“Hindi ko matiis na hindi ko makita ang asawa ko. Pupuntahan ko siya,” bulong ni Dark, ramdam ang bigat sa dibdib at bahagyang pag-aalala sa kanyang tinig. Paglabas niya ng silid, nakita niya si Levie at si Mrs. Sebastian. Nakatayo sila—kausap si Vellama. Nasa tabi rin nila ang malalaking bagahi na dala nila nung dumating sila. “Aalis na siguro sila. Mabuti na rin iyon, kasya umasa siya sa akin,” bulong ni Dark, at tuloy-tuloy siyang naglakad palabas. “Dark Nathaniel! Saan ka pupunta? Hindi ka naman ba sasaglit dito para magpaalam sa kanila?” tawag ni Vellama sa anak. “Kainis,” sagot ni Dark, napapailing. “Uunahin ko pa ba sila kesa sa asawa kong kagabi ko pa namimiss!” “Fine… huling araw na rin naman nila ito. Aa, nga pala, Drick, ihanda mo yung kotse at aalis kami ni Roxane. Araw kasi ngayon ng OB checkup niya,” utos ni Dark sa kanyang alalay bago siya lumapit sa kanyang ina. Sabay baling sa pamilyang Sebastian. “Aalis na po ba kayo ngayon?” tanong ni Dark, kunwaring m
Inay… sana hindi na matapos ang araw na ito. Ewan ko ba jan kay Dark, may pa-surpresa pa siyang nalalaman. Nakangiting sabi ni Roxane habang kumakain, kita ang kislap sa kanyang mga mata. Tulala naman si Beth na nakatitig lamang sa anyo ni Roxane. Masaya siya? Dapat ba kitilin ko ang kasiyahang nararamdaman niya? Naramdaman niya ang bigat sa dibdib, ang takot na baka magaya si Roxane sa naging kapalaran ng ina nito. Tahimik na bulong niya sa sarili, habang pilit na ikinukubli ang pangamba. “Nay… tulala kayo, kanina pa ako salita nang salita e.” Pagmamaktol ni Roxane, sabay pout ng labi. "huh“Haha… sorry naman, anak.” Sagot ni Beth, pilit na ipinapakita ang ngiti. “Mahal mo ba talaga si Dark? Akala ko ba e wala sa bokabularyo mo ang pag-aasawa? Bakit naman biglaan at wala pa talaga ako sa mismong wedding niyo?” Pagtatampo kunwari ni Beth, ngunit sa loob-loob niya’y may kirot na hindi kayang ipakita. “Ay, ’yun nga po, Inay. Si Dark kasi… siya ang may kasalanan kung bakit kami nag
“Anong balita kay Aling Beth?” tanong agad ni Dark pagkakita pa lang kay Drick na papalapit sa kinatatayuan niya. Ramdam sa tono ng boses niya ang pagkabalisa, ramdam ang bigat na gumugulo sa kanyang isipan. “Okay naman ang lahat doon, Sir. Wala kang dapat ipag-alala dahil wala namang ibang makakapasok doon kundi kayo at ako lang.” sagot ni Drick, pero hindi nakaligtas sa kanya ang lalim ng titig ni Dark—parang naghahanap ng kasiguraduhan. “Wala ka bang napansin na kasama ni Aling Beth sa private house?” tanong muli ni Dark, halatang hindi kontento sa sagot. May halong kaba at pagtataka ang kanyang tinig. “W-ala naman, Sir… bakit bigla n’yo po natanong? Alam n’yo naman na siya lang ang naroon,” tugon ni Drick, may bakas ng pagtataka sa mukha. Humugot ng malalim na hininga si Dark, hindi maitatago ang pagkadismaya. “Ahmmm… pansinin mo ang CCTV na nasa sala. Kanina ko pa hindi makita ang nagaganap roon dahil tinakpan niya ang CCTV sa sala.” Saad niya habang halos nakadikit an
“Pa-papakawalan niyo na ba ako? Nakapag-desisyon na ba si Dark na pakawalan ako at paalisin kami ni Roxane sa pamamahay na ito?!” nagaalangang tanong ni Beth. Pero sa isip niya, naroon ang takot na baka biglang magising si Roxane o kaya naman ay maalis ang takip sa buong katawan nito at makita na lang siya ni Drick. “Wala bang nangyaring kakaiba rito nung nawala bigla ang ilaw?” tanong ni Drick kay Beth, na sa unang tingin ay parang walang alinlangan. Nagulat si Beth, mabilis ang tibok ng dibdib. “Huh?! Ba-bakit? May nangyari bang hindi maganda sa loob ng Villamonte?” Saglit na napakurap si Drick, bahagyang pinawisan ang kanyang sentido. “H-huh? W-wala naman, Madam Beth… gusto ko lang makasiguradong ligtas kayo rito.” Medyo nanginginig pa ang tinig niyang puno ng kaba habang sinasabi iyon. Sabay na lang itong nagpaalam kay Aling Beth, na para bang pilit iniiwas ang kanyang mga mata upang hindi mahalatang may tinatakasan. “Aalis na po ako… pinuntahan ko lang kayo para malaman
“Roxane! Roxane… nasaan ka?!” tawag ni Dark sa kadiliman, bakas sa boses niya ang kaba at pag-aalala. Maging ang mga tauhan nila ay biglang na-alerto nang tuluyang mawala ang ilaw, nagkakagulo at nagsisigawan. May mga nabangga sa mesa, may mga nadapa, at ang iba’y agad naglabasan ng flashlight. “May nakapasok!” sigaw ni Drick, habol ang hininga habang pilit sinusundan ang aninong mabilis na gumalaw sa dilim. Ang sinag ng ilaw na hawak niya’y saglit lang dumapo sa anino bago ito muling naglaho. “Banda rito!” muling sigaw ni Drick, mas mariin na ngayon, dahilan para kumaripas ng takbo ang mga tauhan ng Villamonte. Ang mga yabag nila’y nag-uunahan, nagsasalpukan pa ang iba sa pagmamadali. Si Dark naman ay napatakbo na rin palabas. Kahit kinakapa niya ang dilim, ramdam ang pawis at mabilis na tibok ng puso, ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay mahanap si Roxane. “Anong nangyayari?!” sigaw ni Mr. Nathaniel, halos mabingi ang lahat sa lakas ng kanyang boses habang nagkakagulo a
Buntis din ako, “bakit?!” sigaw pa rin ng isip ni Levie sa mga oras na ito kahit kanina pa tapos ang usapan nila. Habang si Mrs Vellama ay panay ang reklamo niya sa nangyari. “Nakakahiya ang ginawa ng katulong na iyon!” mariing bulong ni Mrs. Vellama sa sarili, halos manggalaiti sa inis. “Akala mo kung sinong makapagsalita—wala namang breeding! Tama ba namang sabihan niya ng ganyan ang pamilya Sebastian?!” Hindi pa nakuntento, tumingala siya nang bahagya, sabay taas ng kilay. “Kung ako lang masusunod, pinaalis ko na ‘yang babae na ‘yan sa pamamahay na ito. Aba’y mas matindi pa sa may-ari kung umasta, eh isang hamak na katulong lang naman!” Nakatikom ang labi pero halata ang pang-uuyam sa tono. “Hindi ko talaga matanggap! Para bang siya pa ang may karapatang magdikta kung sino ang dapat paniwalaan at kung sino ang dapat igalang. Nakakatawa!” Napailing si Mrs. Vellama, nanlilisik ang mata. “Kung ganyan na ang asal niya ngayon, paano pa kaya kung tuluyan siyang manganak baka mag