Share

64.

Penulis: Batino
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-05 07:18:04

Kaganapan sa D.N Hotel – VIP Floor

Sa ikatlong palapag ng D.N Hotel, naroon ang pamilya ni Roxane. Kasalukuyan ding nasa lugar ang asawa ni Rowen Clifford, kasama ang napakaraming bodyguard—ngunit kahit anino ni Mr. Clifford ay hindi pa rin matanaw ni Beth. Nilalamon siya ng kaba at napakaraming tanong na walang kasagutan.

Habang patagong sumisilip si Beth sa bahagyang nakaawang na pinto, hindi niya namalayang may isang lalaking naka-itim na suit na pala ang nakatayo sa harapan niya—tila tauhan ng mga Clifford. Ngunit… hindi ito si Drick.

“Madam Be—”

Hindi pa man natatapos sa bibig ni Drick ang pangalan niya, biglang bumukas ang pinto. Parang hangin na humila sa kanya, agad siyang hinatak ni Beth papasok sa kwarto. Wala siyang pakialam sa bigat nito—para bang kinabig siya ng takot. Pagkasarado ng pinto, halos habol-hininga si Beth.

“Madam Be—” tangka muling magsalita ni Drick, ngunit mabilis siyang tinakpan ni Beth. Napailing na lang si Drick at sumenyas ng “Fine, hindi na a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (6)
goodnovel comment avatar
Batino
salamat po..
goodnovel comment avatar
lyza avila
wow! nkka exite!
goodnovel comment avatar
Batino
thankyou very much din po.. Sa laging pagaabang at pagbibigay ng iyong mga commento... Sana di po kayo magsawa.. Have a bless day po sa lahat..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   130.

    “Dakpin ang pangahas na lalaking ‘yan at ilagay sa bartolina ngayon din!” Dagundong ng tinig ni Ama Clinthon, singtindi ng kulog na dumadagundong sa loob ng maluwang na bulwagan. Tumalilis ang mga tauhan niya, agad sumugod at mahigpit na dinakma si Dark, para bang wala itong karapatang huminga sa lugar na iyon. “Sa-sandali lang po!” Halos pasigaw na pakiusap ni Dark, nanginginig ang tinig habang pilit niyang pinipigilan ang mga kamay na pumipiga sa kanyang mga braso. “Hindi po ako naparito para manggulo… ni para bastusin ang inyong tahanan! Nandito po ako dahil meron akong hinahanap na tao—isang taong napakahalaga sa akin!” Ngunit lalo lamang humigpit ang hawak ng mga tauhan, tila ba bawat salitang namutawi sa labi ni Dark ay apoy na lalo lang nagpapasiklab sa galit ni Clinthon. “Ahmmmm!” Mariing singhal ni Ama Clinthon, namumula ang mukha at nagngangalit ang mga ugat sa kanyang sentido. “Hindi kita kilala! Sino ka ba para sumugod dito at gambalain ang aking katahimikan? Anong

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   129.

    “O-okay naman ang baby mo, Best… kaya huwag ka nang mag-alala, please. Pahinga ka na muna, nandito na rin ang asawa mo, paparating na siya,” malumanay ngunit puno ng pag-aalalang wika ni Lyka habang marahang hinahaplos ang buhok ni Roxane. Tumango si Roxane, pilit na pinapakalma ang sarili. Mabigat ang kanyang mga talukap at muling ipinikit ang mga mata, tila ba sinasandal ang lahat ng pagod at sakit sa paniniwalang ligtas ang kanyang anak. “Ano na? Natawagan niyo na ba?” agad na usisa ni Lyka kay Gerald, halata sa tinig ang kaba at pagmamadali. Itinaas lang ni Gerald ang hawak na cellphone, pinapakita na tinatawagan pa rin niya ito. Ilang saglit pa’y biglang sumambit ang tinig mula sa kabilang linya. “Hello?” “Sir! Salamat at sinagot niyo na,” mabilis at magaan na tugon ng bantay. “Si Ma’am Roxane… nagising po siya kanina, pero nakatulog ulit ngayon.” Narinig ang mahinahong tinig ni Dark mula sa kabilang linya. “Okay… kayo muna ang bahala sa kanya. Nasaan si Drick?” “Si

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   128.Asya ,1968-Lot Asya, Clinthon Crown

    “Anong kailangan mo?!” singhal ng ama, mariing hinahampas ang pinto para isara ang pagitan nila. Kita ang pamumuo ng pawis sa noo nito habang minamadaling itali ang sinturon ng robe na halatang bagong suot. “Hindi mo ba nakikita? Pinipigilan ka na ng mga tao ko! Abala ako, may ginagawa ako sa loob—at wala akong oras sa mga kaguluhan mo!” Mariing ngumiti ang anak, pilit pinapakalma ang tinig ngunit nanginginig na sa galit at takot. “Papa, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa… Nasa panganib ang mag-iina ko! Kailangan ko kayo para mahanap ang ina ng asawa ko. Nakikiusap ako—Papa, tulungan niyo ako!” Napahalakhak ang ama, malamig, mapanlait. “Ano bang ginagawa mo? Luluhod ka pa sa harap ko, parang pulubi? Dahil lang sa kagustuhan mong hanapin ang isang babae na ni hindi ko alam kung buhay o patay?” Napatigil ang anak, lumuluha ngunit mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao. “Papa… wala ba kayong konsensya? Hindi ba kayo nasasaktan? Nasa bingit ng kamatayan ang mag-iina ko! Asawa ko siya,

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   127.

    Si Dark Nathaniel sa kanyang D.N Hotel – VIP Room, nakaupo sa malapad na leather chair, tahimik ngunit nangingibabaw ang presensya. Sa harap niya, si Rowen ay halatang hindi na mapakali. “Ano na ang balita sa CCTV footage na ibinigay sayo ng lalaki?! Gusto kong mapanood iyon, ngayon din!” mariing wika ni Rowen. Bago pa makasagot si Dark, biglang tumunog ang cellphone ni Drick na nakatayo sa tabi niya. “Sagutin ko lang, Sir,” mahinang sabi ni Drick, medyo nag-aalangan. “Si Gerald po ang tumatawag.” Tumango si Dark, malamig ang tingin, kaya agad na sinagot ni Drick ang tawag. “Hello… bakit? Nasa meeting kami ngayon!” mariin niyang sabi. Sa kabilang linya, halos nauutal si Gerald, habol ang hininga. “Si… si Ma’am Roxane… nasa Emergency Room siya ngayon… dito sa malapit na ospital… Sabihin mo kay Sir! Dali, sabihin mo!!!” Halos mabitawan ni Drick ang cellphone sa narinig. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata bago siya dahan-dahang lumingon kay Dark Nathaniel, na tahimik p

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   126.

    “Itigil mo ang sasakyan Gerald!” mariing utos ni Roxane, nanginginig ang tinig bago pa nila malampasan ang kumpol ng mga taong nagtitipon sa lawa. “Huh? Bakit po Ma’am, may problema po ba?” agad na tanong ni Guard Gerald, halatang nagulat sa biglaan nitong utos. “Gu… gusto ko lang bumaba sandali,” mahina at alanganing wika ni Roxane, tila may kung anong kaba at pagkabalisa sa kanyang mga mata. Nagkatinginan sina Roque at Lyka, kapwa litong-lito sa ikinikilos ni Roxane. “Oii gurl! Saan ka ba pupunta?” halos pigil ni Lyka ang tinig, may halong kaba. “Gusto ko lang makita kung ano yung pinagkakaguluhan nila sa lawa…” sagot ni Roxane, halos mahulog ang tinig sa sobrang pagkabalisa. “Okay… samahan ka na namin,” mabilis na tugon ni Roque, ramdam ang malamig na hangin ng kaba sa paligid. Habang dahan-dahang lumalapit si Roxane, hindi niya maiwasang itaas ang kanyang paningin, tila natatakot ngunit nag-uusisang malaman kung ano nga ba ang nangyayari. Bawat hakbang niya ay parang h

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   125.

    “Rockieeeeee! My future asawa is here!” sigaw ni Lyka, halos mapatid ang hininga sa sobrang tuwa. Hindi pa natatapos ang apat na segundo, diretso na siyang tumakbo papunta kina Roxane, Roque at Dark. Para siyang rocket na hindi mapigilan, sabog ang energy at excitement. Parang dumagundong sa buong sala ang boses niya, umaalingawngaw hanggang dingding. Halata sa bawat galaw ang kilig, parang may fireworks sa dibdib na sabay-sabay pumutok. “Oh my… future asawa mo, mukha mo! Hindi mo ba nakikita daaah? Mas maganda pa ako sa’yo noh! Kaloka ka!” mabilis na kontra ni Roque, sabay flip ng buhok na parang nasa stage ng beauty pageant. Nakanganga siya, proud na proud, halatang in love sa sarili niyang ganda. Pero si Lyka, hindi man lang pinansin. Imbes, yumakap siya agad kay Roque—yung tipong teleserye hug na may slow motion effect sa isip niya. Kahit maraming nakatingin, dedma siya. Basta ang importante, mailabas niya yung kilig at tuwang hindi niya mapigil. “Oh my gee! Dumikit na yung di

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status