Share

About Last Night (Tagalog)
About Last Night (Tagalog)
Author: Creivyr19

Chapter 1

Huwebes nang gabi noon after ng work ko as Nurse sa Gen. San Hospital or General Santos Hospital, kung saan apat na taon na akong nagtatrabaho roon.

Pauwi na ako sa amin ng biglang tumawag sa akin ang kaibigan kong si Annabelle na nagtatrabaho din Nurse sa London. Actually she's not just a friend but she is my best friend since Elementary.

Sinabi niya na pupunta raw siya ngayon sa bahay ko, kasama din ang mga kaibigan niya sa London. As far as I know nasa London siya malayong malayo sa General Santos.

Sa tingin ko ay isa na naman itong prank o kasinungalingan lamang.

Sa pagkakaalam ko kasi ay advance kung magpaalam si Annabelle kapag uuwi ito ng pinas, kahit na sa susunod pa naman na buwan ang alis niya ay pinapaalam niya agad sa akin. Well as I said advance palagi.

Anyway ako nga pala si Kristina Delos Santos Tubong Laguna 24 years old, single, walang boyfriend at mas lalong walang asawa.

I'm NBSB or no boyfriend since birth that's why I'm still too ignorant about love or still innocent when it comes to love especially in obscenes things.

I've never experienced having a boyfriend even at that age because I  only focus on my carrier. Beside that, I  really have no time for love or whatever things that makes me annoying because I  just wanted to achieve my goal which is to work on London as a Nurse. Which is one of my long time dream.

I already considered myself as an independent woman. 

Hindi na ako nakasandal o wala na ako sa puder ng aking mga magulang.

Dito na rin ako nanirahan sa General Santos sapagkat dito ako nakapagtrabaho. 

Nakabili ako ng sarili kong bahay at lupa rito. Nahihirapan kasi ako noong una nu'ng nagrerenta pa lang ako ng apartment. Bukod sa magastos, hindi pa minsan magkasya ang sweldo ko sa isang buwan. 

Kaya nag-ipon ako, pumasok ako sa mga ibat-ibang raket para domoble ang kita ko. Then after a year malaki rin ang na ipon ko kaya nag 

pasya akong bumili ng lupa at bahay.

And then, finaly maganda na ang buhay ko ngayon. Hindi na ako gumagastos ng malaki bagkus ay nakapag-ipon pa ako.

Hindi naman kalakihan ang nabili kong bahay subalit kontento na ako at komportable. At kahit na ako lamang mag-isa sa bahay ko.

Gabi nga iyon nang makauwi ako sa bahay galing trabaho. Pagod at inaantok na ako dahil sa maraming pasyente nu'ng araw na iyon.

Pumasok na ako sa aking kwarto para matulog. Mayamaya lang ay parang may narinig akong maingay sa labas na tila kaka-iba.

Noong una ay hindi ko iyon pinansin sapagkat sa aking pag-aakala ay kung anong hayop lamang iyon na nasa labas ng aking bahay. Hanggang sa may narinig na nga akong ingay na parang may nagbubulungan na tao sa labas ng bahay ko, kaya't doon na ako nagsimulang magbahala.

Natakot ako at kinabahan ng gabing iyon, sa aking palagay ay baka magnanakaw na nagbabalak pasukin ang bahay ko.

Lumabas ako sa aking kwarto. Dahan-dahan ako sa paglakad papuntang kusina para kumuha ng panangga o kutsilyo kung sakaling magnanakaw nga ito, na kahit papaano ay magawa kong dipinsahan ang aking sarili laban sa kanila.

Pagkatapos nu'n ay dahan-dahan na rin akong pumunta sa sala malapit sa pintuan kung saan may nakita akong anino ng tao.

Hindi ko mabilang kung ilan sila subalit sa aking palagay  ay marami sila.

Nakadikit ako sa pinto upang pakinggan ko kung anong pinag-uusapan nila at habang sa kalagitnaan ako nang pakikinig ay may narinig akong bumagsak na baso malapit sa kusina. Dahil sa lakas nang pagbagsak ay napasigaw ang ilan sa mga kasamahan nila.

Napatingin agad ako sa kusina at mas lalo pa akong kinabahan nang marinig ko ang ingay na mismo ay nasa loob na ng aking kusina.

I was scared that night at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Huli na nang ma-realize kung tumawag ng pulis.

Gusto kong umakyat sa taas para kunin ang cellphone ko. But I remembered na madaanan ko pa pala ang kusina bago ako makapunta sa taas.

So, ang ginawa ko ay buong tapang kong pinuntahan ang kusina upang patayin ko ang plangka ng sa ganoon ay maging madilim ang buong paligid at gayon din upang hindi nila ako mabilis na makita.

Nang papunta na ako ng kusina upang patayin ang plangka ay laking gulat ko na lang ng bigla-biglang namatay ang lahat ng ilaw, subalit wala pa naman akong may ginagawa.

Mas domoble pa ang takot na aking naramdaman dahil sa wala akong makita. Napaisip na lang tuloy ako na baka ito na ang katapusan ng buhay ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking pag-iisip ng mga oras na iyon kung anong gagawin ko and then after a minutes ay biglang bumalik ang ilaw.

Pagbukas nang pagbukas ng ilaw ay laking gulat ko na lang ng may nakikita akong maraming taong nakatambad sa harapan ko.

Napasigaw ako at napapikit sa nakita ko, dahilan na rin sa sobrang takot ko at kaba. "'Wag kayong lalapit, may dala akong kotsilyo magkakamatayan muna tayong lahat dito bago niyo magawa ang masamang binabalak niyo sa akin!" Pasigaw kong pagsabi sabay tutok ng kotsilyo sa kanila habang pikit-pikit ang mga mata.

Ilang saglit pa ay nagtaka ako kung bakit hindi man lang ako inano o sinaktan ng mga taong nasa harapan ko.

Dinahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Tila nagtaka ako bigla ng makita ko ang aking matalik na kaibigan na si Annabelle na siyang nakatayo sa aking harapan.

Pumikit ulit ako baka nanaganip lamang ako at sa pangalawa kong pagmulat ay nakita ko nga si Annabelle na siyang tunay na nasa harapan ko, kasama ang iba pa niyang kaibigan na hindi ko pa kilala.

"SURPRISE KRISTINA!!" Pasigaw na pagbati ng lahat sabay nagsitawanan na para ba hindi alintana sa kanila ang kabang idinulot nila sa akin ng mga sandaling iyon.

Napatigil ako at nagulat na parang nakaramdam ng saya. "Oh my God! Kayo lang pala, Annabelle? Diyos ko halos mamatay ako sa nerbyos at takot sa ginawa niyo Annabelle!" Palakas na boses na pagsabi ko habang nanginig pa rin sa takot.

"Hello Best friend!" Wika pa ni Annabelle sabay niyakap ako nang mahigpit habang walang tigil sa kaniyang pagtawa.

"Ang ganda naman ng pa-surprise niyo at muntik niyo na akong mapatay at muntik na rin akong makapatay ng tao!" Ani ko pa sabay tiningnan sila isa-isa na may kunting galit na makikita sa aking mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status