Home / Romance / ANG LALAKING BUMILI NG ORAS KO / Kabanata 2: ANG LIHIM SA LIKOD NG KASUNDUAN

Share

Kabanata 2: ANG LIHIM SA LIKOD NG KASUNDUAN

Author: MarielAna
last update publish date: 2026-11-02 09:19:00

POV: Tasha Montes

Ilang beses kong binasa ang mensaheng natanggap ko kagabi.

Think carefully, Tasha Montes. Hindi mo kilala ang lalaking pinaplano mong pakasalan.

Hindi ko alam kung sino ang nagpadala nito o kung paano niya nakuha ang numero ko. Mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit tila may nagbabala sa akin tungkol kay Damian.

Isang bagay lang ang sigurado ako: may hindi ako alam tungkol sa lalaking iyon.

At marahil, iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog nang maayos.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Umaasa akong magiging abala ako sa trabaho para makalimutan ang lahat.

Pero tila may sariling plano ang tadhana.

“Good morning, Miss Montes.”

Napalingon ako.

Nakatayo sa likuran ko si Damian, hawak ang itim niyang coat at isang folder.

“Good morning, Sir.”

“May problema ka ba?”

Umiling ako. “Wala naman po.”

“Then why do you look like you haven't slept?”

Napangiti ako nang pilit.

“Baka po dahil sa dami ng iniisip.”

“Work-related?”

“Personal po.”

Hindi na siya nagtanong. Pumasok siya sa opisina at iniwan akong nagtataka kung bakit parang napakadali para sa kanya na basahin ang ekspresyon ko.

Makalipas ang ilang minuto, tinawag niya ako.

“Coffee.”

Agad akong tumayo at inabot ang tasa sa mesa niya.

“Thank you.”

“Sir, may itatanong lang po sana ako.”

Hindi siya tumingin mula sa binabasang dokumento.

“Go ahead.”

“May mga taong galit po ba sa inyo?”

Dahan-dahan niyang ibinaba ang papel.

“Marami.”

“Bakit po?”

“Because I don't give people what they want.”

Napakunot ang noo ko.

“Hindi po ba kayo natatakot na may gumawa sa inyo ng masama?”

Bahagya siyang ngumiti.

“Are you worried about me, Miss Montes?”

Napatigil ako.

“Hindi po. Curious lang.”

“Good. Keep it that way.”

Muli siyang bumalik sa trabaho.

Napabuntong-hininga ako. Ang hirap kausap ng lalaking ito. Para akong laging nasa pagsusulit na walang tamang sagot.

Pagsapit ng tanghali, habang inaayos ko ang mga dokumento sa conference room, biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown Number.

Huwag kang pumirma sa kasunduan. Hindi ka niya minamahal at hindi ka niya kailanman mamahalin.

Napahawak ako sa cellphone.

Sino ba ang taong ito?

Bago pa ako makasagot, may sumunod na mensahe.

Tanungin mo siya tungkol kay Isabella.

Isabella?

Hindi ko kilala ang pangalang iyon.

“Miss Montes.”

Halos mabitawan ko ang cellphone nang marinig ang boses ni Damian.

Mabilis ko itong itinago sa bulsa.

“Sir!”

“Ano ang ginagawa mo?”

“Inaayos ko po ang mga dokumento.”

Tumingin siya sa hawak kong folder.

“Upside down.”

Napatingin ako sa folder.

At tama nga siya.

Gusto kong lamunin ako ng sahig.

“Sorry po.”

Hindi siya nagsalita. Sa halip, lumapit siya at kinuha ang folder mula sa mga kamay ko.

“Something is bothering you.”

“Wala po.”

“Tasha.”

Iyon ang unang pagkakataong tinawag niya ako sa pangalan ko nang walang kasunod na apelyido.

“Kung may problema ka, sabihin mo.”

Napatingin ako sa kaniya.

Gusto ko sanang itanong kung sino si Isabella. Pero paano kung lalo lamang akong mapasok sa gulong hindi ko naman dapat pakialaman?

“Wala po talaga, Sir.”

Ilang segundo niya akong tinitigan bago tuluyang umalis.

Bandang alas-tres ng hapon, dumating si Jelo kasama ang ama nito.

“Tita Tasha!”

Agad akong sinalubong ng bata.

“Hello, Jelo!”

“Miss na kita!”

“Miss din kita.”

Napangiti ako nang makita siyang may dalang maliit na paper bag.

“For you!”

“Ano ito?”

“Cookies! Ako po ang pumili.”

“Thank you, sweetheart.”

Lumapit ang ama niya at ngumiti.

“Ako nga pala si Adrian, kuya ni Damian.”

“Nice to meet you po, Sir Adrian.”

“Adrian na lang. Huwag mo akong sir.”

Tumawa ako.

“Bakit nandito kayo?” tanong ni Damian na kalalabas lang mula sa opisina.

“Dadalhin ko sana si Jelo sa bahay mo. May meeting ako mamaya at hindi ko siya maisasama.”

“Hindi ako babysitter.”

“Good thing, may sekretarya ka.”

Napatingin silang dalawa sa akin.

“Don't even think about it,” malamig na sabi ni Damian.

Ngumisi si Adrian.

“Too late. Mukhang gusto na siya ni Jelo.”

“Uncle, puwede bang si Tita Tasha ang maghatid sa akin mamaya?”

“Hindi.”

“Please?”

“No.”

“Please, Uncle!”

Napailing si Damian.

“Jelo, stop.”

Napatawa ako sa kanilang dalawa.

Hindi ko inaasahang may ganitong bahagi pala si Damian. Sa harap ng ibang tao, malamig at seryoso siya. Pero kapag si Jelo ang kausap, halatang nahihirapan siyang tumanggi.

Bago umalis si Adrian, lumapit siya sa akin.

“Take care of yourself, Tasha.”

“Thank you po.”

Sandali siyang tumingin kay Damian.

“At ikaw, kapatid, huwag mong gawing komplikado ang lahat.”

Hindi sumagot si Damian.

Pero napansin kong nagbago ang ekspresyon niya.

Nang matapos ang trabaho, nagulat ako nang makita si Damian na naghihintay sa labas ng opisina.

“Miss Montes. We're leaving.”

“Saan po?”

“Dinner.”

Napatingin ako sa relo ko.

“May meeting pa po ba tayo?”

“Wala. May kailangan tayong pag-usapan.”

Hindi ako nakatanggi.

Ilang minuto kaming nagbiyahe bago huminto ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.

Tahimik ang buong biyahe. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya, ngunit palagi siyang nakatingin sa labas ng bintana.

Pagkaupo namin sa isang pribadong mesa, agad niyang inilabas ang isang folder.

“The agreement.”

Napatingin ako sa dokumento.

“Sir, hindi ko pa po napagdedesisyunan.”

“That's why we're here.”

Huminga ako nang malalim.

“May gusto po akong itanong.”

“Ask.”

“Sino si Isabella?”

Biglang tumigil ang kamay niyang nag-aayos ng mga papel.

Iyon ang unang pagkakataong nakita kong nawala ang pagiging kalmado niya.

“Where did you hear that name?”

“May nag-message po sa akin.”

“Anong sinabi?”

“Na huwag akong pumirma sa kasunduan. At kailangan ko raw kayong tanungin tungkol sa kaniya.”

Ilang segundo siyang hindi nagsalita.

Pagkatapos ay isinara niya ang folder.

“Stay away from whoever is messaging you.”

“Pero sino po si Isabella?”

“Someone from my past.”

“May kinalaman po ba siya sa kasal na ito?”

Tumingin siya sa akin.

“Not anymore.”

Hindi ako kumbinsido sa sagot niya.

“Sir, kung may problema po kayo, mas mabuting sabihin ninyo sa akin bago ako pumirma. Hindi ko gustong mapasama sa isang bagay na hindi ko naiintindihan.”

Matagal niya akong tinitigan.

“Isabella was supposed to be my wife.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.

“Supposed to be?”

“She left.”

“Bakit?”

“That's enough, Tasha.”

Napayuko ako.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot. Wala naman akong karapatang masaktan. Hindi ko siya nobyo, at hindi ko rin siya mahal.

At least, iyon ang sinasabi ko sa sarili ko.

Pagbalik namin sa opisina, iniabot niya sa akin ang isang maliit na envelope.

“Ano po ito?”

“Advance payment. Para sa oras na gugugulin mo sa pag-iisip tungkol sa alok ko.”

Binuksan ko iyon at nakita ang tseke.

Napasinghap ako nang makita ang halaga.

“Sir, sobra naman po ito.”

“It's part of the arrangement.”

“Hindi ko pa po tinatanggap ang alok ninyo.”

“Then consider it compensation for the inconvenience.”

Ibinalik ko ang envelope.

“Hindi ko po kailangan ng perang hindi ko pa pinaghihirapan.”

Bahagyang nag-iba ang tingin niya sa akin.

“Most people wouldn't refuse this.”

“Hindi po ako most people.”

Sa pagkakataong iyon, ngumiti siya.

“I'm beginning to notice that.”

Tahimik akong tumayo at kinuha ang bag ko.

“Good night, Sir.”

“Tasha.”

Lumingon ako.

“Tomorrow, I want your answer.”

Tumango ako bago tuluyang lumabas.

Pagdating ko sa bahay, agad kong kinuha ang cellphone ko.

May panibagong mensahe.

Alam kong nakilala mo na ang pangalan ni Isabella.

Nanlamig ang mga kamay ko.

Sumunod ang isa pang mensahe.

Hindi siya basta basta umalis kay Damian. May dahilan kung bakit niya iniwan ang lalaking iyon.

Bago ko pa mabasa ang kasunod, may tumawag sa akin.

Unknown Number.

Sinagot ko iyon.

“Hello?”

Ilang segundo ng katahimikan ang sumunod.

Pagkatapos ay isang babaeng boses ang narinig ko.

“Hello, Tasha. I'm Isabella.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Isabella?”

“May kailangan akong sabihin sa iyo bago ka tuluyang pumayag na maging asawa ni Damian.”

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.

“Ano po iyon?”

Huminga nang malalim ang babae.

“Hindi ka niya pinili dahil mapagkakatiwalaan ka lang. Pinili ka niya dahil may kailangan siyang patunayan sa pamilya niya.”

“Ano pong ibig ninyong sabihin?”

Bumaba ang boses niya.

“Kapag nalaman mo ang totoong dahilan kung bakit kailangan niyang magpakasal sa loob ng isang taon, maiintindihan mong hindi pag-ibig ang naghihintay sa iyo sa bahay na iyon.”

Tuluyan akong natigilan.

At bago pa ako makapagtanong, binigkas niya ang huling mga salita.

“Mag-ingat ka kay Damian, Tasha. Dahil minsan na niyang sinira ang buhay ng babaeng pinangakuan niyang pakakasalan.”

Naputol ang tawag.

Nakatitig lang ako sa cellphone habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Isabella.

Kinabukasan, kailangan kong magbigay ng sagot kay Damian.

Ngunit ngayon, mas marami na akong tanong kaysa dati.

At ang pinakakinatatakutan ko ay baka ang lalaking inalok kong pagkatiwalaan ay siya palang taong dapat kong iwasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG LALAKING BUMILI NG ORAS KO   KABANATA 115: ANG ORAS NA HABAMBUHAY KONG IBIBIGAY

    POV: TASHA Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming pagsubok, tahimik ang umagang sumalubong sa akin.At nasa tabi ko, naroon ang lalaking minsang bumili ng oras ko.Si Damian Alejandro Gillette.“Bakit nakatitig ka sa akin?” tanong niya habang nakapikit pa ang mga mata.Napangiti ako.“Wala lang. Tinitingnan ko kung totoong payapa na ang buhay natin.”Dahan-dahan siyang dumilat at hinila ako palapit sa kanya.“Kung hindi pa, sisiguraduhin kong magiging payapa na.”“Paano kung may panibagong problema?”“Harapin natin.”“Paano kung may sumubok na namang sirain ang pamilya mo?”“Hindi na nila tayo madaling matatalo.”Hinalikan niya ang aking noo.“Pero sa ngayon, wala muna tayong iisipin. Nangako akong ilalayo kita sa lahat ng gulo.”Napakunot-noo ako.“Sandali. Saan mo naman ako dadalhin?”Ngumiti siya.“Sa lugar kung saan walang tumatawag sa akin bilang presidente ng Gillette Group.”“Talaga?”“Tal

  • ANG LALAKING BUMILI NG ORAS KO   KABANATA 114: ANG PAGPAPATAWAD AT BAGONG SIMULA

    POV: Tasha May kakaibang gaan akong naramdaman nang umagang iyon. Matapos ang ilang araw na puno ng pag-aalala, pagbabanta at mga lihim na unti-unting nabubunyag, sa wakas ay tila nakikita na namin ang katapusan ng lahat ng kaguluhan.Nasa kusina ako at naghahanda ng almusal nang dumating si Damian.“Magandang umaga, maganda kong asawa.” Napangiti ako nang halikan niya ang aking pisngi.“Magandang umaga. Mukhang maganda ang gising mo ngayon.”“Syempre naman. Wala na akong kailangang habuling kalaban ngayong umaga.”Natawa ako.“Sigurado ka? Baka may bigla na namang lumitaw na problema.”Umiling siya at niyakap ako mula sa likuran.“Please, Tasha. Hayaan mo muna akong maging masaya. Ilang araw din akong hindi nakakatulog nang maayos.”Humarap ako sa kanya.“Ang mahalaga, ligtas ka at ligtas ang pamilya natin.”Hinalikan niya ako sa noo.“At yan ang importante, Mahal ko.”Bandang alas-diyes ng umaga, nagtungo kami ni Damian

  • ANG LALAKING BUMILI NG ORAS KO   KABANATA 113: ANG PAGBAGSAK NG TUNAY NA KAAWAY

    POV: Tasha “Siguraduhin mong makukuha natin ang mga dokumento. Hindi ako papayag na mawala ang ebidensiyang iyon. At Marco, huwag mong hayaang makalapit si Ricardo sa pamilya ko.”Pagkababa niya ng tawag, lumapit ako.“Hindi ka na naman natulog nang maayos?”Napalingon siya at ngumiti nang bahagya.“Sorry, mahal. Marami lang akong iniisip.”Hinawakan ko ang kamay niya.“Damian, ilang araw na nating pinag-uusapan ang problemang ito. Kailangan mo ring alagaan ang sarili mo.”“Alam ko. Pero ito na ang huling pagkakataon para tuluyan nang matapos ang lahat.”“May tiwala ako sa iyo. Alam kong malalampasan mo ito.”Hinalikan niya ang noo ko.“Thank you for believing in me.”Bandang alas-nuwebe nang dumating kami sa Gillette Group. Nandoon na si Lousiano at si Marco sa opisina ni Damian.“May balita na ba?” tanong agad ni Damian.Tumayo si Marco at inilapag ang isang folder sa mesa.“Sir, natunton na namin ang pinagtata

  • ANG LALAKING BUMILI NG ORAS KO   KABANATA 112: ANG HULING LIHIM NG PAMILYANG GILLETTE

    POV: Tasha “Damian, sino ba talaga si Vanessa sa dokumentong iyan?”Napabuntong-hininga siya bago isinara ang folder.“Si Vanessa ang babaeng matagal nang may kaugnayan sa pamilya namin. Siya ang dating asawa ng tiyuhin kong si Robert. Pero ilang taon na silang walang komunikasyon sa pamilya.”“Bakit kasama ang pangalan niya sa kasunduan?”“Hindi ko rin alam. Kaya kailangan kong makausap si Gabriel.”Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan si Marco.“Marco, gusto kong makuha mo ang buong rekord tungkol kay Vanessa Gillette. Alamin mo kung ano ang kaugnayan niya kay Gabriel at kung bakit nakalagay ang pangalan niya sa kasunduan ng ama namin.”“Opo, Sir. Sisikapin naming makuha ang lahat ng impormasyon.”Pagkababa niya ng tawag, umupo ako sa tabi niya.“Damian, may gusto akong itanong.”“Ano iyon?”“Kung talagang anak ni Alejandro si Gabriel, bakit kailangan pa niyang gumawa ng paraan para sirain kayo ni Lousiano? Hindi ba m

  • ANG LALAKING BUMILI NG ORAS KO   KABANATA 111: ANG TUNAY NA KALABAN

    POV: Tasha Montes“Marco, nasaan na ang mga tauhan natin?” tanong ni Damian habang nakatayo sa harap ng malaking bintana ng kanyang opisina.“Nasa lokasyon na po sila, Sir. Kumpirmadong naroon si Arturo Medina at Ricardo Villareal. Nakatakda po silang makipagkita sa taong nagbibigay sa kanila ng mga utos.”“Good. Gusto kong makuha ang buong pagkakakilanlan ng taong yon. Huwag kayong kikilos hangga't hindi ninyo nakukumpirma ang lahat.”“Yes, Sir.”“Marco, may isa pa. Nakuha ba natin ang orihinal na dokumentong ipinakita nila sa direktor?”“Opo. Nasa laboratoryo na po ang kopya para masuri ang pagiging tunay nito.”Tumango si Damian.“Balitaan mo ako palagi.”Pagkaalis ni Marco, napansin kong napapikit ang asawa ko at marahang minasahe ang sentido.Lumapit ako sa kanya.“Damian, mukhang ilang araw ka nang hindi nakakatulog nang maayos.”“I'm fine, Tasha.”“Hindi ka okay. Nakikita ko kung gaano ka ka-stressed.”Hinawakan niy

  • ANG LALAKING BUMILI NG ORAS KO   KABANATA 110: ANG BABALANG GALING SA NAKARAAN

    POV: Tasha “May problema na naman ba?” tanong ko nang matapos siya sa pakikipag-usap. Napalingon siya sa akin at marahang napabuntong-hininga. “May bagong impormasyon si Marco tungkol kay Ricardo Villareal.” “Ano naman ang natuklasan nila?” “Nagkaroon daw ng lihim na pagpupulong si Ricardo at isang hindi pa nakikilalang lalaki dalawang araw bago magsimulang kumalat ang mga tsismis tungkol kay Lousiano.” “Siya ba iyong lalaking kasama sa CCTV?” Tumango siya. “Pero hindi pa rin matukoy kung sino ang lalaking iyon. Gumamit sila ng sasakyan na walang rehistradong pangalan sa kanilang database.” “Kung ganon, talagang pinaghandaan nila ang lahat.” “Exactly. At may isa pang bagay na mas nakakabahala.” “Ano iyon?” Tumingin siya sa akin. “May natanggap na banta si Lousiano kagabi.” Nanlaki ang mga mata ko. “Banta? Ano ang sinasabi?” “Isang anonymous message. Pinagbabantaan siyang huwag nang maghalungkat tungkol sa nakaraan ng pamilya namin.” Hindi ako agad nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status