For so many years, I thought I wouldn't be affected anymore. After so many years, I thought I would be immune against his charms. But seeing him right now, sitting across from me, brings a lot of memories. The good and the bad. Steamy and hot moments.
“What do you think, Ava?”
Napakurap ako nang marinig ang malalim na boses ng aking asawa na nakaupo lang sa tabi ko. Naibalik ako ng kanyang tanong sa kasalukuyang usapan. Marahan ko siyang nilingon at ginawaran ng ngiti sa kabila ng tila ba nabubungkal na natutulog na emosyon ng nakaraan.
“I-I don't know,” sabi ko sa pilit na mahinahong boses. “Wala naman akong alam sa pagnenegosyo.”
Ilang segundo niya pa akong mariin lang na tinitigan. I know he is reading my thoughts through carefully looking at the expression on my face. He is good at this. My husband, Damien Altos Ignatius isn't branded as ruthless in the world of business for nothing.
Pinutol niya ang pagtitig sa akin at binalingan ang lalaking nakaupo sa aming tapat. Without taking his eyes off of the man in front of him, he took his glass of wine and sipped on it. Matapos niya itong gawin ay ibinaba na niyang muli ang kanyang wineglass.
“I accept your business proposal,” pagbitiw niya. “Have your secretary send in the papers to the office by tomorrow.”
“Thank you, Mr. Ignatius.” Tumayo ang balahibo ko sa narinig na boses ni Ryker. “It's a pleasure to work with you.”
My fate is finally sealed. Nagsusumigaw ang boses sa utak ko upang umapila sa sinabi ng asawa. Bakit siya pumayag? Maski na alam kong walang alam si Damien sa nakaraan namin ng lalaki na makakatrabaho niya ay gusto ko pa rin siyang awatin sa kanyang desisyon. Ngunit imbes na magsalita ay walang abiso akong mabilis na napatayo. Both of the men's eyes are now all on me.
“What's wrong?” tanong ni Damien sa akin. His voice is now laced with concern. Concern that he rarely gives to other people around him because of his coldness and ruthlessness.
I looked down. Ayaw kong tingnan ang mga mata ni isa sa kanila. Humigpit ang pagkakahawak ko sa red clutch na nasa kamay. Kulay pula na terno sa suot kong v neck high slit dress.
“I. . . I need to go to the toilet.”
“Sanjay,” awtomatikong malamig na pagtawag ni Damien sa pinakapinagkakatiwalaan niyang bodyguard.
Maagap itong sumulpot sa gilid ko. Hindi na ako nagulat pa dahil alam ko naman na nagkalat sa paligid ng gusali ng five star hotel and restaurant ang security staffs niya.
Tumalikod na ako sa dalawang lalaki at naglakad na paalis. Dinig na dinig ko ang bawat pagtama ng takong ng suot kong red stilletos sa marmol na sahig. And aside from it, I could also hear the rapid and loud beating of my heart.
Huminto ako sa tapat ng malaking pinto na gawa sa kahoy.
“I'll take it from here,” mahina kong sambit kay Sanjay at sa isa pang bodyguard.
Isang beses na tumango si Sanjay at binuksan na ito para sa akin. Pumasok ako sa loob at narinig ko sa likod ang muli nitong pagsara. Bumungad naman sa akin ang mahabang hallway ng CR ng hotel. Naglakad ako at nakita na nasa kaliwang bahagi nito ang women's toilet. Binuksan ko ang isa sa mga pintuan at pumasok na sa loob.
Tiningnan ko ang repleksiyon ng sarili sa salamin. I looked so pale. Ni hindi natakpan ng bold red lipstick ang pagiging maputla ko. I quickly opened my clutch and took the small rubberband inside it. Mabilis kong itinali ang nakalugay na kulay itim na buhok na may kulot sa dulo. Ryker used to like it better when I don't tie my hair. I don't want him to like it now.
Bahagya akong natigilan sa ginagawa nang mapagtanto na siya na naman ang iniisip ko. Nabitin sa ere ang kamay ko ngunit natali na ang buhok. Mariin akong pumikit. I am married now. Hindi ako dapat nag-iisip pa ng ibang lalaki. I love Damien. I love—
Malakas akong napasinghap nang may biglang humila sa pantali ng aking buhok dahil upang muli itong bumagsak at mapalugay. Dumilat ako at halos mahulog ang puso dahil sa pagtalon nito nang makita si Ryker sa salamin na nakatayo sa aking likod. Marahas ko siyang hinarap.
“What are you doing here?!”
Imbes na sagutin ang tanong ko ay inatake niya ang mga labi ko ng halik. Hindi ko magawang iiwas ang mukha dahil sa mariin niyang paghawak dito. I tasted the wine from his hot lips and it got me more intoxicated than before. The kiss took minutes, an hour. I don't know. Unti-unti akong nanghina lalo na nang mas palalimin niya ito. Sa huli ay nagpaubaya ako.
A single tear fell on my left cheek. It stopped him. Huminto siya sa paghalik ngunit nanatiling malapit ang kanyang mukha sa akin. Bumalatay sa kanyang mga mata ang sakit at pagsisisi.
“You should've been mine.” His jaw clenched as he swallowed hard. “You were supposed to be mine.”
“How did you get passed the security?”malamig kong tanong. Inignora lang ang sinabi niya.
He gave an evil smirk. “I have my ways.”
Matalim ko siyang tiningnan. “Get out of my way. I need to go back to my husband.”
“Hindi mo siya mahal,” matigas na paratang niya.
“How would you know that?” asik ko. “Wala kang alam kaya wala kang karapatang sabihin 'yan!”
“Be in bed with me again. I'll prove it to you—”
Mabigat na sampal ang iginawad ko sa kanya upang patahimikin siya. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong paligid.
“How d-dare you?”Nanginig na ang boses ko dahil sa matinding galit. “I will never cheat on my husband.”
Humakbang na ako at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya. Abot kamay ko na sana ang pinto nang muli siyang nagsalita sa likod ko.
“I will make you mine again, Gertrude,” pagbabanta niya.
I swallowed hard. Sa nanginginig na kamay ay inabot ko na ang doorknob at binuksan ang pinto. I walked away. I walked away from him again just like what I did six years ago. And God, I hope I could walk away from him this time, forever.
“For the eyes of the Lord are on the righteous, and his ears are open to their prayer. But the face of the Lord is against those who do evil.” Mula sa nagsasalitang pari sa harapan ay iginala ko ang tingin sa mga taong nakikinig sa salita ng Diyos sa loob ng simbahan. Tiningnan ko ang ekspresyon nila sa mukha. Animo ay seryosong nakikinig at sinisipsip ang aral nito. Na para bang pagkatapos ng misa at pagkalabas ng simbahan ay hindi na muling gagawa pa ng kasalanan. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga. Kaagad akong sinipat ng tingin ni Nanay. “Hindi ka yata nakikinig, Gertrude,” sita niya sa akin sa mah
Nakatanga lang ako habang nakatingin sa kanya. Walang pake niyang iminuwestra ang blackboard sa harapan. “Simula ka na, Ma'am,” utos niya. Ngumisi siya sa huling salita. I've noticed that for a guy his age, he already has a deep mature voice. Tumikhim ako at inayos na ang sarili. Binuksan ko na ang expanded envelope at kinuha ang test papers na laman nito. Hindi man tinitingnan si Ryker ay ramdam ko pa rin ang intensidad ng pagsunod ng tingin niya sa bawat galaw ko. Nag-angat ako ng tingin at ibinaling ito sa lahat ng estudyante. “Please, get ready with your pens,” anunsiyo ko.“We shall start shortly.” Isang milagro at sumunod naman ang nga ito. Tama nga ang mga naririnig ko. Takot nga yata talaga sila sa isang Ryker Artemis Gamba. Lumapit na ako sa unang row at binilang ang mga estudyanteng nakaupo rito. Inabutan ko ng sampong test papers ang estudyanteng nakaupo sa unahan. Lumipat kaagad ako sa kasunod na row. Ganoon d
Pumasok na ako sa loob ng traysikel at naupo sa tabi ni Ryker. Kinandong ko sa hita ang mga aklat na hawak ko kanina.“Sa may Robles muna tayo, Loy,”ani Ryker sa drayber na kilala niya pa yata dahil sa pagbanggit niya sa pangalan nito.“May sadya kayo sa kalye namin?”Tiningnan niya ako. “Oo. Ihahatid ka.” Ibinaba niya ang tingin sa mga libro na nasa hita ko. “Nagpapatayo ka ng library sa inyo?”Hindi nakalagpas sa akin ang panunukso niya. “Kailangan ko para sa finals,” pangangatuwiran ko.Inismiran niya ako. “Mag-aaral ka pa malapit na bakasyon?”“Dean's lister ako,” saad ko bilang paliwanag. Napatingin ako sa kanya nang maalala ko ang ikuwenento ni Jandy sa akin tungkol sa babae nito.Napansin niya ang ginagawa kong paninitig sa kanya kaya mula sa pagtingin sa daan ay bumaling siya sa akin.“Ano? May tanong ka?”
Para na akong isang kriminal na palinga-linga sa paligid habang nag-aabang ng traysikel na masasakyan pauwi. Nag-iingat ako at baka makita ni Ryker at sumabay pa talaga sa akin sa pag-uwi gaya ng sinabi niya kaninang tanghali. Kaagad kong pinara ang traysikel na dumaan sa harap ko at awtomatiko naman itong huminto. Sa pagmamadali ko na makatakas ay hindi ko na tiningnan pa ang drayber sa pagpasok ko sa loob nito. “Sa may Robles po tayo, Kuya,” sabi ko sabay ayos ng bag sa kandungan. “Hintayin muna natin si Ryker, ha. Maski may high standards ka,” tugon naman ng pamilyar na boses. Madali akong napatingin sa drayber ng traysikel at nakita ang pamilyar na hitsura nito. Ito iyong sinakyan namin ni Ryker noong nakaraang araw na kaibigan niya pa yata! Kung minamalas ka nga naman— “Nawala ka, ah.” Napahiyaw ako sa gulat sabay hawak sa dibdib sa biglang pagsasalita ni Ryker sa labas ng traysikel. Ngumisi siya at pumasok na sa lo
Nakapako ang seryoso kong tingin sa kanya. Kung ganito niya nabibingwit ang mga babae niya, puwes ibahin niya ako.“Akala ko ba hindi ka nanliligaw?” sabi ko at pinagkrus ang braso sa harapan. “Mamaya niyan at masabunutan pa ako ni Cely ng Business Ad.”Kumunot ang kanyang noo at nanliit ang kanyang mga mata.“Wala namang kami ni Cely,” pagtanggi niya.“Nakita ko kayo doon sa second floor sa campus. Walang kayo pero nakikipaghalikan ka sa kanya. Ang gulo mo rin.” Umirap ako at tinalikuran na siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at iniwanan na siya.“Matagal na 'yong sa'min.” Nakahabol siya sa akin. “Last na 'yon kasi gusto ko nang manligaw sa'yo nang seryoso.”Huminto ako at binalingan siya ng tingin. “Alam mo kahit magseryoso ka pa sa panliligaw sa'kin, hindi pa rin kita sasagutin at alam mo ang dahilan diyan. Huwag mo nang sayangin ang oras mo sa'k
Unang araw ng pasukan ay binungad kaagad kaming second year college Nursing students ng napakaraming research assignments. Nasanay na kasi ako noong first day pa lang sa first year college na hindi pa masyadong seryoso ang mga unang tatlong araw. Nanibago ako dahil hindi inasahan na magiging ganito na pala kaseryoso sa second year. Isinampa ko ang ulo sa armrest at humugot ng malalim na hininga habang hinihintay pa ang pagpasok ng kasunod na guro. Nang tingnan ko ang mga kaklase ay nakita ko rin ang mga nakabusangot nilang mukha. Inilipat ko ang tingin sa jalousie ng classroom. Nakita ko ang pagdaan ni Ryker sa labas ng bintana kasama ng mga barkada niya noong senior high na pareho rin ang kurso ng sa kanya, Business Ad. Mula sa labas ay napatanaw siya sa bintana ng classroom ko. Nag-angat ako ng mukha at nanliit ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Nakita ko ang pagtatawanan ng mga barkada niya at tinapik pa siya sa balikat ng isa. Umilin
Bumalik ang sinabi sa akin ni Jandy kanina. Hindi na mababago ang pagiging gago ni Ryker. Dumapo ang tingin niya sa akin at nahinto siya sa paglalakad. Parang nahihiya pa niyang iniiwas ang mukha kahit na nakita ko na naman ang pasa sa kanyang pisngi. “Mr. Gamba!” galit na pagtawag sa kanya ng Dean. Umigting ang kanyang panga. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at hindi na ako muling tiningnan pa. Ilang minuto pa akong nanatili sa kinatatayuan dahil nag-ugat na ang mga paa ko sa lupa. Ano kaya ang nangyari? Halatang napaaway na naman si Ryker. Sinulyapan ko ang suot na relo at nakitang limang minuto na lang ay simula na ng klase ko. Mabilis akong nagpatuloy na sa paglalakad. Nabunutan ako ng tinik pagdating ng classroom namin nang makitang wala pa si Prof. Tinungo ko ang upuan at napansin ang katabi kong si Ems na kausap si Jemima. “ . . . bigla na lang daw nagalit iyong Ryker Gamba.” Dinig kong sinabi ni Ems. “Pat
Ang lahat ay nakatingin na sa akin at naghihintay na simulan ko ang pagkanta. Nasa sala na kami ng bahay nina Ryker. Mas lalo akong nabalisa sa kinatatayuan at wala sariling napadikit kay Ryker dahil na rin sa kahihiyan. “Hindi mo kailangang kumanta,” natatawa niyang bulong malapit sa tainga ko. “Sabihin mo 'yan sa mga taong nakatingin sa'kin ngayon dito,” sabi ko na pekeng nakangiti at halos hindi na bumubuka ang bibig. Mas umakyat pa ang kaba ko nang lumapit na ang nanay ni Ryker sa akin. Hawak na nito ang birthday cake ni Ryker na may nakasinding kandila. Tumikhim ako at huminga ng malalim. Ayaw ko naman na maging panira sa birthday celebration niya. “Happy birthday to you . . .” panimula ko sa halos pumipiyok na boses. Tumikhim ako at sinubukang ayusin ang boses. “Happy birthday to you.” Mas naging klaro na ang boses ko at nagsimula na ring sumabay sa akin sa pagkanta ang lahat. Iniabot ng nanay ni Ryker ang