Share

Chapter 3

Author: SKYGOODNOVEL
last update publish date: 2026-04-07 15:31:49

Chapter 3

“So, ikaw pala ang magiging asawa ng tito namin.”

Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa sofa, nakapangalumbaba, parang hari kung umasta sa sarili niyang trono. “Diretsuhin na kita,” dagdag niya, malamig ang boses. “Hindi ka pwede sa pamilya namin.”

Napangisi ako. “Tsk.” Bahagya akong tumawa. “Anong pakialam mo?”

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya, hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Kamag-anak ka lang,” dugtong ko, malamig pero matalim ang tono. “At hindi ikaw ang pakakasalan ko. Kaya huwag kang umasta na parang ikaw ang hari dito.” Biglang nag-iba ang ekspresyon niya.

“P*****a kang babae ka—” tumayo siya, halatang napikon. “Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?!”

Tumigil ako sa harap niya walang emosyon o kahit anong bakas na may takot I alinglangan.

“Sino ako?” sabay turo ko sa sarili ko. Ngumiti ako na pang-uuyan, at puno ng babala. “Ako ang magiging reyna sa palasyong ‘to,” malamig kong sabi. “Kapag naging asawa ako ng tito ninyo…” Bahagya akong yumuko palapit sa kanya. “Kayo?” tinaasan ko siya ng kilay. “Mga langgam lang na gumagapang sa paligid.” Biglang natahimik ang buong sala. Ramdam ko ang mga matang nakatutok sa amin.

Galit. Gulat. At pagkamuhi. Pero wala akong pakialam. Kung akala nila na magpapaapi ako, nagkakamali sila.

Dahil sa mundong pinanggalingan ko. Mas malala pa sa kanila ang kinaharap ko. At hindi ako nabuhay para lang yuyuko ngayon.

“Kaya umayos kayo,” taas-noong sabi ko, walang kinatatakutan. “Dahil kapag naging legal na akong asawa ng tito ninyo, isang bagay lang ang siguradong mangyayari ituturo ko sa inyo ang leksyon na hinding-hindi ninyo makakalimutan.”

Pinatigil ko ang tingin ko sa kanila, isa-isang sinusuri, ramdam ang bigat ng mga mata nila sa akin. Wala akong takot. Wala akong alinlangan. Dito, sa unang araw pa lang, malinaw na ako ang may hawak ng laro.

Pero nabigla ako, dahil isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko. Dahil sa gulat, sakit at init ng dugo sa aking lab ay nanlaki at palitan ng galit.

Aba'y hindi pwedeng hindi ako gumanti, isang.malakas at mabilis na sampal, kasabay ang paghinha ko malalim, at tumama ang aking kamay sa kanyang pisngi, isang sampal na kasing lakas ng sa akin, at naramdaman kong pumutok ang labi niya sa pagkabigla at napaupo ito.

Tumayo siya, nanginginig sa galit at pagkabigla, ngunit hindi ko iniwasan ang kanyang tingin.

“Masarap ba ang ganti kong sampal?” malamig kong tanong, bahagyang ngumingisi, ngunit malinaw na may babala sa bawat salita.

Tahimik na huminto ang lahat sa paligid. Ang mga kasamahan niya, ang mga kamag-anak silang lahat ay nagulat sa biglang pagbago ng laban.

Ramdam ko ang init sa mukha ko, ngunit higit pa rito ang matinding adrenaline. Dito na sa unang araw pa lang klaro na, hindi nila ako mapapasunod nang basta-basta.

Ngunit naramdaman ko rin ang presyon at bawat galaw ko ngayon ay sinusuri, bawat salita ko ay may bigat sa kanila. Ang laban na ito hindi lang basta saloobin at salita. Ito ay pisikal, matindi, at puno ng panganib.

At sa pagkakataong iyon, naramdaman ko ako ay buhay at handang lumaban. Magsasalita pa sana ako nang may narinig akong yabag sa hagdan.

Bigla, kumalma ang babae na nanampal sa akin kanina sinubukang magpanggap na wala lang, pero ramdam ko agad ang pananakot sa kilos niya.

Agad siyang nagsumbong sa isang lalaking paparating. Paglingon ko at doon ko siya nakita. Siya na pala ang lalaking kausap ko sa club, ang dahilan kung bakit ako napunta rito ang kumuha sa akin upang pakasalan ang kanyang tito.

“Kuya David!” sigaw ng babae, sabay takbo papunta sa kanya, halatang naghahanap ng kakampi.

Ramdam ko ang tensyon sa paligid, bawat mata nakatutok sa amin. Ang mga kamay ko, bahagyang nanginginig sa galit at kaba, ngunit hindi ko iniwasan ang tingin niya. Ito na.

Hindi lang ito simpleng gulo sa pamilya. Ito na ang simula ng matinding laban sa loob ng mansyon. At sa kaunting sandaling iyon, alam ko hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan.

“Sinampal ako ng babae na ‘yan! Kailangan paalisin siya agad!” galit na sabi ng babae. “Ouch! It hurts!” dagdag pa niya, hawak-hawak ang pisngi.

Tumingin si David sa amin at sa akin at sa babae.

“Tsk… you deserve that,” malamig niyang sagot, parang may bahid ng amusement.

“W-what? Kinakampihan mo ang hampaslupa na ‘yan?!” galit na sabi ng babae, sabay turo sa akin. Ngunit ngumiti si David, hindi sa saya, kundi sa may babalang tono.

“Be careful, Celine,” mahinang babala niya. “Tito Ortiz is watching. Alam niya ang ginagawa ninyo sa kanya.” Biglang napahinto ang babae sa galit.

Ang mga matang nakatutok sa amin ay nagbago may halong takot at pag-aalinlangan. At doon ko naramdaman hindi lang basta laban ito ng pamilya sa akin.

May mas mataas na presensya na nagbabantay sa bawat galaw namin. At si David ay malinaw, siya ang may kontrol sa sitwasyon.

“Miss Sky, follow me!” malamig ngunit diretsong sabi ni David. Bahagyang huminto ako, tinitigan siya sandali, ramdam ang bigat ng kanyang presensya.

Hindi ko iniwasan ang tingin niya. Alam kong hindi ito pwedeng balewalain. Dahan-dahan, humakbang ako at sinunod ang bawat galaw niya.

Bawat hakbang ko, ramdam ang tensyon sa paligid ang mga mata ng babae, ng ibang kamag-anak, pati ang katahimikan sa mansyon, nakatutok sa amin. Sa loob ng puso ko, alam kong hindi ito simpleng paglalakad. Ito na ang simula ng masalimuot na laro na hindi ko kayang atrasan.

Habang naglalakad kami sa mahabang hallway, nagsalita siya.“Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang napili ko para kay Tito. Dahil sa tapang mo, siguradong walang kamag-anak namin ang mangahas na apihin ka. Kaya good job!”

Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong reaksyon ang ilalabas matuwa ba ako o mabigla sa papuri niya?

Tahimik ako, habang humahabol kami ng bawat hakbang hanggang huminto kami sa isang silid. “Pumasok ka,” sabi niya, malamig ngunit may direksyon. “Pero isa lang ang sasabihin ko huwag mong buksan ang ilaw kung hindi ipinag-utos ni Tito.”

Napatingin ako sa kanya, bigla nang naisip ang sarili kong tanong. “W-wait! Anong gagawin ko sa loob… Mag-‘chuchachan’ na ba kami doon?”Bigla kong napakupkup sa bibig ko, halatang nahihiya sa sariling tanong.

Tumawa siya ngalakad. “Hahaha! Kanina, tapang mo pero ngayon para kang kuting na biglang natakot!” Sabay iling ng ulo niya, halatang pinapakita ang amusement niya.

“Hindi ah,” mabilis kong dipinsahan, sabay hagikgik sa sarili. “Kasi naman… hindi pa kami kasal o may pinipirmahan na asawa na niya ako!”

“Tsk! Don’t worry,” sabi niya, sabay talikod at binuksan ang pinto. “May pipirmahan ka doon sa loob. May makikita kang table doon nakalagay ang marriage contract na permahan mo.”

Napatingin ako sa silid, ramdam ang bigat ng sitwasyon. Hindi lang ito basta silid ito na ang lugar kung saan magsisimula ang pormal at mapanganib na laro ng buhay ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
skylove
matapobre ang mga ito
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 53

    Chapter 53 “Alam mo bang maglaro ng tong-its?” excited kong tanong habang mabilis na inilalabas ang baraha mula sa drawer ng center table. Napatingin siya sa akin na tila naguguluhan. “Tong-its?” ulit niya. “Oo!” ngumiti ako nang malaki. “Maglalaro tayo!” Tahimik lang siya habang pinapanood akong maglatag ng cards sa mesa. “Tapos,” dagdag ko habang kunwari seryoso, “ang matatalo… papahiran ng lipstick sa mukha!” Bigla siyang natigilan. “…What kind of game is that?” Napatawa ako. “Fun game!” Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mesa habang nakangisi. “So? Game?” Bahagya siyang napabuntong-hininga bago marahang tumango. “G-game.” Pero maya-maya ay napatingin siya sa sarili niyang damit. “But… ang damit ko.” Sinundan ko ng tingin ang suot niya. “All black?” napakunot-noo ako. “Oo nga no. Para kang aattend ng ninja convention.” Tahimik lang siya. “Ay sandali!” bigla kong sambit saka mabilis na tumayo. “Kukuha muna ako ng damit sa asawa ko!” Bigla siyang napatingin sa

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 52

    Chapter 52 Sky POV Tahimik ang buong mansion. Tanging mahinang tunog lang ng orasan at hangin mula sa air conditioner ang maririnig sa loob ng sala. Nakatayo ako sa gitna ng living room habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko. Naka-itim itong damit. Maskado. At may hawak pang baril. Pero imbis na matakot… mas lalo lang akong nagtaka. “Sino ka?” diretso kong tanong habang nakapamewang. Hindi ito agad sumagot. Tahimik lang itong nakatitig sa akin na parang hinihintay na sisigaw ako o tatakbo palabas. Pero instead… lumapit pa ako. Bahagyang nanlaki ang mata nito nang hilahin ko ang kamay niya papunta sa sofa. “Upo ka dito,” casual kong sambit habang tinutulak siya paupo. “Anong gusto mong inumin?” Napatingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala. “You’re not scared of me?!” gulat nitong tanong. Napakunot-noo ako. “Why would I be scared?” Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa bago ako napaisip. “Wait…” naningkit mata ko habang nakaturo sa kanya. “Sa

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 51

    Chapter 51 Tahimik ang buong conference hall habang nagliliyab pa rin ang isang bahagi ng silid. Sa labas ay rinig ang mga sirena ng paparating na ambulansya at media. Ngunit sa gitna ng lahat ng kaguluhan… mas mabigat pa rin ang tensyon sa pagitan namin ni Grandpa. Mahigpit nitong hawak ang tungkod habang nakatingin sa black card na nasa kamay ko. “Alam ko na may tao sila sa loob,” malamig kong sambit. “Kaya pinaimbestigahan ko ito nang palihim.” Agad akong nilingon ni Grandpa. “Akala ko…” mabigat nitong sabi, “…tuluyan na silang nasugpo ng organization natin.” Napasinghap ito nang malalim bago marahang napapikit. “Hindi pa pala…” Tahimik akong nakatingin dito habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. “Kaya dito sa syudad…” dagdag nito habang mabagal na tumingin sa paligid, “…nagbalatkayo akong matanda at nagpanggap na mahina.” Naningkit mata ko, kaya pala kahit napakayaman at makapangyarihan ni Grandpa ay halos hindi ito nagpapakita noon sa publiko. Hin

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 50

    Chapter 50 Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok habang mabilis na gumagalaw ang assassin sa ibabaw ng mga mesa parang aninong imposible hulihin. “Shoot him!” sigaw ng isang pulis. Agad nagsipagputukan ang mga tauhan pero bawat bala ay parang walang tinatamaan. Masyadong mabilis ang kalaban. Naningkit mata ko habang hawak mahigpit ang baril. Hindi ito ordinaryong assassin. Trained. Elite. At higit sa lahat ay walang emosyon. Tumalon ito pababa mula sa mesa saka mabilis na sinipa ang isang bodyguard ko dahilan para tumilapon ito sa salamin. Nagkalat ang basag na bubog sa sahig. Kasabay noon ay mabilis nitong itinutok ang suppressor pistol sa isang board member. Isang putok ng baril at bumagsak agad ang matanda habang nagsisigawan ang lahat. “Fuck!” mariin kong mura. “Protect the civilians!” sigaw ng police officer. Ngunit tila hindi iyon pinapansin ng assassin. Diretso lamang itong naglalakad sa direksyon namin ni Grandpa. At doon ko tuluyang narealize. Kami an

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 49

    Chapter 49 “I’m saying this is war.” Malamig kong sambit habang dahan-dahan kong ibinaba ang remote sa mesa. Tahimik ang buong conference hall at pagkatapos isang matalim akong napatingin sa isang lalaki sa bandang kaliwa ng mesa walang iba kundi si Mr. Andrade. Isa sa senior board members ng Ortiz Group. At isa rin sa mga taong masyadong tahimik ngayong gabi. “I’m right… Mr. Andrade?” malamig kong tanong. Agad itong natigilan, halatang hindi nito inaasahang pangalan niya agad ang babanggitin ko. “A-Ano ang ibig mong sabihin?” paiwas nitong sagot habang umiwas ng tingin. Ngumisi ako nang bahagya. “Oh, come on, Mr. Andrade…” mababa kong sambit habang dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. “Don’t make me a fool.” Mas lalo itong kinabahan nang huminto ako sa tabi niya. At doon ko napansin na bahagya nitong itinago ang kanang kamay niya sa ilalim ng mesa. “That tattoo…” dagdag ko habang malamig na nakatingin sa kanya, “looks very familiar.” “Officer,” sambit ko nang hindi

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 48

    Chapter 48 Apat na oras lamang ay nakarating na kami sa Hacienda De Castro. Pero kahit nasa harapan na kami ng napakalawak na hacienda ay hindi pa rin nawawala ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Tahimik ang buong paligid. Masyadong tahimik. At iyon ang pinaka-ayaw ko. Pagkabukas pa lang ng gate ay agad bumungad ang mahahabang itim na sasakyan ng mga board members at ilang police vehicles na nakaparada sa harap ng mansyon. Nakabukas pa ang mga ilaw nito.Nagbibigay ng nakakasilaw na pulang liwanag sa madilim na gabi. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad tumahimik ang paligid. Maging ang ilang pulis at tauhan ng hacienda ay napalingon sa direksyon ko. Mabagal kong inayos ang manggas ng suot kong itim na polo habang malamig na pinagmamasdan ang paligid at ang bawat hakbang ko ay unti-unting bumabalik ang totoong ako. Hindi ang lalaking pinaglalaruan si Sky, ang mapang-asar na David De Castro ay kundi si David Sebastian Ortiz. Ang lalaking kinatatakutan ng maraming tao sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status