Home / Romance / AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY / CHAPTER 6 - AMAZING TWINS, EXCHANGED

Share

CHAPTER 6 - AMAZING TWINS, EXCHANGED

last update Huling Na-update: 2023-03-23 22:07:16

ALAS DYES NG GABI ng tingnan ni Clarence ang oras sa suot niyang relo. Kasalukuyan siyang nakaupo sa couch sa loob ng kanyang home library. Katatapos niya lang mag zoom meeting sa Vice President ng Top world Airlines at ngayon lang pumayag ang mga ito na makipag collaborate sa DelCas Group para sa malaking project na pinoproposed niya. Almost 1 year na niyang nililigawan ang kumpanya na ito, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung sino ang pumalit na bagong CEO. Nagmumukha na siyang trying hard sa kakareasearch kung sino ang presidente nito, ngunit wala siyang nakukuha na impormasyon, dahil naka highly confidential ang background information nito at kahit malupit na hacker, hindi kayang e-access iyon. Nagsimula siyang magkaroon ng interest rito dahil sa loob ng limang taon, nagawa nitong i-akyat sa tuktok ng pyramid ang Sullivan Airlines na ngayon ay kilala sa tawag na Top World Airlines. Kaya niya naisipan ni e-hire si Ciara, dahil nalaman niyang naging Business Consultant rin ito ng Top world Airlines Ceo. Hinawakan niya ang labi niya ng maalala na naman si Ciara. Sumilay ang malapad na ngiti niya sa labi, ng mabuo sa imahe niya ang naniningkit na mga mata nito kapag nagagalit sa kanya. Nabasa niya ang personal profile Ciara, at halos maganda ang records ni nito. Nagtapos ito ng dalawang taon sa Harvard University with flying colours sa masteral business course nito. Tatlong taon ang agwat ng edad nila, dahil twenty five na ito ngayon samantalang siya twenty eight na. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya na e-hired ito, dahil ngayon pa lang parang apektado na siya sa presensya ng babae.

Sinara niya ang kanyang laptop at lumabas na ng kanyang library room. Naisip niyang silipin muna ang anak sa loob ng silid nito. Maingat siyang pumasok sa loob. Mahimbing na ang tulog nito. Inayos niya ang kumot ngunit agad siyang natigilan ng makita ang yakap-yakap nitong barbie doll. Umupo siya sa gilid ng kama, at tinitigan ng mabuti ang kanyang anak. Nagpakawala siya ng buntong hininga. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung sino ang ina ni Clyde.

Five years ago, mayroong tumawag sa kanya na hindi kilalang numero at sinabing kunin raw niya ang kanyang anak sa tambakan ng basurahan. Una, hindi siya naniniwala dahil kung kilala siya ng mga babaeng nakasiping niya sa kama, dapat siya na mismo ang lapitan ng mga ito upang ipaako ang bata. Ngunit sa case ni Clyde hindi niya alam kung saan ang puso ng ina nito, bakit nagawa pa nitong iwan ang anak sa tambakan ng basurahan. Ngunit sa naalala niya, wala siyang ibang babae na pinaputukan ng sperm niya maliban na lang sa babaeng iyon na huling nai-kama niya. At ang nakapagtataka, kung bakit kilala siya ng lalaking tumawag. Alam agad nito na siya ang ama ng bata. Nakumpirma niya ito ng pina DNA niya si Clyde. Halos madurog ang puso niya kapag naalala niya noon ang eksena kung saan nakita niya si Clyde na halos wala ng buhay. Kaya hanggang langit ang galit niya sa ina nito dahil nagawang itapon sa basurahan ang kanyang anak. Dapat binigay na lang kaagad sa kanya hindi iyong itapon pa muna ang anak niya sa basurahan bago siya tawagan. Kung sino man ang ina ng anak niya, wala na siyang plano na makilala ito, at baka mapatay pa niya. Hinaplos niya ang pisngi ng anak. Hinalikan muna niya ito sa noo, bago lumabas ng silid nito.

Samantalang si Ciara, kanina pa tinititigan ang anak niya. Katabi niya ito ngayon sa pagtulog. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya na halos ngayon lang sila nagkita. Simula ng umuwi sila kanina, ang dating madaldal na Zariah, ay naging tahimik na at palagi niya lang itong nahuhuli na nakatingin sa kanya. Ang pagkakaalam niya sa anak niya, sa lalaki ito mahilig makipag-usap lalo na pag gwapo ang kaharap nito. Ngunit ngayon, kahit sa mga damit, ayaw nito nagsusuot ng dress, bagay na ipinagtataka niya dahil panlalaki ang gusto nitong isuot.

Beep..

Napalingon siya sa kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng bedside table ng marinig niyang tumunog ito. Kinuha niya ito upang tingnan kung sino ang nagtext. Nakakunot ang noo niya ng makita na hindi kilalang numero ang nagtext sa kanya.

“Are you asleep?”

Hindi niya alam kung sino ang nagtetext sa kanya kaya tamad niya itong nireplyan. “Do I know you?”

Walang pang isang segundo agad na itong nagreply. “Ms. De Luna, It seems like you've already forgotten about our kiss.”

Napabalikwas siya ng bangon, matapos basahin ang reply nito. Isang tao lang naman ang humalik sa labi niya kanina. Nakagat niya ang ibabang labi. Hanggang ngayon, pakiramdam niya nalalasahan pa rin niya ang labi nito. Hindi niya alam kung magrereply pa ba siya or hindi, ngunit minabuti na lang niya na hindi magreply. “Huh, bahala siya, ano ang palagay niya sa akin katulad ng mga babae niya?” usal niya sa sarili.

“Mommy, who are you talking to?”

Bumalik siya sa paghiga ng marinig ang boses ng kanyang anak. Muli itong yumakap sa kanya, tila bang namimiss siya.

“No baby, just go back to sleep,” sagot niya rito. Hinimas-himas niya ang likod nito upang bumalik sa pagtulog.

Isang oras na naghihintay si Clarence sa reply ni Ciara, ngunit walang message na dumating sa inbox niya. Nahilamos niya ang mukha. Bakit ba pakiramdam niya, walang pakialam ang babaeng iyon sa kanya? Muli siyang nagsend ng message, “The vice president of Top World Airlines will be coming tomorrow. You should get ready, as we are scheduled to meet him at nine o'clock tomorrow morning.”

“I know,” mabilis pa sa alas kwatro ang reply nito sa kanya. “Wala man lang ibang sinabi, I know, lang?” nagmamaktol niyang tanong sa sarili. Hinagis niya ang cellphone sa bedside table, at nagpasya na lang matulog.

***

Habang nagkakape sa veranda ng mansyon, nasa kalagitnaan ng pagbasa si Clarence ng dyaryo ng mapansin niya ang yaya ng kanyang anak na patakbong lumapit sa kanya.

“Sir… sir.. Patawad po, ngunit ang young master, ayaw po niyang magbihis kapag hindi cocktail dress ang suot,” parang iiyak ang katulong niyang si Loyda habang nagsusumbong sa kanya. Nagdikit ang dalawang kilay ni Clarence dahil sa narinig. Agad niyang pinatong ang newspaper sa maliit na table sa harapan niya. Ang aga pa sumasakit na ang ulo niya sa anak niya ngayon, hindi niya alam kung sinaniban ba ito ng babaeng esperito bakit bigla na lang pambabae ang galawan nito. Tumayo na siya at mabilis na tinungo ang silid ng anak. Nakahilata pa rin ito sa kama niya at walang plano na magbihis.

“Son,” tawag niya rito.

“Daddy, how many times do I have to say that you should call me baby. I don't like you calling me son, it's too masculine.” reklamo nito sa kanya. Pakiramdam niya atakehin siya sa puso sa mga sinasabi nito.

“Clyde!” sigaw niya rito dahilan upang bumalikwas ito ng bangon at nakaramdam ng takot sa kanya. Namilog ang mga mata nito dahil sa pagkagulat. Halata na pinipigilan lang nito na umiyak.

“Daddy, are you mad at me?” Heto siya, parang nasasaktan ang puso niya kapag nakikita niyang bumabagsak ang mga luha nito. Kailan pa naging artista itong anak niya? “Daddy, I'm sorry, can I kiss you?” parang nakakaawa nitong tanong sa kanya dahilan upang lumambot ang puso niya. Umupo siya sa kama nito, “Come here,” sagot niya rito at agad naman itong yumakap sa kanya. Pinaulanan nito ng halik ang buong pisngi niya, bagay na hindi naman nito ginagawa dati. Pero nagustuhan niya ang pagiging malambing ngayon ng anak niya.

“Baby,” nakamot niya ang ulo, kung bakit nakikibaby na rin siya sa pagtawag rito. Ayaw pa naman niyang bini-baby ang anak niya lalo pa at tagapagmana ito ng kanyang kumpanya. Baka magiging mahinang CEO ito balang araw. “If you want to come with me to the office, you should change your clothes,” mahinang wika niya rito.

Umangat ito ng mukha at tumingin sa kanya. “But daddy, I want to wear a cocktail dress,” sagot nito sa kanya. Parang aakyat na naman ang dugo sa ulo niya, ngunit pinipigilan niya lang ang sarili. Siguro kailangan na niyang pa tingin sa Doctor itong anak niya. “Son, you're a boy. A cocktail dress is not a good choice. why? Are you a girl?” tanong niya rito.

“Y..no,” tanging sagot ni Zariah. Ayaw niyang aminin na babae siya, gusto muna niyang makausap ang batang iyon na kamukha niya.

“If you want to accompany me, don't insist on wearing what you want; instead, wear the clothes that are already there in your closet.” mahinang wika niya sa anak at sumang-ayon naman ito.

“Good boy. Okay, I'll be waiting for you in the lounge. I need you to make it on time since I have a meeting to attend.” Lumabas na siya ng silid at hinayaan ang anak na makapag bihis.

Twenty minutes later, lumabas na ito ng silid.

“Daddy, I'm ready,” excited nitong sigaw sa kanya habang pababa ng hagdan.

Nakangiti syang umangat ng mukha upang tingnan ito. Parang gusto niyang himatayin ng makita ang ayos ng anak niya. Nakasuot nga ito ng pantalon, ngunit ang damit naman na suot nito ay hanggang pusod ang iksi, tila ginawa ng crop top. Humugot siya ng maraming hangin at dahan-dahan itong binuga upang kumalma. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa kanyang anak. Tiningnan niya ang oras, One hour na lang at magsisimula na ang ang meeting niya with the Vice President of Top World Airlines. Labag man sa kalooban niya ang suot ng anak, wala na siyang magagawa kundi an payagan ito, kaysa ma late pa siya.

After thirty minutes nasa harapan na sila ng Madge Cafe, kung saan dito ang meeting place nila ni Ciara at ng Vice President ng Top World Airlines.

Scorpion Queen

Thank you po sa mga gems ninyo. Malapit na po ang mga revelations tungkol sa nangyari sa nakaraan. San po patuloy kayong nakaabang at samahan ninyo ako hanggang sa katapusan. Maraming salamat po.

| 25
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (25)
goodnovel comment avatar
ۦۦ ۦۦ
hahahahaha loko tlga
goodnovel comment avatar
Lorna Sanglay Sionicio
it's super duper Ganda I like it
goodnovel comment avatar
Pearla Victoria
bkit Nd ma unlock pahelp nman po
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   SPECIAL CHAPTERS 1 - BRAND AMBASSADOR

    SIXTEEN YEARS LATER ** CLYDE DEL CASTRILLO *** Abala si Clyde sa pagtipa sa harap ng laptop niya nang biglang bumungad ang katawan ni Brando sa loob ng kanyang opisina. "Boss young," Hindi niya ito pinansin kahit naririnig naman niya ang pagtawag nito. Naiirita ang tainga niya kapag naririnig niyang tinatawag siya sa 'Boss young' 'Batang Boss.' Nakasanayan na siyang tawagin ni Brando sa ganitong pangalan kahit ilang beses na niyang sinaway ito. Tila nahulaan naman nito kung bakit hindi siya namamansin kaya binago nito ang pagtawag sa kanya. "Boss Clyde." "What?" Tinatamad niyang sagot habang nakatutok pa rin ang tingin sa monitor ng laptop. Narinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang opisina katibayan na tuluyan na itong pumasok. "Dumating na ang mga fresh flowers na in-order mo." Bakas ang galak at tuwa sa boses nito habang pinipresenta sa harapan niya ang magandang klase ng mga bulaklak. Sinulyapan niya lang ang mga iyon ngunit hindi din naman nagtagal. Muli niyang tinuon a

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   EPILOGUE

    Inabot ng isang linggo bago nakabalik si Lesly at Brando ganun din si Lauron. Nasundan pa ng maraming linggo ang paggawa ng gamot dahil kailangan pa muna itong e-test kung epektibo at tagumpay ang paggawa.Habang tumatagal lalo ng nanghihina si Clarence. Nagsisimula na rin maubos sa paglagas ng buhok niya sa ulo. Pinili munang dalhin ni Ciara si Clarence sa dating mansyon na binili niya noong una niyang umuwi ng pilipinas. Kasalukuyan silang nasa hardin ngayon habang nanonood ng iba’t-ibang klase at kulay ng paru-paru na masayang lumilipad sa hardin. Nakaupo silang mag-asawa sa damuhan habang nakasandal si Clarence sa balikat ni Ciara. Masaya silang nanonood sa kanilang mga anak na naghahabulan sa hardin kasama ng mga paru-paru.“Sweetheart, sakaling mawala ako, huwag kang tumigil magmahal–”“Kahit kailan hindi ako magmamahal ng iba, Ikaw lang ang gusto ko.” Agaw niya sa sinabi nito kaya napatigil ito sa pagsasalita. Nakita niyang ngumiti ito ng mapakla.“Ngunit hindi ko na masusukli

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 81 - THE ANTIDOTE

    "Edwin!"Naabutan pa ni Edwin ang panghuling hilik niya ng marinig ang sigaw ni Mylah. Hinahanap niya kung saan ito habang pupungas-pungas."Babe, ano ka ba naman. Bakit ka ba sumisigaw? Baka magising na naman ang anak mo. Ang hirap pa naman patulugin ito." Reklamo niya."Kasalanan mo yan! Kailan ka pa natutong nagdesisyon na hindi muna ako tinatanong?" Mahinahon ngunit halata pa rin ang galit nito."Pumirma ka na?" Tanong nito."At bakit hindi ako pipirma gayung nakapirma ka na?" Singhal nito at pabagsak na umupo sa kama."Babe, isang taon lang naman ang kontrata nila eh. Sakaling hindi nila natutunang ibigin ang isa't-isa, mawawalan ng bisa ang kasal after 1 year.""Wala akong question sa pagpapakasal sa kanila dahil alam kong swerte ng anak natin mung si Clyde ang pakasalan niya. Ngunit bakit kailangan pang ilihim mo ito sa akin?""I'm sorry." Kinuha nito ang kamay niya at dinampian ng halik. "Alam ko kasi ang maging reaksyon mo kaya parang isang galit na lang hinayaan ko na si Cla

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 80 - MARRIAGE CONTRACT AGREEMENT

    Umangat ng mukha si Clarence. “Saan niyo ito nakita Mom?” tanong niya habang nakatingin kay Donya Amanda. “Si Clyde ang nakakita niyan.” naluluhang sagot ni Donya Amanda. “Saan nga pala sila?” “Nauna na sila sa loob ng sasakyan.” sagot ni Ciara na ang tinutukoy ay ang bridal car niyang limousine. “Tamang-tama, doon na rin ako sasakay.” mabilis pa kaysa sa kanila na pumasok ito ng limousine. “Ako na ang magdadrive anak.” nakangiting wika ni Lauron at kinuha ang susi sa driver. “Mukhang naging masungit ngayon si Mommy sa inyo Dad, ah.” pabirong saad ni Ciara. “Hehe, hayaan mo siya anak. Lalambot din sa akin yan.” nakangiting sagot ni Lauron at tinulungan ng makapasok sa loob ng limo si Clarence. Matapos niyang e-fold ang wheelchair at ipasok rin sa loob. Agad na siyang lumipat sa driver seat. “Mi-amor, dito ka umupo sa tabi ko sa driver seat.” tawag niya kay Amanda ngunit tila wala itong narinig. “Mom, sa tingin ko po, doon na kayo umupo. Medyo masikip tayo rito.” wika ni Ciara.

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 79 - THE NOTES

    "Kanina, habang binabaybay natin ang gitna ng Aisle, hindi pa rin ako makapaniwala na sa daming lalaki sa buong mundo ikaw ang lalaking itinakda ng panginoon sa akin upang maging kabiyak ng puso ko. Sa dinami-dami ng kamalasan na nangyari sa buhay ko minsan tinanong ko ang Diyos kung deserve ko ba ang lahat ng iyon ngunit ikaw ang naging sagot niya sa lahat ng mga tanong ko. Simula ng malaman ko na ikaw ang ama ng mga anak ko hindi ko alam kung paano kita tatanggapin sa buhay ko. Until I didn't realize that I was slowly falling in love with you. Walang kapantay ang saya na nararamdaman ko ng sinabi mo na mahal mo rin ako. Sa maikling salita nagsama tayo. Nasanay ako sa bawat araw na lagi akong nagigising habang nakaunan sa bisig mo. Lagi akong natutulog sa mga yakap at halik mo. But as the saying goes, love isn't perfect, so fate has put our love to the test several times. Minsan ng sinubukan ng tadhana na ilayo ka sa akin ngunit nagtiwala ako na babalik ka at hindi ako nabigo. Mas la

  • AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY   CHAPTER 78 - I WANNA GROW OLD WITH YOU

    “Clarence Adler, do you take Ciara Ella to be your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part? “I do,” mabilis na sagot ni Clarence sa tanong ng Pari. "Ciara Ella, do you take Clarence Adler to be your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?” “I do,” nakangiting sagot ni Ciara habang hawak ang kamay ni Clarence. Nakaupo pa rin ito sa wheelchair. Habang tinitingnan ni Donya Amanda ang dalawa sa harap ng Pari hindi niya maiwasan ang manghinayang. Siya ang nahihirapan para sa dalawa. Bongga ang set up ng simbahan. Puro Cherry blossoms ang theme. Napapaligiran ng mataas na puno ng Cherry Blossoms ang magkabilang gilid ng Aisle. Ang Gown naman ni Ciara abot mayroong limang metro ang haba sa likuran at puno ito ng swarovski Crystal beads. Talagang pinaghanda

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status