Share

26.

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-07-19 01:25:42

"Sure ka, Mr. Dark, na ikaw na ang gigising sa aking anak?" Nahihiyang sambit ni Aling Beth habang bahagyang napapalingon sa kinaroroonan ng binata. May kaba sa kanyang tinig, halatang may bumabagabag sa kanya—parang may gustong pigilan, pero di niya alam kung paano sisimulan.

"Don't worry, Mama. Ako na ang bahala kay Roxane," seryosong tugon ni Dark, ang malamig ngunit matatag niyang boses ay parang lintik na biglang kumulog sa katahimikan ng buong bahay.

Mama?

Napalunok si Aling Beth. Kumislot ang kanyang kalamnan. Parang may humugot ng hangin mula sa kanyang dibdib.

"Mama...? Anong sabi niya?!"

Napatitig siya sa binata—matikas, may aura ng kapangyarihan at kontrol. Tila hindi lang basta lalaki ito… kundi isang lalaking may balak. Malalim. Misteryoso.

“Hindi kaya… hindi kaya… boyfriend na siya ng anak ko?!” bulong ng kanyang isipan, kasabay ng mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya alam kung kaba, takot, o pangamba ang nangingibabaw—pero malinaw sa kanya na may mali. May del
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   28.

    Biglang inalis ni Dark ang kamay ni Roxane na mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Napakurap si Roxane. Akala niya'y tuluyan na siyang itataboy ng binata — ngunit nagkamali siya. Sa halip, siya pa mismo ang hinawakan ni Dark. Mahigpit. Direkta. Parang sinadya niyang ipadama sa kanya na hindi pa tapos ang lahat. Hawak-kamay na parang magkaalyado... o magkaaway na parehong hindi bibitaw. Mabilis ang tibok ng puso ni Roxane, hindi dahil sa lambing kundi dahil sa kaba at takot. Malapit na silang makarating sa may pintuan. Ramdam niyang nandoon ang ilang tauhan, at sigurado siyang may mga kamera na rin sa labas. Viral na siya — bawat kilos niya ay laman ng social media. Hindi siya pwedeng makita ng mga tao na hawak-hawak ni Dark. Hindi sa ganitong paraan. "Sir... bitawan mo na ang kamay ko," mariing sambit ni Roxane, pilit na pinapakalma ang boses kahit nanginginig na ito. "Tinulungan lang kita para makalabas sa bahay namin. Pero hindi ibig sabihin niyon... na handa akong kalimutan

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   27.

    Marahang bumukas ang pintong kawayan ni Roxane, kasabay ng banayad na kaluskos ng hangin mula sa labas. Napatuwid agad ng tayo si Dark, tila ba automatic ang reflex sa pag-aakalang si Roxane na ang lalabas. Ngunit gaya ng sampal ng malamig na tubig sa mukha, agad siyang nadismaya nang si Aling Beth lang pala ang lumabas ng silid. "Ah..." Napakurap siya, pilit na binabawi ang excitement sa mga mata niya habang sumilip pa sa likuran ng matanda, nagbabakasakaling may aninong susunod. Palinga-linga si Dark sa likod ni Aling Beth. "Wala pa rin?" mahina niyang bulong sa sarili. Wala talaga si Roxane. "Pasensiya ka na, hijo..." mahina ngunit may bigat sa tono ang sabi ni Aling Beth. "Masama raw ang pakiramdam ng anak ko." "What?!" Halos mapasigaw si Dark, agad na lumapit. "Dalhin na natin siya sa ospital, Mama!" may halong kaba at pagkabalisa ang tinig niya, parang hindi siya mapakali. Napaatras ng bahagya si Aling Beth, hawak ang laylayan ng kanyang duster. ‘Jusko, ano ba’ng magandang

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   26.

    "Sure ka, Mr. Dark, na ikaw na ang gigising sa aking anak?" Nahihiyang sambit ni Aling Beth habang bahagyang napapalingon sa kinaroroonan ng binata. May kaba sa kanyang tinig, halatang may bumabagabag sa kanya—parang may gustong pigilan, pero di niya alam kung paano sisimulan."Don't worry, Mama. Ako na ang bahala kay Roxane," seryosong tugon ni Dark, ang malamig ngunit matatag niyang boses ay parang lintik na biglang kumulog sa katahimikan ng buong bahay.Mama?Napalunok si Aling Beth. Kumislot ang kanyang kalamnan. Parang may humugot ng hangin mula sa kanyang dibdib."Mama...? Anong sabi niya?!"Napatitig siya sa binata—matikas, may aura ng kapangyarihan at kontrol. Tila hindi lang basta lalaki ito… kundi isang lalaking may balak. Malalim. Misteryoso.“Hindi kaya… hindi kaya… boyfriend na siya ng anak ko?!” bulong ng kanyang isipan, kasabay ng mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya alam kung kaba, takot, o pangamba ang nangingibabaw—pero malinaw sa kanya na may mali. May del

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   25.

    “Humanda ka na, Best! Bukas, sigurado akong ikaw ang magiging sentro ng tsismisan sa buong mansyon—lalo na sa harap ng mga magulang ni Boss Dark Nathaniel!” mariing sabi ni Lyka mula sa kabilang linya, bago tuluyang ibinaba ang tawag. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame, para bang nagbabakasakaling may sagot doon sa lahat ng kaguluhan sa utak ko. "Haiszt... paano na 'to? Para akong gustong matunaw sa hiya! Ayoko nang pumasok bukas! Mas pipiliin ko pa yatang tumulong kay Inay sa paglalabada, kahit mabilad pa ako sa araw—kesa naman pagtsismisan ako sa Malaking Bahay na parang bida sa teleserye!" Napahawak ako sa sentido. Ang gulo-gulo na ng utak ko! Puso ko’y kumakabog—may kaba, takot, at konting kilig na hindi ko maintindihan. "Ano ba ‘tong pinasok ko?! Ano na lang ang sasabihin ko pag hinarap ko sila?!" “Magpapanggap na lang kaya akong may sakit bukas... baka sakaling...” Napahinto ako. Napakagat-labi. Hindi… hindi pwede! Kawawa na nga si Itay at si Bunso, m

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   24.

    "Anong ibig sabihin ng mga larawang kumakalat sa social media, Dark?!" matalim na tanong ni Mrs. Vellama, ang ina ni Dark Nathaniel, habang galit na galit nitong itinulak sa harapan niya ang tablet kung saan naka-flash ang mga litrato. "Naging viral ang ginawa mong paghalik sa isang katulong!" Kumakabog ang dibdib nito sa inis at kahihiyan. "Paano mo ngayon ito aayusin?! At higit sa lahat, sino ang katulong na 'yon?!" Mariin ang boses nito, punung-puno ng dismaya at matinding galit. "At talaga bang gigil ka sa paghalik sa kanya, Dark?!" dugtong nito habang naglalakad paikot sa sala na tila handang sumabog anumang oras. Hindi makatingin si Dark sa ina. Napakagat siya sa labi, hindi dahil sa takot—kundi dahil sa alaala. Sariwa pa sa kanyang isipan ang init ng halik na iyon… ang pagkabigla ni Roxane, ang paninigas ng kanyang katawan, at ang pagkalunod niya sa biglaang damdaming hindi niya maipaliwanag. Para bang sa mismong sandaling iyon, huminto ang mundo nila. Tulala siyang nakaup

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   23.

    “Natapos ang meeting sa Vellamonte Corporation na wala ni isang bahid ng ngiti sa mukha ni Dark. Matigas ang panga, mariing nakakunot ang noo, at halatang nilamon ng tensyon ang buong katawan niya. Isa-isa nang nagsi-alisan ang mga board members—mga taong may takot at respeto sa pangalan ng Vellamonte—pero ngayo’y parang ayaw na niyang marinig kahit ang apelyidong iyon. Sa loob ng conference room, naiwan lang ang kanyang ama at si Carrissa Guerrero—nakaupo pa rin, kampanteng nakangiti na parang wala lang. Sa labas naman, naroon ang mga bodyguard at ilang katulong ng pamilya Vellamonte—kasama na ro’n si Roxane, na halatang nagpipigil ng tensyon habang palihim na sumisilip sa loob. “Ano bang nangyayari, Papa?!” mariing bulalas ni Dark, halos umalingawngaw ang boses niya sa tahimik na silid. Napailing siya sa inis, habang mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. “Anong kalokohan ’to?! May usapan kami ni Mama tungkol sa magiging kasal ko—plano pa lang ’yon! Bakit kailangan n’yong pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status