Hello po sa inyong lahat! Sana ay nag-enjoy kayo sa kabanatang ito. Stay safe!
“How dare you Tamara to ashamed me like this!” Sigaw ni Maris sapat lang na marinig ni Tamara.Mahinang natawa si Tamara. Hindi niya akalain na ganu'n kababa ang utak ni Maris para suotin ang bikini para sa isang maternity fashion show.Paano ito naging most-paid model kung simpleng pakikibagay ay hindi nito makuha? Nag-isip ba talaga ito nang suotin ang bikini na iyon sa isang maternity show?What a desperate cheap woman!Hindi hahayaan ni Tamara na magyabang si Maris gamit ang mga desinyo niyang damit, hindi niya gugustuhin na isuot ni Maris ang isa sa mga likha niya dahil hindi iyon para sa kabit!“Actually she's not part of this evening but since my dearest husband Galvino Lorenzo insisted Miss Kenly to be part of this, so as a humble and kind wife, I’ll give Miss Kenly the floor she deserves. . . I hope she enjoy herself tonight.”Natatawa talaga siya nang sabihin ni Mesande na ayaw tanggalin ni Galvino si Maris sa line up at ipinipilit na kay Maris pumunta ang spotlight. Hindi m
Pagkatayo na pagkatayo ni Maris Kenly sa dulo harap ng malapad na screen, naghintay siya na mamatay ang lahat ng ilaw at may maliwanag na tutok sa kaniya.Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ngunit walang nangyayari.Ayaw niya pa sanang maglakad na wala iyon ngunit nakita niyang naiinis na ang organizer sa kaniya na paulit-ulit na sumesenyas na maglakad na siya.Gusto niya pa sanang bumalik at tanungin ang organizer kung bakit walang spotlight? Ngunit nang maisip na sa kalagitnaan iyon magaganap, buo ang loob at mataas ang kumpiyansa sa sarili na ipinakita ang kaniyang signature walk sa runaway.Napasinghap ang halos lahat ng taong nanunuod nang makita ang suot ni Maris. May ilan-ilang natawa dahil sa Maternity Fashion Show iyon pero bakit suot nito ay one-piece-bikini?“Iyan ba ang Maris Kenly? Grabe, naligaw yata iyan ng fashion show!” Malakas na komento ng isang magandang babae na ikinatawa ng mga nakarinig.“What's going on her?” Hindi makapaniwalang tanong ni Slyvia na nagugul
8:36 PM ; House Of Alonzo. . . Everyone wears their most beautiful outfits designed by different famous designers from different countries, woman or man. Kaliwa't kanan ang kislap ng mga camera. Naroon rin mga journalist upang idukyumentaryo ang mga kaganapan sa fashion show. Live ang kaganapan sa iba't-ibang social media platforms sa mismong social media accounts ng House of Alonzo. Huminto ang limousine sa bungad ng House Of Alonzo, awtomatikong bumukas ang pinto niyon at naunang bumaba si Theodore Alonzo, inilahad ang kamay sa asawa nitong si Slyvia Alonzo. Ang mag-asawa ay napakaelegante sa kanilang ternong puti na suit and gown. Tila bumata pa ang dalawa sa ayos nito na nagpapatingkad ng kanilang kagandahan at kagwapuhan. “Narito na sina Mr and Mrs. Alonzo!” Sigaw ng isa sa reporters. Nagsitakbuhan ang mga ito upang salubungin ang mag-asawa nang maraming katanungan. Agad namang napigilan ng mga security ang mga ito na makalapit sa mag-asawa at matagumpay na nakapasok sa loob
“Tatlong araw pa lang kayong namamalagi dito ng anak mo—nagbayad ka na para sa isang buwan na upa, tapos aalos na kayo ngayon. E, saan na kayo pupunta ng anak mo niyan?” “Hindi ko po binabawi iyong sa upa, pasasalamat ko na po iyon sa inyo dahil pinatuloy niyo kami ng anak ko.” Ngumiti si Tamara at inabot sa Ginang ang bitbit niyang paperbag. “Nga po pala, makikisuyo ako. Pakiabot po ito kay Erla, siya na kamo ang bahala na ibigay sa mga kasamahan niya iyong inihanda ko para sa kanila. Pakisabi na rin po; salamat sa ilang araw na punong-puno ng saya, masaya ako na naging bahagi sila ng buhay namin ni Gavin ng maikling panahon.” Wala ang mga kasamahan nila sa apartment dahil kapag araw ng lunes ay lahat ito may pasok, siguro ito nga rin ang tamang gawin ang umalis ng hindi nakikita ang mga ito dahil parang hindi niya na rin kayang iwan. “Oh siya, makakaasa kang makakarating ito sa mga bata. Kung saan man kayo pupunta ng anak mo ay mag-iingat kayo ah? Bukas na bukas itong apartment
Lumabas si Tamara nang silid upang uminom ng tubig, nadatnan siya sa labas ang ilang dalaga na nag-aaral sa dinning table. Napansin ni Tamara si Erla na mag-isa sa sala, nakaupo ito sa sahig habang abala sa sketch notebook, marami rin ang nagkalat na lukot na papel. Pinulot ni Tamara ang isang ginawang bolang papel, binuksan niya iyon at isa iyong sketch ng magandang pangkasal na dress. Tahimik na naupo si Tamara sa sofa habang pinagmamasdan si Erla na gumuguhit. Hindi niya kinuha ang atensyon nito, kaya kusa itong tumingin sa kaniya at ipinakita ang iginuhit nitong wedding gown, maganda iyon. “Ate Tamara, maganda po ba itong wedding gown na iginuhit ko?” “Oo naman, maganda.” “Seryoso? Baka binobola niyo lang po ako para hindi ako masaktan, hindi pa po ito tapos, lalagyan ko pa ng mga desinyo ang nasa ibaba para mas magmukhang elegante.” “Magandang ideya ‘yan at mas lalong gaganda ang wedding gown. Isa ba ito sa proyekto mo?” Usisa ni Tamara dahil halos lahat ay nag-aaral. “Ah
Samantala, sa isang mumurahing apartment na malapit sa isang university, umupa ng isang silid si Tamara, at ang mga kasamahan roon ay ang mga koleheyalang skolar. Laking pasalamat niya na tinanggap siya ng landlord lalo pa't ang apartment na iyon ay para lamang sa mga estudyante, sa tulong ng mga koleheyala, nakumbinsi ang ginang na manatili silang mag-ina kahapon. Ang silid nina Tamara maliit na espasyo. Maliit na kama, at mayroong study table sa gilid. Nakaupo si Gavin sa kama habang makasandal ang katawan nito sa mga patong na unan, nakaluhod si Tamara sa sahig, nakatukod ang mga siko sa kama habang hinahaplos ang braso ni Gavin na nilagyan niya ng bandaid na may desinyong spiderman. Ang bandaid sa braso ni Gavin ay tinatakpan ang kalmot na gawa ni Maris. Galit na galit si Tamara nang makita iyon pero wala siyang nagawa kundi ang umiyak, kung nalaman niya kaagad ang dahilan nang pag-iyak nito kahapon hindi siya magdadalawang isip na saktan si Maris, wala siyang pakialam kung bu