Se connecterNanatiling nakatayo si Jazz, tulala matapos ang sampal. Nakabiling ang kanyang ulo at tila wala nang buhay ang kanyang mga mata. Dinig niya ang matinis na ugong na iyon sa kanyang tainga.
Dali-daling lumapit si Angelyn sa tabi ni Norelyn at dahan-dahang hinaplos ang likod nito para kumalma ang paghinga. “Ma, ayos lang po talaga ako. Isang milyon lang naman ang laman ng account. Nag- aalala lang ako na baka walang magamit si ate. Kaunti lang ang perang naroon para hindi na siya masyado pang makapaglustay.”
Kumirot ang lalamunan ni Jazz sa sakit. Bigla niyang binuksan ang pinto ng isang taxing nakaparada sa kanyang tabi. “Excuse me…”
Ngunit wala siyang maisip na destinasyon. Ang tanging nagawa niya ay tumitig sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga taong iyon na naglalakad papasok sa loob ng bahay.
Sinulyapan ng driver ang kanyang namumutlang pasaheroi, “Pamilya mo ba ang mga ‘yon o mga kaaway? Wala kang kaimik-imik kanina kahit nasampal ka na. Huwag mo na alalahanin ang dalawang daang pamasahe mo—bumaba ka na lang.”
Dito na tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Jazz. Gusto rin niyang itanong sa sarili ang bagay na iyon—pamilya ba sila, o mga kaaway?
Napakasakit isipin, na parang wala man lang nag aalala sa kanya, na parang isa lamang siyang basura. Malabo pa ang kanyang mga alaala, kaya hindi niya makuhang humanap ng lugar na maaari niyang tuluyan.
********************
Habang hawak ang kamay ni Damon, naglakad palayo si Angelyn na may mapanuyang kislap sa kanyang mga mata. Bahagya pa niyang nilingon si Jazz, saka ngumiti na puno ng pang uuyam.
“Ma, Damon, totoo kaya na may amnesia si Ate? Baka kung ano ang mangyari sa kanya.. Papasukin kaya natin siya ng bahay?” puno ng mapagkunwaring pag aalala ang kanyang tinig.
Nagdilim ang mukha ni Norelyn sa sinabi ng anak, bakas ang pandidiri sa kanyang boses habang kinakausap ito. “Kung talagang may amnesia siya, hindi na sana siya nagpunta rito! Damon, dapat mo nang tapusin ang engagement niyo ni Jazz sa lalong madaling panahon. Huwag mong hayaang magdusa si Angelyn. Napakarami na niyang pinagdaanan sa buhay sa loob ng maraming taon. Bilang ina niya, paano ko matitiis na makita siyang muling malugmok at mahirapan?”
“Tita, huwag po kayong mag-alala. Aalagaan ko si Angelyn habang buhay.”
Tungkol naman kay Jazz, bagama’t dati silang childhood sweethearts, matagal nang naging kumplikado ang kanilang ugnayan.
Maraming taon na ang nakalilipas, magkasamang lumabas sina Jazz at Angelyn, ngunit si Angelyn ang nakidnap.
Pagkalipas ng limang taon, nang mahanap na si Angelyn, nalaman ng lahat na pinrotektahan niya si Jazz at hinayaan itong maunang tumakbo patungo sa pulis.
Tumakbo nga si Jazz—pero wala na siyang ibang ginawa. Pinabayaan niya ang kanyang kapatid na matangay ng mga kidnappers.
Ang isang taong katulad niya ay bulok na ang pagkatao bata pa lang. At nang mahanap na si Angelyn, palagi pa itong binu-bully ni Jazz sa paniniwalang ninakaw nito ang pagmamahal at puwesto niya sa pamilya.
Sa oras na magpakita si Damon ng kahit konting intensyong protektahan si Angelyn, tuluyang mawawala sa sarili si Jazz. Ang lahat ng nangyari mula noon hanggang ngayon, puro kagagawan lang ni Jazz para sa pansariling interes.
********************
Mag-isang nakaupo si Jazz sa gilid ng kalsada, suot pa rin ang kanyang hospital gown, mukhang sakitin at kaawa-awa ang kanyang anyo. Kung makikita pa nga siya ng mga taga mental hospital, iisipin ng mga ito na may sakit siya sa pag iisip.
Isang sasakyan ang dahan-dahang huminto sa tabi niya.
“Jazz?”
Isang boses ng babae ang tumawag. Tumingala si Jazz. Pamilyar ang boses, pero hindi niya maalala kung sino ito.
“Nakipag-away ka na naman ba kay Damon? Kung maglalayas ka man, hindi ka ba pwedeng magpalit muna ng matinong damit?”
“…Sino ka?”
Napahawak sa noo si Sheena at binuksan ang pinto sa passenger seat. “Sumakay ka muna. Minsan talaga hindi mo masisisi ang mga tao kung pag-usapan ka man nila. Paulit-ulit na ang mga gimik mo—nakakarindi na rin. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit napakabait mo pa rin kay Damon kahit napakawalanghiya naman niya sayo.”
Sumakay si Jazz sa kotse at tahimik na naupo sa passenger seat nang hindi nagsasalita.
Dinala siyaa ni Sheena sa apartment complex kung saan ito nakatira. “Sa bahay ko muna ikaw magpalipas ng gabi. At bukas, sigurado naman ako na maaga pa lang, hahanapin mo na si Demonyo este Damon mo pala.”
Sumunod si Jazz sa loob at marahan na nagpalit ng tsinelas sa may pintuan.
Pamilyar sa kanya ang ayos ng apartment—tila malapit na kaibigan niya ang taong ito.
Naupo siya sa sofa, habang si Sheena naman ay kumukuha ng tubig sa despenser. Maigat na iniabot nito ang baso sa kanya.
Habang hawak ang baso, sa wakas ay naramdaman ni Jazz ang pagbalik ng init sa kanyang katawan.
Humikab si Sheena, na mababakasan ng pagod sa mukha. “Maliligo lang ako. Doon ka na ulit matulog sa kwartong iyon. Pag-alis mo bukas ng umaga, huwag mong kalimutang dalhin 'yung mga damit na iniwan mo rito noong huli kang nanatili dito.”
“Minsan, hiling ko talaga na magpakita ka naman ng kaunting paninindigan at huwag sumuko agad kay Damon. Pero tuwing maglalayas ka, hindi ka man lang umaabot ng tatlong araw. Sa isang kumpas lang ng daliri ni Damon, tumatakbo ka na pabalik sa kanya at hinahayaan siyang tapak-tapakan ka. Kaya hindi kataka-takang minamaliit ka niya at ng mga kaibigan niya. Gamitin mo naman ang utak mo, okay? Jazz —kung isang araw ay tuluyan ka talagang mawalan ng alaala, magpapasabog ako ng fireworks bilang pagdiriwang dahil sa wakas, baka hindi ka na magiging tanga!”
Nakaramdam si Jazz ng matinding kirot sa kanyang dibdib, habang rumaragasa ang galit sa kanyang buong pagkatao. Nagmamadali niyang tinipon ang kanyang mga dokumento, pero napatigil siya nang buksan niya ang huling drawer.Sa loob nito ay may isang salansan ng mga certificate—ang pinakaprestihiyosong CPA at CFA credentials sa finance world.Kahit isa lang sa mga ito ay sapat na para maging pasaporte sa malupit na labanan sa labas upang magkaroon ng magandang posisyon sa kahit anong kumpanya, pero narito ang mga ito, nakasiksik lang sa pinakatagong sulok.Hindi ba’t ang tingin nila sa kanya ay isang walang kwentang tao na walang ibang alam kundi ang humabol sa lalaki?Sulyap lang ang ibinigay niya sa mga ito, ayaw nang magtagal, at mabilis na nag-impake ng ilang damit sa maleta para umalis.Eksakto namang pumasok si Emerson. “Ate, maglalayas ka na naman ba? Itigil mo na nga ’yan—gutom na gutom na ako!”Dali-dali itong lumapit at hinablot ang maleta mula sa kanyang mga kamay.“Kung hindi
Bago umalis matapos kumain, medyo nahihiyang nagtanong si Jazz, “Puwede mo ba akong pahiramin ng pera?”Huminga nang malalim si Sheena. “Ang cufflinks na ibinigay mo kay Damon noong nakaraang linggo ay nagkakahalaga ng isang daang libong piso. Tapos ngayon, sasabihin mong manghihiram ka ng pera dahil wala kang pera?”Napakamot sa pisngi si Jazz, halatang napahiya. “Nangutang lang ako para mabayaran ang bill sa ospital kahapon. Babayaran din kita agad.”Nag-transfer si Sheena ng sampung libong piso sa kanya sa pamamagitan ng WeChat at tinapik siya sa balikat. “Ilang taon nang nililimitahan ng pamilya mo ang gastos mo, pero tinitiis mong mag-ipon para lang maibili ng regalo si Damon—pati nga mga kamag-anak niya, sinusuyo mo. Hayaan mo na nga. Wala na ring saysay ang magsalita pa ako sayo. Hindi mo na kailangang magbayad. Kung wala kang matutuluyan ngayong gabi, bumalik ka lang dito.”Lubos na natouch ang damdamin ni Jazz sa sinabing iyon ng kaibigan.Ngayon, sigurado na siyang magtatra
Sa sobrang frustration, hindi na nakapagsalita si Jazz. At dahil nakita niyang pagod na pagod si Sheena, nanahimik na lang siya.Naglatag si Sheena ng bagong pajama sa ibabaw ng kama. “May sariling banyo ang kwarto mo. Maligo ka na at magpahinga. Pagod na pagod ako ngayong araw—hindi na muna kita dadaldalin.”Tumango nang mahinahon si Jazz. “Salamat.”Pinanood niyang maglakad si Sheena patungo sa isa sa mga pinto ng kwarto, at alam niyang ang kabilang kwarto naman ang para sababae.Matapos maligo at magpalit ng pajama, sa wakas ay gumaan nang kaunti ang kanyang pakiramdam.Eksaktong papatulog na sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang bagong mensahe.Galing ito sa kanyang nakababatang kapatid na si Emerson.[Ate, naka-bakasyon ako ngayon. Kararating ko lang sa bahay. Birthday ngayon ni ate Angelyn—bakit wala ka rito? Sabi ni Mama naglayas ka na naman daw. Kailan ba ito matatapos? Umuwi ka na. Hindi ko gusto ang luto ng mga katulong dito; mas gusto ko ang luto mo.
Nanatiling nakatayo si Jazz, tulala matapos ang sampal. Nakabiling ang kanyang ulo at tila wala nang buhay ang kanyang mga mata. Dinig niya ang matinis na ugong na iyon sa kanyang tainga.Dali-daling lumapit si Angelyn sa tabi ni Norelyn at dahan-dahang hinaplos ang likod nito para kumalma ang paghinga. “Ma, ayos lang po talaga ako. Isang milyon lang naman ang laman ng account. Nag- aalala lang ako na baka walang magamit si ate. Kaunti lang ang perang naroon para hindi na siya masyado pang makapaglustay.”Kumirot ang lalamunan ni Jazz sa sakit. Bigla niyang binuksan ang pinto ng isang taxing nakaparada sa kanyang tabi. “Excuse me…”Ngunit wala siyang maisip na destinasyon. Ang tanging nagawa niya ay tumitig sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga taong iyon na naglalakad papasok sa loob ng bahay.Sinulyapan ng driver ang kanyang namumutlang pasaheroi, “Pamilya mo ba ang mga ‘yon o mga kaaway? Wala kang kaimik-imik kanina kahit nasampal ka na. Huwag mo na alalahanin ang dal
Hindi na niya alam kung kanino pa hihingi ngthirty thousand na kabayaran sa kanyang hospital bill. Sa huli, alas-nuwebe na ng gabi nang muli niyang tawagan si Malachi.Isang malalim at paos na boses ang sumagot sa tawag niya—malamig at tila malayo, kagaya ng isang naliligaw tuta.“Jazz?”Agad na parang may bumara sa kanyang lalamunan ng marinig ang titig ng lalaki sa kabilang linya. Isang matinding bugso ng hinanakit ang bumaha sa kanyang puso. Naaalala niya kung paano sinaktan ng kanyang ina ang kanyang damdamin. Nanginginig ng bahagya ang kanyang tinig, ng mag umpisa siyang magsalita.“Hello… Malachi. Maaari– maaari ba akong makahiram ng thirty thousand?” mahina niyang tanong. “Nasa ospital ako at hindi ko mabayaran ang aking medical fees. Kilangan ko ng maka bill out upang hindi na lumaki pa ang aking babayaran dito.”Mula sa kabilang linya, narinig niya ang mahinang tunog ng paghinga, kasabay ng bahagyang kaluskos ng tela.Noong nawalan na siya ng pag asa, dahil sa hindi nito pag
Pagkatapos nito, inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ni Angelyn at umalis nang walang pag-aalinlangan.Nakatitig lang si Jazz sa mga numero sa kanyang cellphone. Ang kanyang totoong fiancee ay hindi man lang nagpakita ng malasakit sa kanya, mula pa umpisa, bagkus, hinamak siya nito kahit alam na nito ang kanyang kalagayan. Ang mga binitawan nitong salita, ay para lamang sa sarili, at sa babaeng kasama nito, na kapatid niya mismo.Para siyang sinasakal sa puso. Namutla ang kanyang mukha at isang mapurol at hindi mapigilang sakit ang kumalat sa kanyang dibdib. Kahit malabo pa ang ilan niyang alaala, hindi maipagkakailang nasasaktan siya sa sinabi nito.Halatang magaling na si Angelyn mula sa aksidenteng kinasangkutan nila, pero siya—na siyang sinisisi ng lahat—ang halos mawalan ng buhay.Paano niya naging fiancé ang isang lalaking tulad nito?Tatlong araw na siyang nawawala, pero wala ni isa mula sa pamilya niya ang nagtangkang kumontak sa kanya at mag alala. Sa kanyang isipan,







