LOGINChapter 4
Pagpasok ko pa lang ay agad akong napatingin sa paligid. Ang silid ay malaki, may mabibigat na kurtina na kulay burgundy, at may malaking mesa sa gitna. Sa ibabaw nito, nakalagay ang isang puting dokumento—malinaw na marriage contract—kasama ang pluma na parang nakatingin sa akin, naghihintay na gamitin. Ang puso ko ay kumakabog nang mabilis. Hindi ko maalis sa isip ko ang bigat ng nangyayari. Ito na ba talaga? Ito na ba ang simula ng bagong yugto ng buhay ko, o isang malaking bitag? Napalingon ako sa pinto, ramdam ko ang presensya ni David sa labas. Tahimik siyang nakatayo, nakamasid, at halata ang tensyon sa kanya—parang handa siyang sumugod kung may magkamali. “Good luck!” sabi niya bago niya tuluyang isinara ang pinto. Napalunok ako. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang init sa loob ng dibdib ko. Parang may halong excitement at takot. Ang puting papel sa harap ko—simple lang sa hitsura, pero para sa akin, may bigat ng mundo ang nakatago rito. “Shit ka, Sky… baka dito ka na ma-stugi!” bulong ko sa sarili, halatang nanginginig ang boses ko sa kaba. Dahan-dahan akong lumapit sa mesa. Ang bawat hakbang ko ay parang may paalala sa isip ko ay ito ang magiging simula ng lahat. Isa ka nang nasa gitna ng laro. Hinawakan ko ang pen. Ang lamig ng metal sa kamay ko ay parang sinasalamin ang tensyon sa paligid. Tumigil ako sandali, at muling bumalik sa isip ko ang tanong: handang-handa ba talaga ako para dito? Ramdam ko ang kakaibang curiosity na tumutulak sa akin isang kagustuhan na alamin kung ano talaga ang nasa likod ng bawat galaw sa paligid ko. Pero kasabay nito, ramdam ko rin ang kaba, ang takot sa hindi ko pa nakikita. Lumapit ako sa dokumento, at dahan-dahan itong tiningnan. Ang mga letra ay malinaw, pormal, may bigat. Hindi lang ito pirmahan ito ay kasunduan, panata, at simula ng isang bagong laban. Bahagya akong napahinga, huminga ng malalim, at ngumiti sa sarili. “Okay… kaya ko ‘to. Isa lang ito sa maraming laban,” bulong ko, ramdam ang tensyon at excitement na naghahalo sa katawan ko. Ngunit bago ko pa man mapirmahan, naramdaman ko ang mga mata ko na parang sinusundan ng hindi nakikitang presensya. Ang silid, kahit tahimik, ay puno ng kakaibang tensyon parang may nagmamasid sa bawat kilos ko. At sa mga sandaling iyon, malinaw na ang laro ay nagsimula na isang laro ng kapangyarihan, ng misteryo, at ng mapanganib na pagkakataon na hindi ko pa lubos na nauunawaan. Binasa ko muna ang nakasaad doon para sigurado ako. Mahirap na baka mamatay na lang bigla ang matanda tapos wala akong makuhang kayaman dito siguradong lugi ako. Ang mga salita sa kontrata ay pormal, puno ng legal na termino na halos hindi ko maintindihan sa unang basa. Pero isang linya ang agad na humatak sa aking atensyon: “Ang ikakasal na partido ay may buong karapatan at obligasyon sa lahat ng ari-arian, yaman, at negosyo ng pamilya Ortiz matapos ang kasal.” Napahinga ako ng bahagya, pero kasabay nito ay muling bumalik ang kaba sa dibdib ko. Kaya pala… hindi biro ang sitwasyong ito. Hindi lang ito simpleng kasal sa itong malaking hakbang na puwedeng magbago ng buhay ko. Habang iniikot ko ang pluma sa daliri, napansin ko ang mga detalye: ang mga patakaran, ang mga kondisyon, pati na ang mga posibleng parusa kung sakaling hindi ko susundin ang bawat nakasaad. “Shit… Sky, seryoso ‘to. Hindi lang basta papel ‘to,” bulong ko sa sarili, ramdam ang init sa mukha ko. Halos gusto kong tumakbo palabas ng silid, pero alam ko kung gagawin ko iyon, lahat ng plano ko ay masasayang. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang inilapit ang pluma sa kontrata. Bawat segundo ay parang eternity. Ramdam ko ang matinding curiosity ano kaya ang mangyayari pagkatapos kong pumirma? Ano ang magiging reaksyon ng pamilya? Paano ko haharapin si Tito Ortiz at ang lahat ng nakapaligid sa kanya? Habang nakatingin sa mesa, naramdaman ko ang presensya sa likod ng aking balikat. Hindi ko kailangan ng tanong para malaman na si David ay naroroon, nakamasid sa bawat galaw ko. Ang tensyon sa silid ay nagiging mas matindi. “Sky…” mahina niyang boses, parang babala at pahinga sa parehong oras. “Huwag kang magmadali. Basahin mo mabuti, at siguruhin mo na handa ka.” Tumango ako, kahit halata sa sarili kong katawan na nanginginig ang mga kamay sa kaba at excitement. Alam ko—ang bawat desisyon ko ngayon ay may bigat na mas malaki kaysa sa anumang laban na hinarap ko dati. Dahan-dahan kong sinimulan ang pagsusuri muli sa kontrata, iniisip ang bawat salita, bawat kondisyon, at ang posibleng magiging epekto nito. At habang binabasa ko, ramdam ko at ang laro ay nagsimula na, at ako, sa unang pagkakataon, ay hindi lang manonood. Ako na ang magiging pangunahing manlalaro. “Wait… bakit David Ortiz II ang pangalan sa matanda?” takang tanong ko habang pinagmamasdan ang kontrata. Napahinga ako sandali, pagkatapos ay napangiti, bahagyang may halong pagka-inis. “Ah… ganito lang siguro sila. Basta mga mayayaman, inuuso nila na isunod ang pangalan sa kanilang ninuno!” Napailing ako sa sarili kong paliwanag. Pero habang iniikot ko ang tingin sa silid, napansin ko ang detalyeng maliit ngunit mahalaga: sa tabi ng pangalan, may halong tanda at petsa, parang nagpapaalala na hindi ito basta-basta kasal lang. Ito ay kasal na may kasaysayan, may tradisyon, at may bigat ng pamilya. Ramdam ko ang halong kaba at curiosity sa dibdib ko. Kung ganito pala ka-seryoso ang kanilang pamilya… paano kaya ako makakasabay dito? Biglang bumalik ang tingin ko sa pen, nakalapat sa papel. Parang hinihintay ako nito, hinihikayat na gumawa ng desisyon. “Shit… Sky, kaya mo ‘to. Isa lang ‘to sa maraming laban,” bulong ko sa sarili, habang unti-unting binubuksan ang isip ko sa posibilidad. Habang tumitig ako sa kontrata, naramdaman ko ang matinding presensya sa likod ko. Si David, tahimik at nakamasid, parang handa sa anumang magiging desisyon ko. Ramdam ko ang tensyon hindi lang sa silid, kundi sa buong mansyon. Hindi ko maiwasang huminga ng malalim. Ang pangalan, ang kontrata, ang presensya ni David… lahat ay nagiging paalala na hindi ito simpleng kasal lang. Isa itong simula ng malaking laro at ngayon, ako na ang may hawak ng pen.Chapter 73 "Namimiss ko rin kayo!" Napangiti ako habang isa-isang niyayakap sina Rose, Anna, Joan, at Em Marie. Halos limang taon din kaming hindi nagkita. Marami na ring nagbago. May ilan sa kanila ang mas naging mature, habang ang iba nama'y tila ganoon pa rin ang saya sa tuwing magkakasama kami. "Grabe ka, Sky!" Sabi ni Anna habang pinapalo ako nang marahan sa balikat. "Hindi ka man lang nagpapakita!" Napatawa na lang ako. "Naging busy lang talaga." Lumapit naman si Magda. Tahimik niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. May bahagyang ngiti sa kanyang mga labi. "Mas lalo kang gumanda." Biro niya. Napangiti ako. "Salamat po, Mamo." Hindi ko pa rin magawang tawagin siya sa pangalan. Hanggang ngayon. "Mamo" pa rin ang tawag ko sa kanya. Hindi lamang dahil siya ang manager ng club noon. Kundi dahil itinuring niya kaming parang mga anak. Sa kabila ng istrikto niyang mukha. Napakabuti ng kanyang puso. Noong mga panahong halos mawalan na ako ng pag-asa. Siya a
Chapter 72Matapos naming mamili ng mga kakailanganin para sa Bar Examination, sabay kaming naglakad ni Scarlett palabas ng mall.Pareho kaming may bitbit na shopping bags. Nang makarating kami sa parking lot, napahinto kami sa tapat ng kani-kaniya naming sasakyan."Bye, Scarlett."Ngumiti ako habang binubuksan ang pinto ng kotse ko. "See you tomorrow at the Bar Exam."Ngumiti rin siya at kumaway.."Yeah! See you tomorrow." Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.."Kaya natin 'to!"Napatawa ako. "Of course. Kailangan nating pumasa. Future attorneys, remember?"Napangiti siya nang malawak. "Exactly! Next time we see each other..." Itinaas niya ang kamao bilang pagpapalakas ng loob. "...hopefully, we'll both be Attorneys."Ngumiti rin ako at ginaya ang kanyang kilos. "We will. I believe in us."Nagkatinginan kami sandali bago sabay na tumawa. Pagkatapos noon ay pareho na kaming sumakay sa aming mga sasakyan.Habang pinaandar ko ang kotse, napatingin ako sa paper bag na nasa passe
Chapter 71"I have to go, Matilda."Mahina akong ngumiti habang inaabot sa kanya ang isang calling card. "In case you need my help, just call me. Hhere's my calling card."Magalang niyang tinanggap iyon gamit ang nanginginig niyang mga kamay.Napaluha siya. "M-Maraming salamat po."Umiling ako. "Walang anuman at tandaan mo... Hindi ka nag-iisa. At kung dumating ang araw na handa ka nang ipaglaban ang sarili mo... Handa rin akong tumulong sa'yo."Mahigpit niyang hinawakan ang calling card. "Maraming salamat, Ma'am Sky."Tumango lang ako bago tuluyang tumalikod. Paglabas ko ng parking area, saka ko lamang naalala ang oras. Napatingin ako sa wristwatch ko."Oh no..." bahagya akong napangiwi. "Late na pala ako."Napailing ako habang naglalakad patungo sa sasakyan.Hindi ko namalayang inabot na pala ako ng napakatagal dahil sa pakikialam ko sa nangyaring gulo. Sigurado akong kanina pa ako hinahanap ng mga kasama ko sa mall.Ngunit, hindi ako nagsisi.Kahit na naantala ang mga plano ko. Kah
Chapter 70"Alam mo namang hindi papayag ang anak natin na maghiwalay tayo."Malamig ang boses ni Jefferson."Kapag nalaman niyang kumakalaban ka sa akin..." kumpiyansang sambit nito, "...siguradong hindi ka niya mapapatawad. At kamumuhian ka."Tahimik na tumingin si Matilda sa kanya. Pagkatapos ay napailing."Wag mo akong takutin, Jefferson." Mahigpit niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "Dahil alam ko na ang lahat."Natigilan si Jefferson. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?"Huminga nang malalim si Matilda. Ang mga kamay niya ay bahagyang nanginginig."Ang batang inaalagaan ko..." Bigla siyang napahinto. Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Pumikit siya sandali bago muling nagsalita. "...ay hindi ko anak."Nanlaki ang mga mata ni Jefferson."Hindi..." Mahina siyang napaatras. "Anong sinasabi mo?"Unti-unting tumulo ang mga luha ni Matilda."Alam ko na ang katotohanan. Itinago mo sa akin sa loob ng maraming taon." Mariin niya itong tinitigan. Ang batang pinalaki ko..." humin
Chapter 69Nanginginig ang mga labi ni Jefferson."H-Hindi maaari..."Paulit-ulit siyang umiling habang nakatitig sa cellphone na tila umaasang magbabago ang narinig niya."May mali lang ito...""Sigurado akong may mali."Bigla siyang tumingin sa akin."Sino ka ba talaga?"Hindi ako agad sumagot.Tahimik ko lamang siyang pinagmasdan.Makalipas ang ilang segundo ay marahan akong nagsalita."Hindi ba't sinabi ko na?""I'm David Ortiz's wife."Napalunok siya.Samantala, ang kabit niyang kanina'y napakayabang ay unti-unti ring namutla."H-Hindi...""Hindi maaari..."Bigla siyang lumapit kay Jefferson."Babe, sabihin mo ngang nagsisinungaling lang siya."Ngunit wala nang maisagot ang lalaki.Maging siya ay hindi na alam kung ano ang sasabihin.Sa sandaling iyon...Muling tumunog ang cellphone niya.Agad niya itong sinagot."Hello?""Sir..."Mahinang boses ang narinig namin mula sa kabilang linya."Naka-deactivate na po ang company ID ninyo.""Pinapapunta rin po kayo sa Human Resources para
Chapter 68 Tahimik akong napatingin sa babaeng nakaluhod sa semento. Namamaga ang kanyang pisngi. May dugo sa gilid ng labi. Nanginginig ang buo niyang katawan habang pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak. Humigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao. Hindi dahil sa galit lang... Kundi dahil sa pakiramdam ng kawalan. Sa sandaling ito... Alam ko ang tama. Alam ko ang mali. Alam ko rin kung anong mga batas ang maaaring gamitin upang mapanagot ang lalaking iyon. Pero... Hindi pa ako isang abogado. Hindi pa. Napabuntong-hininga ako. "Kaunti na lang..." bulong ko sa sarili. "Isang hakbang na lang." Napatingala ako sandali. Bukas. Bukas na ang Bar Examination. Marahil ay ito na ang dahilan kung bakit hindi ako dapat panghinaan ng loob. Kailangan kong pumasa. Hindi lang para sa sarili ko. Hindi lang para sa pangarap kong magkaroon ng sariling law firm. Kundi para sa mga taong katulad ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Mga taong walang boses. Mga taong natatakot luma
Chapter 5“Are you done?!” Isang malakas, matapang na boses ang pumutok sa katahimikan ng silid.Bigla akong napalingon, at muntik na akong mahulog ang pluma sa pagkagulat. “Ay, kabayong malaki ang talong!” bulong ko sa sarili, halatang nagulat sa biglang pagtunog ng boses.Ngunit nagtataka ako. An
Chapter 3“So, ikaw pala ang magiging asawa ng tito namin.”Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa sofa, nakapangalumbaba, parang hari kung umasta sa sarili niyang trono. “Diretsuhin na kita,” dagdag niya, malamig ang boses. “Hindi ka pwede sa pamilya namin.” Napangisi ako. “Tsk.” Bahagya akong tum
Chapter 2 “Good. Here’s my contact number. I’ll give you two days,” malamig niyang wika habang inaabot sa akin ang maliit na card. Kinuha ko iyon, pilit pinapanatiling steady ang kamay ko kahit parang may bumibigat sa dibdib ko. Simpleng papel lang ‘yon—pero pakiramdam ko, parang kontrata na magb
Chapter 1 Sky POV “Hoy, girl… ilan ang customer mo kagabi?” tanong ng isa kong kasamahan sa club habang nag-aayos kami sa dressing room. “Lima,” maikli kong sagot, walang emosyon. Napanganga siya. “Grabe ka… hindi ba namamaga ‘yang gitnang bahagi mo?” biro niyang may halong paghanga. Umiling l







