Share

CHAPTER 64.

Author: Casseyyy
last update Huling Na-update: 2025-03-03 19:24:23

Natigilan si Gab dahil sa sinabi ni Lyca.

Tahimik na yumuko ng ulo si Lyca at hinalo ang kape sa tasa niya. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Gabriel. Napansin iyon ni Lyca kaya pasimple niya pang mas itinaas ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo.

“Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan ng tunay na pamilya,” mahinahong sabi ni Lyca kay Gab. “Hangga’t may tunay na pagmamahal, maaaring maging pamilya ang kahit sino, kahit walang duging nag-uugnay. Ngunit kung walang pagmamahal, kahit pa na magkadugo ay maaaring lamunin ang isa’t-isa. Hanggang sa wala nang matira na kahit bakas man lang,” wika ni Lyca.

Pinaglaruan ni Lyca ang vent ng air conditioner. Hindi niya alintana ang malamig na hangin. Sa halip na ginawin ay nagbigay pa ito ng komportable ginhawa sa kanya.

"Mr. Madrigal, matagal ka na sa industriyang ito. Hindi mo pa ba lubos na nauunawaan ang ganitong bagay? Ilang mayayamang negosyante ang iniwan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 103.2

    “Yca, masyado nang mabilis ang takbo ng kotse! Itigil mo na ‘yan!” awat ni Kyrie pero tila bingi lang si Lyca na walang naririnig. “Paano magiging mabilis ‘yan? Kung totoong sira ang sasakyan, hindi ‘yan makakatakbo nang ganito kabilis.” Yumuko si Lyca at tiningnan ang remote control. “Ang susunod na kailangang subukan ay kung ligtas ba ito sa banggaan.” Walang emosyon sa mukha ni Lyca habang patuloy na pinapatakbo nang mabilis ang kotse. Bigla niya itong ibinangga sa pader. “Lyca, tama na!” malakas na sigaw ni Kyrie kay Lyca para sawayin ito sa ginagawa. Hindi na siya nakapagtimpi dahil pakiramdam niya nawawala na ito sa katinuan. Sandaling huminto ang sasakyan. Pero saglit lang pala iyon at muli na naman ito pinatakbo nang mabilis ni Lyca at ibinangga muli sa pader. Samantala, pinagpapawisan na si Kyrie dahil sa kabang nararamdaman niya. Wala kasi atang balak na makinig sa kanya si Lyca. Wala siyang ideya kung buhay pa ba ang driver na nasa loob ng sasakyang minamani-obra n

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 103.1

    Wala ni anumang emosyon na makikita sa mga mata ni Lyca. Tahimik lang niyang nyang tiningnan ang lalaking nakahandusay sa lupa at sumisigaw. Kinuha ni Lyca ang kanyang cellphone at saka nya idinial ang number ni Chris. Bago pa man makapagsalita si Chris mula sa kabilang linya ay nauna na si Lyca na nagsalita. Hindi pa man ito nakakasagot sa kabilang linya ay pinutol na rin niya ang tawag. Muling tinapunan ng tingin ni Lyca ang driver na si Anton Castillo na patuloy pa rin sa pagpupumilit na makawala. “Fine! Kung ayaw mong magsalita, hindi kita pipilitin,” saad ni Lyca. Pumalakpak siya at mahinang tawa ang kanyang pinakawalan. “You know what? Kakadevelop ko lang ng bagong sasakyan, pero hindi pa ito natetest. Siguro aabutin pa ito ng ilang taon bago ito opusyal na mailabas sa merkado,” aniya at seryoso ang mga matang tinitigan si Anton. “Naisip ko na driver ka naman, kaya bakit hindi mo ako tulungang subukan kung puwede na ba itong patakbuhin sa kalsada?” saad pa ni Lyca. Biglang

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 102.2

    Nagyuko ng ulo si Lyca habang mahigpit niyang hinawakan sa kanyang kamay ang folder na naglalaman ng mga dokumento. "May resulta na ang research institute natin ukol sa materyales na ito. Kung ipapa-auction ko man ito ay hindi naman nangangahulugan na wala na itong halaga sa atin. Pero ang mga taong nasa likod nito ay gagawin ang lahat para lang makuha ito. At dahil hinahabol nila ito, ay hayaan kong bilhin nila ito sa halagang gusto ko,” sabi pa ni Lyca. Ginagawa talaga ni Lyca ang lahat ng ito para pahirapan niya si Arthur. Naintindihan naman ng assistant ni Dean ang nais mangyari ni Lyca. Kaya naman agad niyang inasikaso para ipahanda ang iniuutos nitong balita. Kung saan at kung kailan gaganapin ang auction sa loob ng tatlong araw upang maibenta ng mabilus ang impirmasyon. ****************** Samantala habang nasa mansyon ng pamilya Sandoval si Arthur ay nakatanggap siya ng balita mula sa kanyang mga tauhan. Ang balitang nagpasiklab ng galit niya. Paanong hindi? Dahil hin

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 102.1

    Lolo Andres had just landed the information to Lyca, but within an hour, bigla na lang naaksidente si Dean. Biglang naisip si Lyca kung sino ang may gawa nito kay Dean? Kung paano naman nila nalaman ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Dean kanina? Nakagat na lamang ni Lyca ang kanyang pang-ibabang labi. Lumitaw bigla sa balintataw niya ang imahe ng mukha ni Arthur na isang mapagbalat kayo. Arthur Sandoval! Magbabayad ka, dahil maniningil ako sa iyong hayop ka!” galit na sabi ni Lyca habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya. Nanlabo ang mga mata ni Lyca habang hawak ngayon ang malamig kamay ni Dean. Agad na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Alcantara’s Hospital ni Dr. Paolo Alcantara. Habang nasa byahe sila kanina ay tinawagan na ni Lyca si Dr. Paolo, kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin sila. Sumunod si Lyca kay Dean na nakahiga na sa stretcher at agad na dinala ito Emergency Room. Naiwan sa labas sa pasilyo ng eme

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.2

    "Ano'ng nangyayari? Ano ang ibinigay ng matanda kay Lyca? May kinalaman ba ito sa holographic research ni Helen?" sunod-sunod na tanong ni Arthur sa kanyang tauhan. "Ang impormasyong ibinigay ng matanda ay ang mga lihim na dokumentong itinago noon ni Helen. Binanggit din ng matanda ang isang lalaking nagngangalang Manuel Ramos at siya umano ang tunay na pinuno ng pananaliksik ni Helen," sagot ng tauhan ni Arthur sa kanya. Bigla namang bumigat ang paghinga ni Arthur at hindi siya agad nakapagsalita. Matagal na kasi niyang hinahanap ang impormasyong iyon. Sa huli, ay nasa kamay lang pala ito ng matanda. Ito pa mismo ang nag-abot ng mga dokumentong iyon kay Lyca. Mga dokumentong matagal na niyang hinahanap at patuloy na hinahanap. May kinalaman iyon sa hologram! Kung nailabas lang sana ng matanda ang mga impormasyong iyon noon pa, matagal na sanang umunlad ang pananaliksik ng pamilya Sandoval sa holographic technology at nasa tuktok na sana ang kumpanya nila. "Kunin niyo ulit ang mg

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.1

    Palagi na lang nakatitig si Lyca sa makapal na dokumentong hawak niya. Sa likod ng makapal na impormasyong iyon, ay para bang nakikinita niya ang maamong mukha ng kanyang ina na si Helen. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Lyca at medyo nalito siya sa mga pangyayari. Lahat ng landas niya ngayon ay inayos ng kanyang ina. Noong bata pa siya ay ipinagkatiwala na sa kanya ng kanyang ina si Max. At noong mga panahon na iyon ay nasa murang edad pa lamang siya. Kaya upang maprotektahan si Max ay isinuko niya ang kanyang dignidad at lumuhod sa harap ni Robert upang magmakaawa rito. Tanging sa paghingi ng tulong sa lalakinh matagal na niyang kinamumuhian, ay maaaring magkaroon ng isang tahimik at payapang buhay si Max. Masaya ngang lumaki si Max, pero siya? Namuhay siya sa anino. Walang nagmamalasakit sa kanya, at walang nagmamahal sa kanya. Kailangan niyang maghukay ng sariling landas gamit ang sariling diskarte at tapang. Mapait na ngumiti si Lyca. Napakahalaga para kay Lyca

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status