Share

Chapter 5.1

Lumingon ako nang may tumawag sa 'kin. Si Alexander lang pala.

"Ikaw na lang daw ang mag-represent sa section natin sabi ni Sir Leron," saad niya.

"Hala. Ba't ako?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

Ako? Parang hindi naman yata bagay.

"Ang adviser daw kasi natin ang mag-oorganize no'ng event kaya si Sir Leron ang naatasang mag-manage sa section natin. At siya na rin ang nagpili sayo," paliwanag niya.

"Raya, payag ka na. Total, maganda ka naman tapos matalino," singit naman ni Franzen na nakikinig din pala.

Well, hindi lang siya ang nakikinig, pati 'yong dalawa— si Keith at Jaypee.

"Oo nga. Beauty and brain din kasi 'yang Ms. Campus kaya ka siguro pinili ni Sir Leron dahil matalino ka," sang-ayon naman sa kaniya ni Jaypee.

Kahit kailan talaga, supportive itong si Jaypee kay Franzen.

"Hala. Hindi naman ako matalino, sinuwerte lang ako no'n," pabalang ko sa kanila.

"Sinuwerte? Ano na lang sa 'min? Malas na malas, gano'n?" ani Keith dahilan para magtawanan kami.

"Sige. Kung 'yan ang sabi ni Sir."

Talo naman talaga ako sa kanila. Apat sila at mag-isa lang ako. Try na rin natin 'to at baka swerte ako rito.

Lumabas kami nang gym na may malapad silang mga ngiti. Iyong parang nanalo sa 3D lotto.

Ms. Campus, huh?

"Talaga, Anak? Ms. Campus?" tanong ni Mommy nang sinabi ko sa kaniya na ako ang magre-represent ng section namin.

Kakauwi ko lang ngayon galing sa eskwela. Kami lang dalawa ni Mommy ngayon dito sa bahay dahil bumisita raw si Daddy sa kaibigan niyang nasa hospital.

Magkatabi kami ngayon ni Mommy sa mahabang sofa sa sala.

"Opo. Hindi ko nga po alam kung bakit po ako ang pinili ni Sir Leron, eh."

"Alam mo, Anak. Hindi kayo mananalo niyan kung ganyan ka. Dapat confident ka. Pinili ka dahil alam ni Sir Leron na kaya mo."

Totoo nga naman. Bakit ako pinili? Dahil alam nilang kaya ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na may naniniwala pala sa mga kakayahan ko.

"At saka may pa-twist pa po sila Dean. Bibigyan lang daw po kami ng isang araw para mag-prepare."

"Challenging," komento ni Mommy.

"We know, Mom."

"Just tell me kung ano ang mga kakailanganin niyo, ha?"

Tumango lang ako sa kaniya at humiga sa mahabang sofa at ginawang unan ang hita ni Mommy.

Nagkwentuhan pa kami ni Mommy tungkol sa mga karanasan ko sa Batangas. Syempre, hindi ko sinabi ang tungkol do'n sa dahilan kung bakit ako umalis do'n. Paulit-ulit tinatanong ni Mommy kung bakit, pero sinabi ko na lang na miss na miss ko na kako silang dalawa ni Daddy.

Nakaramdam ako nang pagod kaya nakatulog ako sa hita ni Mommy.

"Tumalab na ba ang pinainom mo, Bro?"

"Ako na ang mauna, guys. Total, girlfriend ko naman 'yan," wika ni Vince.

Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid kahit medyo malabo ito. May mga lalaking nakapalibot sa 'kin at isang babae na hindi ko kilala.

Hindi ko gaanong naaninag ang mga mukha no'ng mga lalaki pero kilala ko ang mga boses nila. Hindi ko rin naaninag nang maayos ang mukha no'ng babae pero matangkad siya at sexy.

"Sige na, Vince. Simulan mo na para kami naman."

Hinihingal na napabalikwas ako nang bangon. Dinalaw na naman ako ng bangungot. Bangungot na gustong-gusto ko nang kalimutan.

Palagi ko 'yong napapanaginipan simula no'ng gabing 'yon.

"Anak, okay ka lang? Anong nangyari sa 'yo?" natatarantang tanong sa akin ni Mommy.

"O-okay l-lang, Mommy."

Umupo siya sa tabi ko at pinainom ako ng tubig.

"Shh. Im here, Baby. Andito si Mommy, don't worry." Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. 

Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Ito palagi ang nangyayari sa 'kin tuwing gabi. Gabi-gabi akong umiiyak dahil palaging nanunumbalik sa akin ang sakit na dulot ng pangyayaring iyon. Hindi na bago 'to sa akin pero ang sakit pa rin. Ang sakit-sakit.

"I'm Ho—"

Nabitawan ni Daddy ang dala niyang paper bag nang nakita niya akong umiiyak sa balikat ni Mommy at dali-daling lumapit sa 'min.

"What happen?" nag-aalalang tanong niya.

Ayoko ko sanang magkuwento o magsabi man lang sa kanila pero parang kailangan kong bawasan ang bigat na dala-dala ko. At saka parents ko naman sila. They have the right to know kung anong nangyayari sa akin.

Humiwalay ako nang yakap kay Mommy at hinarap sila.

"Napanaginipan ko na naman po kasi."

"Napanaginipan ang ano, Anak?" nagtatakang tanong sa 'kin ni Mommy.

"T-This summer po kasi... nagkaroon nang isang birthday party ang classmate ko," panimula ko. "Ayoko po sanang sumama kaso... pinilit po nila ako."

"No'ng patapos na po ang party, pinainom nila ako nang isang alak na... may pampatulog. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari habang tulog ako no'n, Mommy, Daddy. Basta pagkagising ko lang po, may nakita po akong dugo sa hinihigaan ko... at masakit po ang mga hita ko." 

Napatakip si Mommy sa kaniyang bibig at naiiyak na habang si Daddy naman ay nakatulala pero bakas ang galit sa kaniyang mga mata.

"Bakit 'di mo agad sinabi, Anak?" tanong sa 'kin ni Mommy.

"Ayoko po... ayoko ko lang pong m-makadagdag s-sa m-mga problema niyo ni D-Daddy."

Biglang tumayo si Daddy at napasabunot sa buhok.

"Sinong gumawa sa 'yo no'n, Raya?" ani Daddy at bakas sa boses niya ang galit.

"Iyong mga classmate ko po at... 'yong boyfriend ko."

Hindi sila nagulat nang banggitin ko na may boyfriend ako. Nagulat sila dahil sa nalaman nilang kasama ito sa gumawa sa akin no'n.

Akmang lalabas ng bahay si Daddy pero pinigilan siya ni Mommy.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Mommy kay Daddy.

"Sa Batangas. Pupunta akong Batangas at hahanapin ang gumawa no'n sa anak natin!"

Ito ang dahilan kung bakit ayokong sabihin sa kanila dahil alam kong gan'to ang magiging reaksyon nila.

Tumayo ako at hinawakan si Daddy sa braso.

"Daddy. Huwag na lang po. Ayoko po nang gulo," pagsusumamo ko.

Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Daddy. Hinawakan niya ako sa balikat at iniharap sa kaniya.

"I'm sorry, Anak. I'm sorry dahil wala kami sa tabi mo no'n. I'm sorry dahil... naging busy kami masyado at hindi ka namin natutukan. I'm sorry, Anak." Niyakap niya ako nang mahigpit.

Lumapit na rin sa 'min si Mommy at yumakap. Mas lalo akong naiyak sa posisyon namin ngayon. Sinong mag-aakalang mayayakap ko sila Mommy't Daddy sa ganitong sitwasyon pa?

Hindi na muna ako kumain ng hapunan. Medyo pagod na rin kasi ako. Bago umakyat sa kwarto ko, sinabihan pa ako nila Mommy na 'wag ko daw i-lock ang pinto ko't doon sila matutulog ni Daddy mamaya.

Nasa kwarto na ako ngayon, nakaupo lang ako sa kama ko dahil hinihintay ko sila Mommy. Ayoko pang matulog, natatakot ako na baka kapag matulog ako at ako lang mag-isa ay mapanaginipan ko na naman ulit 'yon.

Nakarinig ako ng mga yabag sa labas ng kwarto ko. Sila Mommy na siguro 'yon. Humiga na ako sa kama at nagpanggap na tulog.

Tama nga ang hinala ko dahil pumasok sa kwarto ko si Mommy't Daddy.

Dahil nakapikit ako, hindi ko alam ang ginagawa nila. Naramdaman ko na lang na medyo lumubog ang magkabilang gilid ng kama ko.

"Wala akong kwentang ina. Hindi ko man lang nabantayan nang maayos ang anak natin," wika ni Mommy at naiiyak na naman.

No, Mommy. Hindi iyan totoo. You're the best kahit matagal na panahon din na hindi tayo nagkasama.

Sinusuklay ni Daddy ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"Hindi man lang natin siya naalagaan," ani Daddy.

Gusto ko na naman sanang umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong makita na naman nila akong umiiyak. Ayoko na.

"Sleep tight, Baby." Hinalikan pa nila akong pareho sa noo.

Umayos silang dalawa nang higa sa tabi ko. Si Mommy ang nasa kanan ko habang si Daddy naman sa kaliwa.

Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog na ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status