공유

CHAPTER 65.

작가: Casseyyy
last update 최신 업데이트: 2025-03-06 18:21:28

Maingat na inilapag ni Lyca ang mga dokumento sa harap ni Joshua, saka nya binuksan ang pahina kung saan naroon ang problema at itinuro nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata.

“Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito and this inconspicuous note is the only trap,” wika ni Lyca kay Josh.

Hindi napigilan ni Joshua ang matawa.

"Nakita mo na, akala siguro ng ating punong sekretarya ay isang malaking pagkakataon at gusto niyang samantalahin natin ito,” ani Josh kay Lyca.

Napakunot naman ang noo ni Lyca dahil sa naging sagot ni Joshua sa kanya.

"Anong klaseng biro na naman itong ginagawa niya? Was this cooperation case proposed by Trixie? Baliw ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Lyca kay Joshua.

Tahimik lang si Josh at hindi na nagbigay ng opinyon.

"Talagang matibay ang loob ni Secretary Trixie, kahit pa na hindi pa siya nakakabawi mula sa aksidenteng natamo niya. Matapos maaksidente sa sasakyan, tumanggi siyang magpahinga sa bahay at pinilit niyang pumaso
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
kapal ng mukha mo trexie dapat mahiya kna sa sinabi pa lng ni joshua
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 103.1

    Wala ni anumang emosyon na makikita sa mga mata ni Lyca. Tahimik lang niyang nyang tiningnan ang lalaking nakahandusay sa lupa at sumisigaw. Kinuha ni Lyca ang kanyang cellphone at saka nya idinial ang number ni Chris. Bago pa man makapagsalita si Chris mula sa kabilang linya ay nauna na si Lyca na nagsalita. Hindi pa man ito nakakasagot sa kabilang linya ay pinutol na rin niya ang tawag. Muling tinapunan ng tingin ni Lyca ang driver na si Anton Castillo na patuloy pa rin sa pagpupumilit na makawala. “Fine! Kung ayaw mong magsalita, hindi kita pipilitin,” saad ni Lyca. Pumalakpak siya at mahinang tawa ang kanyang pinakawalan. “You know what? Kakadevelop ko lang ng bagong sasakyan, pero hindi pa ito natetest. Siguro aabutin pa ito ng ilang taon bago ito opusyal na mailabas sa merkado,” aniya at seryoso ang mga matang tinitigan si Anton. “Naisip ko na driver ka naman, kaya bakit hindi mo ako tulungang subukan kung puwede na ba itong patakbuhin sa kalsada?” saad pa ni Lyca. Biglang

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 102.2

    Nagyuko ng ulo si Lyca habang mahigpit niyang hinawakan sa kanyang kamay ang folder na naglalaman ng mga dokumento. "May resulta na ang research institute natin ukol sa materyales na ito. Kung ipapa-auction ko man ito ay hindi naman nangangahulugan na wala na itong halaga sa atin. Pero ang mga taong nasa likod nito ay gagawin ang lahat para lang makuha ito. At dahil hinahabol nila ito, ay hayaan kong bilhin nila ito sa halagang gusto ko,” sabi pa ni Lyca. Ginagawa talaga ni Lyca ang lahat ng ito para pahirapan niya si Arthur. Naintindihan naman ng assistant ni Dean ang nais mangyari ni Lyca. Kaya naman agad niyang inasikaso para ipahanda ang iniuutos nitong balita. Kung saan at kung kailan gaganapin ang auction sa loob ng tatlong araw upang maibenta ng mabilus ang impirmasyon. ****************** Samantala habang nasa mansyon ng pamilya Sandoval si Arthur ay nakatanggap siya ng balita mula sa kanyang mga tauhan. Ang balitang nagpasiklab ng galit niya. Paanong hindi? Dahil hin

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 102.1

    Lolo Andres had just landed the information to Lyca, but within an hour, bigla na lang naaksidente si Dean. Biglang naisip si Lyca kung sino ang may gawa nito kay Dean? Kung paano naman nila nalaman ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Dean kanina? Nakagat na lamang ni Lyca ang kanyang pang-ibabang labi. Lumitaw bigla sa balintataw niya ang imahe ng mukha ni Arthur na isang mapagbalat kayo. Arthur Sandoval! Magbabayad ka, dahil maniningil ako sa iyong hayop ka!” galit na sabi ni Lyca habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya. Nanlabo ang mga mata ni Lyca habang hawak ngayon ang malamig kamay ni Dean. Agad na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Alcantara’s Hospital ni Dr. Paolo Alcantara. Habang nasa byahe sila kanina ay tinawagan na ni Lyca si Dr. Paolo, kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin sila. Sumunod si Lyca kay Dean na nakahiga na sa stretcher at agad na dinala ito Emergency Room. Naiwan sa labas sa pasilyo ng eme

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.2

    "Ano'ng nangyayari? Ano ang ibinigay ng matanda kay Lyca? May kinalaman ba ito sa holographic research ni Helen?" sunod-sunod na tanong ni Arthur sa kanyang tauhan. "Ang impormasyong ibinigay ng matanda ay ang mga lihim na dokumentong itinago noon ni Helen. Binanggit din ng matanda ang isang lalaking nagngangalang Manuel Ramos at siya umano ang tunay na pinuno ng pananaliksik ni Helen," sagot ng tauhan ni Arthur sa kanya. Bigla namang bumigat ang paghinga ni Arthur at hindi siya agad nakapagsalita. Matagal na kasi niyang hinahanap ang impormasyong iyon. Sa huli, ay nasa kamay lang pala ito ng matanda. Ito pa mismo ang nag-abot ng mga dokumentong iyon kay Lyca. Mga dokumentong matagal na niyang hinahanap at patuloy na hinahanap. May kinalaman iyon sa hologram! Kung nailabas lang sana ng matanda ang mga impormasyong iyon noon pa, matagal na sanang umunlad ang pananaliksik ng pamilya Sandoval sa holographic technology at nasa tuktok na sana ang kumpanya nila. "Kunin niyo ulit ang mg

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.1

    Palagi na lang nakatitig si Lyca sa makapal na dokumentong hawak niya. Sa likod ng makapal na impormasyong iyon, ay para bang nakikinita niya ang maamong mukha ng kanyang ina na si Helen. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Lyca at medyo nalito siya sa mga pangyayari. Lahat ng landas niya ngayon ay inayos ng kanyang ina. Noong bata pa siya ay ipinagkatiwala na sa kanya ng kanyang ina si Max. At noong mga panahon na iyon ay nasa murang edad pa lamang siya. Kaya upang maprotektahan si Max ay isinuko niya ang kanyang dignidad at lumuhod sa harap ni Robert upang magmakaawa rito. Tanging sa paghingi ng tulong sa lalakinh matagal na niyang kinamumuhian, ay maaaring magkaroon ng isang tahimik at payapang buhay si Max. Masaya ngang lumaki si Max, pero siya? Namuhay siya sa anino. Walang nagmamalasakit sa kanya, at walang nagmamahal sa kanya. Kailangan niyang maghukay ng sariling landas gamit ang sariling diskarte at tapang. Mapait na ngumiti si Lyca. Napakahalaga para kay Lyca

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 100.2

    "Ito ang holographic na impormasyon na iniwan ng iyong ina," sagot ni Lolo Andres kay Lyca. Humugot nanag malalim na buntong hininga si Lolo Andres bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Napakatalino at isang kahanga-hangang babae ng iyong ina Lyca. Noong siya ay nag-aaral pa lamang ay isinama siya ng iyong lolo na dumalo sa isang financial summit sa ibang bansa. Noong mga panahon na iyon ay pinag-uusapan na sa ibang bansa ang mga paksa na may kinalaman sa holographic networks. Nahulaan ng iyong ina na magkakaroon ng isang rebolusyon sa impormasyon sa hinaharap,” Napanganga si Lyca sa narinig niya mula sa matanda. "Pagbalik ng iyong ina sa bansa ay nagsimula siyang mag-organisa ng isang koponan upang magsagawa ng holographic research. Ngunit ang holographic research ay masyado nang advanced at tumatama sa maraming tradisyunal na industriya. Kapag lumitaw ang mga hologram na ito ay tuluya nang babagsak ang kasalukuyang network information. At ang lahat ng mga kumpanya na may kinalaman

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status