Mag-log inMALALIM NA ANG GABI ngunit nanatiling gising si Grayson. Kasalukuyan siyang nasa maliit na veranda ng kuwarto nila ni Tatia habang hawak sa kamay ang nakalatang beer. 'I'm getting married... 'Tila sirang plaka na paulit-ulit na umi-echo sa isipan ni Grayson ang mga salitang iyon ni Elijah. Tatlong salita ngunit tila katumbas niyon ang buong buhay niya. Masakit. Sobrang sakit. Parang nadurog ang buo niyang pagkatao. Shit, ganoon din ba ang naramdaman ni Elijah nang malaman nitong ikakasal na sila ni Tatia? Umiyak din ba ito kagaya niya? Because damn yes, lalaki siya pero hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha nang tuluyang mag-sink in sa kanyang isipan ang sinabi ng babae. Damn but who would have thought that he'll fell for Elijah this much? And that her marriage will be the death of him. Hindi niya kaya. Pero ano ang karapatan niyang masaktan? Siya ang pumili ng sitwasyon niya ngayon. He chose Tatia over Elijah. Isang walang buhay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni G
"COME AGAIN, CLAYTON LARDIZABAL?" Humugot ng malalim na buntong-hininga si Clayton habang hinihilot ang sariling sentido. Kahit kailan talaga ay napaka-OA ng Nanay niya pagdating sa kanya. Na para bang palagi siyang gagawa ng mali. Well, sabagay. nakakabigla naman talaga ang sinabi niya. "I'm getting married, mother..." tila walang anumang ulit niya bago umayos ng sandal sa kinauupuan mahogany chair na nasa tapat ng workig table ng kanyang ina. Kasalukuyan silang nasa office ng kanyang ina sa kanilang mansiyon sa San Guellirmo. Kahapon pa lang ay ipinaalam na niya rito na may importante silang pag-uusapan. Noong una ay ayaw pa sana siyang pagbigyan ng kanyang ina dahil may meeting daw ito sa isang kaalyado nito sa politika. Nang sabihin niyang tungkol kay Grayson ang pag-uusapan nila ay wala itong nagawa kundi i-cancel ang meeting nito sa kung sino mang kaalyado. Wala sa loob na kumuyom ang magkabilang palad ni Clayton. Kung minsan ay gusto na nyang magtampo sa ina. anak
"HEY, YOU'LL BE OKAY... " masuyo ang tinig na sabi ni Grayson kay Tatia na nakaupo sa hospital bed nito. Hinahaplos-haplos din niya ang buhok nitong panipis na nang panipis. Isinugod niya ang babae sa hospital kagabi dahil namimilipit ito sa sakit. Ayon sa doctor ni Tatia ay masyadong aggressive ang sakit nito kaya mas mabilis kesa sa inaasahan ang pagkalat ng cancer cells sa katawan ng babae. Tipid na ngumiti si Tatia. Alam naman niyang hindi na siya magtatagal. Ayaw mang iparinig ni Grayson sa kanya kapag kausap nito ang doctor niya ngunit dama iyon. Tanggap naman na niya ngunit minsan ay hindi pa rin niya maiwasang itanong sa Panginoon kung bakit siya pa? Marami pa siyang gustong gawin. Bakit binigyan siya nito ng sakit na wala nang lunans nang matuklasan niya? Kung sana ay nalaman niya kaagad. Kung sana ay hindi niya ipinagsawalang-bahala ang mga indikasyon. Baka sakali may lunas pa. Baka sakali kakayanin pa niya kahit tatlong taon. Baka kaya pa niyang bigyan ng anak si Gra
ST. LUKE'S MEDICAL CENTER, QUEZON CITYDala ang basket na may lamang iba't-ibang prutas ay tuloy-tuloy na naglakad si Elijah patungo sa naghihintay na elevator. May ilan na ring nakapila sa labas niyon kaya nakisabay na siya. Mahinang napabuga ng hangin si Elijah. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hiindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay parang ang sakip ng paligid para sa kanya. It has been three days simula nang isugod nila sa hospital ang Lolo niya dahil sa hypertension. It was his fourth attack at ang sabi ng doctor nito ay ingatan na nila ang susunod pang atake dahil hindi na kayanin ng katawan ng lolo nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa bitbit niyang basket. Kasalanan niya kung bakit muling inatake ang lolo niya. "Miss, sasabay ka ba?" tanong ng isang babae na nasa loob na ng elevetor. Sandaling natigilan si Elijah. Ipinilig niya ang ulo pagkuwa'y tumango. Mabilis siyang humakbang papasok sa elevator at piniling pum'westo sa pinakagilid. "Ano'ng floor
"SIT DOWN, ELIJAH." Tatlong salita mula sa Lolo niya. Simpleng mensahe pero sapat na para mapalunok ng laway si Elijah. Pormal ang anyo nito maging ang tinig. At ang mga mata nitong normal nang mapanuri ay nakatutok lamang sa bawat galaw niya habang ito ay nakaupo sa solong sofa na nasa pinakagitna. Tahimik at dahan-dahang humakbang si Elijah patungo sa naghihintay na lounge. Pinili niyang umupo sa tapat ng Lolo niya habang tatlo niyang nakatatandang kapatid ay pare-parehong nakatayo at si Cameron ay nasa wheelchair. Walang kibo ngunit dama niya ang galit ng mga ito. "L-Lolo..." bahagyang pumiyok ang tinig na usal ni Elijah nang makaupo.Napahawak siya sa laylayan ng suot niyang bubble skirt at nilaro-laro iyon na tila ba sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang kabang nararamdaman niya. "Why?" Napayuko si Elijah. Unti-unting namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Dama niya ang ngitngit ng Lolo niya. Simpleng "why" pero naroon ang bigat. "I-I'm so sorry, Lolo." mahina
DAHAN-DAHANG BUMUKAS ang malaking gate na nasa harapan ng nakahintong kotse ng Kuya ni Elijah. at tuluyan iyong bumukas ay bumungad sa kanila ang mansyon ng kanilang Lolo Samuel na matayog na nakatayo sa gitna ng malawak na solar.Kaagad na nakaramdam ng panlalamig si Elijah. Hindi pa siya handang harapin ang Lolo niya. And judging by the cars that were parked around the driveway, she was sure as hell na naroon din ang iba pa niyang nakatatandang kapatid. Oh, dear Lord. Kung p'wede lang siyang tumakbo palayo. Pero hanggang kailan niya tatakasan ang problema? Sa isiping iyon ay naphugot na lamang ng malalim na buntong-hininga si Elijah. It's now or never. Kailangan niyang harapin ang sitwasyon niya ngayon. Siya naman ang may gawa nito kaya kailangan niyang panindigan. Dahan-dahang umusad papasok sa malawak na solar ang sasakyan ng Kuya niya kaya wala sa loob na napakapit sa gilid ng bintana si Elijah. 'Oh, help me, Lord... ' piping dalangin niya habang papasok sila sa loob ng teri







