MasukCHAPTER 21“Pitra, apo. Kung anuman ang laman ng puso at isipan mo, iyon ang sundin mo,” sambit ni Lola habang hinahaplos ang likod ko.Tumingin ako sa kaniya.“Lola, masama bang sabihin ko sa inyo na nagdadalawang-isip ako?” tanong ko.Umiling siya.“Hindi, apo. Karapatan mong mag-isip at magdesisyon kung ano ang gusto mong gawin.”Napatingin ako sa hawak kong sulat.“Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko. Masaya ba ako dahil nalaman kong may nanay pala ako, o dapat ba akong magalit dahil buong buhay niya akong pinaniwalang pamangkin niya lang ako?”“Maiintindihan ko kung magagalit ka, Pitra. Marami ka nang pinagdaanan dahil sa mga desisyon namin.”“Lola, bakit po ba hindi ninyo sinabi sa akin noon?”Napabuntong-hininga siya.“Dahil nangako ako sa nanay mo na hindi ko sasabihin ang totoo hangga't hindi pa tamang panahon.”“Pero Lola, hindi ko naman po maintindihan kung bakit kailangan pang umabot sa ganito. Kung gusto niya akong protektahan, bakit kailangan niya akong saktan?
Chapter 20 Sunod kong kinuha ang nakatiklop na papel at dahan-dahang binuksan. Pero bago ko pa tuluyang mabasa ang nakasulat, napatingin ako kay Lola. “Lola…” “Ano, apo?” “Bakit po kaya may bank card na nakapangalan sa akin?” Napakunot-noo rin siya. “Basahin mo muna ang sulat, apo.” Huminga ako nang malalim. At sinimulan kong basahin ang bawat salitang nakasulat doon. Hindi ko alam na ang laman ng sobre na iyon ay hindi lamang basta pera. Kundi isang lihim na matagal nang itinago sa akin. Isang katotohanang magpapabago sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Naupo ako sa sofa habang hawak ang puting sobre na ibinigay sa akin ni Aling Marites.Katabi ko si Lola na matamang nakatingin sa akin.“Buksan mo na, apo. Nang malaman na natin kung ano ang laman niyan,” sambit niya.Tumango ako.Dahan-dahan kong inilabas ang nakatiklop na papel. May kasama rin itong isang bank card na nakapangalan sa akin.Napakunot-noo ako.Bakit may bank card na nakapangalan sa akin?Hindi na ako nag-aksay
CHAPTER 19Huminto ang bus at agad na bumukas ang pinto.Napalingon ako kay Lola.“Lola, bakit kaya pinara ni Aling Marites ang bus? Pupunta rin kaya siya sa Maynila?” tanong ko.“Aba, ewan ko, apo,” sagot ni Lola habang nakatingin din sa labas.Bago pa ako nakapagsalita, narinig ko na ang malakas niyang pagtawag.“PITRA!”Napatingin ako sa pintuan ng bus.“Pitra! Sandali!”Dali-dali akong tumayo at lumapit sa may pintuan.“Bakit po, Aling Marites?”Halatang hinihingal siya sa kakamadali. May hawak siyang isang puting sobre na agad niyang iniabot sa akin.“Buti at naabutan pa kita! Heto!”Napatingin ako sa sobre.“Ano po ito, Aling Marites?”“Doon mo na lang buksan kapag nakarating na kayo sa Maynila. Mag-iingat kayo roon.”Napakunot-noo ako.“Pero ano po ba ang laman nito?”Umiling siya.“Basta, itago mo muna. Huwag mong bubuksan ngayon.”Tiningnan ko ulit ang puting sobre.Parang may kung anong kaba akong naramdaman.Bakit naman kailangan pang mag-abala ni Aling Marites para habulin
CHAPTER 19Pitra POVMaaga akong nagising kinabukasan.Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw, gising na gising na ang diwa ko. Hindi dahil may maniningil ng utang o may sisigaw na naman sa pangalan ko, kundi dahil alas-singko ang alis namin ni Lola patungong Maynila.YES! FINALLY!Bagong buhay na talaga!Agad akong bumangon at inayos ang mga gamit namin. Kahapon pa ako nag-impake, kaya ilang minuto na lang ay handa na ang lahat.May dalawang maleta kami, isang malaking bag, at isang maliit na supot na naglalaman ng mga pagkain para sa biyahe.Hindi puwedeng walang baon!Hindi naman kami mayaman para bumili nang bumili sa mga terminal. Mas mabuting magdala ng sariling pagkain. Tipid na, busog pa!“Lola! Gising na po kayo?” tawag ko habang inilalagay ang huling damit sa maleta.“Opo, apo. Gising na ako,” sagot niya mula sa kama.Agad akong lumapit at inayos ang unan niya.“Ready na po ba kayong umalis?”Napangiti siya.“Mas excited ka pa yata kaysa sa akin.”“Of course naman po! Ilang t
CHAPTER 17"Tes, may isa pa akong hiling," sambit ko habang nakatingin kay Marites."Ano iyon?"Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita."Please, huwag mong ipaalam kay Semon ang tungkol sa perang nasa bangko. Pati na rin ang tunay na pagkatao ni Pitra. Ayokong guluhin niya ang anak ko."Nawala ang dating mahinahong ekspresyon ni Marites."Si Semon? Bakit naman niya guguluhin si Pitra?"Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko."Marami kang hindi alam, Tes.""Kung ganoon, sabihin mo sa akin."Napatingin ako sa kanya. Ilang sandali akong nagdalawang-isip bago tuluyang nagsalita."Si Semon ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto naming dalhin ni Nanay si Pitra sa Manila."Kumunot ang noo niya."Akala ko ba para magkaroon siya ng magandang buhay?""Iyon din. Pero hindi lang iyon."Napabuntong-hininga ako."Matagal ko nang napapansin ang kakaibang tingin ni Semon kay Pitra. Noong una, inisip kong baka nagkakamali lang ako. Baka normal lang na tingin ng isang lalaki sa isang mag
Chapter 16 "Ngayon, ano ang gagawin mo? Bukas ay aalis na sila patungo sa Manila," ani Marites habang nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan. "Alam ko. 'Yun ang plano namin ni Nanay. Pero hindi alam ni Nanay na may sakit ako." "Pangbihirang babae ka talaga!" Iling nitong sabi. "May sakit ka na nga, pero mas iniisip mo pa kung paano mo mapapahirapan ang buhay ng anak mo." Napatingin ako sa kanya. "Marites!" "Ano? Hindi ba totoo? Ilang taon mong pinahirapan si Pitra. Tinawag mong pabigat, malas, at kung anu-ano pang masasakit na salita. Ngayon, gusto mo pang itago sa kanya ang sakit mo?" Napayuko ako dahil alam kong tama siya. Wala akong karapatang magalit sa mga sinasabi niya dahil alam kong ako mismo ang gumawa ng lahat ng iyon. "Natakot lang ako," mahina kong sagot. "Sa ano? Na malaman niyang may sakit ka? O na baka hindi ka na niya patawarin kapag nalaman niyang ikaw pala ang tunay niyang ina?" Napapikit ang mga mata ko ng mariin dahil parehong







