REMEMBER ME, NEVER

REMEMBER ME, NEVER

last updateآخر تحديث : 2026-08-10
بواسطة:  PenWonderWriteتم تحديثه الآن
لغة: Filipino
goodnovel18goodnovel
لا يكفي التصنيفات
7فصول
2وجهات النظر
قراءة
أضف إلى المكتبة

مشاركة:  

تقرير
ملخص
كتالوج
امسح الكود للقراءة على التطبيق

Nagising si Elena Castillo sa isang ospital na walang kahit anong alaala tungkol sa buhay na minsan niyang tinawag na kanya. Ang nakaraan niya ay tila pira-pirasong larawan na nakabaon sa kanyang isip. Si Alessandro De Luca, ang misteryosong asawa niya, ang tanging taong tila nakaaalam ng kanyang nakaraan. Malamig sa ibang tao ngunit mapagprotekta sa kanya, hindi umaalis si Alessandro sa tabi niya. Sinabi nitong dalawang taon na silang kasal, mahal niya si Elena, at wala na siyang ibang minahal kundi ito. Habang unti-unting bumabalik ang mga alaala, palagi niyang nakikita sa panaginip ang isang lalaking malabo ang mukha. Isang boses. Isang haplos. Isang pangalang hindi niya maalis sa isip Nathan. Si Nathan Reyes ay dating bahagi ng buhay ni Elena, mula kolehiyo hanggang sa kanilang pagtatrabaho. Bakit nagbabago ang kilos ni Alessandro sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Nathan? Bakit may naaalala siyang halik mula sa ibang lalaki kahit alam niyang asawa niya si Alessandro? At ano ba talaga ang nangyari bago ang aksidente? Ngunit bawat sagot ay tila humahantong sa panibagong lihim, at bawat alaala ay naglalapit sa kanya sa isang katotohanang maaaring hindi pa siya handang harapin. Sa mundong ang pagmamahal ay maaaring maging obsesyon, ang mga alaala ay maaaring maging sandata, at ang katahimikan ay maaaring magtago ng madilim na sikreto, kailangan ni Elena na alamin kung ano ang nawala sa kanya bago may ibang magdesisyon kung ano lamang ang maaari niyang maalala. May mga alaalang hindi dapat matagpuan. May mga katotohanang mas mabuting manatiling nakabaon. Ngunit kapag nagsimulang tawagin ng nakaraan ang kanyang pangalan, hindi na makatatakbo si Elena. Remember Me, Never ay isang madilim na kuwentong sikolohikal na romansa na puno ng misteryo, obsesyon, sikreto, emosyonal na tensiyon, at mga alaalang maaaring magbago sa lahat ng paniniwala ni Elena sa kanyang mundo magpakailanman.

عرض المزيد

الفصل الأول

Chapter 1 "The Woman Who Couldn't Remember"

Elena's Pov

May kung anong paulit-ulit na tunog ang unang gumising sa akin.

Hindi ko alam kung gaano na katagal akong natutulog, pero pakiramdam ko, para akong nilubog sa napakalalim na dagat at ngayon lang muling umahon para huminga.

Mabigat ang buong katawan ko. Maging ang simpleng pagmulat ng mga mata ay tila napakahirap gawin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga ito. Ngunit agad din akong napapikit ulit. Napakaliwanag, Parang tinutusok ng puting ilaw ang mga mata ko, mahapdi ang dulot nito.

Ilang segundo muna akong nanatiling nakapikit hanggang sa unti-unting masanay ang paningin ko. Nang muli kong imulat ang mga mata ko, isang puting kisame ang unang bumungad sa akin, napakurap ako, Hindi ito pamilyar sa akin.

Unti-unti kong inilibot ang tingin ko sa paligid.

Puting kurtina, ang makinang nakakabit sa tabi ng kama. At may suwero sa kaliwang kamay ko.

Amoy gamot, parang antiseptic. Napaisip ako nasa hospital ba ako? Napakunot-noo ako.

"...Hospital?" Mahina kong bulong ulit sa sarili.

Bakit ako nandito? Ano'ng nangyari? Sinubukan kong bumangon, ngunit biglang kumirot ang ulo ko. Napahawak ako rito habang mariing napapikit. "Agh..." Pakiramdam ko'y may kung anong pumipiga sa utak ko.

Huminga muna ako nang malalim.

pinapakalma ang sarili, Kailangan kong kumalma, Piliting alalahanin ang lahat. Pero...

Ano nga ba ang aalalahanin ko? Bigla akong natigilan.

Mabagal akong napalingon sa kabilang bahagi ng silid. Doon ko lamang napansin may isang lalaki. Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng bintana. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon.

Matangkad ito, na halos kailangan niyang yumuko nang kaunti para sumandal sa dingding. Nakasuot siya ng itim na long-sleeved polo na nakatiklop hanggang siko at dark slacks. Sa kaliwang pulsuhan niya ay may mukhang mamahaling relo, habang ang maitim niyang buhok ay maayos na nakasuklay paatras. Halata ang dugong banyaga sa matangos niyang ilong at matalas na panga.

Gwapo, Hindi... Napakaguwapo nito. iyon ang unang tumatak sa isip ko. Isa siya sa mga lalaking mapapalingon ka kahit minsan mo lang makita. Pero ang higit na nakakuha ng atensyon ko ay ang mga mata niya. masyado itong malamig, at tahimik. Parang napakarami niyang gustong sabihin pero pinipili niyang manatiling walang emosyon.

Siguro ay napansin na niyang nakatingin ako, Tumayo siya nang tuwid at dahan-dahang lumapit sa akin, Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi naman ako natatakot.

Pero... alam ko sa sarili, hindi ako komportable sa presensya niya.

"You finally woke up." Huminto siya sa tabi ko.

Napalalim ng boses niya na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko. Napakurap ako ng ilang beses, Pinagmasdan ko ang mukha niya. Pinipilit kong hukayin sa isip ko kung saan ko siya nakita.

Kahit isang beses lang... kahit isang alaala lang

Pero... Wala.

Naiinis akong aminin ito, pero para bang may malaking bahagi ng buhay ko ang biglang nabura. Napahawak ako sa sentido ko, dahil mas lalong sumakit ang ulo ko.

"Don't." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Marahan. "Don't force yourself."

Napatingin ako sa kamay naming magkadikit.

Mainit ang dala nitong pakiramdam, hindi ko alam kung bakit, pero parang may kakaibang pakiramdam na dumaan sa dibdib ko.

"Sino ka?" Matapos ko siyang tanungin, humugot ako ng malalim na hininga, Ilang segundo siyang natahimik, hindi siya sumagot agad.

Sa unang pagkakataon, nakita kong bahagyang kumunot ang noo niya. Parang nasaktan sa tanong ko, pero mabilis din iyong nawala. Bago pa siya makapagsalita, bumukas ang p***o ng silid. Pumasok ang isang doktor kasama ang dalawang nurse.

"Oh, you're finally awake." Lumapit ito sa akin habang tinitingnan ang monitor sa tabi ng kama. "Kamusta ang pakiramdam mo?"

"...Masakit ang ulo ko." napahawak narin ako rito.

"Normal lang iyan." Ngumiti siya bago inilawan ng maliit na flashlight ang mga mata ko. "May ilang tanong lang ako." Tahimik akong tumango.

"Alam mo ba ang pangalan mo?"

Napabuntong-hininga ako, Pangalan ko? Ako si...

Simple lang ang tanong... Pero bakit... Hindi ko masagot?

Pinikit ko ang mga mata ko, Pinilit kong alalahanin, Isa lang please... Kahit pangalan ko lang. Kinakausap ko ang sarili ko, at alam kong rinig na rinig nila kung gaano ako kadismaya, dahil wala talaga, as in blanko ang loob ng isip ko.

"Hindi ko..."Unti-unting na naman bumilis ang tibok ng puso ko, napailing ako. "Hindi ko alam..." Dahan-dahang tumulo ang luha ko.

Tahimik na tumango ang doktor, hindi siya mukhang nagulat, na para bang inaasahan na talaga niya itong mangyari.

"You suffered a severe head injury after a car accident."

"Aksidente?" Napakunot-noo ako.

"Yes." Inilapag niya ang chart na hawak. "Nagkaroon ka ng retrograde amnesia." Lalo akong nalito.

"Ano po iyon?" Nagtataka kong tanong, kahit alam ko naman ang salitang amnesia.

"Ibig sabihin, naapektuhan ang mga alaala mo bago dahil sa aksidente. Maaari mong makalimutan ang mga tao, lugar, o maging ang sarili mong pagkakakilanlan. Ngunit buo pa rin ang kakayahan mong magsalita, mag-isip, at gumawa ng mga bagong alaala."

Biglang bumigat ang dibdib ko.

"Maaalala ko pa ba sila?" tuloy-tuloy na ang pagpatak ng aking luha, dahil sa mga narinig.

"Posible." Ngumiti siya nang bahagya. "Pero huwag mong pilitin ang sarili mo. Walang nakakaalam kung kailan babalik ang mga alaala mo. Maaaring bukas, ilang buwan, o mas matagal pa. Ang pinakamahalaga ngayon ay ang pagpapahinga."

Tahimik akong tumango, pero sa loob-loob ko ay wasak na wasak na. Pakiramdam ko...

Hindi lang alaala ang nawala sa akin.

Parang pati pagkatao ko.

Matapos sabihin iyon ng doktor, Dahan-dahan akong napalingon sa lalaking kanina pa tahimik na nakatayo sa tabi ko, habang pilit na pinupunasan ang aking mga luha.

Hindi siya umaalis naririto parin siya na nakatingin sa akin ng mariin. Huminga ako ng malalim, gusto kong malaman kung may koneksyon ba siya sa akin o aking pagkatao.

"...Kung gano'n..." Mahina kong tanong. "...Sino ka?" Nagtagpo ang mga mata namin. Sa pagkakataong iyon... Parang may lungkot na dumaan sa malamig niyang tingin.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit ngunit maingat, na para bang pinaparamdam niyang okay lang ang lahat, andito lamang siya para sa akin.

Pagkatapos ay direkta siyang tumingin sa mga mata ko, mga matang magpapalambot sa iyong tuhod.

"I'm Alessandro De Luca." Huminto siya sandali.

At ang sumunod niyang sinabi... ang tuluyang nagpayanig sa mundong kakagising ko pa lamang.

"...And I'm your husband."

توسيع
الفصل التالي
تحميل

أحدث فصل

فصول أخرى

للقراء

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


لا توجد تعليقات
7 فصول
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status