit na balita.
Pinagtataksilan siya ni Galvin kasama ang dati nitong kasintahan na si Maris Keenly at ang mas masakit, magkakaroon na ito ng anak!
Pinakatitigan ni Tamara ang kaniyang baby na mahimbing na natutulog sa crib, ngayon pa lang ay nasasaktan na siya para dito, mas nadudurog siya na masasaktan ang anak niya.
Natigilan siya sa pag-iyak nang tumunog ang telepono na nasa kaniyang bulsa. Tinuyo niya ang kaniyang pisngi at ilang beses na huminga ng malalim nang makitang tumatawag ang kaibigan.
Mesande Lorenzo...
Maingat niyang binuksan ang sliding glass door upang makarating sa balkonahe. Bumungad sa kaniya ang malamig na pang-gabing hangin dahilan para magpakawala siya ng isang malalim na hininga.
Tipid siyang ngumiti at sinagot ang tawag. “H-Hello?”
[“Tam? Hello! Are you okay?”] Halata sa boses ni Mesande ang pag-aalala. [“H-Have you seen the news?”] May pag-aalinlangang tanong nito.
Kagat-labing tumango si Tamara na animo'y kaharap nasa harapan ang kaibigan at bahagya siyang tumingala sa langit upang pigilan ang maiyak.
“Y-yes...” Garalgal niyang tugon.
[“Oh my god! Tam, I'm sorry...”] Nagpakawala ito ng malalim na hininga. [“Nag-alala ako sa'yo ng makita ko ang balita! Kamusta ka ah? Gusto mo bang puntahan kita? Tam, sorry... Sorry, talaga!”]
Mesande Lorenzo is Tamara's best friends since high school. And also, Galvin's cousin. Lumaki ng magkasama si Mesande at Galvin dahil parang kapatid na ang turingan ng magpinsan pero hindi kukunsintehin ni Mesande ang pinsan sa kalokohan nito lalo pa't nasasaktan ang kaniyang best friend!
“For what, Mesande? Wala kang ginagawa. Salamat kasi tumawag ka, kailangan-kailangan ko talaga ng makaka-usap... Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang sakit na...”
Kahit na mag-asawa na sila ay madami pa rin itong nagiging babae. Madaming beses itong nagloko, at madaming beses niya rin itong tinanggap! Sa lahat ng ginawa sa kaniya ni Galvin, ito ang pinakamasakit!
[“Tam, alam ko na wala akong ginawa sa'yo pero nahihiya ako sa mga ginagawa sa'yo ni Kuya Galvin! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ka! Akala ko magbabago na siya dahil may baby na kayo pero hindi pa rin pala! Alam ko na mahal na mahal mo si Kuya, kaya ka nga nakakatiis ng ganiyan sa kaniya pero sana naman, Tam... Mas mahalin mo ang sarili mo, ibuhos mo na lang ang pagmamahal mo kay baby, huwag na kay Kuya Galvin na sinasayang lang ang pagmamahal mo.”]
Malapit na magkaibigan ang mga magulang ni Tamara at ang grandparents ni Galvin upang mas pagtibayin ang konekyson at palaguin ang salapi ng dalawang mayamang pamilya ay kasal ang kasagutan.
Ipinagkasundo na maikasal ang babaeng anak ng pamilya Alonzo sa apong tagapag-mana ng mga Lorenzo. Ngunit ang hindi alam ng dalawang pamilya ay may kontrata sa pagitan ni Tamara at Galvin!
High-school pa lamang ay may pagtingin na si Tamara kay Galvin dahil sa taglay nitong kagwapohan at karisma. Mahal na mahal niya ito noon pa man at mas minahal niya ito sa mga kwento ni Mesande kahit na palikero ito. Kahit na hindi siya napapansin dahil hindi tulad niya ang mga tipo nito, pinapangarap niya pa rin ang binata.
Kaya nang malaman niya ang tungkol sa kasal ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na sumang-ayon na maikasal kay Galvin dahil inisip niya na sa ganu'ng paraan ay matutuhan siya nitong mahalin.
Samantala, hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman na ayaw ni Galvin na matali sa kaniya o sa kahit na sinumang babae dahil inisip lamang nito ang sariling kaligayahan!
Playboy don't do wife! They fuck and left!
Ngunit sa hindi inaasahang trahedya, namatay ang Lolo at lola ni Galvin sa isang aksidente. At makasalalay kay Galvin ang kinabukasan ng angkan nito dahil nasa last willing testament ng mga ito na ang kaisa-isang apong lalaki, ang tagapag-mana at mangangasiwa sa lahat ng negosyong meron ang pamilyang Alonzo.
Upang makamtan ang titulong 'yon ay kailangan maging isa ang pamilya Alonzo at pamilya Lorenzo. Iyon ay ang kasal! Pumayag si Galvin na pakasalan siya ngunit may kontrata siyang pinirmahan dito na silang dalawa lamang ang nakakaalam...
“Anong ibig mong sabihin?”
Nang maisip kung ano ang nais iparating ng kaibigan ay mas lalong nasasaktan si Tamara.
[“Iwan mo na si Kuya Galvin! Divorce him!”] Isa iyong mapanghikayat na utos ni Mesande.
Iniisip niya pa lang na maghihiwalay silang dalawa. Hindi kayang gawin ni Tamara ang bagay na 'yon! Masyado niya itong mahal upang ipaubaya sa kerida. Tsaka hindi siya sigurado kung totoo ngang kay Galvin ang ipinagbubuntis ng babaeng 'yon. At kung may relasyon nga ang mga ito.
“Pag-iisipan ko, Mesande... Alam mo naman na hindi 'yon ganu'n kadali para sa akin dahil madami akong dapat na isaalang-alang sa desisyon na gagawin ko. Ayoko ng gulo, sana maintindihan mo ako...”
Maris Keenly is childhood sweetheart of Galvin! Alam niya ang tungkol doon dahil pasasaan pa at matalik niyang kaibigan ang pinsan nito kung hindi niya malalaman ang tungkol doon?
Kahit pa sabihin na ang babaeng 'yon ang minamahal ng kaniyang asawa ay isa pa rin itong kerida!
[“Tam, don't tell me magpapaniwala ka na naman sa mga kasinungalingan ni Kuya Galvin? Huwag mong sabihin na kapag itinanggi niyang hindi sa kaniya ang bata at walang namamagitan sa kanila ng babaeng 'yon ay basta-basta mo na lang siya papatawarin? Tam, wake up!”]
”It's our anniversary.”
[“See? Ang kapal ng mukha! Uunahin niya pa talaga ang babaeng 'yon kaysa sa anniversary niyo? God! Let me guess... Hindi pa siya umuuwi diyan sa inyo sa buwan na 'to! Tama?”]
“His coming tonight...”
[”Tam...”] Labis-labis ang pag-aalala sa boses ni Mesande at alam niyang naiintindihan siya nito.
Pagkatapos niyang makausap ang kaibigan ay bumalik na siya sa loob ng silid. Sinilip niya muna sa crib ang kaniyang anak bago pumasok sa banyo upang maligo nang mabawasan ang bigat na kaniyang nararamdaman.
‘Iwan mo na si Kuya Galvin! Divorce him!’
Hindi mawala sa kaniyang isipan ang katagang 'yon mula sa kaibigang si Mesande. May parte sa kaniya na hindi niya kayang mabuhay na wala si Galvin, lalo na nang maisip na masyado na siyang maraming tiniis para kay Galvin, ngayon niya pa ba ito isusuko?
Isa pa, iniisip niya ang kanilang anak, hindi niya ipagkakait kay Baby Gavin ang kompletong pamilya dahil lamang sa niloloko siya ng kaniyang asawa...
Sa kabilang banda, Kasalukuyang nasa loob ng sasakyan si Galvino, mabilis ang pagmamaneho nito patungko sa kaniyang mansion.Nag-aapoy sa galit si Galvino dahil hindi sinasagot ni Tamara ang mga tawag niya at nagawa pa nitong patayin ang cellphone.Tinatawagan ni Galvino si Tamara upang bigyan ito ng babala dahil sinampahan ito ni Maris ng kasong pagdukot kay Marianne.Naisip ni Galvino na pumunta sa Montero Condominium upang balaan si Tamara ngunit huli na dahil sa mga oras na ‘yon ay nakuha na si Tamara ng mga pulis at paniguradong gulo ang matatagpuan niya kapag nag-cross ang landas nila ni Goldwayne.Nang maisip ni Galvino ang mga bata, agad niyang tinawagan si Mesande.[“Kuya—”]“Go get the kids and bring them to a safe place.”[“K-kids? What kids, Kuya?”]“Damn it! I don't have time to explain. All you need to know Tamara was arrested today!”[“What? Oh my god! Who sue her? She doesn't deserve it! What—”]“Just do what I said. Get the kids from Montero Condominium and bring the
Kinabukasan, Maagang nagising si Tamara at masayang ipinaghanda ng almusal ang mga anak habang tinutulungan ni Yaya Jessa sa pagluluto.Habang naghahain tumunog ang cellphone ni Tamara na nakapatong sa island counter. Kinuha ito ni Yaya Jessa at iniabot kay Tamara.“Ma'am, tumatawag po si Sir Galvin.” Imporma nito kay Tamara.Natigilan si Tamara bago tinanggap ang cellphone. Ilang saglit na nag-isip si Tamara sa huli pinatay niya ang tawag nito at nakatanggap ng mensahe.‘Answer the goddamn phone, Girl!’ Galvino’s message.Kasundo nito ang muling pagtawag ni Galvino. Katulad ng unang tawag nito ay pinatayan muli ni Tamara. Upang hindi na siya maistorbo pa ni Galvino, pinatay ni Tamara ang kaniyang cellphone.“Mama!” Boses ni Marianne mula sa kwarto.“Gising na ang munting prinsesa.” Komento ni Yaya Jessa na may ngiti sa labi.Nakangiting lumingon si Tamara sa itaas. “I'm coming, baby!”Ibinaba ni Tamara ang cellphone. “Yaya Jessa, ikaw na ang bahala dito.“Opo, Ma'am.” Tinanggap ni Y
Kinagabihan sa condo. . .Lumabas ng banyo si Tamara karga si Marianne na nababalot ito ng pambatang towel habang nakasunod naman si Gavin na nakasuot ng pambatang bathrobe. Kakatapos pa lamang na paliguan ni Tamara ang mga bata. Inilapag ni Tamara si Marianne sa paanan ng kama bago nagtungo sa cabinet at pumili mg damit para kay Marianne na isusuot nito.“This will suit you, baby.” Kinuha ni Tamara ang pink dress.“It's so pretty po!” Ipinakita ni Marianne ang napaka-cute niyang ngiti.“Try this one.” Lumapit si Tamara kay Marianne at binihisan. Inipitan rin ito ni Tamara upang mas bumagay ang suot nitong dress na may pares na pink doll shoes.Nakatayo si Gavin sa gilid, nakangiting nakatingin sa kaniyang Mommy at kapatid na masaya. Natutuwa siya na masaya ang dalawa pero may kaunting selos siyang nararamdaman.“Mommy, you forgot about me.” Nakasimangot na yumuko si Gavin. “I’m not your baby anymore.”Nilingon ni Tamara si Gavin. Napaawang ang kaniyang labi na makita ang reaksyon
“You're no longer my sister husband! You are just a bastard used her to revenge in me, Lorenzo!” Ngumisi si Timothy. “Sa simula't sapol, hindi mo kailangang pakasalan ang kapatid ko para maging legal na tagapagmana ng pamilya Lorenzo dahil ikaw naman talaga ang nakatakdang tagapagmana magpakasal ka man sa hindi! Pero ano? Nang malaman mo na kapatid ko ang magiging asawa mo, agad kang pumayag! Pinakasalan mo siya para makaganti sa akin!” “Fúck you!” Dalawang magkasunod na suntok ang tumama sa mukha ni Timothy pagkatapos ay itinulak ito ni Galvino. Sumalampak sa sahig si Timothy malapit sa paanan ni Tamara pero bago pa man ito bumagsak sa harapan ni Tamara nakatayo na si Guido at Johnson sa harapan ni Tamara na tila nagsisilbing panangga. “Tumabi kayo!” Hinawi ni Tamara si Guido at Johnson. Walang pakialam na nilampasan ni Tamara si Timothy na nakahandusay sa sahig. Dinampot ni Tamara ang kaniyang bag bago nagkatitigan sila ni Galvino. Malalim ang bawat paghinga ni Galvino tanda
“Dahil mahal na mahal ako ng kapatid mo! At handa siyang gawin ang lahat para lang mapasaya ako kahit na masaktan pa ang sarili niyang kapatid. . .” Sambit ni Maris na puno ng kumpiyansa. Napalingon sina Galvino, Tamara at Timothy sa may pintuan kung saan nakatayo si Maris. Napaawang ang labi ni Tamara, umigting ang panga ni Galvino at napalunok naman si Timothy. Isa-isang tiningnan ni Maris sina Galvino, Timothy at Tamara bago ito naglakad papasok sa loob ng opisina ni Timothy. Puno ng galit ang mga mata ni Maris na nakatingin kay Tamara habang tinutulay ang pagitan nilang dalawa. Pinuntahan kanina ni Maris si Timothy upang humingi ng tulong na hanapin si Marianne lalo pa't mas nanaisin ni Galvino na hanapin sina Tamara kaysa kay Marianne. Walang ibang naiisip si Maris na kumuha kay Marianne kundi si Tamara dahil ito lang naman ang pwedeng kumuha sa bata. At hindi inaasahan ni Maris ang eksena na madadatnan niya. Kung ganu'n ay alam na ni Galvino na hindi lamang si Gavin ang ana
Sa pagbagsak ng pinto ng opisina ni Timothy. Bumungad sa magkapatid ang taong hindi nila inaasahan na darating. “Lorenzo?” Bulaslas ni Timothy. Mula sa labas ng opisina, nakatayo si Galvino na halatang ito ang dahilan ng pagbagsak ng pinto. Nakakuyom ang mga kamao, galit na galit ang ekspresyon sa gwapo nitong mukha at marahas ang mga mata. Dumapo ang mata ni Galvino kay Timothy. Nagkatitigan ang dalawa ng masamang tingin tila may kidlat sa pagitan ng kanilang mga tinginan. Napunta kay Tamara ang mata ni Galvino. Mas lalong naging marahas ang mukha nito nang makita ang dugo sa gilid ng labi ni Tamara. “Galvin. . .” usal ni Tamara. Napalunok si Tamara nang mapansin ang galit na bumabalot. Binalot ng matinding kaba si Tamara nang mapagtanto kung ano amg sinadya ni Galvino sa opisina ng kaniyang kapatid. Galvino is mafia boss. Hindi kaya natuklasan na nito ang ginagawa ni Maris at Timothy? Nang maisip iyon ay agad na binalot ng pag-aalala si Tamara para sa kaniyang kapatid sa maar







