Share

Chapter Two

Author: Re-Ya
last update Last Updated: 2024-01-15 08:49:17

Masakit na ang mga paa niya sa walang habas nilang kalalakad na tila wala nang katapusan sa madawag na kagubatan.

Muling nagmaka-awa ang dalaga sa mga taong bumitbit sa kanya.

Subalit mistulang bingi ang mga ito sa kanyang pakiusap.

Bagkus ay siyang-siya pa ang mga bruho habang pinagmamasdan siya sa napaka-miserable niyang kalagayan.

Naramdaman ni Rose ang pagsabit ng jeans sa mga sangang nakausli sa daraanan.

Gumuhit ang kirot sa kanyang binti nang dumaplis iyon sa balat niya.

Gusto niyang humiyaw sa sakit.

Habang daan ay nasampal niya ang lalaking naka-itim at naka kupasing itim na jacket.

Tinawag itong Batik ng mga kasama. Siguro ay dahil sa mga patsi-patsing kulay itim nito sa mukha.

Diring-dire siya nang subukan siya nitong halikan sa labi.

Mabuti na lamang at sinaway ito ng isang kasamahan.

Anang sumaway ay isurender daw muna siya sa kanilang pinuno na nangangalang si Horan.

Kailangan raw mag pigil ng lalaki at baka samain sila pare-pareho.

Saka na raw sila magpyesta pagkatapos ng pinuno.

Nag-alburoto si Batik at sinabing lagi nalang ay tira-tirang buto na lamang ang naiiwan sa kanila gayong sila naman raw ang unang nakakita sa dalaga.

Hindik na hindik siya sa mga naririnig.

Kinilabutan ang buong pagkatao niya habang nakikini-kinita ang maaring sapitin sa grupong ito na pawang mga manyakis.

Maaari siyang malapastanganan ng walang kalaban-laban.

Gusto niyang panghinaan ng loob sa kawalan ng magawa.

Subalit pinanatili niyang alerto ang isip at pakiramdam kahit na may pananakit sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kung magpapatalo kasi siya sa takot ay hindi na sya makakapag-isip ng tama na siyang ikapapahamak niyang tunay.

Maglalaho siyang parang bula sa kawalan ng walang makakaalam ng ganun- ganun na lamang.

Naikuyom na lamang ni Rose ang mga palad.

Gustuhin man niyang pairalin ang galit ay paano?

Ano ang magiging laban niya sa mga taong labas na nakapaligid sa kanya?

Hindi naman siya si darna na may kagila-gilalas na lakas na sa isang pitik ay kaya nang patalsikin ang mga kalaban.

Kung minamalas ka nga naman ang pinananabikan na bakasyon ay sa bangungot pala ang tuloy.

Tuloy ay sising sisi siya sa naging kapasyahan.

Kung nakinig lamang siya sa Tiya Linda niya hindi niya sasapitin ang ganitong karahasan.

Sa wakas ay narating nila ang kuta ng mga buhong pagkatapos ng halos apat na oras na lakaran.

Hindi niya ma-aninag ang paligid, ngunit base sa mga munting liwanag, alam niyang may mga ilang kubol sa paligid.

Ramdam niya pa rin ang panginginig ng mga tuhod, maging buong katawan. Sumasagad iyon hanggang kaloob-looban ng internal organs niya.

Nanghihina na siya gawa ng sobrang pagkapagod at pagkauhaw.

Pakiramdam niya anumang oras ay maaari siyang mabuwal at takasan ng ulirat.

Ang suot niyang gomang sapatos bagamat mahal niyang nabili ay tila sumuko at halos mapudpod.

Sabug-sabog na rin ang kanina'y nakatali pa niyang buhok.

Dinala siya sa isa sa mga kubong naroon. Kulang hilahin sya papasok.

Sa pabilog na kawayang lamesa ay may naratnan silang limang lalaki na mga nakaupo.

Pawang mga armado rin ng mga de-kalibreng armas. Sadyang hinihintay ang kanilang pagdating.

Ano ito execution? Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang akusadong gagawaran ng hatol na kamatayan.

Tumayo ang tingin niya ay lider ng grupo. Hula ni Rose ay ito ang pinunong Horan na tinutukoy ng mga bumitbit sa kanya.

Malaki itong lalaki na may matapang at maangas na pagmumukha. Malago rin ang buhok nito at balbas sarado.

Kapansin-pansin ang malaking pilat nito sa pisngi na nagpadagdag sa mabangis nitong awra.

Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tila siya specimen na sinusuri nitong maige.

Dumampi ang hintuturo nito sa kanyang labi. Agad siyang naalarma.

"Get your hands off of me, you damn bastard." angil niya rito.

"Oy... Ingleserang tigre ha!" bulalas ng lalaki.

Inikutan siya nito. Napaismid naman siya sa pandidiri. Iniiwas niya rito ang mukha. Ngumisi ang lalaki tila nasiyahan.

Interesanteng nilaLang." Anito. "Saan niyo nadampot ang isang ito?" Tanong nito sa mga tauhan nang hindi sya nilulubayan ng tingi.

"Sa bus patungong bayan ng San Fabian pinuno. Mukhang dayo," sagot ng lalaking nagtangkang humalik sa kanya na walang iba kundi si Batik. Ipinakita nito ang kanyang maliit na traveling bag at binuksan.

Mula roon ay inilabas nito ang kanyang hybrid camera at iniabot kay Horan.

Kumunot ang noo ng tulisan habang sinusuri ang gadget.

Pagkatapos ay muling tumitig sa kanya. Nagplaster ang pagdududa sa mabalasik nitong mukha.

"Reporter ka ba?" Tanong nito.

"Alam mo bang kinakatay na parang manok ang mga nahuhuling media sa lugar na ito?" patuloy ng lalaki. Nagtawanan naman ang mga tauhan nito.

Napalunok si Rose. Nagsimulang kumabog ang dibdib sa takot.

Pero hindi siya nagpahalata. Sa mga oras na iyon ay wala na siyang pakialam sa kamera niya kahit na mahal pa ang pagkakabili niya rito.

Lumilipad ang isip niya sa kung paano siya makakatakas sa kinakaharap na panganib.

Iginala niya ang tingin sa palibot ng kubol.

Muntik na siyang mapasinghap nang maabot ng tanaw ang isang malaking bulto.

Nagtama ang kanilang mga mata ng lalaking naka-leather jacket na nasa dulong bahagi ng lamesa.

Pormal itong nakaupo at tahimik lang na nakamasid.

Gusto niyang ginawin sa paraan nito nang pagtitig. Masyadong malalim at malisik.

May kahabaan ang buhok nito na sa tingin niya ay nakatali sa likod.

Lutang ang kagandahan nitong lalaki sa kabila ng mga tumutubong pinong balbas sa mukha.

He was tall. Puna niya kahit na nakaupo ito.

Malaki rin ang built ng pangangatawan nito katulad nang kay Horan. Tila mga batak.

May bandanang nakapalibot sa leeg ng lalaki kaya't nagmukha itong terorista sa mga palabas.

Guato niyang umungol ng protesta. Hindi ito nababagay sa liblib na pook na ito. Mas bagay rito ang ma-feature sa mga magasin bilang modelo o di kaya ay artista. Bulong niya sa sarili.

She shook her head nang may mapagtanto.

Anong pag-iisip mayroon siya?

Nasa kalagitnaan na siya ng panganib ay napagkaabalahan pa niyang bigyan ng compliments ang lalaking iyon?

Ngunit ano ang ginagawa nito sa masukal na kagubatang pinagdalhan sa kanya ng mga ulupong.

Stupid of her.

Malamang ay isa sa mga h*******k na buwitre. Sa isiping iyon ay gusto niyang madismaya rito.

"Ikulong ang babaing ito at bantayang mabuti."

Narinig ni Rose na utos ni Horan. Naputol nito ang lihim niyang obserbasyon sa lalaki.

"Hanggang sa muling pagkikita magandang binibini." wika pa ni Horan sabay ang pagpisil sana sa kanyang pisngi subalit naiiwas niya ang mukha. Ngumisi ang lalaki at inilapit ang mukha sa kanyang taynga. "Ihanda mo ang iyong sarili at maglalaro tayo babae." bulong nito.

Napakislot si Rose nang maramdaman ang hininga ng lalaki sa kanyang balat.

Gusto niyang panindigan ng balahibo sa katawan dahil sa mga narinig mula kay Horan.

Malisyoso na ang paraan nito nang pagtitig, may kaakibat ng pagnanasa.

Nagpakawala ito ng nakakalokong halakhak nang mahalatang natigagal siya sa takot.

Bago siya tuluyang mailabas ng kubol ay muli niyang nahagip ng tanaw ang lalaki sa dulo.

Mataman pa rin itong nakatitig ngunit blangko ang ekspresyon ng mga mata.

Tila balong walang buhay. Bigla ay nakaramdam siya nang pagsikdo ng dibdib, sa 'di mawaring kadahilanan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Sixty ( Ang Katapusan)

    Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba siya nang rinig? "Na... naaaalala mo?" atubiling tanong niya na halos pabulong. "Yes, I remembered everything, particularly...us." malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up. You haven't told

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Nine

    Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain ang Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpaka-kaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado sya sa mga alala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga sya ng ubod lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam na paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiyaha

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Eight

    “Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man ay nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter Alexander, Oh God. she mouthed. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaring ipataw ng asawa. Kung

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Seven

    Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari nito ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses nitong pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang loob ng matanda lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanap-buhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de -kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't iban

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Six

    Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Five

    Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Kinapa ang nahubad na blusa at mabilis na sinuot pagkatapos ay tumayo upang ayusin ang sarili. Nahihiyang napatitig sya sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Noon naman ay naisiper na nito ang pantalon. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status