تسجيل الدخولWALANG pagpipilian si Adam kundi ang pumunta sa ibang bansa kahit na ayaw niya sana. Kung mayroon man siyang ayaw puntahan ay iyon ang bahay na iyon kung saan nakatira ang kanyang ama pero wala siyang choice kundi ang pumunta doon. “At ngayon ka lang talaga nagpakita? Ang tagal tagal na kitang tinatawagan!” iyon kaagad ang bumungad sa kaniya pagkapasok niya sa loob ng bahay. Naging malamig ang kanyang mga mata. “May ginawa ako.” walang gana niyang sagot dito. Dumilim ang mukha nito. “May ginawa o naging busy ka na naman sa babaeng iyon?” puno ng panunuya na tanong nito sa kaniya.Nagtagis ang mga bagang niya. Ewan niya ba pero nitong mga nakaraan, kapag naririnig niya na ganun ang sinasabi patungkol kay Miri ay naiinis siya. Kung dati ay wala lang siyang pakialam, ngayon ay nagagalit na siya at naiirita. Kung hindi lang ang ama niya ang nagsabi nun, baka kanina pa ito nakahandusay sa sahig.“Pwede bang let’s go don to business.” umupo siya sa sofa. Sa harapan niya ay may dalawang
ILANG araw din silang naging sweet sa isat-isa ni Adam hanggang sa tuluyan nang dumating ang araw kung kailan kailangan ng umalis nito patungo sa ibang bansa. Sa totoo lang, hindi maiwasan ni Miri na hindi matakot ng bahagya pero dahil sa ilang araw nilang pagsasama ay medyo naging panatag naman ng kaunti ang nararamdaman niya lalo na at pauulit-ulit na sinisiguro sa kaniya ni Adam na wala siyang dapat ipag-alala. Bukod pa doon ay narinig niyang nag-uusap ito at si Luke, ang kakambal nito at narinig niyang sinabi ni Luke rito na “binalaan kita hindi ba?” pero hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. Sabay na umalis ang dalawa. Pag-alis na pag-alis ni Adam ay kaagad niyang tinawagan si Vanessa. Paano ba naman ay hindi niya maiwasang hindi mag-overthink. Nilalamon na siya ng kung ano-ano na paano na lang kung hindi pumayag ang ama nito sa gusto ni Adam? Paano na lang kung pilitin at takutin ito at marami pang iba. Kahit na may tiwala siya rito ay hindi niya pa rin talaga maiwas
MABUTI na lang at bnitawan din naman siya nito kaagad. Tinalikuran niya ito. Wala naman siya gaanong damit at mga gamit na kailangang iimpake dahil kaunti lang naman ang dala niya noon noong pumunta siya rito. Umupo ito sa kanyang kama at pinanood siyang mag-impake. Hindi nagtagal ay bigla siyang natigil nang marinig niya itong magsalita. “Siya nga pala, next week ay may kailangan akong gawin.” sabi nito at alam na niya kaagad kung ano ang tinutukoy nito. Ang engagement nito. Hindi siya sumagot at nanatili lang na tahimik. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa pero ang totoo ay kumikirot na namana ng dibdib niya. Kahit na siniguro na nito sa kaniya na siya lang ang gusto nitong makasama ay hindi niya pa rin maiwasang hindi magkaroon ng agam-agam. “Kung gusto mong makipagkita sa kaibigan mo ay pwede kang pumunta. Hindi mo na kailangan pang magpaalam sa akin.” muling sabi nito sa kaniya. Nagtagis ang mga bagang niya at naging malamig ang kanyang mga mata. Napahigpit ang hawak niya sa d
PAGKAGISING ni Miri ay ang una niyang hinanap ay si Adam ngunit wala ito sa tabi niya. Bigla siyang napaupo sa kama ng wala sa oras. Napapaisip siya kung totoo ba ang lahat ng nangyari kagabi o panaginip lang ang lahat ng iyon. Ngunit habang nag-iisip ay bigla na lang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang lalaking hinahanap niya. “Kanina ka pa gising?”“Kagigising ko lang.” maikling sagot niya kasabay ng pag-iwas niya ng tingin dito. Hindi niya alam kung anong dahilan pero bigla na lang nag-init ang kanyang mga pisngi dahil sa kilig nang bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi.Kinikilig siya, shit.Ilang sandali pa ay nakita niyang iniikot-ikot nito ang braso nito na para bang ngalay na ngalay. “Alam mo bang buong gabi kang nakaunan sa bisig ko?” napakagat labi siya. Ibig lang sabihin ay hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi kundi totoo ang lahat.“Pa-pasensya na…” halos mautal na sabi niya.Umupo ito sa tabi niya habang nakakunot ang noo. “Why are you asking sorry?”
SINUBUKAN ni Miri na panatilihing kalmado ang kanyang ekspresyon hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa kanyang silid. Ayaw niyang ipakita sa babaeng iyon na naaapektuhan siya sa mga sinabi nito. Nagmamadali siyang pumasok sa kanyang silid at pagkatapos niyang maisara ang pinto ay ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama at doon na na bumuhos ang mga luhang kanina niya pilit na pinipigilang bumagsak. Para itong isang ilog na walang balak tumigil. Bukod pa doon ay parang may nakabara sa lalamunan niya at nahihirapan din siyang huminga. Ang kanyang dibdib ay parang pinipiga. Binalot ng lungkot ang buong pagkatao ni Miri.Kung gusto na siyang pakawalan ni Adam ay hindi na siya nito kailangan pang itaboy dahil magkukusa siyang umalis. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakadapa sa kanyang kama hanggang sa tuluyang humupa ang nararamdaman niya.Ilang sandali pa ay napapunas siya sa kanyang pisngi. Sa wakas ay tumigil na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Ilang beses siy
HINDI sumagot si Miri sa halip ay nag-iwas lang siya ng tingin mula sa lalaki. Napakuyom ng mahigpit ang mga kamay niya bago napakagat labi. “Tinatanong kita…” naiinip na sabi nito sa kaniya. Napapikit siya ng mariin.Alam niyang wala siyang takas dito kaya kailangan niyang sabihin dito ang totoo. “I— I’m sorry…” nakayukong paghingi niya ng paumanhin. “Hindi ko sinasadya… I— I just…” hindi niya alam kung ano pang idudugtong niyang sabihin dito dahil baka mas lalo lang itong magalit sa kaniya. Natatakot siya na baka, na baka magalit ito ng sobra.“Anong nabasa mo?” nanatili lang na malamig ang boses nito. Hindi niya alam kung tama ba na sabihin niya rito ang nabasa niya. “Anong sinabi niya?!” muli siyang napapikit at napapitlag dahil sa pagsigaw nito. Ilang sandali pa ay ibinagsak nito ang sarili sa tabi niya habang nararinig niya ang marahas nitong paghinga, tiyak na nagpipigil lang ito ng galit.“Sinabi niya na kailangan mo ng umuwi para sa engagement niyo ni Yvonne…” sabi niya.“Th
BUMUNTONG hininga siya. “Totoo nga. Kaya mo nga ako hindi nakita sa bahay noong pumunta ka hindi ba? Sa tingin mo ba ay saan sana ako pwedeng pumunta?” tanong niya rito.“No, hindi totoo diba? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait Miri?” hindi pa rin makapaniwalang tanong nito sa kaniya na para bang i
HINDI na siya nakapag-react pa dahil mabilis itong umibabaw sa kanya at kaagad siyang hinalikan sa kanyang leeg. Ang mga labi nito ay mainit at nakakapaso. At sa bawat dinadaanan nito ay para siyang sinisilaban. Ilang sandali pa ay bumaba ito sa kanyang balikat patungo sa kanyang dibdib.Nang isubo
NAPAIRAP NA LANG siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito sa kaniya. Ano bang nangyayari rito at bumabanat ito ng ganun? Hindi kaya dahil sa epekto lang din ng alak na ininom nito? “Tigilan mo nga ako. Tyaka huwag ka ngang ngingiti-ngiti sa akin ng ganyan. Nakakairita sa totoo lang.” inis na inis
DAHIL SA NAGING sagot niya ay bigla na lang itong tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa kaniya. Huminto ito sa harapan niya at tinitigan siya gamit ang malalamig nitong mga mata. “Baka nakakalimutan mo na, naging masaya ka noong mga panahong iyon at higit sa lahat ay nagustuhan mo r







