Share

CHAPTER 5

Author: Middle Child
last update publish date: 2026-02-04 17:59:09

Sa sobrang frustration, hindi na nakapagsalita si Jazz. At dahil nakita niyang pagod na pagod si Sheena, nanahimik na lang siya.

Naglatag si Sheena ng bagong pajama sa ibabaw ng kama. “May sariling banyo ang kwarto mo. Maligo ka na at magpahinga. Pagod na pagod ako ngayong araw—hindi na muna kita dadaldalin.”

Tumango nang mahinahon si Jazz. “Salamat.”

Pinanood niyang maglakad si Sheena patungo sa isa sa mga pinto ng kwarto, at alam niyang ang kabilang kwarto naman ang para sababae.

Matapos maligo at magpalit ng pajama, sa wakas ay gumaan nang kaunti ang kanyang pakiramdam.

Eksaktong papatulog na sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang bagong mensahe.

Galing ito sa kanyang nakababatang kapatid na si Emerson.

[Ate, naka-bakasyon ako ngayon. Kararating ko lang sa bahay. Birthday ngayon ni ate Angelyn—bakit wala ka rito? Sabi ni Mama naglayas ka na naman daw. Kailan ba ito matatapos? Umuwi ka na. Hindi ko gusto ang luto ng mga katulong dito; mas gusto ko ang luto mo.  Ipagluto mo ako ng potato salad bukas ng umaga, ah?]

[Umiyak si Ate Angelyn kanina. Pag-uwi mo, humingi ka agad ng tawad sa kanya. Hindi ka ba napapagod sa lahat ng gulo na 'to? Pati si Damon ayaw na sa’yo. Minsan, nahihiya ako sa harap ng ibang tao dahil sa’yo.]

Naramdaman ni Jazz ang isang matalim na kirot sa kanyang dibdib. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang cellphone habang dahan-dahang tinatanggap ang mapait na katotohanan: tila mahal ng buong mundo si Angelyn.

At siya—si Jazz—ay balewala lang. At lumalabas pa, na siya na nga ang hindi minamahal, siya pa ang lumalabas na masama.

Kahit ang pusong nababalot ng amnesia ay hindi nakatakas sa likas na sakit na dulot ng pagyurak ng sariling pamilya.

******************

Kinaumagahan, maaga siyang nagising. Ang maitim niyang eyebags ay nagbigay sa kanya ng pagod at wasak na hitsura.

Pumunta siya sa kusina para magluto at palihim na nagulat kung gaano pa rin siya kabilis kumilos sa pagluluto.

Binuksan ni Sheena ang pinto ng kanyang silid, nasinghot ang mabangong amoy ng nilulutong pagkain, at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

“Ipinagluluto mo na naman si Damon ng almusal? Kinain ba niya kahit kailan ang mga almusal na ginawa mo para sa kanya nitong mga nakaraang taon? Nag-aral ka ng culinary  bilang isang disenteng dalaga, pero pagkatapos mong grumaduate, wala kang trabaho dahil hinahabol mo siya nang ilang taon, para lang pagtawanan ng lahat. Ano ba talaga ang hinahabol mo sa lalaking iyon? Pinaamoy ka ba niya ng brief niya na bagong hubad at humaling na humaling ka sa kanya?”

Natigilan si Jazz, tila nanigas ang kutsarang hawak niya. Gusto niyang tumutol—hindi iyon para kay Damon.

Ngunit tila wala namang maniniwala sa kanya.

Naglagay siya ng ilang side dishes sa mesa.

Sa ibabaw ng mesa ay nakalatag ang resume ni Sheena. Sinulyapan ito ni Jazz at nagtanong, “Sheena, gusto ko sanang lumabas at maghanap ng trabaho. Ano nga uli ang kinuha kong course noong college?”

Tumingin si Sheena sa mga pagkain, kumunot ang noo, at nag-isip sandali.

“Jazz, mas magaling ka nang umarte ngayon kaysa noon.”

Naramdaman ni Jazz ang pait sa kanyang loob at isinulong sa lamesa ang isang mangkok ng chaopan. “Sabihin mo na lang sa akin.”

Naupo si Sheena, sumubo ng ilang kutsara, at bumuntong-hininga.

“Finance ang kinuha mo, pero ang kumpanya ng pamilya niyo ay nakapangalan sa kapatid mong lalaki, kay Emerson. Pustahan, hindi mo man lang alam kung saan ang pinto ng kumpanyang ’yon. Kahit si Angelyn, may  10 percent shares doon, habang ikaw, wala kahit ano. Pagkatapos mong grumaduate, nagkaroon ka ng pagkakataong mag-intern doon, pero hindi ka pumasok dahil iniisip mong wala ka nang oras na habulin si Damon kung magtatrabaho ka. Ngayon, namamayagpag si Angelyn sa kumpanya—tinatawag siyang ‘boss’ ng lahat—pero wala nang nakakaalala na ikaw ang panganay at ikaw ay nagiexist.”

Tahimik na kumain ng ilang subo si Jazz, bago biglang nagsalita, “Kung ganoon, magtatrabaho ako sa kumpanya ng mga Robles. Bumalik na mula sa ibang bansa si Malachi, ’di ba? Gusto kong magtrabaho sa kanya.”

Marahas na napaubo si Sheena. Nasamid siya sa kinakain niya, dahil sa katawa tawang narinig mula sa kaibigan. Dali dali siyang kumuha ng tissue at pinunasan ang kanyang bibig.

“Ikaw… ’di ba galit na galit ka dati kay Malachi? Dahil ayaw sa kanya ni Damon, kinamuhian mo na rin siya. Tuwing mababanggit ang pangalan niya, agad na kumukulubot ang mukha mo. At alam mo ba kung anong klaseng tao siya? Grumaduate siya sa Harvard na may dalawang degree sa edad na labing-walo, nagtayo ng pinakamalaking acquisition company sa ibang bansa noong labing-siyam siya, at laging laman ng mga financial paper sa Wall Street. Kung hindi lang dahil sa  isang car accident dalawang taon na ang nakalilipas na nagparalisa sa kanyang mga binti, walang babae sa buong mundo ang hindi magkakagusto sa kanya.”

Naalala ni Jazz ang kaaya-ayang boses ng lalaki na narinig niya sa telepono at hindi niya napigilang magtanong, “Ano’ng hitsura niya?”

Naghanap si Sheena sa internet at nakakita ng isang litratong kuha ng isang foreign media outlet.

“Heto.”

Sa litrato, ang lalaki ay nakasuot ng itim na suit at nakasara hanggang sa huling butones ng kanyang polo. Mayroon siyang tipid at pormal na aura (ascetic air), ang kanyang tingin ay malamig at malalim—parang ibabaw ng dagat na nagyeyelo ngunit may itinatagong naglalakihang alon sa ilalim.

Ito na ang pinakamagandang mukhang nakita ni Jazz, mas gwapo pa kaysa kay Damon—nang mahigit isandaang beses.

Dagdag pa ni Sheena habang bumubuntong-hininga, “Sayang lang. Hindi na siya bumalik sa bansa simula noong aksidenteng iyon, at wala nang balita tungkol sa kanya kahit saan—sa loob o labas man ng bansa. Kahit pa lumpo ang mga binti niya, sa ganyang mukha, mahaba pa rin ang pila ng mga babaeng hahabol sa kanya. Tsk.”

Matapos humigop ng kape ni Jazz, bigla siyang may naalala, “Sabi ni Damon, si Malachi daw ang boyfriend ko. Pupunta ako sa kumpanya ng mga Robles.”

Naging kumplikado ang ekspresyon ni Sheena. Itinaas niya ang kanyang kamay para hilutin ang kanyang sentido.

“Kung pupunta ka man sa  teritoryo ng mga Robles para kay Damon o para kay Malachi, desisyon mo ’yan. Pero kung talagang mapapaibig mo ang mailap na si Malachi, wala na akong masasabi pa. Mas higit siyang mabuti, kaysa kay Damon-yo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 16

    "SIR..."Dahan-dahang lumapit si Mildred sa malaking executive desk ni Emerson. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa isang pirasong papel—ang opisyal na Notice of Transfer.Hindi agad nag-angat ng tingin si Emerson. Nanatili ang kanyang mga mata sa mga babasahing papeles. Bahagya lamang siyang sumulyap sa dalaga nang may malamig at walang katuturang ekspresyon bago muling ibinalik ang pansin sa ginagawa."Bakit niyo naman po ako pinapalipat ng kumpanya, Sir?" tanong ni Mildred. Ang boses niya ay may pilit na katatagan, ngunit bakas ang pakiusap at takot. "Bakit po kay Kuya Damon?"Isang pormal at tamad na buntong-hininga ang lumabas sa mga labi ng chairman. Inilipat niya ang pahina ng kontratang hawak nang hindi man lang tumitingin sa mata ng dalaga."Inirerequest ni Kuya Damon na maging sekretarya ka niya," malamig at walang kabuhay-buhay na saad ni Emerson. "Kaya pumayag na ako. Mula sa araw na ito, sa kumpanya ka na niya magtatrabaho."Parang sinaksak a

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 15

    Napahinto si Emerson sa pagnguya. Dahan-dahan siyang tumingin kay Mildred, bakas ang pagtataka sa mga mata. "Anong koneksiyon ng pagluluto sa pagmamahal?"Ikiniling uli ni Mildred ang kanyang ulo at binigyan siya ng isang napakalambing na ngiti. "Wala po. Sinabi ko lang para malaman mo."Umiling si Emerson ngunit may bahagyang amusement sa kanyang boses. "You're weird."Agad na lumapit si Mildred at nagpacute sa tapat ng mukha ng lalaki. "Pero cute naman po, 'di ba? Umamin ka na, Sir!""Hindi," mabilis at walang kakurap-kurap na sagot ni Emerson.Natahimik nang ilang segundo si Mildred. Ang mga mata nito ay bahagyang kumurap, at dahan-dahang nawala ang malapad na ngiti. "Ah..."Sandali itong nakatitig sa kanyang sariling mga kamay sa ibabaw ng mesa. May munting kirot na dumaplis sa kanyang dibdib, ngunit mabilis din niya itong itinago. Makalipas ang ilang segundo, pilit siyang ngumiti nang napakatamis at muling nag-alok ng pagkain."Okay lang po! Babawi na lang ako bukas!" wika nito n

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 14

    Pagkatapos ng almusal, wala nang escape route si Emerson kay Mildred.Hindi dahil may mahalagang emergency board meeting silang kailangang dalohan. Hindi rin dahil may nag-aalab na krisis sa kumpanya. Kundi dahil tila naging personal at cute na anino na niya ang dalaga.Saan man siya pumunta, nandoon din si Mildred—nakatitig, nakangiti, at tila laging may lihim na balak.Sa malawak na sala—nandiyan ito, kunwari'y nagpapagpag ng unan habang sumusulyap sa kanya. Sa kusina—nandiyan din ito, nagpapanggap na naghahanap ng meryenda pero nakatitig lang sa bawat kilos niya.Nang umakyat si Emerson sa kanyang study room upang magbasa ng ilang mahahalagang dokumento, nakahinga siya nang maluwag. Akala niya'y ligtas na siya. Subalit makalipas lamang ang limang minuto, may narinig siyang mahihinang katok."Pasok," malamig ngunit may pagod na utos ni Emerson.Dahan-dahang bumukas ang pinto. Unang sumungaw ang kalahati ng mukha ni Mildred. Ang dalawa nitong bilugang mata ay kumikislap sa katuwaan,

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 13

    Hindi umuwi si Emerson ng gabing iyon. Buong gabi siyang naghintay, ngunit walang anino ng lalaki ang nagpakita.Nag-aalala man nang husto, hindi talaga nagawang mag-message ni Mildred sa kanyang boss. Inaatake kasi siya ng matinding hiya. Ayaw niyang magmukhang masyadong pilit o nag-o-overstep sa kanyang posisyon bilang empleyado sa bahay na iyon. Ayaw niyang mag-insist na mag-text o tumawag, dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Baka isipin ni Emerson na tsismosa siya, o mas malala, baka isipin nitong may gusto siya rito. Kahit ang totoo, may kaunti nga naman talaga.Ang ending, hindi siya nakatulog magdamag. Pabaling-baling siya sa kanyang kama, yakap-yakap ang unan, at paulit-ulit na tinitingnan ang screen ng kanyang cellphone kung may chat o missed call, pero wala talaga.Buong gabi siyang sumisilip sa bintana at sa pintuan ng kanyang silid. Tuwing may maririnig siyang tunog ng sasakyan sa kalye o tunog ng hangin, mabilis siyang tumatayo para tingnan kung iyon na ba ang sasakya

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 12

    "Wala ka bang nararamdaman para kay Mildred?" tanong ni Damon kay Emerson matapos nilang maupo sa isang VIP lounge ng bar. Bahagyang maingay ang paligid dahil sa musika, ngunit sa sulok kung saan sila naroroon, sapat ang katahimikan para magkaunawaan sila nang maayos.Inayos ni Emerson ang kanyang pagkakaopo at kinuha ang baso ng inumin sa mesa. "Wala pa sa plano ko ang magka-girlfriend o pumasok sa isang relasyon. Marami pa akong dapat asikasuhin sa pamilya at sa negosyo. Isa pa, para sa akin, hindi ko tipo ang mga katulad ni Mildred na masyadong bata. Ayoko ng ganoon, Kuya Damon," maikling sagot ni Emerson sabay iling."So, okay lang ba sa iyo kung ligawan ko siya?" muling tanong ni Damon sa kanya. Seryoso ang mukha nito at halatang hindi nagbibiro sa kanyang sinasabi.Natawa si Emerson sa paraan ng pagtatanong ng lalaki. Parang may relasyon naman sila ni Mildred kung magpaalam ito sa kanya. Hindi niya akalain na hihingi ito ng permiso sa isang bagay na wala naman siyang kinalaman.

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 11

    "Hi, Mildred..." nakangiting bati ni Damon sa kanya ng hapong iyon. Ang kanyang boses ay may kakaibang lambing na tila nagpapahiwatig ng interes, isang bagay na agad na nagpabilis sa tibok ng puso ni Mildred dahil sa matinding kaba."Hello po, Mr. Robles..." bahagya siyang yumuko at pilit na ngumiti, sinusubukang itago ang panginginig ng kanyang mga kamay. Lumayo siya nang kaunti upang mapanatili ang propesyonal na distansya."Out mo na pala. Tamang-tama, aayain sana kitang kumain sa labas ngayon. Hindi kasi ako busy, at gusto ko sanang magkwentuhan tayo," ngumiti si Damon bago dahan-dahang tinanggal ang suot niyang mamahaling shades.Mayabang at puno ng kompyansa sa sarili ang aura ni Damon, ang uri ng lalaki na sanay na nakukuha ang lahat ng hilingin niya. Malayong-layo ang ugali niya kay Emerson na kilala bilang isang seryosong tao, tahimik, at walang panahon sa mga walang kwentang bagay."Ah... Mr. Robles... may gagawin po kasi ako ngayon sa bahay," magalang na tanggi ni Mildred.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status