"Okay na ba ang lahat?" usisa ni Aycxe sa earpiece.We are now going to start our attack. Nandito kami ngayon sa isang gusali kung saan naroon ang mga kalaban namin.There's a pros and cons in this attack. Maganda kasi sama-sama silang lahat, mas madali naming mapapasok kumpara sa teritoryo ng kalaban. Ang mahirap lang, delikado ang buhay ng kapatid ni Sophia. "Move," walang emosyong utos ni Aycxe saka kami kumilos sa mga nakatoka naming gawain.Mabilis at maingat akong lumibot sa gusali para ikabit ang mga bomba. Si Noella naman ay nakabantay sa amin at iniimporma kami mula sa earpiece sakaling may nakita siyang kalaban gano'n na rin ang mga lugar na dapat naming puntahan. Shiela and Aycxe in the other hand fight the enemy's underlings as we made our way in. Hindi ko makita si Matthew, malamang ay sinusuri niya kung saan naroon ang kaibigan namin.Bawat palapag na madadaanan namin ay nilalagyan ko ng bomba. There's no way that I will let this fvcking building standing. "Yuko." Pag
The next days were like a roller coaster ride of emotions. Tulad nang plinano ni Aycxe ay agad naming nilusob at winasak ang teritoryo ni Leonardo pagkatapos naming mamahinga. Punung-puno kami ng awa sa kaibigan namin no'ng nalaman niya ang nangyari kay Matthew. Sumilay ang takot sa dibdib ko habang nakikita ang pagdadalamhati niya, aaminin ko na lalo akong natakot sa punto na 'yon para sa amin ni Jairon. Hindi ko man tanggapin ang nararamdaman ko para sa kanya ay alam kong mag-iinakto rin ako na tulad ni Sophia sakaling dumating ang panahon na may mangyaring masama kay Jai. Hindi ko minamahina ang kakayahan niya na protektahan ang kanyang sarili. Alam ko lang talaga na hindi basta-basta ang mga kalaban namin. Si Matthew nga na bihasa sa pakikipaglaban ay inabot ang ganitong sitwasyon, paano pa ang mga normal na tao katulad ni Jairon. Traydor at brutal kung kumilos ang Ktinódis, isa iyong dahilan kung bakit pinili kong lumayo sa pamilya ko habang isinagawa ang pagpapalawak ng kakayah
"How is it?" pasimple kong bulong sa aking earpiece habang nilalakad ang isang hagdanan.Wearing a black side shoulder bodycon velvet dress, I swiftly walked into the 2nd floor area."I already put Sophia's sleeping pills on everyone's drink. We have two minutes before it effect to the first group of victims," Shiela said on the line."Okay. Patapos na rin ako rito," simpleng usal ko at inaayos ang suot kong itim na maskara."Hey, pretty lady, want some drink?" pag-iimbita sa akin ng isang Americano.I just flashed a seductive smile and slowly shook my head. "I'm already tipsy," pagpapalusot ko saka siya tuluyang nilampasan."Pakipot naman, ghorl," panunukso ni Shiela sa linya."Shut the fvck up, Shiela. Baka nakakalimutan mong mainit pa ang dugo ko sa 'yo." Pasimple akong tumungo para hindi mahalata ng iba ang pag-imik ko.We are now in a masquerade ball; pagtitipon na binuo ng mga taong trumaydor sa grupo namin.Shiela chuckled on the line. "It's your fault, Rose," she reminded.Ini
"He's alive..." Napailing nalang ako habang nakasakay sa aking sasakyan.It's been a month since the incident and we are all shocked to know that Matthew—Sophia's lover is alive.Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang mga daliri ko at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan. I was about to run it when my tab suddenly vibrated for a notification. Napasilip ako at agad ding pinatakbo ang sasakyan nang makita iyon.He's leaving.Nanatili pa ring nakakabit ang mga camera ko na ikinabit noon. Hindi ko na ito tinanggal bagamat hindi ko na siya binabantayan pa. Nagkataon lang na nakuha ng notipikasyon ang atensyon ko.Hilaw akong ngumiti habang mas binilisan ang patakbo ng sasakyan. Magmula nang nakita ko ang eksena sa parking lot ay hindi na ako nakipag-usap pa kay Dela Merced. Madalas niya akong abangan sa labas ng unit ko para piliting makipag-usap sa kanya—na paulit-ulit ko namang tinatanggihan.Para saan pa ang pag-uusapan namin?Plano ko sanang dumiretyo pauwi ngunit napagdesisyunan
"Don't force yourself to move, Quennie," mariing wika ni Jairon nang asta kong huhugasan ang pinagkainan namin. Tatlong araw na ang nakakalipas buhat nang natahi ang sugat ko. Sa isang katulad ko na sanay sa iba't ibang uri ng sakit ay wala ng epekto ang tama ko."How can I not? I am fvcking here in your house, in your family's house to be specific," mahinang singhal ko at pasimpleng tumingin sa itaas ng hagdanan para siguraduhin na hindi kami nakikita ng mga magulang niya.Puros pagmumura ang lumabas sa bibig ko sandaling nagising ako sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa biglaang pagdala sa akin ni Jai rito o matatakot sa pupwede nilang isipin sa 'kin dahil may tama ako ng baril no'ng naparito ako.Hindi ako kailanman nagkaroon ng pakialam sa tingin ng mga nasa paligid ko, ito ang unang pagkakataon na nabahala ako ng ganito, na tila ba gagawain ko ang lahat bumango lang ang imahe ko sa kanila.Jairon smiled and stood up from his seat. Lumapit s'ya sa 'kin at inag
"Thank you," Jairon spoke as he sat on my side.Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila. Nakaupo habang tinatanaw ang mga bituin at nagliliwanag na buwan. "Para sa'n?" Tiningnan ko s'ya habang nakaangat ang isang kilay ko.He didn't look at me, instead he just stared at the night sky as his lips formed a little smile. "Kung hindi dahil sa ginawa mo ay baka hindi ko na kasama ang kapatid ko ngayon," aniya.Napahinga ako nang malalim at tumingin din sa kalangitan. "Kahit sino gagawain ang ginawa ko sakaling sila ang naroon sa aking posisyon," mahinang wika ko.Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Ang mga huni ng kuliglig ay malinaw kong naririnig sa paligid."Doon ko lang lubos na naintindihan ang nararamdaman mo..." Muling pag-imik niya.Mabagal ko s'yang nilingon. He forced a smile then glanced at me. "Your pain, your hatred, your regrets." Saglit akong natigilan at umiwas ng tingin. Hindi ako nakaimik sapagkat hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong sabihin sa
Hindi katulad noon ay masaya kaming naghapunan ng pamilya ko. Mayroon man sa aking loob na nalulungkot sapagkat malimit kong maalala si Quenevere ay ipinagsawalang bahala ko muna 'yon.Sa unang pagkakataon ay napagdesisyunan kong magpalipas ng gabi sa bahay namin. Nagpunta ako sa kwarto ko at marahang pinasadahan ng tingin ang paligid. Walang nagbago.Iyon ang una kong napansin. Ang mga m'webles, kama at iba pang bagay ay hindi man lang naibo sa kanilang mga lugar. I sighed and laid down on my bed. Tulala kong tiningnan ang kisame habang inaalala ang mga masasayang kulitan namin ni Quenevere noon. Ilang saglit pa ay narinig ko ng tatlong katok mula sa pintuan. Mabagal itong bumukas hanggang sa nakita ko ang imahe ni Daddy. He stared at me then roamed his eyes around my room. Tipid s'yang ngumiti bago naglakad papasok, palapit sa 'kin.Bumangon ako at saka pinagmasdan ang kanyang kilos. He sat on my side as silence envelop the two of us. "Ilang taon na rin pala ang nakararaan..." Pa
Kinabukasan ay ramdam ko ang kaibahan ni Jairon, para siyang hindi mapakali o anuman. "Natatae ka ba?" usisa ko nang hindi na ako nakatiis sa itsura niya. Daig niya pa 'yong na-eebak kung mamawis ng todo. Nasa condo ko na ulit siya pagkatapos n'yang magbihis sa kanyang bahay. Kasalukuyan akong nag-aayos ng 'itsura ko sa salamin habang kunot-noong pinagmamasdan ang maya't maya niyang pagkuskos sa kanyang kamay.Mabilis s'yang umayos ng tayo saka tumingin sa 'kin. Tipid niya pa akong nginitian at umiling."I am just... excited," he said.My lips twitched because of that. "Malimit naman tayong mag-date, ngayon ka pa nangiba," kibit-balikat na sambit ko.He just laughed 'though it seems like he forced to do it. "Don't mind me. Just continue fixing yourself."Pinaikutan ko s'ya ng mata at itinuloy ang pagtatali ko sa aking buhok. Naglagay ako ng kaunting powder sa mukha saka lipstick bilang pagtatapos ng gayak ko."Let's go." Tumayo ako at hinigit ko ang inihanda kong mini bag.He looked