LOGINSi Elicia Gracia ay isang matapang at matalinong babae na may malinaw na prinsipyo: hindi siya nagpapadala sa mga lalaking sinungaling o magnanakaw. Ngunit ang kanyang mundo ay magugulo nang makilala niya si Roxiel—a misteryosong lalaking nakamaskara, kilala bilang isa sa pinakakilalang magnanakaw sa bayan, ngunit may lihim na layunin na higit pa sa kanyang sariling kapakinabangan.
Sa bawat galaw ni Roxiel, mas lumalalim ang pagkakakilala ni Elicia sa kanyang pagkatao—at sa bawat lihim na unti-unting nabubunyag, nahuhulog ang puso niya, kahit alam niyang delikado ang taong iyon. Ngunit paano haharapin ni Elicia ang kanyang damdamin para sa isang lalaki na nasa mundo ng pandarambong at kasinungalingan? Si Roxiel, sa kabilang banda, ay hindi sanay na may babaeng ganito katapang at matalinong kumontra sa kanya. Ang babaeng ito ang nagiging sanhi ng unang tunay na kilig at pag-aalinlangan sa kanyang puso. Ngunit sa mundo niya, hindi lahat ng lihim ay ligtas, at bawat galaw niya ay may kaakibat na panganib. Habang ang kanilang damdamin ay unti-unting sumisiklab, may mga puwersa sa paligid na naglalayong sirain hindi lang ang kanilang relasyon, kundi pati ang kanilang buhay. Sino ang tunay na kaibigan, sino ang kaaway? At hanggang saan kayang itago ni Roxiel ang kanyang misteryo, bago tuluyang masira ang tiwala ni Elicia? Sa kwentong ito, ang bawat chapter ay puno ng suspense, kilig, at misteryo—isang paglalakbay sa pagitan ng panganib at pag-ibig. Sino ang mananaig: ang lihim ng magnanakaw o ang tibok ng pusong nahuhulog sa tamang tao sa maling panahon?Pagkasarado ng pinto, napaupo si Roffana sa malamig na sahig. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pinipigil ang pag-iyak na matagal na niyang nilulunok. “Hayop ka, Max…” mahinang bulong niya, puno ng poot at pagod. “Hindi mo alam kung gaano mo akong winasak.” Ngunit sa gitna ng galit, may gumuguhit na kakaibang kaba sa kanyang dibdib—parang may lihim na kumakapit sa loob niya. Ilang araw na rin siyang balisa, nahihilo, at madalas masuka. Akala niya’y stress lang dulot ng nangyari, pero ngayong tahimik na ang paligid, naririnig niya ang malakas na tibok ng puso niya—tila may gustong sabihin. Lumipas ang mga oras. Gabi na nang hindi na niya mapigilan ang kutob. Isinukbit niya ang kanyang lumang jacket, nagtakip ng sumbrero, at lumabas ng boarding house. Malamig ang hangin habang naglalakad siya sa makitid na kalsada patungong kabilang bayan. Bawat yapak niya ay mabigat, parang kinukundena ng budhi. Pagdating sa botika, halos hindi siya makatingin sa cashier. “Isa pong pregna
Kinabukasan, bumalik sa tila normal na ritmo ang buhay ni Roffana at Ninong Gerry. Parang walang nangyari kagabi, pero sa bawat tinginan nila, may apoy na hindi na muling namatay. Lalo na tuwing magtatama ang kanilang mga mata — may kakaibang alon ng init at guilt na sabay na gumigising sa puso ni Roffana.Isang umaga, nadatnan niya si Gerry sa sala, inaayos ang mga libro’t kagamitan nito. Tahimik lang siya, pero napansin niyang may kakaibang saya sa mukha ng lalaki.“Roffana,” sabi ni Gerry, mahinahon ngunit may bahid ng panghihinayang sa tinig, “ilang araw akong mawawala. Kailangan kong sumama sa field trip ng mga estudyante sa Volcano Marvol. Doon ko ipapaliwanag ang tungkol sa geothermal site. Pero babalik din agad ako, ha?”Tumango si Roffana, pilit na nakangiti. “Sige po, Ninong. Ingat po kayo.”Ngunit habang sinasabi niya iyon, parang may pinitas na parte sa puso niya.Nang tumalikod na si Gerry para ayusin ang mga dokumento, hindi niya napigilan ang sarili.“Ninong…” mahina ni
Kinabukasan, hindi nagising si Roffana sa tunog ng alarm. Mabigat ang kanyang mga talukap, parang binuhusan ng malamig na hangin ang kanyang buong katawan. Masakit ang ulo niya, at ang init na bumabalot sa kanyang balat ay tila apoy na ayaw mapawi.Nilingon niya ang paligid ng kwarto. Madilim pa, pero hindi na siya makatulog. Ang nangyari kagabi ay parang pelikulang paulit-ulit na ipinapalabas sa isip niya. Ang boses ni Max, ang kanyang ngiti, ang paraan ng pagkasira ng kanyang dignidad — lahat iyon ay nakatatak sa kanyang alaala.Ayaw niyang bumangon. Ayaw niyang humarap sa mundo. Lalo na kay Ninong Gerry.“Hindi ko kayang makita siya,” bulong niya habang pinipigilan ang luha. “Hindi ko kayang itago ang hiya na ‘to.”Sa kabilang banda ng lungsod, maagang pumasok si Max. Nakaupo siya sa bench sa labas ng silid, nakatingin sa pinto. Tahimik. May halong kaba at pag-asa sa mukha.“Tiyak kong darating siya,” mahina niyang sabi sa sarili. Ngunit habang lumilipas ang oras, unti-unting nabur
Max, natahimik si Roffana. Ang mga salita nito ay tila naglalagablab sa hangin, sinusunog ang natitirang dignidad na pilit niyang pinanghahawakan. “Hindi mo alam kung ano’ng sinasabi mo, Max,” garalgal niyang sabi, pilit pinatatag ang tinig kahit nanginginig ang kanyang katawan. Ngunit ngumiti lamang si Max—isang ngiting puno ng kapangyarihan. “Alam ko, Roffana. At alam ko rin kung gaano mo kamahal si Ninong Gerry. Gano’n mo rin ba siya kamahal para ipagpalit ang sarili mo?” Napaatras siya, pero sinalubong siya ng malamig na pader. Ang liwanag mula sa bintana ay tumama sa mukha ni Max, at sa sandaling iyon, parang dalawang magkaibang mundo ang nagbanggaan—ang isa, puno ng pangamba; ang isa, puno ng kasakiman. “Walang mangyayari, Max,” mahina niyang sabi. “Hindi mo ako magagamit.” Lumapit si Max, mabagal ngunit tiyak. Ang bawat hakbang niya ay parang dagundong ng tambol sa dibdib ni Roffana. “Hindi ko kailangang gamitin ka, Roffana,” anito, halos bulong. “Ikaw mismo ang magpapas
Pagdating ni Roffana sa boarding house, tila gumuho ang mundo sa kanyang mga balikat. Bawat hakbang sa pasilyo ay isang alon ng kaba, ang tunog ng kanyang takong ay nagpapaalala sa kanyang magulong isipan. Hindi siya mapakali. Ang mga salita ni Max ay paulit-ulit na naglalaro sa kanyang ulo, isang sirang plaka na ayaw tumigil. "Ang halik na nakita ko... anong tawag mo ro'n?" Napapikit siya, hinigpitan ang hawak sa kanyang bag, pilit na pinapakalma ang sarili. Pagbukas niya ng pinto ng kanyang kwarto, bigla siyang napatigil. Nandoon si Ninong Gerry. Tahimik itong nakaupo sa sofa, nakasandal, ngunit mabigat ang titig. Wala sa mukha nito ang karaniwang kalma—ang mga mata niya'y malamlam, puno ng pagdududa. Sa pagitan ng katahimikan, tanging maririnig ang mahinang pag-ikot ng electric fan at ang mabilis na tibok ng puso ni Roffana. "Ni—Ninong..." halos pabulong niyang sabi. "Magpapaliwanag ako ninong?" Tumayo si Gerry, mabagal, ngunit ramdam ni Roffana ang bigat ng bawat hakbang ni
Pagkasara ng pinto ng café, kasabay ng paglabas ni Ninong Gerry, parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Tanging mabilis na tibok ng puso ni Roffana ang naririnig niya. Para siyang nilamon ng hangin—hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Nakatingin pa rin sa kanya si Max, kampante, nakangiti, parang walang nangyaring masama. “Hoy,” bulong niya, nanginginig ang boses, “ano ‘yong ginawa mo?” Umiling si Max, bahagyang ngumiti pa. “Relax, Roffana. Sinabi ko lang naman ‘yong totoo.” “Totoo?!” halos pasigaw niyang sagot, sabay tayo mula sa upuan. Tumama pa ang tuhod niya sa mesa, dahilan para mapatingin sa kanila ang ibang tao. “Anong totoo, Max? Kailan pa tayo naging tayo?” Tumayo rin si Max, hindi nawawala ang kumpiyansa sa mukha. “Hindi mo pa ba nararamdaman? Hindi mo ba nakikita kung paano kita tinitingnan, kung paano ka protektahan ni Tito Gerry? Alam kong gusto mo rin ako, Roffana. Hindi mo lang kayang aminin.” Napailing siya, halos mapaluha sa galit. “Hindi mo alam







