LOGINPOV: Tasha Montes
Hindi ako nakatulog nang maayos buong gabi. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Isabella. Mag-ingat ka kay Damian, Tasha. Dahil minsan na niyang sinira ang buhay ng babaeng pinangakuan niyang pakakasalan. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya. Paano kung nagseselos lang siya dahil may ibang babaeng posibleng mapangasawa ang lalaking minsan niyang minahal? Pero paano kung totoo ang lahat? Kinabukasan, habang naghahanda ako para pumasok sa trabaho, nakatanggap ako ng panibagong mensahe. Please. Meet me today. I need to tell you everything. May kasamang address ng isang café. Ilang minuto akong nag-isip bago ako tuluyang nagpasiyang pumunta. Kailangan kong malaman ang katotohanan bago ako gumawa ng desisyon. Eksaktong alas-diyes ng umaga nang makarating ako sa café. Sa isang sulok, nakita ko ang babaeng nakasuot ng cream-colored dress. Mahaba ang buhok nito at may eleganteng tindig. Kahit simpleng damit lamang ang suot niya, halatang sanay siyang mamuhay sa marangyang mundo. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo. “Tasha?” “Opo. Kayo po si Isabella?” Tumango siya. “Please, sit down.” Umupo ako sa tapat niya. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag-uusap. Sa totoo lang, gusto ko siyang tanungin kung bakit kailangan pa niyang makialam sa buhay ko. “Thank you for coming,” panimula niya. “Gusto ko lang pong malaman kung bakit ninyo ako pinaghahanap.” Sandali siyang natahimik. “Because I don't want you to make the same mistake I did.” “Ano po ba ang nangyari sa inyo ni Damian?” Napatingin siya sa labas ng bintana. “Three years ago, engaged kami ni Damian. Mahal na mahal ko siya. Akala ko, kahit gaano siya ka-busy sa trabaho, magkakaroon pa rin kami ng magandang kinabukasan.” “Pero naghiwalay po kayo?” Tumango siya. “Hindi dahil nawala ang pagmamahal ko. Kundi dahil unti-unti kong naramdaman na wala akong lugar sa buhay niya.” Napakunot ang noo ko. “Paano po?” “Lahat ng bagay sa buhay niya ay kailangang may kontrol siya. Ang oras ko, mga desisyon ko, maging ang mga taong nakakasalamuha ko. Noong una, iniisip kong ginagawa niya iyon dahil mahal niya ako. Hanggang sa napagtanto kong hindi pala pagmamahal ang dahilan.” Hindi ako agad nakasagot. “Pero may iba pa po ba?” Napatingin siya sa akin. “May isang bagay na hindi mo dapat malaman mula sa akin, pero wala na akong ibang paraan para balaan ka.” Inilabas niya ang cellphone at ipinakita ang isang lumang litrato. Si Damian iyon, katabi ang isang matandang lalaki. “Lolo niya,” paliwanag niya. “Bago ito pumanaw, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan tungkol sa pamamahala ng kumpanya.” “Ano pong kinalaman nito sa kasal?” “May kondisyon ang pamilya nila. Kailangang magkaroon ng legal na asawa si Damian bago ang susunod na shareholders' meeting upang makuha niya ang buong kapangyarihan sa kompanya.” Napahawak ako sa tasa ng kape. “Kaya kailangan niya ng mapapangasawa.” “Yes. Pero may isa pang dahilan.” Tumingin siya nang diretso sa akin. “May taong gustong kunin ang posisyon niya. At gagamitin ng taong iyon ang kahit anong kahinaan ni Damian para mapatalsik siya.” “Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin ang lahat?” Mapait siyang ngumiti. “Because Damian doesn't trust easily.” Sandali akong natahimik. “May minahal po ba siyang iba pagkatapos ninyo?” Hindi agad siya sumagot. “Hindi ko alam. Pero may isang bagay akong natutunan sa kaniya. Kapag may gusto siyang makuha, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.” Tumayo siya at kinuha ang bag. “Please, think carefully before signing anything.” Bago siya tuluyang umalis, huminto siya sa tabi ko. “One more thing, Tasha. Huwag mong isipin na ikaw ang unang babaeng inalok niya ng ganitong kasunduan.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” Ngunit ngumiti lamang siya nang malungkot. “Ask Damian.” At iniwan niya akong puno ng mga tanong. Pagdating ko sa opisina, agad kong nakita si Damian na nakatayo sa harap ng malaking bintana. “Where have you been?” Napahinto ako. “May personal lang po akong inasikaso.” “During office hours?” “I'm sorry, Sir.” Humarap siya sa akin. “Were you with Isabella?” Nanlaki ang mga mata ko. “Paano ninyo nalaman?” “Because she called me.” Napayuko ako. “Gusto ko lang pong malaman ang katotohanan.” “Hindi mo kailangang makipagkita sa kaniya para malaman iyon. Maaari mo akong tanungin.” “Sinubukan ko na po. Pero lagi ninyo akong pinipigilang magtanong.” Ilang segundo siyang natahimik. “Then ask me now.” Huminga ako nang malalim. “Totoo po bang hindi ako ang unang babaeng inalok ninyo ng ganitong kasunduan?” Nawala ang kalmadong ekspresyon niya. “Sino ang nagsabi niyan?” “Hindi mahalaga kung sino. Ang mahalaga, totoo ba?” Lumapit siya sa mesa at inilapag ang hawak na folder. “May ilang taong naging bahagi ng buhay ko na hindi mo kailangang malaman.” “Pero kung magiging asawa ninyo ako, hindi ba dapat alam ko kung ano ang pinapasok ko?” Matagal niya akong tinitigan. “You're right.” Nagulat ako sa sagot niya. “Pero hindi lahat ng nakaraan ko ay handa akong ikuwento.” “Then I won't sign anything until I know the truth.” Tumango siya. “Fair enough.” Makalipas ang ilang oras, ipinatawag niya ako sa kaniyang opisina. May bagong dokumentong nakapatong sa mesa. “Binago ko ang ilang kondisyon ng kasunduan.” Lumapit ako at binasa ang mga nakasaad. May dagdag na probisyon tungkol sa kalayaan kong magpatuloy sa trabaho, pagkakaroon ng sariling bank account, at karapatang manatili sa hiwalay na kuwarto. May isa pang kondisyon na nakatawag ng pansin ko. Ang sinumang partido ay maaaring wakasan ang kasunduan kung mapatunayang nilabag ng kabilang panig ang mga napagkasunduang kondisyon. “Mas malinaw na ito,” sabi niya. “Bakit ninyo ginagawa ang lahat ng ito?” “Because I want you to understand that you have a choice.” Napatingin ako sa kaniya. “Paano kung tanggihan ko?” “Then I'll find another way.” “Hindi kayo magagalit?” Bahagya siyang ngumiti. “Should I?” Hindi ako nakasagot. Sa unang pagkakataon, nakita kong hindi niya ako tinitingnan bilang isang taong maaari niyang bilhin gamit ang pera. Sa halip, para bang hinihintay niya talaga ang magiging desisyon ko. Nang gabing iyon, umuwi akong dala ang bagong kasunduan. Matagal akong nakatitig sa dokumento. Hindi maliit na bagay ang pagpapakasal sa isang taong halos hindi ko kilala. Ngunit kung tatanggihan ko ang alok, mawawala ang pagkakataong mabayaran ang mga responsibilidad na matagal ko nang pinapasan. Hindi naman ako naghahanap ng prinsipe o mayamang asawa. Gusto ko lang ng pagkakataong magkaroon ng mas maayos na buhay. Kaya kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Nasa loob na si Damian nang kumatok ako. “Come in.” Pumasok ako at inilapag ang dokumento sa mesa niya. “Sir, may desisyon na po ako.” Tumingin siya sa akin. “And?” Kinuha ko ang panulat at nilagdaan ang kasunduan. Tasha Montes. Pagkatapos ay itinulak ko iyon sa harap niya. “I'm accepting your offer.” Matagal niyang tinitigan ang lagda ko bago siya tumingin sa akin. “Are you sure?” “Opo. Pero may isa akong kondisyon.” “Ano iyon?” “Gusto kong manatili akong Tasha Montes. Hindi ako magiging sunud-sunuran sa lahat ng sasabihin ninyo dahil lang asawa na ninyo ako.” Ilang segundo siyang natahimik. Pagkatapos ay kinuha niya ang panulat at nilagdaan ang dokumento. “Deal.” Iniabot niya ang kamay niya sa akin. “Welcome to the Gillette family, Mrs. Gillette.” Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang huling dalawang salita. Mrs. Gillette. Parang ang bilis naman yata ng lahat. Ngunit bago pa ako makapagsalita, tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon. “Yes, Mother?” Sandaling natahimik siya habang nakikinig. Then his expression changed. “What do you mean she's coming home?” Napatingin ako sa kaniya. “Today?” Ibinaba niya ang cellphone at tumingin sa akin. “There's a change of plans.” “Ano po iyon?” “Hindi na natin kailangang maghintay ng susunod na linggo para sa engagement announcement.” “Bakit po?” Lumapit siya sa mesa at kinuha ang susi ng sasakyan. “Because my mother wants to meet you tonight.” Napasinghap ako. “Tonight? Pero wala pa po akong naihahanda!” “You don't need to prepare anything.” “Sir, hindi po ganoon kadali iyon. First meeting ko po ito sa magiging biyenan ko!” Bahagya siyang ngumiti. “Relax, Tasha. She's not going to eat you alive.” “Mas nakakatakot po yata kung ngumiti siya habang hinuhusgahan ako.” Napatawa siya nang mahina. At sa unang pagkakataon, narinig ko ang totoong tunog ng kaniyang tawa. Ngunit hindi nagtagal ang sandaling iyon. Muli niyang tiningnan ang cellphone niya. May bagong mensahe mula sa kaniyang ina. Nabasa ko ang unang linya bago niya tuluyang isinara ang screen. Damian, I hope you know what you're doing. I already know who Tasha Montes is. Napatingin ako sa kaniya. Bakit parang kilala na ako ng magiging biyenan ko? At higit sa lahat… Bakit tila may alam ang buong pamilya Gillette tungkol sa akin na hindi ko pa mismo nalalaman?POV: Tasha “May problema na naman ba?” tanong ko nang matapos siya sa pakikipag-usap.Napalingon siya sa akin at marahang napabuntong-hininga.“May bagong impormasyon si Marco tungkol kay Ricardo Villareal.”“Ano naman ang natuklasan nila?”“Nagkaroon daw ng lihim na pagpupulong si Ricardo at isang hindi pa nakikilalang lalaki dalawang araw bago magsimulang kumalat ang mga tsismis tungkol kay Lousiano.”“Siya ba iyong lalaking kasama sa CCTV?”Tumango siya.“Pero hindi pa rin matukoy kung sino ang lalaking iyon. Gumamit sila ng sasakyan na walang rehistradong pangalan sa kanilang database.”“Kung ganon, talagang pinaghandaan nila ang lahat.”“Exactly. At may isa pang bagay na mas nakakabahala.”“Ano iyon?”Tumingin siya sa akin.“May natanggap na banta si Lousiano kagabi.”Nanlaki ang mga mata ko.“Banta? Ano ang sinasabi?”“Isang anonymous message. Pinagbabantaan siyang huwag nang maghalungkat tungkol sa nakaraan ng p
POV: Tasha Montes“Damian, bakit hindi ka pa nagpapahinga?” tanong ko.Sandali siyang tumingin sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa hawak niya.“May kailangan akong alamin, Tasha. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod nito.”“Hindi mo ba puwedeng ipagpatuloy bukas? Buong araw ka ring nagtrabaho.”“Alam kong nag-aalala ka, pero hindi ito simpleng tsismis lamang. May taong handang magbayad para sirain ang pangalan ni Lousiano. At kung nagawa niya iyon sa unang araw pa lang ng kapatid ko, hindi malayong may mas malaki pa siyang pinaplano.”Napabuntong-hininga ako.“Ang mahalaga, huwag mong hayaang lamunin ka na naman ng galit mo. Kailangan mong makapag-isip nang maayos.”Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.“That's why I need you beside me.”Hinalikan niya ang labi ko bago tuluyang itabi ang tablet.“Tomorrow, malalaman natin kung sino ang taong iyon.”KINABUKASAN SA KOMPANYA“Good mor
POV: Tasha MontesUnang araw ni Lousiano bilang Executive Vice President ng Gillette Group.Maaga pa lamang ay nakahanda na ang lahat ng kailangan niya. Suot niya ang isang mamahaling abong suit habang hawak ang mga dokumentong rerepasuhin niya para sa unang pagpupulong.“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Damian habang magkasama silang nag-aalmusal.Bahagyang ngumiti si Lousiano.“Kaunti. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil alam kong marami ang magdududa sa akin.”“Hayaan mo sila. Trabaho mo ang patunayan mo sa kanila at kung ano ang kaya mong gawin, hindi ang magpaliwanag sa bawat taong ayaw maniwala.”“Madali mong sabihin iyan. Ikaw ang presidente rito.”Napatawa si Damian.“Ganyan talaga kapag Gillette. Hindi mauubos ang mga taong may gustong sabihin.”Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Unti-unti nang nagkakaroon ng magandang samahan ang magkapatid. Kahit marami pa silang kailangang ayusin, masaya akong makita silang magkasama.
POV: Tasha MontesMaagang nagising si Damian kinabukasan. Abala siya sa pagbabasa ng mga dokumentong iniwan ni Lousiano habang ako naman ay naghahanda ng almusal para sa aming pamilya.“May mahalagang gagawin ka ba ngayon?” tanong ko nang makapasok siya sa kusina.Tumango siya at inilapag ang hawak na folder sa mesa.“May ipapahayag ako sa buong Gillette Group.”“May kinalaman ba iyon kay Lousiano?”“Oo. Gusto kong pormal na ipakilala siya sa publiko bilang kapatid ko. Hindi na kailangang itago pa ang pagkatao niya.”Napangiti ako.“Sigurado ka na ba? Alam mong maraming magtatanong tungkol sa kanya.”“Handa akong sagutin ang mga tanong nila. Hindi niya kasalanan na matagal siyang inilayo sa pamilya namin.”Umupo ako sa tabi niya.“At ano ang magiging posisyon niya sa kompanya?”Sandali siyang natahimik bago sumagot.“Gusto kong italaga siya bilang Executive Vice President ng Gillette Group.”Nagulat ako.“Executive Vice Pre
POV: Tasha MontesHindi pa man kami lubusang nakababawi sa pagkawala ni Don Alejandro, heto na naman at may panibagong taong dumating sa buhay ng pamilya Gillette.Si Lousiano Alejandro Gillette.Ang lalaking matagal nang binabanggit sa mga lihim na iniwan ng ama ni Damian. Ang nawawalang anak na sinasabing may karapatan din sa pangalan at yaman ng pamilyang Gillette.“Sigurado ka bang siya nga iyon?” tanong ni Damian kay Marco habang nakatayo kami sa loob ng mansiyon.“Opo, Sir. May dala siyang mga dokumentong nagpapatunay ng pagkakakilanlan niya. Nasa labas po siya at hinihintay ang inyong pahintulot.”Napatingin si Damian sa akin.“Gusto mo bang makilala siya ngayon?”Tumango ako. “Mas mabuting malaman natin kung sino talaga siya at kung bakit siya bumalik.”Huminga siya nang malalim bago tumango kay Marco.“Papuntahin mo siya rito.”Ilang sandali pa ay bumukas ang malaking pinto.Pumasok ang isang lalaking nasa edad trenta anyos. M
POV: Tasha MontesMaaga akong nagising nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Nakangiti akong humarap kay Damian at marahang hinaplos ang pisngi nito.“Good morning,” bulong ko.Hinalikan niya ang noo ko bago ngumiti. “Good morning, mahal ko.”Sa labas ng silid ay maririnig ang masasayang tawanan ng aming mga anak. Si Ethan ang unang bumangon at abala na naman sa paglalaro kasama sina Nathaniel at ang kambal.Matapos ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw, malaking bagay para sa amin ang simpleng umagang iyon. Wala munang mga bantang natatanggap. Wala munang mga taong nagmamasid sa amin. At higit sa lahat, magkakasama kaming lahat.“Sa wakas, nakakahinga na rin tayo nang maluwag,” sabi ko habang nakasandal sa dibdib ni Damian.Hinaplos niya ang buhok ko.“Deserve nating lahat ang ganitong kapayapaan. Gusto kong makabawi sa mga panahong hindi ko kayo nakasama.”“Ang mahalaga, nandito ka na.”Hinalikan niya ako sa labi. Ng







