LOGINBago umalis matapos kumain, medyo nahihiyang nagtanong si Jazz, “Puwede mo ba akong pahiramin ng pera?”
Huminga nang malalim si Sheena. “Ang cufflinks na ibinigay mo kay Damon noong nakaraang linggo ay nagkakahalaga ng isang daang libong piso. Tapos ngayon, sasabihin mong manghihiram ka ng pera dahil wala kang pera?”
Napakamot sa pisngi si Jazz, halatang napahiya. “Nangutang lang ako para mabayaran ang bill sa ospital kahapon. Babayaran din kita agad.”
Nag-transfer si Sheena ng sampung libong piso sa kanya sa pamamagitan ng WeChat at tinapik siya sa balikat. “Ilang taon nang nililimitahan ng pamilya mo ang gastos mo, pero tinitiis mong mag-ipon para lang maibili ng regalo si Damon—pati nga mga kamag-anak niya, sinusuyo mo. Hayaan mo na nga. Wala na ring saysay ang magsalita pa ako sayo. Hindi mo na kailangang magbayad. Kung wala kang matutuluyan ngayong gabi, bumalik ka lang dito.”
Lubos na natouch ang damdamin ni Jazz sa sinabing iyon ng kaibigan.
Ngayon, sigurado na siyang magtatrabaho sa kumpanya ng pamilya Robles, kailangan muna niyang umuwi para kunin ang kanyang ID at iba pang mahahalagang dokumento.
Pagdating niya sa bahay ng mga Aranas, nakaramdam siya ng kaunting pagkailang habang nagdo-doorbell.
Isang tinig ng binata ang narinig mula sa loob. “Sino ’yan?”
Binuksan ni Emerson ang pinto, at nang makita siya, agad itong nagalit.
“Ate, anong problema mo? ’Di ba sinabi ko sa iyong ipagluto mo ako ng almusal kanina? Bakit ngayon ka lang bumalik? Magluto ka na bilis—gutom na gutom na ako!”
Tiningnan ni Jazz ang guwapong binata sa kanyang harapan, na may taas na halos 1.83 meters, at dahan-dahang nagpalit ng sapatos sa may pintuan.
“Hindi ba’t may kasambahay naman tayo?”
“Hindi kasing-sarap ng luto mo ang luto ng kasambahay. Anong nangyayari sa’yo? Ilang taon mo na itong ginagawa, tapos ngayon sasagot-sagot ka na? Hindi ba’t responsibilidad mong ipagluto ang pamilya? Kahit noong mataas ang lagnat mo, nagluluto ka pa rin para sa amin. At kapag pinupuri ka ni Mama, halos kalahating araw kang masaya.”
Nanikip ang dibdib ni Jazz habang ang kanyang tingin ay napadako sa sala.
Sa sofa, nakaupo sina Angelyn, Norelyn, at ang kanyang tatay na si Menandro.
Nang makita ni Norelyn na bumalik siya, binulyawan siya nito. “Akala ko hindi ka na babalik para magluto ngayong umaga. Mukhang hindi mo rin naman pala kayang panindigan ang pag-iinarte mo. Bilisan mo na, pumunta ka na sa kusina—gutom na gutom na ang kapatid mo. Hindi ka talaga kumikilos bilang isang maayos na ate.”
Si Angelyn, na nakaupo nang elegante sa loveseat, ay bahagyang ngumiti sa narinig.
“Ate, gusto ko ng broccoli and shrimp stir-fry. Lagyan mo lang ng kaunting asin ha? Nagdadiet kasi ako ngayon. Magpapa-kuha kami ni Damon ng mga artistic photos mamaya.”
Matapos sabihin iyon, humarap siya kay Norelyn. “Ma, Pa, ano po ang gusto ninyong kainin?”
Agad na lumambot ang mukha ni Norelyn at ngumiti habang mapagmahal na tinatapik ang ulo ng anak. “Angelyn, napaka-maalalahanin mo talaga.”
Nakatayo lang si Jazz sa may entrance, at para sa kanya, tila isang katatawanan ang nasasaksihan.
Lumapit pa ang yaya at iniabot sa kanya ang apron, na may himig ng pagsita ang boses. “Ma’am, madalas ay alas-singko pa lang gising na kayo para magluto ng almusal. Bakit alas-siyete na kayo nakabalik ngayon? Kanina pa naghihintay ang lahat at gutom na gutom na. Kung mahuhuli kayo sa susunod, siguraduhin ninyong magsasabi kayo para naman nakakagawa kami ng paraan.” Saka bahagya pa itong bumulong, 'pa-importante..'
Tila ba ang tingin ng lahat kay Jazz ay wala nang iba kundi isang katulong.
Hindi niya tinanggap ang apron. Sa halip, tumalikod siya at naglakad patungo sa hagdan.
Natigilan ang lahat.
Napatalon si Emerson mula sa pagkakaupo. “Ate, anong ginagawa mo? Gutom na talaga ako! Humingi ka muna ng tawad kay Ate Angelyn—wala ka sa birthday niya kahapon! Tapos magluto ka na!”
Dagdag pa ni Norelyn, “Jazz, gusto ng lahat ang luto mo, at sanay ka na rin naman doon. Huwag ka nang magmatigas. Kumilos ka na para magkasilbi ka naman!”
Nasa may hagdan na si Jazz. Nang marinig ito, bahagya siyang ngumiti.
Taglay niya ang isang kapansin-pansing ganda—suplada at malamig tingnan kapag walang ekspresyon, at may balat na sa sobrang puti na parang may sariling ring light.
Sa hanay ng mga naggagandahang babae sa kanilang bayan, walang duda na may puwesto si Jazz kung magkakaroon ng ranking. Pero dahil sa loob ng maraming taon ay hinabol niya si Damon, naging katatawanan siya sa marami.
“One hundred thousand para sa isang meal,” mahinahon niyang sabi. “Sino ang magbabayad?”
Biglang nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong silid.
Ibinagsak ni Menandro ang hawak na diyaryo sa coffee table, madilim ang anyo ng mukha na tila ba hindi na niya makilala ang sariling anak.
“Kalokohan! Saan mo natutunan ang ganyang katusuhan sa pera?! Bakit bigla kang hihingi ng bayad para ipagluto kami? Ano ba kami sayo? mga customer?!”
Seryosong hinawi ni Jazz ang isang hibla ng kanyang buhok, habang isa-isang tinitingnan ang apat na tao sa kanyang harapan.
“Bakit ako magluluto para sa inyo nang libre? Nagpapakapagod ako sa kusina, habang si Angelyn ay nagtatanong lang kung ano ang gusto ninyong kainin, pero sa tingin niyo siya pa ang mas maalalahanin? Kung ganoon, siya ang paglutuin niyo.”
Tumalikod na siya para umakyat, pero biglang humagulgol si Angelyn.
“Ate, anong ibig mong sabihin? Ikaw naman ang nagpumilit na magluto noon, dahil sabi mo gusto mong bumawi sa akin. Alam ko na simula noong bumalik ako limang taon na ang nakakaraan, ayaw mo na sa akin—lagi mong iniisip na inagaw ko ang lahat ng sa’yo. Sige. Ako na lang ang aalis sa bahay na ito.”
Yumuko siya ng todo, halos ilapag na ang mukha sa sahig at pinunasan ang mga luha, tila ba labis siyang naaapi.
Kinurot ang pusong ina ni Norelyn ng makita ang anak na umiiyak.
At si Emerson naman ay hindi na nakatiis. Agad sinita ang kapatid. “Ate, tingnan mo ang ginawa mo! Bakit ba ganyan ka palagi?! Talaga bang masaya ka na nasasaktan ang mga tao sa paligid mo?!”
Hindi na nag-abala pa si Jazz na tingnan sila. Habang sinusubukang pigilin ang nananakal na pait sa kanyang dibdib, pinilit niyang ngumiti. “Sige. Lumayas ka na. Gusto mo bang igayak ko pa ang mga maleta mo? Oh ihatid pa kita sa labasan?”
Natigilan si Angelyn, at lalong napuno ng hinanakit ang kanyang mga mata. “Alam ko na. Ganyan naman ang palagi mong iniisip. Kahit ano’ng gawin ko, wala ring silbi. Talagang ayaw mo lang sa akin…”
“Bakit ka umiiyak?” malamig na tanong ni Jazz. “Sinaktan ba kita o minura? Napakabilis naman yatang pumatak ng luha mo. Kung tatalon ka sa ilog sa labas, baka mahawahan mo ang mga isda at maging dramatic na rin sila. Bagay na bagay talaga kayo ng gago na si Damon. Magsama na lang kayong dalawa at huwag niyo na akong guluhin.”
Natigil ang pag-iyak ni Angelyn habang nakatingin sa kanya nang hindi makapaniwala.
Ang dating Jazz ay hindi kailanman lalaban nang ganito. Ni hindi siya magsasabi ng kahit anong masamang salita laban kay Damon.
'Siguro ay nabaliw na siya dahil sa sobrang sakit ng pinagdadaanan niya.', sa isip ni Angelyn. Isang bahagyang ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi. Mabuti na rin iyon. Matagal na niyang kinamumuhian ang mukha ni Jazz at gusto niya itong sirain. Hindi niya maisip, kung bakit ba lahat ng ganda ay ibinigay sa babaeng ito. Isang kislap ng selos ang dumaan sa kanyang mga mata.
“Paano mo nasasabi ang ganyan tungkol kay Damon…”
Dahil ayaw nang mag-aksaya pa ng laway sa kanila, tuloy-tuloy nang umakyat si Jazz.
Hinabol siya ni Norelyn sa tindi ng galit. “Sumosobra ka na talaga! Narinig mo ba ang mga sinabi mo?!”
Akma niyang hahablutin ang manggas ni Jazz, pero itinulak siya nito palayo.
Natigilan si Norelyn, at nanahimik nang ilang segundo dahil sa gulat.
Ang anak niyang ito ay dati-rati’y napakasunurin—laging masipag at matapat, na nagliliwanag ang mga mata sa munting papuri lang mula sa pamilya.
Isang bahid ng kaba ang sumagi sa kanyang puso. “Sinasapian ka ba?”
Umakyat si Jazz, nagtanong sa isang katulong ng direksyon, at sa wakas ay nahanap na ang kanyang silid.
Magulong magulo ang kwarto, punung-puno ng mga kung ano-anong gamit, kabilang na ang isang piano at ilang iba pang instrumentong pangmusika.
Sinuri niya ang mga ito at napansin na bawat gamit ay may pirma—ang iba ay kay Angelyn, ang iba naman ay kay Emerson.
Gaano ba kalaki ang bahay na ito at wala man lang mapaglagyan ng mga instrumento?
Bakit kailangang isiksik ang lahat ng iyon sa loob ng kanyang silid?
Ano’ng tingin nila sa kwarto niya—bodega?
Nakaramdam si Jazz ng matinding kirot sa kanyang dibdib, habang rumaragasa ang galit sa kanyang buong pagkatao. Nagmamadali niyang tinipon ang kanyang mga dokumento, pero napatigil siya nang buksan niya ang huling drawer.Sa loob nito ay may isang salansan ng mga certificate—ang pinakaprestihiyosong CPA at CFA credentials sa finance world.Kahit isa lang sa mga ito ay sapat na para maging pasaporte sa malupit na labanan sa labas upang magkaroon ng magandang posisyon sa kahit anong kumpanya, pero narito ang mga ito, nakasiksik lang sa pinakatagong sulok.Hindi ba’t ang tingin nila sa kanya ay isang walang kwentang tao na walang ibang alam kundi ang humabol sa lalaki?Sulyap lang ang ibinigay niya sa mga ito, ayaw nang magtagal, at mabilis na nag-impake ng ilang damit sa maleta para umalis.Eksakto namang pumasok si Emerson. “Ate, maglalayas ka na naman ba? Itigil mo na nga ’yan—gutom na gutom na ako!”Dali-dali itong lumapit at hinablot ang maleta mula sa kanyang mga kamay.“Kung hindi
Bago umalis matapos kumain, medyo nahihiyang nagtanong si Jazz, “Puwede mo ba akong pahiramin ng pera?”Huminga nang malalim si Sheena. “Ang cufflinks na ibinigay mo kay Damon noong nakaraang linggo ay nagkakahalaga ng isang daang libong piso. Tapos ngayon, sasabihin mong manghihiram ka ng pera dahil wala kang pera?”Napakamot sa pisngi si Jazz, halatang napahiya. “Nangutang lang ako para mabayaran ang bill sa ospital kahapon. Babayaran din kita agad.”Nag-transfer si Sheena ng sampung libong piso sa kanya sa pamamagitan ng WeChat at tinapik siya sa balikat. “Ilang taon nang nililimitahan ng pamilya mo ang gastos mo, pero tinitiis mong mag-ipon para lang maibili ng regalo si Damon—pati nga mga kamag-anak niya, sinusuyo mo. Hayaan mo na nga. Wala na ring saysay ang magsalita pa ako sayo. Hindi mo na kailangang magbayad. Kung wala kang matutuluyan ngayong gabi, bumalik ka lang dito.”Lubos na natouch ang damdamin ni Jazz sa sinabing iyon ng kaibigan.Ngayon, sigurado na siyang magtatra
Sa sobrang frustration, hindi na nakapagsalita si Jazz. At dahil nakita niyang pagod na pagod si Sheena, nanahimik na lang siya.Naglatag si Sheena ng bagong pajama sa ibabaw ng kama. “May sariling banyo ang kwarto mo. Maligo ka na at magpahinga. Pagod na pagod ako ngayong araw—hindi na muna kita dadaldalin.”Tumango nang mahinahon si Jazz. “Salamat.”Pinanood niyang maglakad si Sheena patungo sa isa sa mga pinto ng kwarto, at alam niyang ang kabilang kwarto naman ang para sababae.Matapos maligo at magpalit ng pajama, sa wakas ay gumaan nang kaunti ang kanyang pakiramdam.Eksaktong papatulog na sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang bagong mensahe.Galing ito sa kanyang nakababatang kapatid na si Emerson.[Ate, naka-bakasyon ako ngayon. Kararating ko lang sa bahay. Birthday ngayon ni ate Angelyn—bakit wala ka rito? Sabi ni Mama naglayas ka na naman daw. Kailan ba ito matatapos? Umuwi ka na. Hindi ko gusto ang luto ng mga katulong dito; mas gusto ko ang luto mo.
Nanatiling nakatayo si Jazz, tulala matapos ang sampal. Nakabiling ang kanyang ulo at tila wala nang buhay ang kanyang mga mata. Dinig niya ang matinis na ugong na iyon sa kanyang tainga.Dali-daling lumapit si Angelyn sa tabi ni Norelyn at dahan-dahang hinaplos ang likod nito para kumalma ang paghinga. “Ma, ayos lang po talaga ako. Isang milyon lang naman ang laman ng account. Nag- aalala lang ako na baka walang magamit si ate. Kaunti lang ang perang naroon para hindi na siya masyado pang makapaglustay.”Kumirot ang lalamunan ni Jazz sa sakit. Bigla niyang binuksan ang pinto ng isang taxing nakaparada sa kanyang tabi. “Excuse me…”Ngunit wala siyang maisip na destinasyon. Ang tanging nagawa niya ay tumitig sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga taong iyon na naglalakad papasok sa loob ng bahay.Sinulyapan ng driver ang kanyang namumutlang pasaheroi, “Pamilya mo ba ang mga ‘yon o mga kaaway? Wala kang kaimik-imik kanina kahit nasampal ka na. Huwag mo na alalahanin ang dal
Hindi na niya alam kung kanino pa hihingi ngthirty thousand na kabayaran sa kanyang hospital bill. Sa huli, alas-nuwebe na ng gabi nang muli niyang tawagan si Malachi.Isang malalim at paos na boses ang sumagot sa tawag niya—malamig at tila malayo, kagaya ng isang naliligaw tuta.“Jazz?”Agad na parang may bumara sa kanyang lalamunan ng marinig ang titig ng lalaki sa kabilang linya. Isang matinding bugso ng hinanakit ang bumaha sa kanyang puso. Naaalala niya kung paano sinaktan ng kanyang ina ang kanyang damdamin. Nanginginig ng bahagya ang kanyang tinig, ng mag umpisa siyang magsalita.“Hello… Malachi. Maaari– maaari ba akong makahiram ng thirty thousand?” mahina niyang tanong. “Nasa ospital ako at hindi ko mabayaran ang aking medical fees. Kilangan ko ng maka bill out upang hindi na lumaki pa ang aking babayaran dito.”Mula sa kabilang linya, narinig niya ang mahinang tunog ng paghinga, kasabay ng bahagyang kaluskos ng tela.Noong nawalan na siya ng pag asa, dahil sa hindi nito pag
Pagkatapos nito, inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ni Angelyn at umalis nang walang pag-aalinlangan.Nakatitig lang si Jazz sa mga numero sa kanyang cellphone. Ang kanyang totoong fiancee ay hindi man lang nagpakita ng malasakit sa kanya, mula pa umpisa, bagkus, hinamak siya nito kahit alam na nito ang kanyang kalagayan. Ang mga binitawan nitong salita, ay para lamang sa sarili, at sa babaeng kasama nito, na kapatid niya mismo.Para siyang sinasakal sa puso. Namutla ang kanyang mukha at isang mapurol at hindi mapigilang sakit ang kumalat sa kanyang dibdib. Kahit malabo pa ang ilan niyang alaala, hindi maipagkakailang nasasaktan siya sa sinabi nito.Halatang magaling na si Angelyn mula sa aksidenteng kinasangkutan nila, pero siya—na siyang sinisisi ng lahat—ang halos mawalan ng buhay.Paano niya naging fiancé ang isang lalaking tulad nito?Tatlong araw na siyang nawawala, pero wala ni isa mula sa pamilya niya ang nagtangkang kumontak sa kanya at mag alala. Sa kanyang isipan,







