LOGINUnti-unting lumipas ang gabi. Ang musika sa Grand Hall ay humina hanggang sa tuluyang tumigil. Isa-isa nang nagpaalam ang mga bisita. Ang mga ilaw na kanina’y kumikislap sa kasiyahan ay naging mas mahinahon, parang nagpapahiwatig na tapos na ang engrandeng selebrasyon. Ang ika-siyamnapung kaarawan ni Great Grandmother Roxane ay naging matagumpay—hindi lamang bilang isang party, kundi bilang muling pagtitipon ng buong pamilya Villamonte. Sa labas ng mansion, nagsimulang umalis ang mga sasakyan ng mga investors, diplomats, at business partners. Ang mahabang driveway ng Villamonte Mansion ay unti-unting nabawasan ng ingay. Ngunit sa loob. Hindi pa tapos ang tunay na usapan. Sa ikalawang palapag ng mansion, sa isang silid na matagal nang kilala ng pamilya bilang Council Room, nagtipon ang mga pangunahing miyembro ng angkan. Isang mahaba at makintab na mesa ang nasa gitna ng silid. Sa dingding ay nakasabit ang mga lumang portrait ng mga naunang pinuno ng Villamonte empire—mga
Magandang gabi po. Sorry po wala pa po akong update ngayon sa book ko na ito. Meron po akong New book na kasali po sa contest baka nais niyo pong basahin. Ang Pamagat po niya THE BILLIONAIRE'S WHO WATCHED ME DIE basahin niyo po.. hindi po kayo magsisisi... Love you all po..
Nanatiling mabigat ang hangin sa loob ng Grand Hall. Ngunit si Great Grandmother Roxane—hindi hinayaang lumalim pa ang alon. Marahan siyang tumayo muli. Isang hudyat lamang ng kanyang paggalaw ay sapat na upang muling tumahimik ang lahat. “Sapat na ang mga tanong para sa gabing ito,” malinaw at kontrolado ang kanyang tinig. “Ang mga detalye ng audit at council ay tatalakayin sa tamang forum—sa boardroom. Hindi sa hapag-kainan.” Isang kolektibong paghinga ang tila pinakawalan ng buong bulwagan. “Ang ika-siyamnapung taon ko,” dagdag niya, bahagyang mas malambot ang tono, “ay hindi selebrasyon ng kapangyarihan. Ito ay selebrasyon ng pamilya.” Sandaling tumigil. “At ang pamilya—kahit gaano kalakas—ay kailangang marunong ding magpahinga.” Bahagya siyang ngumiti. “Ngayon… ituloy natin ang hapunan.” Isang simpleng utos. Ngunit malinaw na pinal. Agad na tumugtog ang orchestra sa gilid ng bulwagan—mas magaan ang himig ngayon. Ang mga waiter ay sabay-sabay na kumilos, ma
Isang maikling katahimikan ang bumalot sa bulwagan matapos ang tanong. Hindi iyon katahimikang puno ng pag-aalinlangan—kundi katahimikang naghihintay ng hatol. Marahang tumayo si Great Grandmother Roxane. “Magandang tanong, Ginoong Alejandro,” panimula niya. Hindi siya nagmamadali. Bawat salita ay malinaw. Sinusukat. “Ang imperyo ay hindi itinayo sa emosyon. Hindi rin ito pinanatili sa awa o paboritismo.” Bahagyang nag-angat ng baba si Dark Nathaniel sa likuran. Alam niya ang tono na iyon. “Magkakaroon ng proseso,” pagpapatuloy niya. “At hindi ito magiging lihim.” Unti-unting nag-iba ang mga mukha sa mga mesa ng investors. “Simula ngayong gabi, itatatag ko ang Succession Council ng CCV.” May ilang nagkatinginan. “Ang council na ito ay hindi lamang bubuuin ng pamilya,” dagdag niya. “Kundi ng mga independent board directors, senior strategists, at external auditors.” Bahagyang napataas ang kilay ni Clairox. “Ang bawat potensyal na tagapagmana—anak, apo, o sinum
Pagkababa ng mikropono ni Great Grandmother Roxane, nanatiling tahimik ang Grand Hall sa loob ng ilang segundo—ang klaseng katahimikan na may bigat. Pagkatapos… unti-unting nagsimulang umalingawngaw ang mahihinang bulungan. “Hindi raw dahil sa dugo lamang…” “May proseso ng pagpili?” “Ibig sabihin, hindi automatic ang mana…” Sa mga mesa ng business partners, seryoso ang mga mukha. May ilan na nagtaas ng kilay, ang iba’y marahang sumimsim ng alak habang nag-iisip. Sa pangunahing mesa ng pamilya, iba ang tensyon. Si Clairox ay tuwid ang upo, magkahawak ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. Hindi siya nagsasalita, ngunit halatang pinoproseso ang bawat salita ng kanyang ina. Si Roxiel naman ay bahagyang yumuko, tila may iniisip na kalkulasyon—alam niyang ang “karapat-dapat” ay hindi basta titulo, kundi pagsubok. “Hindi ko pinangarap maging isang tagapagmana.”bulong niya sa sarili. Samantalang si Rofana ay nanatiling kalmado sa panlabas na anyo, ngunit ang kanyang mga mata ay
“Mahal kong anak… nakarating ka.” Ang boses ni Great Grandmother Roxane ay hindi malakas, ngunit sapat upang marinig ng mga nasa unahan. May bahagyang panginginig iyon—hindi dahil sa kahinaan, kundi sa bigat ng sandali. Sa gilid ng entablado, tahimik ngunit kontrolado ang kilos ni Dark Nathaniel. Lumapit siya sa emcee at marahang bumulong, “Ihanda mo na ang programa. Sabihin mong magsisimula na ang kasiyahan.” Tumango ang emcee, agad umayos ng tindig, at lumapit sa mikropono. “Magandang gabi po sa inyong lahat,” malinaw at propesyonal ang kanyang tinig. “Dumating na po ang lahat ng inaasahang panauhin sa selebrasyong ito. Sa ngalan ng pamilya Clinthon-Villamonte, nais po naming ipabatid na magsisimula na ang programa ngayong gabi.” Bahagyang tumahimik ang Grand Hall. Ang mga business owners at partners na sakop ng Clinthon-Villamonte ay nagtuon ng pansin. Alam nilang hindi lamang ito simpleng kaarawan—ito ay pagtitipon ng kapangyarihan, impluwensya, at direksyon ng isang imperyo
Habang tumitingin sa loob ng banyo, ang bawat sulok ay kanyang sinusuri—ang mga towel rack, ang sahig, at ang maliit na kisame—parang hinahanap niya ang kahit isang palatandaan kung nasaan si Vanessa. Halos hindi niya mapigilan ang sarili na manginig, ngunit pinilit niyang manatiling kalmado, umaas
Napatingin siya sa mag-ama—parehong seryoso, parehong walang bumibitaw ng tingin sa isa’t isa. Para bang may tahimik na usapang nagaganap sa pagitan nila na siya lang ang hindi kasali. Ramdam ni Roxane ang bigat ng hangin sa silid. Ano bang tinatago nila sa isa’t isa… at sa akin? Ilang oras na
“Body Gerald!” sigaw ni Lyka, halos napalingon lahat sa paligid dahil sa lakas ng boses niya. Maging si Gerald, na noo’y abala sa pakikipag-usap sa isa pang staff, ay agad napatingin. Nakangisi siya, para bang may iniisip na biro o kaya’y alam na alam na niya kung saan patutungo ang eksenang ito.
Ngayon ang araw ng pag-uwi ni Roxane sa bahay ng mga Villamonte. Hindi ito basta ordinaryong pag-uwi; para sa ilan, ito ay pagbabalik ng isang taong may dala-dalang mabigat na alaala at kumplikadong kasaysayan sa pamilyang iyon. Sa loob ng mansyon, ramdam ang tensyon. Halos maramdaman sa hangin ang







