Humigit kumulang dalawang oras na nilang binabagtas ni Dmitri ang kahabaan ng kalsada, sa hinuha ni Rose. Pagkatapos ng biglaang pag atake ng pangkat nila Horan sa barrio ay agad na naghanda ang lalaki sa pag-alis. Ni hindi man lamang kinakitaan ng dalaga na ininda ni Dmitri ang mga tama at galos nito sa katawan. Nagkaron ito ng malaking sugat sa ulo dala ng mga ginawang paghampas ni Horan. Subalit ay tinalian lamang iyon ng bandana ni Dimitri upang maitago at maampat ang pagdurugo. At siya ang labis na nag-aalala para sa kalagayan ng binata. Bitbit ang isang may kalakihang bag na itim na sa hula niya ay pawang mga armas nito ang laman ay agad na silang tumulak paalis. Dalawang bayan na ang nadaanan nila ngunit mukhang walang balak na huminto ang lalaki. Nagpatuloy ang kanilang byahe. Ang sigurado lamang siya ay hindi iyon palabas ng San Fabian. Sa wakas ay inihimpil ni Dimitri ang motorsiklo nito sa likod ng isang may dalawang palapag na istraktura. Isa iyong lumang bahay ng
Hinayaan ni Rose sa patuloy na pagdaloy sa katawan niya ang tubig na nagmumula sa dutsa. Sinusubukan niyang lunurin sa tubig ang iba't-ibang emosyong nagsasabayan sa isip at pandama. Kanina ay kinuskos niya nang maigi ang mga bahagi ng katawan upang mabura ang mga marka ng kamay doon ni Barok. Maituturing na pangalawang bangungot na naman ang lahat. Nagpapasalamat siyang nananatili siyang buhay magpa-hanggang ngayon. At lahat ng iyon ay utang na loob niya kay Dmitri. Si Dmitri ang lalaking lagi na'y laman ng kanyang puso. Subalit ang katatagan ay unti-unting pinahihina ng hapdi at kirot na dala ng kanyang pagkabigo. Mas ramdam pa niya ito kaysa sa mga sugat at galos sa katawan. Tinapos na niya ang paliligo at lumabas na tanging roba ang suot. Hindi na siya nangiming gamitin iyon dahil nakabalot pa sa plastic nang kunin niya at mukhang hindi pa gamit. Maliban sa nauna nang nabanggit ni Lita na maaaari niya gamitin ang anumang gamit na naroon. Nabigla siya nang
Pinaalab ng mga halik ang mga puso nilang nasabik sa isa't-isa. Pinakawalan ni Dmitri ang kanyang mga labi. Lumipat ang labi nito sa balikat ni Rose, paakyat sa leeg, hanggang sa likod ng tenga. Hindi na namalayan ni Rose na napa-upo na siya sa kanlungan ni Dmitri. Patuloy ang paggalugad ng bibig ni Dmitri. Sinapo ang kanyang kanang dibdib. Bumalik sa kaliwa at tuluyan itong sinubo. Labis na ligaya ang dating kay Rose ng sensasyon. Ungol ng pagpaparaya at labis na kaligayahan. Halos ikapugto ng hininga ng dalaga ang daluyong ng bibig ni Dmitri sa kanyang dibdib. Salit-salitan Lunod na lunod ang dalaga sa init na dulot ng kanilang mga katawan. Hinila ni Dmitri ang balakang ni Rose. Tamang madama ang pagbabago sa loob ng pantalon nito. Nang biglang may maaalala ang dalaga. "Are you sure you wanna do this? I mean you may get hurt?" "Gusto mo bang tumigil ako, sabihin mo. Gusto kong marinig mula sayo," wika ni Dmitri, sa pinakamalambing na tono. Hinalikan siya
âMommy!" Hustong kabababa lang ni Rose ng sasakyan nang marinig ang maliit at matinis na boses na nagmumula sa isang batang babae. It's Alexa, her five-year-old adorable daughter. Tumakbo ang bata palapit sa kanya upang salubungin siya. Cute na cute sa suot nitong maong jumpsuit na may character pa ni Dora. May kabilugan ang pangangatawan ng anak na nagpapakitang malusog itong bata. Awtomatikong lumabas ang cute dimples nito sa mabilog at mamula-mulang pisngi. Naka-pigtail ang may kahabaan nitong buhok na may mga maliliit pang ipit na ibat-iba ang mga kulay. Sa likod ni Alexa ay nakasunod ang tagapag-alaga nito na si Carol. Tumatagaktak ang pawis sa noo ng yaya habang hawak sa kamay ang kulay rosas na tuwalya. Paliliguan na siguro nito ang anak subalit mukhang nangulit na naman ang alaga. Napapailing na sinalubong ni Rose ang bata. "How's my lil girl?" Aniya. Inabot niya ang dalang bag kay Carol at lumuhod upang mayakap si Alexa. "I'm super-duper mabait po today.
Naupo si Rose sa gilid ng kama. Hinawakan ang medyo yayat na kamay ng matanda at dinala sa pisngi niya upang damhin. Naramdaman niya ang panginginig ng mga palad nito. "Hmmm...ano iyong nabalitaan kong kumain ka na naman daw ng mga bawal sa'yo?" Lambing na bungad niya sa Don. "At pinagod mo pa ang iyong sarili sa pakikipaglaro saiyong anak. Manolo..." Ngumiti ang Don. Inawat si Rose sa pagsasalita. Binawi nito ang kamay mula sa babae at inabot ang mga kamay ng dalaga bago ikinulong sa kanyang mga palad. Tinitigan ng Don si Rose ng diretso sa mga mata. Naroon ang pagmamahal, kagalakan at pasasalamat. "Rose, hija, nasa dapit-hapon na ako ng aking buhay. Quota na kumbaga. Ang konting bawal ay hindi na makasasama sa aking katawan.â ani Manolo. "Alam kong konting panahon na lamang ang ilalagi ko sa mundo at gusto kong ilaan iyon sainyo at sulitin ang mga nalalabi ko pang mga araw na masaya, kasama kayo ni Alexa.â dagdag pa nito. Umingos ang dalaga. Pilit na pinipigil na mag
Napaupong bigla Si Rose, tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Mabilis naman siyang dinaluhan ng tiyahin na katabi lamang niya. Nang matuklasan niya ang pagkakaroon ng iba pang anak ni Manolo ay nabahala na siya sa magiging kalagayan nilang mag-tiyahin. Higit siyang nag-alala para sa anak. Paano tatanggapin ng lalaki ang pagkakaroon nito ng kapatid sa ama? At si Alexa, paano niya ipaliliwanag sa anak kung sino si Alexander sa buhay nito? Makakaya bang tanggapin ng pang-unawa ng bata ang mabilis na pagbabago sa buhay nito? Ngayon niya lamang higit na naunawaan kung bakit ng mga nakaraang buwan ay nagpabalik-balik si Manolo sa Amerika. Pilit pala nitong inaayos ang problema sa pagitan nito at ng anak.Subalit nabigo ang Don. Napag-alaman niya na matigas ang loob ni Alexander. Sumama ang loob niya nagkaroon ng munting galit sa lalaki. Tanong niya ay paano nito nasisikmura na ignorahin ang ama nito sa abang kalagayan. Subalit ay hindi na niya inalam ang buong kuwento. S
Ngunit ang higit na ikinagulat ni Rose ay ang solong pagkakatiwala ni Don Manolo kay Alexander bilang legal guardian ni Alexa. Labis ang kanyang pagkabigla. Gusto niyang i-kontest ang bagay na iyon. Ano ang karapatan ni Alexander sa kanyang anak? Oo nga at magkapatid ang mga ito, pero naroon siya bilang ina ng bata. Maaaring hindi siya pinakasalan ng Don ngunit nararapat na nasa kanya ang pagpapasya. Ano ang dahilan ni Manolo para gawin sa kanya ang mga bagay na ito? Naging maayos ang kanilang pagsasama. Hanggang sa huling sandali ng buhay nito ay nasa tabi lamang sya. Parte pa ba ito ng kanilang kasunduan? At paano niya ipagkakatiwala ang anak sa isang estranghero? Higit siyang may karapatan kay Alexa dahil siya ang ina. Kung kanina ay puno ng kaba at kalituhan ang isip niya, ngayon ay may umuusbong na galit sa kanyang dibdib. Kahit pa ba may awtorisasyon si Manolo sa pagkakatiwala sa bata sa kapatid nito ay wala sila sa posisyon para alisin ang kanyang karapatan sa pagpapasya p
âThis is the last thing that he wanted huh?" Alexander gritted his teeth. Muling pinasadahan ang bahagi ng testamento kung saan nakasaad ang kahilingan ng ama. "To babysit his child." Naikuyom niya ang mga palad at pahagis na binitawan ang ilang pahina ng kasulatan sa lamesa. "Are there options we can do about it, Lance?" Baling ni Alexander sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa opisina ng ama at nire-repaso ang will na iniwan ni Don Manolo. Humarap si Lance kay Alexander. Inayos ang salamin sa mata at nagde-kuwatro. "Afraid so Alexander, but the will is authentic," mariing sagot ni Lance. "Wala akong makitang butas na maaaaring magamit upang mabago ang nilalaman nito," paliwanag pa nito. "Isa pa, iyan ang pinakamahalagang bagay na ipinakikiusap ng iyong ama na kailangan mong sundin," seryosong wika ni Lance kay Alexander. "And one more thing lest you forget, your father not only wants you to babysit his child, he also demands you to marry his woman," paalala ng kaibi