เข้าสู่ระบบDesperadong makahanap ng trabaho si Amara Reyes para sa operasyon ng kanyang lola. Kaya laking pasasalamat niya nang matanggap siya bilang bagong Yaya ng kambal na anak ng Cold Billionaire CEO na si Sebastian Villareal. Ngunit ang hindi niya alam may misyon ang genius twins na sina Liam at Lily at 'yon ay ang maghanap ng Mommy na magpapasaya sa Daddy nila. Habang unti-unting napapalapit sa isa't isa ang loob nina Amara at Sebastian, bigla namang lumitaw ang dating Fiancee ni Sebastian at ina ng kambal.Desidido itong bawiin ang lahat ng sa tingin niya nararapat na mapasakanya. Caught between love, lies, and the secrets of the past, sino ang pipiliin ng dalawang bata na maging Mommy nila? At sino naman ang tunay na magwawagi sa puso ni Sebastian? Samahan sina Amara, Sebastian, Liam, at Lily sa isang k'wentong puno ng kilig, tawanan, drama, at mga emosyon na tiyak na magpapaiyak at magpapangiti sa inyo hanggang sa huling kabanata.
ดูเพิ่มเติมNapahigpit ang kapit ni Amara sa hawak niyang brown envelope habang nakatayo sa labas ng malawak na gate ng Villareal Mansion.
Ngayon ang interview niya kaya hindi niya maiwasang kabahan lalo na’t hindi ordinaryong tao ang makakaharap niya, kundi ang cold at strict na CEO ng Global Cybertech—si Sebastian Villareal.
Ito ang unang beses na mag-aaplay siya bilang yaya. Hindi pa niya naranasan ang mag-alaga ng bata, pero wala na rin siyang ibang choice. Nawalan siya ng trabaho at kung anu-ano nalang ang inaaplayan niya pero hindi siya pinalad.
Nasa ospital ang Lola niya at kailangan itong maoperahan sa sakit sa puso. Paubos na rin ang naiipon niya kaya kailangan na niyang makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon. Pinakiusapan niya lang muna ang kaibigan niyang si Tess na bantayan muna ang Lola niya habang naghahanap siya ng mapapasukan.
Lord, parang awa Niyo na po, sana papalarin po ako dito. Halos mangiyak-ngiyak niyang usal sa sarili.
Dahan-dahan siyang pumasok sa loob nang buksan ng guwardiya ang gate.
Halos mapahinto siya sa paglalakad.
Napakalawak ng bakuran at may fountain sa gitna ng pool.
“Good morning, Miss.”
Napalingon siya sa isang matandang lalaki na nakablack suit.
“Ako si Alfred, ang head butler dito.”
Magalang siyang yumuko.
“Good morning po.
“Nag-aaplay ka rin ba bilang yaya?”
“Ah opo.”
“Sige Miss sumunod ka.”
Marahan siyang tumango bago sumunod kay Mang Alfred. Pagkapasok pa lamang nila sa loob ng mansion, agaw-pansin na kaagad ang marmol na sahig, ang elegante at malawak na living room, mamahaling chandelier na nakasabit sa mataas na kisame at mga mararangyang kasangkapan sa paligid.
Habang tahimik niyang pinagmamasdan ang loob ng bahay, napalingon siya sa grand staircase nang mapansin ang iilang mga babaeng nakasuot ng formal attire na isa-isang bumababa. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkadismaya at pagkairita habang papalabas ng mansyon.
“Hindi normal ang mga batang ‘yon.” Narinig niyang sabi ng isang aplikante bago ito tuluyang umalis.
Napakunot-noo naman si Amara habang sinusundan ng tingin ang mga aplikante.
“Uhm, tapos na po ba ‘yong interview nila, Manong?” tanong niya kay Mang Alfred.
“Sa tingin ko nga Miss, tapos na. At hindi sila pumasa.”
“Naku, Diyos ko, nakakatakot! Napag-alaman ko pa naman na napaka-cold at strikto ‘yang si Mr. Villareal. Baka mamaya, himatayin ako sa nerbyos kapag nakaharap ko na siya.”
“Hindi naman si sir Seb, ang mag-iinterview sa ‘yo, Miss.” Wika ng butler.
“Ha?” Namilog ang mga mata niya.
“Oo, hindi si sir ang mag-iinterview sa ‘yo, kundi sina Liam at Lily.”
“Po? Sino po ang mga ‘yon?”
“Ang kambal na anak ni Sir Seb. Ang mismong mga batang aalagaan mo Miss Amara.”
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. “Mga bata ang mag-iinterview sa akin?”
“Yes, Miss Amara.”
“Pambihira naman po.”
Ngumiti lang si Mang Alfred.
“Basta Miss, goodluck. O sya umakyat ka na sa taas. Naroon sila sa unang kwarto malapit sa may hagdanan.”
Huminga siya nang malalim saka marahang umakyat sa grand staircase.
Nang marating niya ang unang silid sa tabi ng hagdan, napahinto siya.
Bahagyang nakabukas ang p***o.
Marahan siyang kumatok.
“Excuse me...”
Walang sumagot.
Muli siyang kumatok.
“Hello? Ako po si Amara... nag-aaplay bilang yaya.”
Tahimik pa rin.
Dahan-dahan niyang itinulak ang p***o.
Pagkapasok na pagkapasok niya—bigla siyang napaatras sa pagkagulat nang isang malaking stuffed teddy bear ang lumipad papunta sa kanya.
“Ay!”
Agad niya iyong nasalo bago pa tumama sa kanyang mukha.
Kasunod no’n ay isa namang unan. Nasundan pa ‘yon ng isa pa.
Sunod-sunod na unan ang lumilipad mula sa magkabilang gilid ng silid.
“Ano ba—”
Biglang sumabog ang maliliit na confetti mula sa itaas ng p***o.
Napapikit siya.
Pagmulat niya, dalawang batang magkapareho ang mukha at halos magkasing tangkad ang nakita niyang nakatayo sa ibabaw ng kama. Isang batang babae at batang lalaki na parehong nakahalukipkip habang seryosong nakatingin sa kanya.
Parang may kakaiba siyang naramdaman sa kanyang puso sa mga sandaling ‘yon, ngunit hindi niya matukoy kung ano.
“Uhm, I guess you’re the last applicant here.” Wika ng batang lalaki.
“Welcome to your interview,” dagdag naman ng batang babae.
Nagkatinginan ang kambal bago sabay na ngumisi.
“If you survive us...then you’ll be hired.”
Napakamot na lamang sa batok si Amara.
OMG, parang matanda naman kung magsalita ‘tong dalawang ‘to. Bulong niya sa isipan.
Napabuntong-hininga si Amara.
“Okay, let me introduce myself. My name is Amara Reyes, 28 years old. Desperadong makahanap ng trabaho para sa Lola kong may sakit sa puso.”
“Here’s my resume.” Dagdag na wika ng babae sabay abot sa envelope na hawak niya.
“No need.” Mabilis na sagot ng batang lalaki.
Lord...Akala ko si Mr. Villareal ang dapat kong katakutan. Mukhang mas nakakatakot yata ang dalawang batang ito, parang napakatalino nila. Aniya sa isipan.
“Okay, I’m Liam Villareal and this is my twin sister Lily. We’re six years old.”
Marahang tumango si Amara.
“Napaka-cute n’yo namang dalawa.”
Nagpalitan ng tingin ang kambal.
Tumalon pababa ng kama si Liam habang hawak ang isang maliit na clipboard, while Lily sat on the couch with her legs crossed.
“Rule number one,” seryosong saad ni Liam. “Bawal magsinungaling.”
“Rule number two,” dugtong ni Lily. “Kapag nagkamali ka ng sagot, it means you failed.”
Napakurap si Amara.
Oh my God. Ibang klase talaga ‘tong mga batang ‘to. Bulong niya sa isip.
Mayamaya pa’y tumikhim si Liam sabay tumayo ng tuwid.
“Question number one.”
“Miss Amara, mahilig ka ba sa mga bata? If your answer is yes, then why?”
Napangiti si Amara.
“Yes, mahilig ako sa mga bata dahil nakakaaliw sila at nakakawala ng problema.”
Mabilis na isinulat ‘yon ni Liam sa clipboard.
“Do you think, hindi ka mamomroblema sa amin, Miss Amara?” tanong naman ni Lily.
“I think hindi naman. Sa tingin ko, mababait kayong mga bata at normal lang ‘yong minsan may kakulitan. At saka ang cute-cute niyong dalawa. Titingnan ko lamang kayo, tanggal na agad ang stress ko.”
Seryosong nagkatinginan ang dalawang bata.
“Hmm, impressive.” Wika ni Liam.
Sumabat naman si Lily. “Don’t celebrate yet, Miss Amara. Hindi pa tayo tapos.”
Tumikhim si Liam bago muling sumulyap sa clipboard.
“Question number two.”
“Kapag nagwawala kami at ayaw naming maligo, ano’ng gagawin mo?”
Napaisip sandali si Amara.
“Hindi ko kayo pipilitin.”
Napakunot-noo ang kambal.
“Huh?”
“Hindi ko kayo pipilitin. Hahayaan ko muna kayong maglaro hangga’t gusto ninyo. Kapag naramdaman n’yo nang mainit na, malagkit na ang pakiramdam n’yo, at marumi na ang mga damit ninyo, mas madali na kayong hikayating maligo.”
Napakurap si Lily.
“Uhm, so far, satisfied ako sa answer mo, Miss Amara.” Wika ni Liam saka may isinulat na naman sa clipboard.
“Question number three.”
“What if we accidentally break an expensive vase?”
Ngumiti si Amara.
“First, titingnan ko kung may nasugatan sa inyo.”
“Bakit hindi ang vase ang uunahin mo? Eh mahal ‘yon. Maaring ibabawas ‘yon ni Daddy sa salary mo.” Seryosong saad ni Lily.
“Dahil napapalitan ang vase.”
Saglit siyang tumigil bago ngumiti nang malambing.
“Pero kayo.. hindi. At dahil ako ang yaya ninyo, mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ninyong dalawa.”
Natahimik ang kambal at parehong napatitig kay Amara.
Parang ngayon lang nila narinig ang ganoong sagot.
Maya-maya, mabilis na yumuko si Liam at may isinulat sa clipboard.
Samantala si Lily naman, kunwari walang pakialam ngunit palihim na nakangiti.
“Last question,” anang batang lalaki. “Ito ang pinakamahirap.”
Napalunok si Amara.
“Go ahead.”
Huminga ng malalim si Liam.
“Why do you want to become our nanny?”
Hindi agad sumagot ang babae.
Unti-unti niyang ibinaba ang tingin sa hawak niyang brown envelope. Pagkatapos, marahan siyang ngumiti.
“Sa umpisa, trabaho lang talaga ang hanap ko, dahil kailangan ko ng pera para sa operasyon ng Lola ko.”
Napatingin sa kanya ang kambal.
“Pero ngayong nakita ko na kayo...” Bahagya siyang ngumiti. “Parang gusto ko nang makilala ang dalawang batang makulit na nagpaalis sa lahat ng mga naunang aplikante.”
Napasinghap si Lily at tumingin kay Liam.
“What do you think, kuya?”
Tahimik lang si Liam habang matamang nag-iisip. Pagkatapos nilapitan niya ang kapatid at bumulong sa tainga nito.
“Ayos ba?”
Tango lang ang itinugon ni Lily.
“Okay, Miss Amara.” Wika ni Liam at sinenyasan ang kapatid.
“You’re hired. Congratulations!” Sabay na wika ng dalawa.
Nanlaki ang mga mata ni Amara.
“Talaga?”
Ngumiti ang dalawang bata at kinamayan siya.
“Welcome to our life, Nanny!”
Pasado alas onse na ng umaga at naghanda na si Amara para sa lulutuin niyang pancake. Ngunit biglang may tumawag sa cellphone niya kaya dali-dali niya itong sinagot.“Hello po, kayo po ba si Miss Amara Reyes, apo ni Adela Reyes?” Boses ng babae sa kabilang linya. “From St. Mercy Medical Center po ito Ma’am.”Biglang kinabahan ang babae.“Yes po, anong nangyari sa Lola ko?”“Uhm, Ma’am. Kailangan na pong maisagawa ang operation ng Lola niyo as soon as possible. Pero kailangan po ng deposit Ma’am.”Nanlambot ang mga tuhod ni Amara.“Magkano po ang kailangan?” halos pabulong niyang tanong.“At least two hundred thousand pesos po ang kailangan ninyong maideposito para ma-schedule na agad ang operasyon.”Tuluyang nanghina ang mga tuhod niya.Dalawang daang libo.Saan siya kukuha ng ganoon kalaking halaga?Napapikit siya habang unti-unting pumapatak ang mga luha niya.“Naiintindihan ko po. Gagawin ko ang lahat para makapagbayad sa lalong madaling panahon.”“Thank you, Ma’am. Hihintayin po n
“Anong masasabi mo sa bago nating yaya, Kuya?” tanong ni Lily nang magkasarilinan sila sa kwarto habang naghahanda sa pagpasok nila sa school.“Okay lang naman, much better sa mga nauna nating yaya.”Napatingin si Liam sa kapatid. Feel niya parang may kakaiba na namang pumasok sa isip nito.“What if magkagusto si Daddy sa kanya?” tanong ni Lily habang sinusuklay ang lampas-balikat niyang buhok sa harap ng salamin.Bahagyang napabuntong-hininga si Liam.“Lily...”“What?”“Parang iba ‘yang naiisip mo.”“Kasi naman...” Umupo si Lily sa gilid ng kama at napasimangot. “Tayo lang ang walang Mommy sa school.”Natahimik si Liam.Kahit hindi siya madalas magsalita tungkol sa nararamdaman, alam niyang pareho sila ng iniisip ng kapatid.“Kaya nga, nakakainggit ‘yong mga kaklase nating may Mommy at Daddy na naghahatid at sumusundo sa kanila sa school.” Mahina niyang pag-amin. “Kung hindi lang sana tayo iniwan ng totoo nating Mommy, siguro masaya tayo ngayon. Kaya nga...I hate her talaga.”Ilang m
First day ni Amara bilang yaya sa Villareal mansion at hindi niya maiwasang kabahan sa magiging trabaho niya. Hindi naman kasi ordinaryong mga bata ang aalagaan niya—mga anak ito ng mayamang CEO ng malaking kumpanya sa buong kamaynilaan.Dahil masyado siyang kinakabahan, halos hindi siya nakatulog buong gabi sa kakaisip kung anong magiging buhay niya bilang Yaya.Napatingin siya sa kanyang relo. Pasado alas kwatro na ng madaling araw kaya kailangan na niyang maghanda. Sabi sa kanya ni Mang Alfred, hindi dapat ma-late ang mga bata sa school. Bumangon siya at inayos ang higaan. Medyo naninibago pa rin siya sa bago niyang kwarto. Makalipas ang ilang sandali, tapos na siyang maligo. Kinuha niya sa cabinet ang unipormeng isusuot niya—simpleng puting blouse at kulay asul na palda.First day mo ngayon, Amara. Kailangan mong gawin ang best mo. Mahinang usal niya sa sarili.Lumabas siya ng silid at nagtungo sa kusina.Naabutan niya roon ang kusinera na naghahanda ng almusal.“Magandang umaga
Samantala, sa labas ng pintuan, hindi napigilan ni Mang Alfred ang mapangiti. Mula sa kinatatayuan niya, dinig na dinig niya ang bawat tanong ng dalawang bata, at kung paano naman ito sagutin ni Amara.Hindi iyon maituturing na simpleng interview. Para bang dalawang munting executive ang nagsasagawa ng final screening para sa magiging yaya nila.Napailing na lamang siya habang natatawa.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng opisina ni Sebastian.Lumabas ang binata habang inaayos ang cuff ng puti nitong long-sleeved polo. Katulad ng dati, seryoso ang mukha at walang anumang emosyon ang mababakas dito.“Kumusta?” tanong ng lalaki nang makalapit kay Mang Alfred. “May napili na ba ang mga anak ko?”Bahagyang ngumiti ang matandang butler.“Mukhang meron na po, Sir.”Nagtaas ng kilay si Sebastian.“Talaga? Akala ko aabutin na naman tayo ng isang linggo.”“Kaya nga po sir eh. Mahigit tatlumpu na yata ang dumaan rito simula noong isang linggo. Lahat po sila, hindi pumasa sa standards ng mga


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น