Share

DRUNK AND WASTED

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2025-05-19 18:52:32

KAARAWAN NG PUNONG BARANGAY ng Estrella at imbitado sina Grayson at Elijah pati na rin si Gaven. Naroon din si Victor at ang ilang doctor at nurses na kasama sa medical mission ng Sirens Alliance.

"Kain lang nang kain, mga ineng." nakangiting sabi ni Kapitan Igme isang grupo ng mga kabataan na kumakain ng pansit at lumpia.

Bitbit ni Kapitan Igme ang isang bayong. Nasa loob niyon ang ginawang binallay, pancit cabagan at moriecos na sadyang inihanda ng kanyang Misis para kay Elijah at Grayson. Ang tatlong nabanggit ay specialty ng mga taga Isabela.

"Oho, Kapitan. Masarap ho ang handa ninyo kaya talagang kakain kami nang kakain."

Tumawa ng malakas si Kapitan Igme. " Nakow, luto iyan ng aking maybahay kaya nasisiguro kong hindi ako mapapahiya." liyad ang dibdib at puno ng pagmamalaki sa tinig sa tugon niya.

Gabi na kaya iilan na lamang ang kumakain. Karamihan ay abala na sa pag-inom at pagkanta.

"Happy birthday ulit, Kapitan!" sigaw ng isang lalaki na itinaas pa ang hawak nitong baso na may lamang alak.

"Salamat, salamat..." nakangiting tugon ni Kapitan Igme. " Inom lang nang inom. Marami pa tayong imbak na alak. Walang uuwi na hindi gumagapang." dugtong niya bago itinuloy ang paglalakad palapit kay Elijah.

Samantala, kanina pa nakakunot ang noo ni Gray habang pasulyap-sulyap kay Elijah na hindi maikakailang tinamaan na ng ininom nitong alak. Kausap niya sa cellphone ang girlfriend na si Tatia.

"Ellie,your turn!" humahagikhik na sabi ni Gaven sa kaibigan sabay abot ng hawak na microphone kay Elijah.

Kagaya ni Elijah ay halata na rin ang kalasingan ni Gaven. Pulang-pula ng mukha nito at medyo buhol na ang pananalita.

"Ay, mine na?" game na game na sabi ni Elijah sabay kuha ng microphone kay Gaven.

Tumayo si Elijah at kahit bahagyang hirap na balansehin ang katawan ay pinilit pa rin niyang makatayo ng tuwid.

"Go, Ellie..." pagche-cheer naman ni Victor na sinabayan pa ng pagtambol sa mesa.

Ngumisi si Elijah at taas ang noo na inihanda ang sarili sa pagkanta.

Show me your real self

and let me decide

if you ever come to me

naturally

Hawak sa isang kamay ang basong may lamang beer na inabot sa kanya ng isang kagawad ng barangay at microphone naman sa kabila ay nagsimula nang kumanta si Elijah. Wala siyang pakialam kung tumatama ba ang lyrics nita at kung nasa tono pa ba siya o hindi. Basta ang mahalaga sa kanya ay masaya siya.

And yes, aminado naman si Elijah na sintunado pero tuloy pa rin siya sa pagkanta. Sinabayan din niya ng pag-indak ang maharot na tugtog na kanyang kinakanta.

"Come on, guys, sing with me..." ani ni Elijah sa mga naroon na tuwang-tuwa namang sinabayan ang pagkanta niya.

May ilang tumayona rin at nakisayaw.

Eh, eh, eh, yeah...

Yeah, eh, yeah...

Tuloy sa pagkanta si Elijah habang panaka-nakang tumitigil para sumimsim ng beer sa hawak na braso.

"Ohhh, shit! This is life... fuck off!" pasigaw na aniya pagkatapos ubusin ang laman ng baso.

Hindi naman na maipinta ang mukha ni Grayson habang hindi inaalis ang mga mata kay Elijah. Magaslaw na ang kilos nito at dahil sa kalasingan ay ilang beses na ring muntik-muntikang matumba ang babae.

"I'll calll you again later, babe." paalam ni Grayson sa girlfriend. " I love you... " dugtong niya bago tuluyang tinapos ang tawag.

Tumingin sa gawi ni Grayson si Elijah at isang kapilyahan ang pumasok sa kanyang isipan.

Nasa kabilang bahagi ng maliit na mesa si Grayson kaya naglakad pa si Elijah para malapitan ang lalaki. Nang makarating siya sa harapan nito ay walang pag-aalinlangan na hinila niya patayo ang lalaking nabigla naman. At dahil hindi matibay ang pagkakatayo niya ay nawalan siya ng balanse.

"What the..." bulalas ni Grayson na mabilis na ipinulupot ang isang braso sa beywang ng lasing na babae bago pa man pulutin sa mesa ang mukha nito.

Tila walang anumang humagikhik lang si Elijah. Iba talaga ang ang nagagawa ng alak.

"K-Kanta k-kha..." bulol ang dila na sabi ni Elijah kay Grayson bago niya idinutdot ang hawak na microphone sa dibdib ng lalaking naka-alalay pa rin sa kanya. "Come on, Gray. Have fun. Let's s-sheng..." dugtong pa niya bago suminok.

Dumilim ang anyo ni Grayson. Kinuha niya mula kay Elijah ang hawak nitong microphone at inabot iyon kay Victor.

"That's enough. Uuwi na tayo." ani ni Grrayson bago hinanap ng mga mata si Kapitan Igme. Nang makita niya itong kausap ang isa sa mga kagawad nito ay tinawag niya ito. "Ah, excuse me, Kapitan Igme..." tawag niya sa kapitan habang nakaalalay pa rin kay Elijah na nakasandal na ang buong katawan sa kanya.

'Fuck... ' isang piping mura ang nasab ni Grayson sa kanyang isipan. Ayaw man niya pero hindi niya maiwasang hindi maapektohan dahil sa pagkakalapit ng katawan nila ni Elijah.

Damn but he could feel the softness of her warm body. Ang buhok nitong nakasabog sa dibdib niya nakadagdag sa kanyang nararamdamang init. Naaamoy din niya ang hininga nito na pinaghalong alak at mint.

"Gray, iho..." ani ni Kapitan Igme nang makalapit sa kanila.

"Magpapaalam na ho sana kami, Kapitan." may pilit na ngiti sa mga labi na sabi ni Grayson habang inaayos ang pagkakayakap ng braso kay Elijah.

"Hi, K-Khapitan. Ha-ppy birthday..." ani ni Elijah sa pagitan ng pagsinok.

Sa totoo lang ay hilong-hilo si Elijah. Nanibago ang katawan niya sa alak na ininom. Matagal-tagal na rin kasing hindi nasasayaran ng matapang na alcohol ang tiyan niya.

Nagingiting tumango si Kapitan Igme. "Salamat, Miss Elijah pero teka at tatawagin ko ang aking Misis para maipagtimpla ka ng kape."

" Salamat, Kapitan." sabad ni Gaven habang nag-aalalang hinahawi ang buhok ng kaibigan na nakasabog. "Pasensiya ka, Gray. Matagal na kasi itong hindi umiinom. I mean, ng matapang na alak. Hanggang ladies drink lang 'yan for the last three years. " hinging-paumanhin niya sa lalaking naka-alalay pa rin kay Elijah.

Sandaling kumunot ang noo ni Grayson pagkuwa'y tumango. "Nevermind..." sagot niya.

"H-Hindi ako la-shing, ah. Naka-inom lang." reklamo ni Elijah sa dalawa.

"Shut up... " sikmat ni Grayson sa babae.

"Ikaw ang shut up..." balik ni Elijah na sinabayan pa ng hampas sa balikat ni Grayson.

Umikot ang mga mata ni Grayson at napa-iling naman si Gaven.

"I'm sorry..." nakangiwing ani ni Gaven kay Grayson.

"Ito na ang kape, iho." sabi ni Kapitan Igme sabay abot ng tasang may lamag umuusok na kape kay Gaven.

"Salamat, Kapitan." ani ni Gaven.

"You're drunk, woman," asik ni Grayson bago dahan-dahan inupo si Elijah. "and wasted so stay still. Ubusin mo ang kape then uuwi na tayo." dugtong niya na bakas ang inis sa tinig.

"Galit ka na naman..."

"Shut up!!" gigil na sabi ni Grayson.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   THE SOONER, THE BETTER

    MALALIM NA ANG GABI ngunit nanatiling gising si Grayson. Kasalukuyan siyang nasa maliit na veranda ng kuwarto nila ni Tatia habang hawak sa kamay ang nakalatang beer. 'I'm getting married... 'Tila sirang plaka na paulit-ulit na umi-echo sa isipan ni Grayson ang mga salitang iyon ni Elijah. Tatlong salita ngunit tila katumbas niyon ang buong buhay niya. Masakit. Sobrang sakit. Parang nadurog ang buo niyang pagkatao. Shit, ganoon din ba ang naramdaman ni Elijah nang malaman nitong ikakasal na sila ni Tatia? Umiyak din ba ito kagaya niya? Because damn yes, lalaki siya pero hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha nang tuluyang mag-sink in sa kanyang isipan ang sinabi ng babae. Damn but who would have thought that he'll fell for Elijah this much? And that her marriage will be the death of him. Hindi niya kaya. Pero ano ang karapatan niyang masaktan? Siya ang pumili ng sitwasyon niya ngayon. He chose Tatia over Elijah. Isang walang buhay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni G

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHETHER YOU ACCEPT OR NOT

    "COME AGAIN, CLAYTON LARDIZABAL?" Humugot ng malalim na buntong-hininga si Clayton habang hinihilot ang sariling sentido. Kahit kailan talaga ay napaka-OA ng Nanay niya pagdating sa kanya. Na para bang palagi siyang gagawa ng mali. Well, sabagay. nakakabigla naman talaga ang sinabi niya. "I'm getting married, mother..." tila walang anumang ulit niya bago umayos ng sandal sa kinauupuan mahogany chair na nasa tapat ng workig table ng kanyang ina. Kasalukuyan silang nasa office ng kanyang ina sa kanilang mansiyon sa San Guellirmo. Kahapon pa lang ay ipinaalam na niya rito na may importante silang pag-uusapan. Noong una ay ayaw pa sana siyang pagbigyan ng kanyang ina dahil may meeting daw ito sa isang kaalyado nito sa politika. Nang sabihin niyang tungkol kay Grayson ang pag-uusapan nila ay wala itong nagawa kundi i-cancel ang meeting nito sa kung sino mang kaalyado. Wala sa loob na kumuyom ang magkabilang palad ni Clayton. Kung minsan ay gusto na nyang magtampo sa ina. anak

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   I'M GETTING MARRIED

    "HEY, YOU'LL BE OKAY... " masuyo ang tinig na sabi ni Grayson kay Tatia na nakaupo sa hospital bed nito. Hinahaplos-haplos din niya ang buhok nitong panipis na nang panipis. Isinugod niya ang babae sa hospital kagabi dahil namimilipit ito sa sakit. Ayon sa doctor ni Tatia ay masyadong aggressive ang sakit nito kaya mas mabilis kesa sa inaasahan ang pagkalat ng cancer cells sa katawan ng babae. Tipid na ngumiti si Tatia. Alam naman niyang hindi na siya magtatagal. Ayaw mang iparinig ni Grayson sa kanya kapag kausap nito ang doctor niya ngunit dama iyon. Tanggap naman na niya ngunit minsan ay hindi pa rin niya maiwasang itanong sa Panginoon kung bakit siya pa? Marami pa siyang gustong gawin. Bakit binigyan siya nito ng sakit na wala nang lunans nang matuklasan niya? Kung sana ay nalaman niya kaagad. Kung sana ay hindi niya ipinagsawalang-bahala ang mga indikasyon. Baka sakali may lunas pa. Baka sakali kakayanin pa niya kahit tatlong taon. Baka kaya pa niyang bigyan ng anak si Gra

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   MARRIAGE

    ST. LUKE'S MEDICAL CENTER, QUEZON CITYDala ang basket na may lamang iba't-ibang prutas ay tuloy-tuloy na naglakad si Elijah patungo sa naghihintay na elevator. May ilan na ring nakapila sa labas niyon kaya nakisabay na siya. Mahinang napabuga ng hangin si Elijah. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hiindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay parang ang sakip ng paligid para sa kanya. It has been three days simula nang isugod nila sa hospital ang Lolo niya dahil sa hypertension. It was his fourth attack at ang sabi ng doctor nito ay ingatan na nila ang susunod pang atake dahil hindi na kayanin ng katawan ng lolo nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa bitbit niyang basket. Kasalanan niya kung bakit muling inatake ang lolo niya. "Miss, sasabay ka ba?" tanong ng isang babae na nasa loob na ng elevetor. Sandaling natigilan si Elijah. Ipinilig niya ang ulo pagkuwa'y tumango. Mabilis siyang humakbang papasok sa elevator at piniling pum'westo sa pinakagilid. "Ano'ng floor

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   STUPID

    "SIT DOWN, ELIJAH." Tatlong salita mula sa Lolo niya. Simpleng mensahe pero sapat na para mapalunok ng laway si Elijah. Pormal ang anyo nito maging ang tinig. At ang mga mata nitong normal nang mapanuri ay nakatutok lamang sa bawat galaw niya habang ito ay nakaupo sa solong sofa na nasa pinakagitna. Tahimik at dahan-dahang humakbang si Elijah patungo sa naghihintay na lounge. Pinili niyang umupo sa tapat ng Lolo niya habang tatlo niyang nakatatandang kapatid ay pare-parehong nakatayo at si Cameron ay nasa wheelchair. Walang kibo ngunit dama niya ang galit ng mga ito. "L-Lolo..." bahagyang pumiyok ang tinig na usal ni Elijah nang makaupo.Napahawak siya sa laylayan ng suot niyang bubble skirt at nilaro-laro iyon na tila ba sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang kabang nararamdaman niya. "Why?" Napayuko si Elijah. Unti-unting namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Dama niya ang ngitngit ng Lolo niya. Simpleng "why" pero naroon ang bigat. "I-I'm so sorry, Lolo." mahina

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHAT HAVE YOU DONE?

    DAHAN-DAHANG BUMUKAS ang malaking gate na nasa harapan ng nakahintong kotse ng Kuya ni Elijah. at tuluyan iyong bumukas ay bumungad sa kanila ang mansyon ng kanilang Lolo Samuel na matayog na nakatayo sa gitna ng malawak na solar.Kaagad na nakaramdam ng panlalamig si Elijah. Hindi pa siya handang harapin ang Lolo niya. And judging by the cars that were parked around the driveway, she was sure as hell na naroon din ang iba pa niyang nakatatandang kapatid. Oh, dear Lord. Kung p'wede lang siyang tumakbo palayo. Pero hanggang kailan niya tatakasan ang problema? Sa isiping iyon ay naphugot na lamang ng malalim na buntong-hininga si Elijah. It's now or never. Kailangan niyang harapin ang sitwasyon niya ngayon. Siya naman ang may gawa nito kaya kailangan niyang panindigan. Dahan-dahang umusad papasok sa malawak na solar ang sasakyan ng Kuya niya kaya wala sa loob na napakapit sa gilid ng bintana si Elijah. 'Oh, help me, Lord... ' piping dalangin niya habang papasok sila sa loob ng teri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status