Ang ipinaamoy kay Roxane ay panandaliang antok lang, segundo o minuto lang ang bisa nun. “Waaaahhhh! Saklolo! Saklolo! Tulungan niyo akoooo! Papata***n nila ako!” sigaw ni Roxane na halos mabali ang upuan sa bilis ng kanyang pagbangon. Nanginginig pa ang kamay niya habang nakatingin sa dalawang naka-itim na maskara na nag-uusap sa harap niya. “Wooooow! Pak! Ang galing umarte ng lukang itoooo! Hoy gurl, tumigil ka na d’yan!” malakas na sagot ng isa sa mga nakamaskara, sabay tawa at sadyang arte. “Ha?! Ano—” naputol ang salita ni Roxane nang alisin nito ang takip sa mukha. Bumungad ang pamilyar na ngiti. “ROQUEEEE?!” halos mabingi ang buong paligid sa sigaw ni Roxane. Napatakip pa siya sa kanyang tiyan sa sobrang gulat. “Wag kang magulat, best! Surprise!” arte at pa-sway sway pang bati ni Roque, na para bang nasa entablado. Si Roque—matagal na nilang kaibigan ni Lyka. Ang pagkakaalam ni Roxane, nasa Spain pa ito. Isang gwapong lalaki, pero pusong babae. At ngayon ay nasa harap na
Ano naman ang plano mo , Mrs Vellama Villamonte ?" baka naman gusto mong ibahagi sa amin?" nakangising sabi ng isa sa mga bisita nila. “Shk!” biglang nagbago ang tinig ni ni Vellama, tila may biglang init sa kanyang mga mata. Ahmmmm.. parang wala kayong tiwala sa akin mga kumare?!" Seryusong tanong ni Vellama sa mga Omega niya, sabay sabi; Kilala ko ang anak ko—kilala ko siya, at alam kong kahit paano, alam kong magbabago pa ang pagkahumaling niya sa yaya na iyon! Mariing sabi ni Vellama, ramdam ang tensyon sa kanyang sinabi. Haynaku! sabat ng isang bisita. “Sana nga lang, Vellama… “Oh..syaaa!" paano ba ‘yan? Aalis na rin kami… paalam na ng isa, dalawa at ng lahat sa kanya. Naiwang mag-isa si Vellama sa malaking sala. Ang paligid ay tahimik, tanging mga katulong at bodyguard ang nakatayo sa gilid, nakatingin ngunit tahimik, tila ba hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Ang bakanteng espasyo sa paligid ni Vellama ay lalo lamang nagpatindi sa kanyang pakiramdam
“Grabe ka, gurl! Ikaw na! Ikaw na talaga ang swerte sa buhay.” Napapanguso pang sabi ni Lyka habang nakasunod kay Roxane, sabay sulyap sa mga pagkaing nakahain sa mahabang mesa para sa selebrasyon ng pagbubuntis nito. Kumukutitap ang mga ilaw sa paligid, ramdam ang kasiyahan ng lahat, ngunit tila may mabigat na iniisip si Roxane. “Ui, Best!” dagdag pa ni Lyka, magsalita ka naman jan,” sabay tapik sa braso ng kaibigan. “Anong problema? Bakit parang malungkot ka? Diba dapat masaya ka na kambal agad ang baby niyo? Uhmmm’ Eh kung ayaw mo, bigay mo na lang kaya sa akin yung isa.” Sabay pikit-pikit pa ito ng mata na halatang nagbibiro. “Uhmmmm…”tikhim lang ni Roxane. Sandaling tumigil si Roxane sa paglalakad, saka marahang humarap sa kaibigan. Kita sa mukha niya ang ngiti ngunit may halong pangungulila ang kanyang mga mata. “Alam mo, bestfriend, masayang-masaya ako kasi kambal ang magiging anak namin.” Bahagya siyang napabuntong-hininga. “Ahmmm…pero, ang hindi ko lang nagustuh
“Inay!” masayang tawag ni Roxane habang papasok sa private house ni Dark. Halos mapatalon pa siya sa tuwa. Tiyak na matutuwa si inay kapag nalaman niyang kambal agad ang magiging apo niya, bulong niya sa isip. “Honey, naman! Dahan-dahan naman sa paglalakad!” sigaw ni Dark, humahabol habang pawis na pawis at bitbit ang isang plastik na punô ng isaw at balot. Para siyang delivery boy na nagmamadali. “Baka madapa ka pa, tapos ang ending—ako ang mapapagalitan ng biyenan ko!” dagdag pa niya, habol-hininga.” ngunit sabi lang niya iyon dahil alam niyang wala na si aling Beth sa private house niya. Paglapit niya kay Roxane, idinikit nito ang labi sa tenga ng babae at bumulong, halatang tuwang-tuwa: “Hindi ako makapaniwalang kambal agad ang magiging anak natin, Honey…” Napangiwi si Roxane sabay kindat, halata ang kaba at tuwa sa halong emosyon. “Oo nga eh… ang galing mo! Para kang instant sperm—three minutes lang, doble agad!” biro niya, sabay hagikhik. Napakamot si Dark, napa
Sa Lawa “T-tulungan niyo akoooo… ahhh! Tulungan niyo akooo!”paulit-ulit na sigaw ni Beth sa gitna ng lawa. Pilit siyang kumakampay, bawat iglap ng braso’y puno ng desperasyon, nagbabakasakaling may makarinig at makapitan siya upang makaalis sa mapanganib sa lawang pinagdalhan sa kanya. Ngunit wala, kahit isa ay walang naglakas-loob o nagkataong mapadpad sa lawa upang tulungan siya. Tahimik ang paligid, tanging malamlam na pagkislot ng tubig ang gumagalaw, waring nakikisama sa kanyang paghihirap. Hanggang sa tuluyan na siyang nanghina—ang mga braso niyang may tama ng bar*l ay halos wala nang silbi. Bawat pilit na kampay ay nagdudulot lang ng hapdi at bigat na parang hinihigop siya ng malamig na lawa. “Oh Dyos ko, Lord… kayo na po ang bahala sa kanila… mukhang hanggang dito na lang ang buhay ko!” umiiyak na sabi ni Beth, nanginginig ang tinig at nangingilid ang luha habang nilulunod siya ng kawalan ng pag-asa. Sa huling pagkakataon, dumaan sa kanyang isipan ang mga mahal niya sa bu
“Anong nangyayari diyan?! Anong putok iyon?!” sigaw ni Master A, halatang may kaba at inis ang kanyang boses. “Sh*t! Nabaril nila ang matanda! Sir… anong gagawin natin?” tanong ng isa, nanginginig ang boses habang tulo ang pawis dala ng nerbyos. “Huh"?Aaaayyyy’, Bwisit! Bakit niyo binaril ang matanda?!” sigaw ni Master A, halos mabasag ang pandinig ng lalaki. Mariin niyang pinagsisigawan ang mga tauhan niya, nanginginig ang panga sa sobrang inis. “Itapon niyo na siya kahit saan! Siguraduhin niyong walang makakakita sa inyo, kung hindi pati kayo, pagbabayaran n’yo sa akin ito!” “Opo, Master A…” mahina at nanginginig ang tugon ng tauhan ng lalaking mag hawak sa telepono, pilit itinatago ang matinding takot sa dibdib. “Oh,Diyos ko… baka pati kami madamay sa ginawa mo! sigaw ng Driver. Sabay pinaharurut ang sasakyan. Alam ko kung saan natin siya itatapon! “Kailangan natin siyang itapon sa lalong madaling panahon!” saad ng pangalawa, halos hindi maitago ang kaba sa tinig.