"B-Bernard," tanging nasambit ko na lamang nang tuluyan akong makapasok sa opisina ng aking asawa.
Tinitigan ko ito sa aking mga mata ngunit hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin. Alam kong nararamdam niyang nasasaktan ako. Alam kong nararamdam niyang hindi ko gusto ang aking nakikita.
"Honey, ano kasi.."
Mas lalong akong nasaktan sa naging reaksyon ni Bernard. Mas lalo kong naramdamang, wala na. Na matagal na niya akong niloloko.
"Oh! Bakit ganiyan ang hitsura mo, Laura? Para kang hinabol ng asong ulol." Agaw pansin sa akin ni Lara. Tiningnan ko siya ng masama kaya natigilan din ang kaniyang hitsura.
"Hindi kita kinakausap Lara, kaya manahimik ka!" Galit na sabi ko pagkatapos ay binalingan ko ulit si Bernard. "May dapat ba akong malaman, Bernard?" dagdag ko pa.
Natahimik siya at napailing. Tumayo din ito at nilapitan ako habang ako naman ay nagpupuyos ng gal
This is unedited. Typos and errors ahead.
"Why are you here?" tanong ko kaagad kay Andrew. Hindi niya ako sinagot bagkus ay tiningnan niya lamang ako. Isang klase ng tingin na kailanman ay hindi ko gugustuhing makita galing sa kaniya. He looked at me pitifully. Na maging ako ay ramdam ang awa sa sarili. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan," mahina kong bulong. Halos hindi ko na nga marinig ang sarili kong boses. Napayuko ako at niyakap ang aking sarili. Nasasaktan ako ngayon ngunit kailangan kong magpakatatag. Lahat ay lilipas lamang at may mga bagong darating. Hindi ko nga lamang alam kong kailan. "Umuwi ka na, Laura." sabi nito sa akin. Umiling ako sa kaniyang sinabi. I needed more time. I needed to be alone to think. Kailangan ko ng isang taong makakaintindi sa akin. Kasi hindi ko alam. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin bago ko naramdamang lumalapit siya sa akin. Dahan
May mga bagay na mahirap ngunit kailangan mong tanggapin. Tinanggap ko ulit si Bernard. Magmula ng gabing iyon sa mansion ng kaniyang buong pamilya ay pinilit kong maging normal sa amin ang lahat. Hindi man katulad ng dati ngunit hindi naman gaanong magulo. Iwinaksi ko rin sa isip ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Andrew. Natatakot ako dahil nitong mga nakalipas na buwan ay palagi na lamang nagsusumiksik sa utak ko ang kaniyang mukha. Nangingilabot ako sa aking sarili dahil alam kong hindi dapat. "Honey," tawag sa akin ni Bernard. Nasa tabi ko ito at nakikiramdam. "Bakit?" tanong ko dito. Bahagya kong sinulyapan si Bernard at nakita ko ang pag-asam sa kaniyang mga mata. Magmula ng makita ko ang bagay na iyon at naging maayos na kami ni Bernard ay hindi na ulit namin nagagawa ang bagay na iyon. Natatakot ako. Pilit ko mang kalimutan ngunit hindi ko magawa.
"Anong sinasabi mo?" tanong ko dito nang makahuma. Kita ko kaagad ang galit sa kaniyang mga mata kaya naman mas lalo akong naguluhan. "Nakikipagkita ka ba sa kapatid ko? Iniiputan niyo ako sa ulo?" Imbes na sumagot ay tanong din ang ibinato niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi ngunit pinanatili kong pormal ang aking hitsura. Lumapit ako kay Bernard ng dahan-dahan at hinarap siya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at itinuro ko ang puso ko. "Naramdaman mo ba na minsan sa pagsasama natin, hindi kita minahal? Sagutin mo ako, Bernard! Kasi kung naramdaman mo! Nararamdaman ko rin dahil sa ginagawa mo ngayon!" mariing sabi ko sa kaniya. Nakita kong nagulat siya sa aking ginawa. Nanlaki din ang kaniyang mga mata at ang biglaang pagbabago ng emsoyon nito. Bumukas-dili ang kaniyang labi ngunit wala ni isang salitang namutawi doon. "Ako ba talaga ang may kasalanan, Bernard?
Naabutan ako ng ulan at hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko. Tinawagan ko na ulit si Nene at nagsabing may inutusan na itong tauhan. Malakas ang ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang malaya kong napagmamasdan sa loob ng aking sasakyan. Ang sunud-sunod na mga pagpatak ng butil nito na siyang nagpapadilim sa paligid ang labis kong kinatatakutan. Hindi kinakaya maging ng windshield ang mabilis na pag-agos nito. Napatingala ako sa aking kinauupuan at napabuntonghininga na lamang. Pagod na pagod ako dahil sa maghapong pagiging abala sa naganap na kasalan kaya't gusto ko na sanang matulog at hayaan na lamang na tumila ang ulan. Naisip kong sa mga nakalipas na taon ng aking buhay naging abala din ako. Naging abala sa mga taong itinuring kong bahagi nito. Na minahal ko ng lubos at nirespeto. Ngunit ngayon, naisip kong sumubra pala ako. Na dapat pala ay nagbigay ako para sa aking sarili ng konteng pagpapahalaga
Gulat na gulat pa rin ang mukha ni Bernard habang titig na titig sa akin. Binitiwan niya ang bata at hinayaan itong gumapang sa sahig na may placemat. Habang ang kapatid ko rin ay natigagal sa kinatatayuan nito. Galit na galit ako. Sumisikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman nito. Hindi ko na pinigilan ang aking sarili at isa-isang hiniyaang pumatak ang mga luha galing sa aking mga mata. "Laura," "Ano? Magsisinungaling ka pa?!" Pasigaw kong tanong dito. Akala ko tanggap ko na. Akala ko kaya ko na. Hindi pa rin pala. Nasasaktan pa rin ako. Sobrang sakit! "Kailan pa?" halos pabulong na lamang na wika ko. Pinilit ko ang aking sarili na lumapit sa kanila. Dahan-dahan habang unti-unti ring nadudurog ang aking puso. "Laura, hindi! Mali ang iniisip mo," nahihirapang sabi nito sa akin. Umiyak ang bata sa lapag kaya naman bumaling ang tingin ng dalawa d
"Kapag nagkaanak tayo, anong ipapangalan mo?" tanong ni Bernard sa akin. Nakapulupot ang kaniyang braso sa akin habang ako naman ay paharap na nakasandal sa kaniyang dibdib. Pareho kaming hubo't hubad galing sa mainit na pagtatalik. "Laurabelle. Para kasing pangalan mo," sagot niya sa akin. Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo kaya naman tumingala ako para makita siya. Agad akong napangiti nang tuluyan ko siyang mapagmasdan. Napakagwapo ng aking asawa at mabait pa. Nagbago siya para sa akin at ramdan kong magiging mabuti rin siyang ama sa aming mga supling. Itinaas ko ang aking kaliwang kamay at hinaplos ang kaniyang mukha. "Kapag lalaki, syempre kapangalan mo. Kasi wala si Laura kung wala si Bernard, di ba?" Nakangiting sabi ko pa. Hinuli niya ang aking kamay at hinalikan iyon. Niyakap niya ako ng mahigpit pagkat
"Nandito na tayo, Laura." pukaw sa akin ni Andrew. Sa sobrang dami ng iniisip ko, hindi ko na namalayang narating na namin ang malawak na bakuran ng mga Guerrero. Binalingan ko siya ng tingin at tinanguan. Nginitian ko rin siya ng bahagya habang siya naman ay nakatitig lang sa akin. "Huwag mo na akong ngingitian ng ganyan. Kapag nahihirapan ka, pwede ka namang magpahinga. Hindi mo pwedeng lokohin na lang ang sarili mo, Laura," mahina nitong bulong ngunit dinig na dinig ko iyon. "Galit na galit ako kay Bernard dahil sa ginawa niya sa'yo. Gusto kitang agawin. Sana pala hindi kita isinuko noon. Pero alam kong mas kailangan mong mag-isip. Ayaw ko nang dagdagan ang paghihirap mo," dagdag pa nito pagkatapos. Tumango ulit ako kay Andrew. Ramdam ko ang malasakit niya sa akin. Kitang-kita ko ito sa kaniyang mga mata. Ginagap ko ang kaniyang kamay at hinawakan iyon. Alam kong nagulat siya sa ak
"Miss Laura, ready na po ba kayo?" tanong sa akin ng isang crew. Tumango ako habang nanatiling napapikit. Kasalukuyan akong inaasiste ng aking make up artist para sa isang interview. Comeback interview to be exact on one of the biggest reality talk show in the Philippines. "Bongga na, Madam! Sobrang ganda mo talaga." kinikilig na turan ng aking make up artist. Napangiti ako at dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Bumungad kaagad sa akin ang aking hitsura mula sa salamin. Light make up na bumagay sa aking hindi kaputiang balat. Habang mas pinatapang naman ang aking mga mata. "Salamat. Ang galing mo rin kasi." masayang sagot ko naman dito. Ngumiti siya sa akin at binistahan pang mabuti ang aking mukha. "Kapag nandito ang asawa mo Madam, tiyak na maiinlove pa 'yon sa'yo." wala sa loob na wika pa nito. Natahimik ako sa sinabi nito at nag-iwas ng tingin. Bahagya na l