Share

Chapter 4

Kapag nabo-bored ako, kadalasang ginagawa ko ay gumagawa ako nang blog kung ano ang mga ginagawa ko ngayong araw at pinopost ko sa social media accounts ko para memories na rin.

Andito kami ngayon sa room, 1:41 pm na pero wala pa ring pumapasok na Lecturer. Walang nakakaalam kung bakit pero mukhang pabor naman sa lahat. Halos lahat ng classmates ko ay busy. May mga naglalaro ng video games, may mga kumakain, may mga natutulog, may naghaharutan, nag-aasaran at may iba din na parang may sariling mundo.

Si Keith ay busy. Hindi ko alam kung ano ba 'yong ginagawa niya, ayaw niya kasing magpa-distract.

Si Jaypee at Franzen naman, parang ayaw mahiwalay sa isa't isa. Buti naman at hindi pa sila nilalanggam sa kasweetan nilang dalawa. Sana all lang, noh?

Si Xander? Hanggang ngayon ay wala pa siya rito. Siguro ay importante ang pinag-usapan nila ni Dean. Napag-alaman ko lang naman na siya pala ang President ng Student Council at na-elect siya last year. Kaya pala busy ang kuya.

Sinimulan ko na ngayon ang pagsulat sa blog ko para mamaya pag-uwi, hindi na gaanong mataas ang idadagdag ko. Medyo tamad pa naman ako pero medyo lang naman, mga 80%.

"Walang lecturers na papasok ngayon, Guys."

Napatingin kaming lahat sa harapan nang may biglang sumigaw. Ang President lang pala.

May mga kaklase akong nagsaya na tumatalon-talon pa. May iba rin namang parang pinagsakluban ng langit at lupa— iyong mga kaklase namin na mukhang mga nerd.

Tumatalon-talon pa si Xander papalapit sa gawi namin. Magkakatabi lang din naman kasi kami ni Jaypee, Franzen at Keith.

"Guys, walang klase ngayon. Ano? Dating gawi?" tanong niya nang nakalapit na siya sa 'min.

"Sorry, Xander. May tatapusin pa kasi ako, eh. Kayo na lang muna," sagot ni Keith at ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya.

"Sayang naman. Eh, kayong dalawa?"

"May date kami ni Franzen, Bro."

Napasimangot si Xander. Siguro ay may nakagawian na talaga silang gagawin tuwing walang lecturer o walang klase.

"Kayo na lang muna ni Raya, Xander."

Gulat kaming napalingon ni Xander kay Franzen na nakangisi na ngayon.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Jaypee.

Hindi ko alam kung anong plano nila pero parang pabor sa 'kin, Haha. Actually, gusto ko talaga silang mas makilala pa isa-isa.

Nagpaalam na ang mag-jowa at may pupuntahan pa raw sila. Si Keith naman ay hinayaan na lang namin, mukhang importante pa naman ang ginagawa niya.

Niyaya ako ni Xander na bumili ng snacks sa canteen.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa 'kin nang nakapasok kami sa canteen.

"Kahit ano. Hindi naman ako mapili, eh."

Tumango lang siya at sinabi sa cashier— na siya ring nagbabantay ng canteen— ang order namin. Bumili siya ng dalawang mamon at dalawang bottled juice.

"What now?" tanong ko sa kaniya.

Nasa labas na kami ngayon sa canteen.

"Pupunta tayo ngayon sa mini-forest ng school. Doon kami palaging tumatambay tuwing wala kaming klase." Nag-umpisa na siyang maglakad kaya sumunod na lang ako sa kaniya.

"Since newbie ka naman. Maybe we should know each other. I mean... we're friends so we must know each other, right?" dagdag niya.

Friends?

"Yeah. Gusto ko rin kasing mas makilala ka," sang-ayon ko.

"Pardon?"

"Ang ibig kong sabihin is... gusto kong mas makilala kita— kayo na mga kaibigan ko."

"Okay," simpleng sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Huminto kami sa isang mini-forest. Malamig-lamig at presko ang simoy ng hangin dito at wala masyadong tao. Ipinalibot ko pa ang tingin ko sa buong paligid. Medyo may kalayuan ito sa mga building. May mga duyan din dito na gawa sa kawayan. May mga sementong lamesa rin dito kung saan pwede kang makapag-aral doon sa mga assignments mo.

"Dito kami laging tumatambay dahil presko ang hangin tapos mapayapa ang lugar. Nakaka-relax."

Totoo ngang nakaka-relax dito.

"Tara, do'n tayo." Turo niya sa dalawang magkaharap na duyan na gawa sa kawayan.

"Batuhan lang tayo ng mga tanong. Kung ano ang gusto kong malaman sa iyo, itatanong ko... gano'n ka na rin."

Tumango na lang ako sa kaniya at inumpisahang lantakan ang snack na binili niya sa 'kin kanina. Libre niya kasi iyon, sayang naman kung hindi ko kakainin.

"Ako na maunang magtanong," wika niya. "Bakit ka lumipat dito?"

Natigilan ako sa tanong niya. Bakit ako lumipat dito? Dahil may nakaraan akong gustong kalimutan. Dahil gusto kong takasan ang lugar na palaging nagpapa-alala sa 'kin sa bangungot na naranasan ko. Dahil gusto kong mag-move on. Dahil gusto kong makalimot.

"Gusto ko lang. Balita ko kasi, magagaling ang mga lecturer dito, kaya rito ko naisipang lumipat," pagsisinungaling ko at nagpeke pa ako ng tawa.

Pinili kong magsinungaling hindi para manloko ng tao. Nagsinungaling ako para sa kapakanan ko, dahil wala pa akong lakas ng loob na magkwento tungkol sa bangungot na dinulot ng nakaraan ko.

"Good choice. Magagaling din naman talaga iyong lecturers dito." Tumatango-tango siya at inumpisahan na ring kainin ang snack na binili niya.

"Matagal na kayong magkaibigan ni Keith?" ako naman ang nagtanong sa kaniya.

"Oo, matagal na kaming magkaibigan niyang si Keith. Siguro first year highschool pa lang kami, magkaklase na kami niyan. Approachable siya, matalino at simple pero may pagka-pranka nga lang kung magsalita. Naging mas close kami noong naka-team namin siya sa Math Quiz Bee. Kasama ko rin do'n si Jaypee at Franzen. Simula noon, palagi na kaming magkasamang kumain, gumala, at tumambay rito."

Ang haba magpaliwanag, ah. Siguro matataas points nito sa essay... mahaba mag-explain, eh.

"I see."

"Anong paborito mong ulam?" siya naman ang nagtanong sa 'kin.

"Paborito kong ulam? Adobo, kare-kare at sinigang." 

"Ah magkaiba pala tayo, kasi 'yong mga paborito kong ulam mostly mga Korean foods eh. Half-Korean kasi ako."

Kaya pala siya singkit.

Medyo tumagal ang naging usapan namin ni Xander. Nalaman niya ang mga paborito ko at nalaman ko rin naman ang sa kaniya. Nalaman ko lang naman na gusto niyang maging isang director... mahilig daw kasi siyang mag-takes ng videos o mag-document.

Umabot pa sa mga ideal partner namin ang usapan. Napag-alaman kong ang gusto pala niya sa isang babae ay iyong mabait, simple, at responsable.

Hindi ko mapigilang ikompara ang sarili ko sa katangian na gusto niya sa magiging future partner niya.

Simple ang gusto niya, simple rin naman ako. Gusto niya ng responsable, responsable rin naman ako. Sa mabait lang talaga ako medyo may problema... masayahin lang ako pero hindi ako gano'n kabait lalo na sa mga hindi rin naman naging mabait sa akin. Gano'n naman yata talaga, 'di ba?

Masarap siyang kasama. Iyong tipong malilimutan mo ng panandalian ang mga problema mo, iyong puro lang tawa. Nakakagagaan ng loob.

Napatigil lang kami sa pagku-kwentuhan dahil tinext siya ng kasamahan niya sa Student Council. Pinapatawag daw lahat ng students dahil may i-aannounce raw ang Dean na gaganapin sa gym.

Tinext na rin namin sila Keith, Jaypee at Franzen na sa gym na lang kami magkikita-kita.

Hindi pa gaano karaming estudyante ang nasa loob na ng gym pagkapasok naming dalawa ni Xander. Pumunta kami sa may gilid ng stage— sa kanang bahagi.

Ilang minuto rin ang lumipas bago dumating ang tatlo.

"Guys, do'n lang ako sa stage," wika ni Xander at tumalikod na sa 'min.

Unti-unti nang napupuno ng mga estudyante ang gymnasium.

"Tungkol saan ba 'tong announcement?" nagtatakang tanong ni Franzen.

Nagkibit lang kami ng balikat dahil hindi rin naman namin alam kung tungkol saan ito.

"Good Afternoon, everyone. Please be seated," ani Xander sa mikropono dahilan para biglang tumahimik ang buong gymnasium.

"Ladies and Gentlemen, please all welcome, Dean Lopez," dagdag niya.

Umakyat sa stage ang medyo may katandaang lalaki. Sakto lang ang tangkad nito at ang pangangatawan. Masasabi mo talagang professional dahil sa tindig niya.

Sinalubong siya nang isang malakas na palakpakan ng mga estudyante.

"Siya 'yong Dean?" bulong ko kay Keith.

Tumango lang sa 'kin si Keith.

Medyo pamilyar sa akin ang mukha ni Dean. Parang nakita ko na siya dati, pero hindi ko ma-recall kung saan at kailan ko siya nakita.

"Good Afternoon, students. Gusto ko lang sabihin sa inyo na may event tayo the day after tomorrow. Our event will be Ms. Campus 2014, tulad lang siya no'ng dati but with a twist."

Umani ng samo't saring reaksyon ang sinabi ni Dean.

First day of class pa lang pero may event na kaagad. Sana palagi na lang gan'to para walang klase. Haha

"Every section is magkakaroon ng representative. But the challenge is, bibigyan lamang namin kayo ng isang araw. Bukas na bukas ay ibibigay namin ang buong araw sa inyo para makapag-prepare. Understood?"

Kabi-kabilang bulungan ang mga estudyante. May mga hindi sang-ayon sa sinabi ni Dean pero mas marami ang sumang-ayon at nae-excite.

May iba pang sinabi si Dean sa harapan pero hindi na gaanong nabigyan ito ng pansin ng mga estudyante dahil halos lahat ay ang Ms. Campus ang pinag-uusapan.

"Hindi ko na papahabain pa ang mahaba kong announcement. You may now leave. Thank you, Students," ani Dean at bumaba na sa stage.

Unti-unti nang nagtayuan at lumabas ang mga estudyante.

"Raya."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status