Home / Romance / ALTERS [Book 2] / Chapter 27: Mahal ko ang asawa ko…

Share

Chapter 27: Mahal ko ang asawa ko…

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2025-09-01 23:37:55

“Pagkatapos na maibabâ ang wineglass sa gitna ng lamesa ay napangiti ako. Halos walang pagsidlan ang kasiyahan na nararamdaman ko ng mga sandaling ito. Masusi kong pinagmasdan ang magandang ayos ng lamesa, sinigurado ko pa na wala akong nakalimutan kaya isa-isa kong chineck ang mga pagkain at gamit sa aking harapan. Sunod na sinipat ng tingin ay ang malaking orasan na nakadikit sa sementadong pader.

“Six thirty…” basa ng isip ko sabay hugot ng malalim na buntong hininga. Kinakabahan kasi ako para sa dinner na ‘to.

Hindi ito basta dinner lang kundi isa itong espesyal na hapunan dahil naisip ko na ngayong gabi ay bibigyan ko ng kasagutan ang matagal ng hinihintay ng asawa ko.

Madalas kong marinig ang salitang “mahal kita”mula kay Alexander ngunit hindi ko magawang sagutin ito dahil sa pag-aalinlangan ko sa nararamdaman ko. Pero ngayon, sigurado na ako sa aking nararamdaman. Mahal ko na ang asawa ko, at gusto kong sabihin sa kanya ang bagay na ito sa pamamagitan ng isang espesyal na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 47: depression…

    “What happened to my wife?” Kinakabahan na tanong ni Alexander sa doktor na tumingin sa kanyang asawa. Narinig niya na namuntong hininga ito bago sumagot sa kanyang tanong. Kinakabahan si Alexander sa magiging sagot ng doctor pero narun pa rin ang kuryosidad na malaman ang malalim na kondisyon ng kanyang asawa.“Mr. Foster, ang nangyari sa iyong asawa ay isang nervous breakdown. May hinuha ako na hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ito ng asawa mo.” Malungkot na pahayag ng doktor, ramdam ni Alexander na hindi lang ito ang malalaman niya mula sa doctor dahil nababasa niya sa mga mata nito ang maraming katanungan. Mukhang maging ang doktor ay naguguluhan sa kondisyon ng kanyang asawa. Marahil nagsisimula pa lang siya na tuklasin ang totoong kondisyon ng pasyente.“What do you mean?” Hindi makapaniwala na tanong ni Alexander, batid niya na tama ang sinabi ng doktor subalit hindi mawaglit sa kanyang isipan ang mga eksena sa pagitan nilang mag-asawa bago ito tuluyang mawalan

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 46: kinimkim na poôt…

    “No! Hindi ko pipirmahan ang papel na ‘yan!” Tiǐm bagang na pahayag ni Alexander, naniningkit ang kanyang mga mata dahil sa pinaghalong sakit at galit. Para siyang nakatanggap ng isang bomba na bigla na lang sumabog sa kanyang harapan. Labis niyang ikinabigla ang naging desisyon na ito ng kanyang asawa.“Tell me Hannah, ni minsan wala ka man lang bang naramdaman sa akin? Ni minsan ba ay hindi mo man lang ba ako minahal?”Madamdaming tanong ni Alexander, naisip niya na idaan sa isang panunuyo ang lahat at baka sakaling muling bumalik ang dating pakikitungo sa kanya ni Hannah. Natulala si Hannah sa mukha ng kanyang asawa, ni hindi kumukurap ang mga mata nito. Nagtaka si Alexander kung bakit hindi na ito kumikibo, napaka tahimik nito na wari mo ay kay lalim ng kanyang iniisip. Hindi lingid sa kaalaman ni Alexander na isa-isang lumilitaw sa isipan ni Hannah ang bawat eksena mula sa nakaraan. Ang kanyang pagsisinungaling, na tinutugon naman ni Hannah ng isang halik. Nahigit ni Hannah

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 45: “DIVORCE PAPER?”

    “Sa nakikita namin, masyado ka pang bata para sa isang mabigat na responsibilidad. Una ay wala ka pang karanasan, pangalawa ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman upang pangasiwaan ang kumpanya.” Napatiǐm bagang si Alexander dahil pakiramdam niya ay iniinsto ng lahat ang kanyang asawa. Ano ang karapatan ng mga ito!? Mula sa mukha ng mga board member ay lumipat ang tingin niya sa mukha ng kanyang asawa. Namangha si Alexander, dahil imbes na mainsulto o magalit ay parang nakikinig lang ng mga payo si Hannah. Bahagya pa nga itong tumatango habang pinakikinggan ang sinasabi ng lahat. “I see, lahat ng sinabi nyo ay may katotohanan, don’t worry nauunawaan ko ang inyong mga saloobin.” Nakangiti pang saad ni Hannah habang pinapaikot ang isang ballpen sa kanyang mga daliri. “My apologies, hindi ko kayo nainform na ang aking ama ay nag resigned na sa kanyang posisyon. At inihahayag ko sa inyong lahat na ako na ngayon ang bagong CEO ng kumpanya.” Ang lahat ay nabigla, maging si Mr. Larr

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 44: the new CEO…

    Parang naestatwa ang lahat dahil sa paglantad ng anak ni Mr. Larry. Habang ang mag-inang Lanie at Lara ay labis na naghihimagsik ang kanilang mga kalooban. Humigpit sa pagkakakuyom ang mga kamay ni Lara habang pinapatay niya si Hannah sa pamamagitan ng matalim na tingin. Nang-aasar na ngumiti si Hannah ng makita niya ang pagdaan ng inggit mula sa mga mata ni Lara. Hindi maikakaila na labis na ikinagalit ni Lara ang malaking kalamangan sa kanya ni Hannah. Hindi lang sa ganda kundi maging sa malamodelo nitong katawan. “Ano ang ginagawa mo dito Hannah?” Seryosong tanong ni Alexander ng makabawi sa labis na pagkabigla. Makikita sa mukha niya ang pagnanais na lapitan ang asawa at ipasok ito sa loob ng kanyang damit upang walang ibang lalaki na makakita sa ganda ng kanyang asawa. “Bakit nandito ang asawa ko? Gayung mahigpit kong bilin sa mga katulong na huwag itong hahayaan na makalabas ng silid?” Nagtataka na tanong ni Alexander mula sa kanyang isipan. Pagkatapos kasi ng insidente

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 43: Paglantad…

    Mula sa entrance ng Logistic company ay dumating si Alexander kasama ang kanyang mga tauhan. Sa kanang bahagi niya ay ang kanyang abogado, habang sa kaliwang bahagi ay ang sekretarya nito. Samantalang sa likuran niya ay tahimik na nakasunod ang personal assistant nito at ang ikalawa niyang abogado. Natigil sa kanilang ginagawa ang mga empleyado ng Logistics Company at nagtataka na lumingon ang mga ito sa kanyang direksyon. “Ano ang ginagawa ni Mr. Foster sa kumpanya ng mga Homer?” Ito ang katanungan mula sa kanilang isipan habang nakasunod ang tingin ng mga ito sa bawat hakbang ng kanyang mga paa. Kilala siya bilang isang workaholic at halos hindi siya mahagilap dahil sa sobrang abala niya sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya. Kaya naman labis nilang ikinagulat ang biglaang pagdating nito. Walang pakialam na nagpatuloy lang sa paglalakad si Alexander, hindi alintana ang espesyal na atensyon na natatanggap mula sa mga kababaihan. Ramdam niya kung gaano siyang hinahangaan ng mga it

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 42: Company..

    Tulala at parang wala sa kanyang sarili si Alexander habang nakaupo sa kanyang swivel chair dito sa kanyang opisina. Patuloy na pinaikot-ikot ang isang mamahaling ballpen sa kanyang mga daliri habang ang mga daliri sa kanyang kaliwang kamay ay patuloy na ikinakatok sa ibabaw ng lamesa. Hannah is no longer existing into this world. And I will do everything para bawiin ang lahat ng nawala kay Hannah. Kung kinakailangan na burahin ko kayong lahat ay gagawin ko. Ibabangon kong muli ang kanyang dignidad na niyurakan mo.” Halos paulit-ulit itong naglalaro mula sa kanyang isipan, habang nangingibabaw ang tanong na kung “bakit ? at ano ang nangyayari sa kanyang asawa? Naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Mula kagabi hanggang ngayon ay hindi nawaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nilang mag-asawa. Aminado naman si Alexander na malaki ang kasalanan niya kay Hannah, at walang ibang dapat na sisihin kundi ang kanyang sarili. Isang narahas na buntong hining

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status