HININGAL SIYA pagkatapos niyang sumigaw. Napahawak siya sa kanyang dibdib ng wala sa oras habang naghahabol ng kanyang paghinga. Sabay na lumingon ang mga ito sa kaniya at nakita niyang tinitigan siya ni Lawrence ng malamig bago nagsalita. “Paalisin mo na ang lalaking ito bago pa ako maubusan ng pasensya at hindi makapagtimpi!” galit na usal nito.Pagkatapos nitong sabihin ito ay malakas nitong binitawan ang kwelyo ni Lester na gusot-gusot na ng mga oras na iyon. Bumalik ito sa sofa na kinauupuan nito kanina. Tumigil man ito ngunit malamig pa rin ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya habang nakaupo doon.“Aalis ako, pero hindi ngayon na.” sagot naman ni Lester sa sinabi ni Lawrence. Binalingan niya si Lester at tinitigan siya nito. Bigla tuloy siyang nabalot ng kahihiyan dahil sa inasal ni Lawrence sa harapan nito.Nilingon niya ang lalaking nakaupo sa may sofa. “Dinadalaw niya lang naman ako bakit kailangan mo pa siyang itaboy?” tanong niay rito.Inis naman nitong nilingon si Leste
HALOS MALAGLAG ang kanyang panga dahil sa sinabi nito. Gulat na gulat siya dahil hindi niya lubos akalain na sasabihin ni Lawrence iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya rin maiwasang itanong sa kanyang isip kung kailan pa siya nakita ni Lawrence biang fiance nito? Idadag pa na pinagbabawalan na siya nitong ma-involve sa ibang lalaki. Mag-ooverthink na ba siya? Para tuloy gusto na niyang isipin na nagbago na ang ihip ng hangin.“Hindi ko ugaling mag-share sa iba ng laruan ko.” sabi nito sa kaniya. Marahil ay baka nabasa nito ang iniisip niya dahilan para magmdali ito an sabihin iyon para hindi na siya mag-isip pa ng kung ano ano pero mabuti na lang at nilinaw nito iyon sa kaniya para hindi siya umasa.“Hindi pwede ang gusto mo. dehado ako kapag nagkataon.” malamig na sabi niya. Laruan lang pala ang tingin nito sa kaniya o mas tamang sabihin na parausan siya nito. Katawan lang naman niya ang gusto nito at hindi siya. Kung susundin niya lahat ng gusto nito, sa huli ay
BIGLANG NGUMITI si Lawrence bago naglakad para tabihan siya sa kama. Nagulat siya nang bigla na lang itong tumabi sa kaniya bago magsalita na puno ng kumpyansa. “Habang lumalapit ako sayo, nararamdaman kong kinakabahan ka.” sabi nito sa kaniya. “Kaya sigurado ako na palalim pa ng palalim ang nararamdaman mo para sa akin.” dagdag pa nitong sabi.Napakagat labi siya. Alam niya sa sarili niyang totoo ang sinabi nito. Inilagay ni Lawrence ang kamay nito sa baba nito at pagkatapos ay yumuko. “Wala kang ibang dapat na mahalin kundi tanging ako lang at wala ng iba pa.” sabi nito sa malamig na boses.Iniiwas niya ang kanyang mukha rito. “Gu-gusto ko ng humiga at magpahinga.” sabi niya rito. Mabuti na lang at hindi naman siya nito ginulo at tumayo mula sa pagkakahiga nito sa kama. Nakita niyang naglakad ito patungo sa balkonahe at naglabas ng sigarilyo at nagsindi nito.Pumikit siya at nagkunwaring natutulog pero sa totoo lang ay hindi naman talaga siya inaantok pa. Ang kanyang isip ay punong-
ISA NAISIP NIYA rin na totoo rin naman ang sinabi nito sa kaniya na bakit naman nito pakikialaman ang kanyang cellphone, idagdag pa na may password naman iyon at alam niya na hindi nito alam iyon. Hindi niya nai-blocked niya ito kagabi dahil sa pagbabanta ni Lawrence sa kaniya at hindi lang niya maalala?Ilang sandali pa ay bigla niyang nilingon itong muli. “Nagugutom ka ba? Gusto mo bang mag-order ng pagkain?” tanong niya rito dahil baka mamaya ay hindi pa ito kumakain.Sinulyapan siya nito ng matalim. “Tumahimik ka nga, hindi mo ba nakikitang nagtatrabaho ako?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Nag-aalala lang ako sayo…” mahinang sabi niya dahil sa likod nun ay sobra siyang nasaktan sa totoo lang. Iniisip niya lang naman ito pero parang siya pa ang naging masama. Pwede naman itong tumanggi sa maayos na paraan hindi katulad ng ganun.“Huwag mo na akong alalahanin pa dahil ayoko.” walang pusong sabi nito sa kaniya.Itinikom na lamang niya ang kanyang bibig dahil wala na siyang ibang
NAWALAN ng kulay ang mukha ni Asha nang ituloy pa rin ni Lawrence na hubarin ang polo nito sa kabila nang pagsasabi niya na mayroon siyang regla rito. Hindi niya akalain na hindi gagana ang palusot niyang iyon dito. Mas lalo pa tuloy siyang kinabahan ng wala sa oras. Tiyak na parurusahan talaga siya nito kapag nalaman nitong nagsisinungaling lang siya. Napalunok siya at tumitig dito. “Hindi ba mas maganda na hintayin mo na lang munang matapos ang regla ko?” tanong niya rito.Malamig siya nitong sinulyapan. “Hindi ba sinabi ko sayo na may condom naman ako?” tanong nito sa kaniya.Natigilan siya at nataranta. Seryoso ba talaga ito sa sinasabi nito? Gagawin talaga nito iyon? Pero… “paano kung tumulo yung dugo sa bedsheet?” tanong niya ulit dito, umaasa na baka sakaling magbago ang isip nito. Kaya lang ay iritado itong napatingin sa kaniya.“Napaka-simple ng problema mo.” may bahid nang inis na sabi nito. “E di kapag narumihan ay pwede namang palitan ang bedsheet.”Hindi na lang siya naka
IBINUKA NIYA ang kanyang bibig upang humanap ng tamang salita upang sabihin dito ang totoo. Kahit na anong sabihin niya rito ay tiyak na magagalit pa rin naman ito sa kaniya. “Ah, kasi… kasi…” hindi siya makahanap ng tamang salita para sabihin dito ang totoo.“Ganito ba talaga ang kulay ng regla mo?” galit na tanong nito sa kaniya habang inilapit sa kanyang mukha ang daliri nitong may madulas na likido ngunit walang kulay.Napalunok siya. “Hindi.” sagot niya rito.“Kung ganun ay ibig sabihin ay nagsinungaling ka sa akin? Ganun ba ha?!” bigla nitong sigaw sa kaniya na umalingawngaw sa loob ng silid nito. Hindi niya napigilang mapapikit ng mariin dahil sa matinding gulat. Idagdag pa na nabalot ng matinding takot ang kanyang katawan.“Pa-pasensya na. Nagkamali yata ako. Akala ko kasi ay meron na. Hindi ko sinasadya.” tuloy-tuloy na sabi niya. Hinihiling na sana ay paniwalaan siya nito kahit na alam niya na malabo iyon.“Hindi mo sinasadya? Talaga ba huh?! Ako pa ang lolokohin mo? Napaka-
LUMABAS SILA ng kotse at naglakad patungo sa may entrance ng gusali kung saan ay agad na lumapit si Lawrence sa isa sa mga nagbabantay. “Pakisabi mo sa boss na nandito ako.” sabi nito sa isa sa mga nagbabantay. Pagkasabi lang nito iyon ay dali-dali nitong inilabas ang cellphone nito marahil ay tinawagan nito ang tinutukoy na boss ni Lawrence.Tahimik lang naman siyang nakatayo sa likuran ni Lawrence habang iniikot-ikot ang mga mata sa mga nagbabantay na may nakasukbit na mga baril sa katawan. Dapat nga ay matakot siya lalo pa at iyon ang unang beses niyang pumunta doon ngunit hindi siya nakaramdam ng kahit anumang takot marahil dahil siguro kasama niya si Lawrence. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa kahit anong lugar basta kasama niya lang ito.“Pwede na po kayong pumasok.” sabi nito nang matapos nitong ibaba ang cellphone nito. Umalis ang mga ito sa daan para may madaanan silang dalawa.Ilang sandali pa ay nagulat siya nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya nang pumaso
MULI SIYA nitong sinulyapan. “May mga bagay akong alam tungkol sa kaniya, lalong-lalo na kung gaano kalaki ang galit mo sa kaniya.” makahulugang sabi nito at sinulyapan din ang katabi niya.Dahil sa sinabi nito ay hindi niya tuloy maiwasang hindi mapatanong sa kanyang isip kung sino ang lalaking ito? Bakit alam nito ang tungkol sa mga bagay na iyon. Kahit na ganun kagalit sa kaniya si Lawrence ay alam niya kung sino ang mga taong malalapit dito dahil palagi siya nitong isinasama sa mga lugar kung saan ito madalas magpunta at ang lalaking ito? Hindi niya pa ito nakikita ngayon pa lang kahit na pamilyar ang mukha nito kaya paano nito nalaman ang mga bagay na iyon? Hindi kaya may espiya ito na malapit sa kanila para malaman nito ang mga bagay na iyon?Tumaas ang sulok ng labi nito nang hindi sumagot si Lawrence sa tanong nito. “Sa totoo lang ay nagtataka talaga ako kung bakit mo sinama ang babaeng kinaiinisan mo sa buong buhay mo.” makahulugang sabi nito habang nakangiti at nakatingin ka
ILANG SANDALI ITONG hindi nagsalita at nakatitig lang sa kaniya hanggang sa muli na naman niyang ibinuka ang kanyang bibig. “Bakit kaya hindi ka na lang muna umuwi?” tanong niya rito. Mas makakabuti siguro para sa kanila kung uuwi na lang muna ito at magpapahinga.“Sige, kung yan ang gusto mo ay aalis na lang muna ako para hindi mo na ako makita pa.” sabi nito sa kaniya na walang emosyon ang mukha.Pagkatapos lang nitong sabihin ang mga salitang iyon ay dali-dali na siyang tumayo mula sa ibabaw niya at naglakad patungo sa pinto. Bago lumabas ay tumigil muna ito sandali, hindi ito lumingon sa kaniya ngunit hindi gumagalaw at nakabitin ang kamay sa ere upang buksan ang pinto hanggang sa tuluyang lumabas at nmaiwan siyang mag-isa sa loob ng silid.Ilang sandali siyang nakatulala hanggang sa dahan-dahang gumalaw ang kanyang mga kamay at inilagay iyon sa knaiyang kaliwang dibdib. Hindi niya alam ngunit sa sumunod na sandali ay bigla na lang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Biglang bumal
KITANG KITA niya kung paano sumimangot si Lawrence. “Sino naman kaya yan?” tanong nito sa kaniya.Agad niya itong pinanlakihan ng kanyang mga mata. “Paano ko malalaman kung sino? Bitawan mo ako para malaman ko.” sabi niya rito ngunit hindi ito kaagad na pumayag.“Ako na ang magbubukas ng pinto para sayo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay kaagad na siya nitong binitawan at naglakad patungo sa pinto kaya lang ay muli itong tumigil at bumalik sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Hinila siya nito patungo sa pinto at mukhang ayaw siya nitong bitawan.“Teka lang, bitawan mo na lang muna ako.” sabi niya rito ngunit parang wala itong naririnig at hinila pa rin siya nito hanggang sa pinto at pagkatapos ay binuksan ito.Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto. “Anong problema?” kaagad na tanong ni Lawrence dito na walang kapreno preno.“Napakaingay ninyo may natutulog na bata sa tabi ninyo. Pwede bang pakihinaan niyo naman ang mga bo
HABANG NASA KLASE siya bigla na lang akong nakatanggap ako ng tawag mula sa juristic person ng condo na may lumalabas na usok sa pintuan ng kwarto kaya naman dali-dali akong bumalik para tingnan ang kwarto dahil natatakot ako na may nangyaring masama.Pagdating ko, nadatnan ko si Lawrence na nakikipagtalo sa juristic person."Sabi ko nagluto ako at nakalimutan ko. Hindi ko sinasadyang masunog ang kusina.""Anong klaseng pagkain ang ginagawa mo na napakaraming usok?""O gusto mong magkaroon ng problema sa akin?" Pinandilatan ni Lawrence ito.Nang makita ko iyon ay dali-dali akong pumunta para pigilan siya. “Tumigil ka na.”Nang makita niya ang mukha ko ay agad na lumambot ang matigas na tingin ni Lawrence. Bago nagmamadaling humingi ng tawad sa legal officer ng condo."I have to apologize. Hindi na mauulit ang ganitong bagay.""nevermind "You're so beautiful, what can I give you?" That answer left me speechless. Dahil hindi ko akalain na mawawala sa isang kisap-mata ang mabangis na mo
‘Ikaw pa lang ang unang babaeng bibigyan ko nito.’ ang nakalagay sa card at isinulat niya.Naroon siya sa isang flower shop ng mga oras na iyon at bumili siya ng bulaklak para ibigay kay Asha at hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isulat sa note dahil ang totoo ay iyon pa lang ang unang beses na bumili siya ng bulaklak para sa isang babae. Hindi niya alam kung magiging epektibo ba ang pagbibigay niya ng bulaklak kay Asha ngunit gusto niyang subukan at ipakita kay ASha na nagbago na talaga siya. Sa huli ay iyon na lang ang isinulat niya at wala na siyang maisip pa. Sana lang kapag nabasa nito iyon ay ngumiti na ito sa kaniya.Ilang sandali pa ay sumakay na siya sa kanyang kotse at pauwi na sa condo ni Asha ngunit bago pa man siya makarating doon ay dumaan na muna siya sa isang supermarket upang bumili ng ilang mga sangkap sa pagluluto. Ang totoo niyan ay ni minsan ay hindi pa niya nasusubukang magluto. Wala siyang alam tungkol sa pagluluto dahil nasanay siya na may nagluluto p
NAPATAAS ANG KILAY ni Luke nang tumingin ito sa kaniya. Nasa club sila ng mga oras na iyon. “Siguro naman ay pwede mo nang sabihin sa amin kung bakit mo na naman kami ipinatawag dito?” tanong nito sa kaniya habang nakakunot pa ang noo.“Oo nga.” segunda naman kaagad ni Colt at ni Adam na kasama din nila ng mga oras na iyon. “Halos isang oras na tayong magkakaharap diro pero hindi ka pa rin nagsasalita.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Si Adam ay tahimik lang at nakatingin lang din sa kaniya marahil ay hinihintay din nito na magsalita siya. Napabuntong-hininga na lang siya tuloy ng wala sa oras. Ang totoo kasi kaya niya tinawag ang mga ito doon ay dahil sa may gusto siyang sabihin sa mga ito ngunit hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa pagsasabi. Isa pa ay natatakot siya na baka mamaya ay tuksuhin lang siya ng mga ito kaya nagdadalawang isip din siya na magsalita. Napapikit siya ng mariin. Kung bakit kasi napakahirap manuyo ng babae.“Ano Lawrence? Wala ka pa rin bang balak n
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n