Share

CHAPTER 5 - THE TWINS

“Oh, well, mabuti naman at buhay ka pa. Kailan ka pa nakalaya?” nakakainsultong tanong nito sa kanya, para lang takpan ang hiyang inabot nito. Bumaba ang tingin nito sa anak niya. “Oh, look at it, ‘yan na ba ang bunga ng panghahalay sa’yo ni Mr. Harrison? Hindi naman pala pangit ang lahi niya, dahil nagkaroon ka ng magandang produkto.” tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa bata.

“Oh, really? Paano mo nalaman?” nakangiting tanong niya, imbes kasi na magalit siya, parang natuwa pa siya ng makita ang reaksyon nito.

“Siyempre, sinabi sa akin ni Mr. Harrison na successful ang panghahalay niya sa…” hindi na natuloy ni Monica ang gusto pa sana niyang sabihin ng napagtanto na nahulog siya sa patibong ni Ciara. “Marunong mang blap ang tanga!” sa loob-loob niya. Binalingan niya si Lorenz, at nakita niya ang pagdilim ng anyo nito habang nakatingin sa kanya.

“I didn't know you were that close to Mr. Harrison, Monica.. And you also appear to know what happened to me back then, right?”

Matagal na natigilan si Monica ng marinig ang tanong niya. Tila ito natuod sa kinatatayuan nito waring nag-iisip ng maging dahilan. Alam niyang malaki ang kinalaman nito sa pag set-up sa kanya. Tiningnan niya si Lorenz na kasalukuyang hindi maalis ang tingin sa kanya. Alam niyang may gustong sabihin ito ngunit wala siyang plano na makinig. Sinulyapan lamang niya ito, hindi na siya nag-aksaya pa na tingnan ang lalaki ng matagal dahil pakiramdam niya kapag ginawa niya, naaalala lang niya ang panloloko na ginawa nito noon sa kanya. Nang makitang tulala pa rin si Monica, minabuti na lang niyang talikuran ang mga ito.

“Ciara, wait..” si Lorenz na unang natauhan ay mabilis ang mga hakbang upang hawakan ang braso niya. Hindi niya nagustuhan ang pag hawak nito sa braso niya kaya niya ito tinapunan ng matalim na tingin. Tila nahalata naman nito ang mga nagbabantang tingin niya kaya agad siya nitong binitawan.

“Ciara, can we talk?” Bakas ang pagsusumamo sa mukha nito at sa klase ng mga tingin nito sa kanya.

Nagpakawala siya ng nakakainsultong ngiti at sumagot. “And who do you think you are to demand a few minutes of my time? My time is precious and you don't deserve it. Excuse me.” Nakita niya ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Lorenz ng marinig ang sagot niya. Umarko ang ang labi niya, “Hindi na ako katulad ng inaakala mo Lorenz,” dagdag niyang sabi bago tinahak ang entrance ng DelCas Building.

“Lorenz!” sigaw ni Monica sa lalaki ng makitang may plano itong sundan si Ciara, kaya agad niya itong pinigilan. “Nakalimutan mo na ba? Asawa mo na ako ngayon, huwag mong subukan na balikan pa si Ciara, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!”

Dahil sa narinig, galit na sinakal ni Lorenz si Monica. Nagbabaga ang kanyang mga tingin at lalong humihigpit ang kanyang mga kamay sa paghawak sa leeg nito. “At ano ang gagawin mo, huh? E-frame up na naman si Ciara, tulad ng ginawa mo dati? I'm sick of your manipulations, Monica. Don't force me to divorce you!” Mahina ngunit madiin niyang wika rito, bago ito tinalikuran.

Halos hindi makahinga si Monica ng patulak siyang binitawan ni Lorenz. Hinawakan niya ang kanyang leeg, pakiramdam niya, tumagos hanggang sa loob ng kanyang lalamunan ang kamay nito. Namumula ang kanyang mga mata na sinundan ng tingin ang likuran ng papalayong si Lorenz. “Kahit ano ang gawin mo, hindi ka na makakabalik kay Ciara, Lorenz, ako pa rin ang susundin mo.” usal niya sa sarili.

Samantalang sa loob ng Delcas Building, nagtataka si Ciara, kung bakit kakaiba ang tingin ng mga empleyado sa anak niya ng makapasok na sila. Mula sa gwardya pagpasok nila ng entrance, pagdaan nila ng information desk, at maging ngayong nasa waiting lounge sila, ganun pa rin makatingin ang mga ito sa anak niya.

“Bakla ba ang anak ni Boss,” narinig niyang tanong ng isang empleyado sa kasamahan nito ng dumaan sa gawi nila.

“Di ba kanina, iba ang suot na damit ng anak niya? Tingnan mo pati yaya ng anak niya nag-iba na rin.”

Nagtataka si Ciara kung bakit sa anak niya nakatingin ang mga ito habang nag-uusap, gayong anak ng boss ng mga ito ang topic ng usapan.

“Miss Ciara Elah De Luna, Come in, please..” Tumigil siya sa kanyang malalim na pag-iisip ng marinig ang pagtawag ng president secretary sa kanya mula sa labas ng president’s Office. Binalingan muna niya ang anak, habang naglalaro ng barbie doll nito.

“Zariah baby, pupunta muna si mommy sa loob ng silid na iyon,” sabay turo niya sa president’s office na tiningnan naman ng anak, bago niya idinagdag, “Please..behave. Huwag kang gumala kahit saan. Ang laki nitong building at ilang floor pa ito, baka maligaw ka at mahirapan akong hanapin ka mamaya, kaya hintayin mo lang ako rito, okay?” bilin niya sa anak at tumango naman ito.

“Don't worry, mommy, I'll just wait for you here,” sagot nito sa kanya. Hinalikan muna niya ito sa noo, bago tumayo at pumasok sa loob ng president’s office. Lihim na sinuyod ng kanyang mga mata ang loob ng silid. Nimbus gray mixed with white color ang pintura ng wall nito, kaya magara tingnan at malamig sa mata. Gawa sa glasswall ang kalahati ng silid at makikita ang view ng mga naglalakihang building sa labas. Sandaling tumigil ang pag gala ng kanyang paningin ng mahagip nito ang lalaking nakatalikod sa kanya at nakaharap sa glass wall habang nakatunghay sa labas. Nasa loob ng bulsa ang dalawang kamay nito, waring kay lalim ng iniisip. Kahit nakatalikod ito sa kanya, ramdam pa rin niya ang kapangyarihan mayroon ang lalaking ito.

“Ahhhmm,” tumikhim siya dahilan upang lingunin siya nito. Sandaling tumama ang kanilang mga mata. “Miss Ciara Elah De Luna,” tuwid na bigkas nito sa pangalan niya.

“Yes..and as the company's business consultant, I am here to personally sign the contract.” tuwid rin niyang sagot.

Unti-unting naglakad ito papalapit sa kanya. Sa klase ng mapang-akit na tingin nito, pakiramdam niya, umusbong ang kakaibang init sa pagitan nilang dalawa, lalo pa at sobrang lapit na nila ngayon sa isa’t-isa. Isang beses niya lang naramdaman ang ganito and it was five years ago. Napaatras siya ng lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Bakit ba pakiramdam niya, nagkamali siyang tanggapin ang alok nito, hindi niya napaghandaan kung ano ang gagawin sakaling dumating ang pagkakataon tulad nito. Nag research siya ng background ng lalaki at kilala ito sa pagiging playboy dahil iba’t-ibang babae ang nakikitang palagi nitong kasama. Isang babae lang ang tumagal rito—si Crystal Mendez, ang international model at malapit na ang mga itong magpakasal.

“Why do I feel this seductive moment, so much familiar?” mahinang wika nito, at muling dumampi sa ilong niya ang mainit at preskong hininga nito, na kahit siya masasabing pamilyar din sa kanya. "Bakit nga ba pamilyar?" Sa loob-loob niya. Lalong lumakas ang tibok ng puso niya ng hapitin nito ang baywang niya upang dumikit sa katawan nito.

“Even the heat from your body is something I've felt before.” dagdag nito na mas lalong nagpalakas ng tibok ng kanyang puso.

“Even the speed at which your heart beats is the same as mine.” muling dagdag sa sinabi nito, at lalong lumapit pa ang mukha nito sa mukha niya. Nagpanic siya ng makitang bumaba ang mga mata nito sa mga labi niya.

“You are my sweet little thing and I need only to taste your lips to confirm it.” Dahil sa sinabi nito, biglaan niya itong tinulak ng malakas, bago pa man lumapat ang labi nito sa labi niya.

Namumula ang pisngi niya, hindi niya alam kung sa hiya sa sarili niya or galit para rito. Muntik na niyang makalimutan ang totoong pakay niya kung bakit niya iniwan ang sariling kumpanya para lang magtrabaho rito.

“Show me some respect, Clarence Adler Del Castrillo. I am here as a Business Consultant for your firm, and not just any woman you might sleep with!” galit niyang wika rito.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Clarence ng makita ang pamumula ng mukha ni Ciara, bagay na ikinatuwa pa niya, dahil lalong naging kaakit-akit ito sa kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan sa sarili niya kanina, kung bakit may kung anong magneto ang presensya ng babaeng ito sa harapan niya, at nawawala siya sa focus. Niluwagan niya ng kaunti ang necktie niya upang makahinga siya ng maluwag. Pakiramdam niya biglang uminit ang buong katawan niya. Matagal na siyang hindi tumikim ng babae at sa naalala niya limang taon na rin simula ng hindi siya naghahanap ng makasiping sa kama, maliban na lang sa huling babae na hanggang ngayon hinahanap pa rin niya.

**

Samantalang si Zariah, kanina pa nakaramdam na parang naiihi. Tiningnan niya ang nakasarang pintuan ng president’s office na pinasukan ng mommy niya kanina. “Why does mommy take so long?” bulong niya sa sarili. Tumayo siya at naghanap kung saan ang comfort room. Matagal siyang nagpa-ikot-ikot hanggang sa nakita niya ito. “Haist thanks to my feet I found you!” excited niyang wika sa sarili at patakbong tumungo ng comfort room.

“Ouch!” sabay na bigkas ng dalawang bata ng magkabanggaan sila sa pintuan ng restroom.

“What are you doing, can't you see that this is a men's restroom?” singhal ng limang taong gulang na batang lalaki kay Zariah. Napahiya siya matapos basahin na sa restroom ng panlalaki nga siya pumasok. Sinimangutan niya ang batang lalaki, dahil sa pang iinsulto nito sa kanya, na hindi marunong magbasa.

“Yes, I'm aware that this is a men's restroom, but I need to pee,” mataray niyang sagot at nagpatuloy sa pagpasok sa loob. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya ng muling hinatak ng batang lalaki ang kamay niya kaya napaharap siya rito.

“What's wrong with you? Why are you so fussy? I know how to pee while standing up.” singhal niya sa batang lalaki dahilan upang kamutin nito ang ulo.

“You didn't learn in school that women can't urinate in men's restroom, did you?” naiinis na tanong ng batang lalaki.

“How could you say that? Mommy is peeing in the restroom, inside uncle Zammy's office.” sagot niya,

Napaawang naman ang labi ng batang lalaki dahil sa hindi makatwiran niyang sagot. Ngunit nag patuloy pa rin siyang tinungo ang toilet. Ilang hakbang pa lang ang nagawa niya ng bigla siyang hinatak nito pabalik at muntik pang mauntog ang ulo nila pareho sa malaking salamin na nakadikit sa wall. Sabay na lumaki ang bilog ng kanilang mga mata ng pareho nilang nakita ang mga sarili sa malaking salamin.

Nagkatinginan silang dalawa, “Who are you?” Magkasabay na tanong nila sa isa’t-isa. Sandali muna silang nagkakatitigan, tila kinukumpara kung magkamukha nga ba sila. At talagang magkamukha, dahil pareho sila ng haba ng buhok na abot hanggang leeg, maging sa pangangatawan, sa height at tanging suot lang nila ang nagkaiba. Sabay silang sumigaw habang tumatakbo palabas ng Cr.

“Mommy!, Mommy!” sigaw ni Zariah, ngunit hindi na niya alam kung saan hanapin ang room na pinasukan ng mommy niya kanina.

“Daddy! Daddy! I found my mom!’ sigaw rin ng batang lalaki, habang tumatakbo pabalik ng President’s office.

**

SLAP!

Napangiwi si Clarence ng dumapo ang sampal ni Ciara sa kaliwang pisngi niya. Katatapos lang nilang mag pirmahan ng kontrata, ngunit ewan ba niya sa sarili, bakit namamagnet siya sa tuwing bumaba ang paningin niya sa mapupulang labi ni Ciara. Hindi niya napigilan ang sarili kaya n*******n niya ito, bagay na ikinagalit nito sa kanya.

“Mr. Del Castrillo, kung talagang kating-kati na iyang talong mo, doon ka sa mga babae mo, huwag akong pagtripan mo!” namumula ang pisngi ni Ciara sa sobrang kahihiyan. Tumayo na siya at tinungo ang pintuan ng opisina nito.

“Daddy!” sigaw ng limang taong gulang na bata ng bigla itong pumasok sa loob ng opisina.

“Come on, let’s go home,” wika ni Ciara at mabilis na binuhat ito palabas ng silid.

Nag salubong ang dalawang kilay ni Clarence ng makita na biglang dinampot ni Ciara ang anak niya. “Damn that woman!” ayaw nito ng halikan niya ito kanina, ngunit tila may plano itong kidnapin ang anak niya. Mabilis siyang tumayo mula sa kanyang inuupuang swivel chair at sinundan ito. Ngunit hindi na niya ito nakita. Akmang tatawagan na niya ang kanyang mga bodyguards ng makita ang humihingal na bata papunta sa opisina niya. Napaawang ang labi niya ng makita ang anak niya na nakasuot na ng cocktail dress.

“Where have you been, son? Why are you dressed like that?” takang tanong niya at mabilis na kinarga ito papasok ng kanyang opisina, bago pa ito makita ng mga empleyado niya. Hindi niya alam kung ilang empleyado na niya ang nakakita sa anak niya na nakasuot ng cocktail dress samantalang alam ng mga ito na lalaki ang anak niya.

“Where is my Mom?” Lalong nagkunot ang noo niya dahil sa tinanong nito. At ngayon, hinahanap na niya ang mommy niya? Sino ang ibig sabihin nito si Ciara ba? Nagtagis ang bagang niya. Malamang si Ciara ang may kagagawan nito kung bakit nakasuot ng pambabaeng damit ang anak niya. Malamang sa anak niya gumanti ang babaeng iyon.

“Where are your clothes, son?” tanong niya ng pinaupo niya ito sa couch sa loob ng opisina niya.

“My man, what kind of a question is that? Do I have another place to live where my clothes aren't?” sagot nito sa kanya na lalong nag pasakit ng ulo niya. Bakit ba, mayroon siyang pakiramdam na biglang naging bakla ang anak niya? Lalong sumakit ang ulo niya dahil sa paulit-ulit nitong tanong. “Where is my mom?”

Scorpion Queen

hello po, kung isa ka sa nagbabasa at nagustuhan ang story ko pwede bang e-comment mo at e rate na rin ang story ko sa ratings section. kung hindi kalabisan humihingi na rin ako ng boto sa pamamagitan ng pagbigay ng gems, malaking tulong iyon para sa promotion ng aking libro. Maraming salamat po.

| 2
Mga Comments (25)
goodnovel comment avatar
Lileth Gallo
nice story
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
hahahaha nagkalitohan nah....
goodnovel comment avatar
Dan Tolentino
maganda ang story nkaka aliw basahin.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status