로그인
Malamig na sa balat ang hanging pumapasok sa bukas na bintana ng kanyang sinasakyang bus.
Sinilip ni Rose ang oras mula sa relong suot. Kulang sampung minuto ay mag-iika-anim na ng gabi. Kagat na ang dilim, ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya mamalas ang kagandahan ng paligid. Pagka't nagagalak siya sa tuwing may nakikitang interesante sa kanyang paningin. Panay ang kuha niya ng litrato. Kaya laging nakahanda ang kanyang kamera. Marahas na bumuntong-hininga ang katabi niyang matanda. Kanina pa niya napapansin ang pamaya't-maya nitong pagsulyap sa kanya. Mula pa sa terminal ng San Jose ay kasabay na niya ang matandang babae. Sinubukan niyang batiin ito kanina bago umandar ang bus na sinasakyan nila. Nais niya sanang magbukas ng usapin. Naisip niyang masarap din na may kakwentuhan sa biyahe. Maliban kasi sa makakakalap siya ng mga impormasyon ay bawas inip na rin. Subalit ni hindi siya pinansin ng katabi. Bagkus ay iniiwas nito ang tingin sa kanya, kaya't nanahimik na lamang siya sa kinauupuan at nagkibit-balikat. Naisip niyang baka naman kasi naiistorbo niya ito sa kalikutan niya. Matanda na ito at maaaring ayaw nang naliligalig. Pag nakakakita kasi siya ng magandang tanawin ay bigla na lang siyang napapasinghap at naiikot ang puwet sa kinauupuan. Minabuti niyang isilid na lamang ang kamera sa kanyang bag. Tumingin siya nang may paghingi ng paumanhin sa katabi, ngunit nanatili itong pormal na sulyapan; dili siya. Nagpasya siyang tumanaw na lamang sa labas at binusog ang mga mata sa mga tanawing nababanaagan pa niya sa gitna ng dilim. "Ineng, kung hindi ako nagkakamali ay dayo ka sa lugar na ito, hindi ba?" Mabilis na ibinalik ni Rose ang tingin sa katabi nang marinig itong magsalita sa kauna-unahang pagkakataon. Nasurpressiya.Marunong din pala itonmang-Tagalogog. Buong akala pa naman niya, kaya siguro tahimik lang ito at hindi siya naiintindihan. Bagama't may punto ang pananali,ay maayos naman nitong nabibigkas ang mga salita. "Opo," mabilis niyang sagot. Awtomatikong nagbigay siya ng palakaibigang ngiti rito. Isang tango ang isinukli ng kausap. Pagkatapos ay dumiretso nang tingin sa unahang bahagi ng sinasakyan nilang bus na tila may inaaninag. "Kung hindi mo mamasama, saan ba ang iyong tungo?" Sunod nitong tanong. "Patungo po akosag San Fabian. Ayon po sa napagtanungan ko sa terminal, anim na oras ang biyahe patungo roon. May kalayuan rin po pala," sagot niya na tuluyang nawala ang pagkailang sa kausap. Marahas siyang nilingon ng matandang babae. Gumuhit ang takot at pangamba sa mukha nitong yayat. "Hindi ligtas ang lugar na ito sa mga katulad mong dayo at babae pa naman din," pabigla nitong sabi. "H.. Ho?" aniya na nagulumihanan. Nagbibigay ba ng babala ang matanda o sadyang nananakot lang? Gusto sana niyang klaruhin ang sinabi nito, subalit naramdaman niya ang unti-unting pagbagal ng bus hanggang sa huminto na nga ito nang tuluyan. Muling gumuhit ang pagkabahala sa mukha ng katabi. Sabay pa silang napatingin sa unahan. Nagtaka siya na wala sa sinumang nakasakay sa bus ang tumayo upang bumaba. Sumilip siya sa bintana; wala siyang mabanaag kundi purong kadiliman lamang. Wala siyang maaninag na liwanag na maaaring makapagpatunay na may mga nakatira sa paligid. Kung ganoon, ano ang dahilan kung bakit huminto ang sinasakyan nila? Tingin pa naman niya ay liblib na lugar ang bahaging kanilang hinintuan. Naramdaman ni Rose ang pagkalabit ng katabi. Isang itim na bandana ang iniabot nito na labis niyang pinagtatakhan. Nasa mata niya ang pagtatanong. "Gamitin mo itong panukob sa iyong ulo,o iyong siguradong matatakpan ang iyong mukha. Bilis kilos na!" Mabilis nitong wika sa paraang pautos. Napansin ni Rose ang takot sa tono ng pananalita nito. Naguguluhan ma,y mabilis siyang sumunod. May kakaiba kasi sa paraan nito ng pag-utos. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng kaba. Saglit pa at dalawang lalaki ang umakyat sa bu,s armado ng di-kalibre na mga baril at may nakakatakot na mga pagmumukha. Mahahaba ang mga buhok tipong walang ligo at mga balbas sarado. Kapara'y mga pusakal na hindi pahuhuli ng buhay. Tuluyang kumabog ang dibdib niya sa nakita. Bigla siyang nahintakutan. Kung hindi siya nagkakamali ng kuto,y bandido ang mga ito. Taong labas sa taguri. Bawat upuang matapatan ng mga lalaki ay sinusuri ang mga pasahero at mga k*****a. Kinukumpiska ang mga bagahe at wala ni isang naglakas-loob na umalma o magreklamo man lang. Ang iba nga ay kusa pang iniaabot ang mga bag nila o kung anupamang mga dalahin. Tila ang tanawing nasasaksihan ay pangkaraniwan na lamang na nangyayari sa araw-araw at nakasanayan na. Nagtama ang mata nila ng matandang babae. Sinenyasan siya nitong yumuko, agad naman siyang tumalima. Lumalim ang kanyang paghinga nang nasa tapat na nila ang isang bandido. Mabilis nitong inabot ang mga gamit niya. Gusto sana niyang magprotesta. Hindi niya inaasahan ang bagay na ito sa kanyang biyahe. Isang makahulugang sulyap ang ginawa ng matanda. Mukhang nahuhulaan nito ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nakita niyang sinusuri ng lalaki ang gamit niya. Nagtaka siguro ito kung bakit kaiba ang bagahe niya sa karamihan. Kung bakit kasi nagmaleta pa siya na animong magbabakasyon nang bonggang-bonga. Nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki nang makita ang kamera sa kanyang bag. Dumako ang mata nito sa puwesto niya. Naroon ang liyab. Sinakmal siya ng takot. Yumuko siyang pilit. "Ikaw! Tumingin ka sa akin." Turo nito sa kanya. Hindi siya tuminag sa kinauupuan. Kunwa ay hindi niya ito naririnig. "Putsa, bingi ka ba?" Singhal ng lalaki. "Bakit pare?"Ang kasama nito ay naka-jacket. Palapit na rin ito. "Mukhang may naliligaw sa ating balwarte." Nakangising sagot ng lalaking balbas-sarado. "Mga ginoo, ipagpaumanhin niyo na ang aking apo. Kagagaling niya lang mula sa pagta-trabaho sa Maynila. Mayroon siyang sakit at..." "Pinagloloko mo ba kami, tanda? Dayo ang isang 'ya. Pagtatakapan mo pa. Kahit hawak ka pa ni Dimitr, sasamain ka sa akin." Angil ng unang lalaki.. Nag-alala ang dalaga para sa katabi. Kinapa niya ang kamay nito at pinisil, tanda ng pasasalamat sa pagtatanggol sa kanya. Kung anuman ang dahilan nito sa pagsisinungaling ay mukhang nahuhulaan na niya. Pilit siyang inabot ng unang bandido. Hinila nito ang bandana sa ulo niya. Napasigaw siya sa pagkabigla. Nagulat ang dalawang bandido nang tuluyan siyang tumambad sa paningin ng mga ito. " Put.....a! Pagsuwertee ka nga naman."Magkapanabay na bulalas ng dalawang balba na sarado. Nanlalaki ang mga mata.Nakakapanginig ng balahibo ang mga pagmumukha habang nakangisi. Anim,o mga gutom na buwitre. "Ano iyang kaguluhan diyan?" Narinig niyang boses mula sa labas. "May napakasarap na karneng naligaw." Malisyosong sagot ng lalaking akatimm na jacket. "Isama na iyan! " Mabilis siyang nahawakan sa kamay ng lalaki at hinila patayo sa kinauupuan. Sa pagkabigla ay wala siyang nagawa. Ngising aso naman ang kasama nito. Humingi siya ng tulong sa mga kapwa-pasahero, ngunit maliban sa matandang nakatabi ay walang may gustong makialam o tumulong man lang. Tila bingi ang mga ito sa pakiusap niya at pawang takot ang nakalarawan sa mga mukha. Maging ang drayber at konduktor ay parang mga basang sisiw sa mga kinapwestuhan. Walang nagawa ang pagsisigaw at pagpupumiglas niya nang kaladkarin na siya pababa ng mga armadong lalaki mula sa bus. Bago tuluyang mabitbit ng grupo ay nakita niya ang awa at pag-aalala sa mga kapwa pasahero. Hindi pa man ay tila may ideya na ang mga ito sa maaaring nilang sapitin mula sa mga tampalasan.Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba ang narinig niya? "Na… naaaalala mo?" atubiling tanong niya na halos pabulong. "Yes, I remembered everything, particularly…us," malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mga mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? Putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up. You haven't told me. The me
Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain si Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpakaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado siya sa mga alaala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga siya nang ubod ng lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam ng paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiy
“Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man, nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter, Alexander, "she mouthed." Oh God. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaaring ipataw ng asawa. Kung
Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari niya ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses niyang pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang-loob ng matanda, lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanapbuhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de-kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't ibang
Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pag-alaala sa nangyari noong nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo, baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento, sinubukan niyang kumatok nang mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtanto niyang baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tiyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo," impor
Hesusmaryosep! Ang tiya Linda na napaantada ay larawan ito ng pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Kinapa ang nahubad na blusa at mabilis na sinuot, pagkatapos ay tumayo upang ayusin ang sarili. Nahihiyang napatitig siya sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Noon naman ay naisiper na nito ang pantalon. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni Tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin nang diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya
Mula sa simbahan ay tumuloy si Rose sa hotel kung saan ang wedding reception. Katatapos lang ng magarbong kasal ng tanyag na siruhano na si Clark Zantillan at ng pamosong modelo na si Anya Collins. Dinaluhan ito ng mga kilalang personalidad at malalapit na kaibigan ng pamilya. Sa seremonya ay h
“Hello, wife." Nakangiting bati ni Alexander. "Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" Angil niya agad sa lalaki. Pinamulahan sya ng mukha. Humigpit ang hawak niya sa buhol ng tuwalyang gamit. Na para bang naroon lahat ng lakas niya. Subalit ay hindi niya magawang humakbang. Tila sya napako sa k
“Madaya ka dapat ay pinakasalan mo na lang ako." Malagihay na sambit ni Rose, habang nakatingala sa malaking kuwadro ni Don Manolo. "But your son married me instead of you. Because you asked for it, but why?" Matigas na turan niya. "Hindi ko lubos na maunawaan. Despite everything I did for yo
“Malaki ang utang na loob ko kay Dimi. Katulad mo ay biktima rin ako nila Horan," simulang kuwento ni Lita. "Maaaring may kinalagyan na ako kung hindi dahil sa tulong niya. Inarbor niya ako sa mga ulupong na iyon," dagdag pa nito. Gumawa ng malalim na paghinga si, Lita. Sumilip ang kislap ng galit







